Matapos ang klase namin sa unang subject ay nagsilabasan na din ang mga kaklase ko. Recess time na din naman. Kami nalang magkakaibigan ang naiwan dito pati na din ang grupo ni Frauen. Kanina pa talaga ako hindi mapakali kase pakiramdam ko may nakatitig sakin. Kasalukuyan kaming nag-aantay sa susunod na professor nang pumasok ang adviser namin. Nagsibalikan naman sa kani-kanilang upuan ang mga kaklase ko at nakinig sa announcement nito. "Next week is our Intramurals so magiging busy ang lahat including the SSG officers to prepare everything that we needed for that activity." Panimula ni Ms. Geeza. "Just like last year there will be also a Mr. And Ms. Intramurals. So, every section are expected to have a participant. We will also have a photo booth, and sports." Dagdag pa nito nagsiingay naman ang mga kaklase ko. Excited sa darating na event. Hindi naman ako mahilig sa sports at kahit anong event sa school kaya sa mansiyon nalang siguro ako magtatrabaho. "Silence students! Let me finish first... Ms. Kryllin Gray you will be the one to choose whose your classroom representative for Mr. And Ms. Intrams since you were the class president" Ani ma'am at tinutukoy nito ang pinsan ni Frauen. Maganda din naman ito pero kasing cold ni Frauen. Minsan ko na siyang nakita noong pumunta siya sa mansiyon nina Frauen at doon natulog dahil raw pinagalitan siya ng kuya niya. Matangkad at may hubog na pangangatawan. She has a short wavy hair na hanggang balikat ang haba, may makakapal na pilik mata, matangos na ilong at kissable lips. She's beyond the perfect. Kilala din siyang isang sikat na model sa kompanya mismo ng kanyang mga magulang. I admire her beauty and achievements at her very young age. Tango lang ang isinagot nito sa guro. "Frauen and Loveighn you will be the one to list all the participants na sasali sa mga sports. And about the jersey and uniform for the game, the school will provide it. All you have to do is to participate."Mahabang wika ng guro. "okay that's all. You may start your practice starting today" dagdag nito at akmang lalabas na sa pinto nang may apat na babae ang pumasok. Ngayon ko palang sila nakita at halatang mga bago. Kinausap naman ito ni ma'am Geeza at bumalik ulit sa harap. "Okay class you have a new classmates. Girls you may now introduce yourself" baling nito sa apat na babae. " Hello everyone I'm Redgielene Diche. Frauen's cousin. 19 ang nag-iisang marupok sa balat ng lupa" Nakangiting pagpapakilala ng babaeng may kulay itim na buhok na hanggang kili-kili ang haba. Maganda din ito, may matangos na ilong at halos wala silang pinagkaiba ni Kryllin maliban lamang sa palangiti ito. May kissable lips at mala-abong mga mata na may pagka-singkit. "Buti buhay kapa!" sigaw naman ni Mark mula sa likuran na nagpