HINDI na naman matanggal - tanggal ang pagkakangiti sa labi ni Davine habang tinitigan ang cookie na personal niyang inilagay sa isang frame. Why? That is because literal siyang pinahirapan ni Evangelion na makuha ang cookies na ginawa nito. Tandang - tanda pa niya kung paano namula ang mukha ng girlfriend niya habang kinakain niya ang nasabing biskwit. "Sigurado ka ba na hindi ka pa nababaliw riyan?" tanong kaagad ni Lerie nang nakita niyang nakangiti na naman sa iisang sulok si Davine. Nangunot ang noo ni Davine sa narinig, "At kailan pa naging sign ng kabaliwan ang pagngiti?" "Kailan pa? Ngayon," ang sarcastic na sagot ni Lerie. "Kanina ka pa nakangiti na parang timang riyan eh. Tapos nakatitig ka pa sa cookie na iyan." Tinapik na lamang ni Davine si Lerie, "Nasasabi mo lang iyan sa ngayon dahil hindi mo pa nararanasan ang umibig." "Well, I have knowledge about the art of love kaya---" Hindi na natapos pa ni Lerie ang kanyang sinasabi dahil binara na siya ni Davine nang oras na iyon, "Art of flirting ang alam mo, hindi love. Hindi mo naman masasabi na nagmamahal ka kung hindi ka rin naman nakakaranas ng sakit." "As if namang marunong kayong mag - away ng girlfriend mong si Evangelion," sabi ni Lerie. "We just know how to handle things in our own way," ang kalmadong sabi ni Davine. "Hindi naman siguro tatagal ng kalahating taon ang relasyon namin kung puro pride lang ang paiiralin namin pareho." Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Lerie nag oras na iyom, "Seriously, hindi ko talaga naiintindihan ang sinasabi mo." MABILIS na lumipas ang mga araw at hindi na namalayan ng magkasintahan na malapit nang sumapit ang unang taon ng una nilang pagkikita. As usual, lagi pa ring busy si Davine sa schedule ng Comeback lalo na at nasa kasagsagan sila ng kanilang kasikatan. Ganoon pa man, ay hindi niya nakakalimutan ang pagtawag sa dalaga kapag hindi niya ito nakikita. Lihim din siyang nagpapasalamat dahil hindi nagpapaapekto si Evangelion sa mga isyung lumalabas na babaero siya. Why? That is because alam ng dalaga na loyal siya, stick - to - one sa relasyong mayroon sila. "Bes, swerte ka rin kay Davine, ano?" tanong no Abegail kay Evangelion habang naghihintay sila ng customer na papasok sa bakeshop. "Swerte? Saang banda?" tanong naman ni Evangelion. "Daig pa kaya namin ang may long distance relationship." "Doon ka nga swerte Bes eh," sagot naman ni Abegail. "Para kayong LDR na hindi." Nangunot na lamang ang noo ni Evangelion sa sinabi ng kaibigan. Seriously, hindi niya alam kung saang banda naging maganda ang relasyon nilang dalawa ni Davine. Ang tanging advantage lang yata niya ay ang pagiging loyal ng binata sa relasyon nilang dalawa. "Swerte ka kay Davine kasi napakaloyal niya tapos lahat ng kantang ginagawa niya eh dedicated palagi sa iyo," sabi kaagad ni Abegail nang napansin niya ang pangungunot ng noo ni Evangelion. "Ang sweet kaya ng ganoon." "Baka naman siya ang swerte dahil hindi ako selosa," pangangatwiran naman ni Evangelion. "At ano ang sweet sa ginagawa niya eh kapag may away kami laging may kanta siyang pantapat." "Na sumisikat pa?" "Nope, subukan lang niyang ilabas iyon at kakalbuhin ko talaga siya," sabi kaagad ni Evangelion sa kaibigan. "Aww... napakasweet talaga niya. In fairness, nakakakilig kayong dalawa," panunukso ni Abeigail kay Evangelion. "Sana ay ganyan din ang maging boyfriend ko in the near future." "Kung ako sa iyo, hindi ko na hihilingin pa na magkaroon ng isang boyfriend na idol kasi mahirap din namang pagtagpuin ang mga oras namin," sabi ni Evangelion sa kaibigan. "So ang sinasabi mo ba ay sawa ka na sa relasyon ninyong dalawa ni Davine?" ang nang - iintrigang tanong ni Abegail sa dalaga. Isang mabilis na iling ang isinagot ni Evangelion sa kanyang kaibigan. Hindi pumasok sa isipan niya ang tungkol sa pagkasawang iyon. Bakit? Hindi rin niya alam ang kasagutan. Ang alam lang niya ay masyadong magical ang salitang pag - ibig na hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay. Sapat na sa kanya ang makita ang kanyang boyfriend na laging satisfied sa mga kantang ginagawa nito. "SUSUNDUIN kita mamaya, date tayo," sabi kaagad ni Davine nang nakontak na niya ang dalaga. "Ilang buwan na ang lumipas buhat nang huling date natin." "Baka naman may schedule ka lang na tinatakasan kaya nag - aaya ka ng date," ang pabirong sabi ni Evangelion sa binata. Napanguso na lamang si Davine sa isinagot sa kanya ng dalaga. Mababakas kaagad sa tinig ng dalaga na nawala sa isipan nito ang tungkol sa first anniversary nilang dalawa. Siyempre, hindi talaga siya papayag na hindi nila iyon maipagdiwang. Why? Tha is because napakahalaga ng date na iyon. Hindi niya gugustuhing mauwi lang sa wala ang effort na naisip niya para sa date nilang dalawa. "Libre ako ngayon kaya make sure na walanh matitirang cake riyan ngayong gabi," sabi ni Davine sa dalaga. "Yeah, sure. Ipapaubos ko kaagad sa pamamagitan ng pamimigay ng hubad mong picture," sagot naman ni Evangelion na tinawanan lamang ni Davine. "As if namang may makikita sila sa akin. Hindi for sale ang boyfriend mo," sabi ni Davine. "Ikaw lang ang may karapatang makakita sa hubad kong katawan." "Siraulo!" "Sa iyo." Napapailing na lamang si Lerie habang pinapakinggan ang usapan ng magkasintahan. Sa totoo lang ay nandidiri siya sa kakaibang lambingan ng dalawa. Hindi talaga niya maintindihan ang meaning ng salitang pag - ibig. Kulang na lang ay masuka siya sa mga naririnig niya. "Seriously, ano ang pumasok sa isipan mo at naisipan mong ganito ang gawing setup sa date ninyo?" tanong kaagad ni Lerie nang natapos na ni Davine ang tawag. "This is a special day for us kaya naman gusto kong special din ang date naming dalawa," sagot naman ni Davine. "Kasama ba iyan sa publicity mo ngayon?" tanong na naman ni Lerie sa kaibigan. "I do not mean to offend you in any way." "If this is for publicity lang, then hindi ko na ito lalagyan pa ng effort," sabi ni Davine. "At hindi lo na rin sana kakailanganin pa ang tulong mo kung ang plano ko lang ay ang magpasikat." Biglang naituro ni Lerie ang kanyang sarili nang oras na iyo ," Me?! Ano naman ang kailangan mo sa akin?!" ang sunud - sunod na tanong niya sa binata. "Ikaw ang susundo sa kanya," ang simpleng sagot ni Davine. "In a kidnapping way." "Huh?!" "Basta, magdala ka na lamang ng malaking panyo mamaya!" ang inis na sabi ni Davine nang nakita niyang slow ang pang - intindi ng kaibigan. GULAT na gulat si Evangelion nang nakita niya si Lerie. Hindi niya expected ang bagay na iyon dahil si Davine mismo ang nagsabi na ito ang susundo sa kanya. "Nasaan si Davine?" tanong kaagad niya sa binata nang lumapit na si Lerie sa kanya. "Sa pagkakaalam ko ay siya ang susundo dapat sa akin." "Si Davine? Wala pa ba siya rito? I thought na nauna na siya sa akin papunta rito kanina," sabi kaagad ni Lerie in an innocent voice. "Nasaan na kaya ang mokong na iyon?" "Eh bakit ka naririto?" tanong na naman ni Evangelion sa binata. "Wala ka naman yatang nililigawan sa lugar na ito eh." "Napag - utusan lang na silipin muna kung may ibinebenta pa ba kayo o wala na. Tawagan ko lang saglit para malaman na natin kung nasaan na siya," sabi ni Lerie na tinanguan na lamang ni Evangelion. Samantala... Kitang - kita ni Abegail si Lerie na kausap ang kaibigan niya nang oras na iyon. Hindi siya mapalagay dahil ang pakiramdam niya ay may mali sa sitwasyon. Sa pagkakaalam niya ay si Davine dapat ang sumundo kay Evangelion at hindi si Lerie. Kahit na member rin ng Comeback ang binata ay hindi pa rin niya ipagkakatiwala ang kaibivan niya sa kamay nito. Binunot kaagad niya ang phone niya sa bulsa ng suot na pantalon at itinext niya kaagad ang dalaga. "Bes, 'wag kang sasama sa playboy na iyan," sabi kaagad ni Abegail sa kaibigan. "Masama ang kutob ko sa kanya." "Ay, tamang hinala ka lang kay Lerie, bes? Comeback member rin naman siya ah!" "Ewan! Basta, wag kang sasama sa kanya kung ayaw mong malintikan sa akin!" Nangunot kaagad ang noo ni Abegail nang napnsin niyang itinago kaagad ni Evangelion ang gamit na phone. Hindi na siya nagtaka pa nang nakita niyang nakabalik na si Lerie. Hindi naman niya alam kung ano ang pinag - uusapan nilang dalawa nang oras na iyon. "Pssst... Ano ang sabi niya?" tanong niya kaagad kay Evangelion nang oras na iyon. Ilang minuto pa ang lumipas at isang reply na rin ang nakuha niya mula sa kaibigan. "Alis na raw kami. Ihahatid na raw niya ako sa location ng date namin ni Davine," reply kaagad ni Evangelion nang oras na iyon. "'Wag ka na ngang mapraning at alam naman natin pareho na mabait din naman si Lerie." Sasagutin pa sana ni Abegail ang text sa kanya ni Evangelion nang may biglang humablot pataas ng cell phone niya. Pagtingin niya ay nakita na niya iyon sa kamay ng kinaiinisang member. Tinangka niyang agawin ang phone niya mula sa binata ngunit hindi niya iyon naabot. Why? That is because of height difference. Mas mataas ng fifteen centimetres si Lerie sa kanya. "Karma is real, bes," ang nakangising sabi ni Lerie sa dalagang naaasar na nang oras na iyon. "Gusto mo bang makuh ang phone mo?" Imbes na sumagot ay pilit na naman niyang hinablot ang phone niya ngunit mabilis naman iyong naiwasan ni Lerie. Isang glare na lamang ang naibigay niya sa binata. "'Wag kang mag - alala at wala naman sa plano ko ang mang - agaw ng girlfriend," sabi ni Leri. "Makakarating si Evangelion kay Davine nang ligtas." "Wala akong tiwala sa iyo," sabi ni Abegail in a hissing tone. "Sige bes, okay lang sa akin." AS expected, nagulat si Evangelion nang biglang tinakpan ni Lerie ng malaking panyo ang mga mata niya. Nakaramdam siya ng kaba nang oras na iyon. "'Wag kang matakot at sinusunod ko lang ang utos ni Davine. Stay put ka lang riyan, okay?"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Earljohn Lamug
salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias
salamat po Ito Lang po para makakuha Ng Dias at maramipang iba nagpapasalamat ako sa tulong Ng apps na Ito dahil Dito my iibigay na dias
14/11/2024
0nice apps
21/01/2024
0maganda sya
10/11/2023
0Tingnan Lahat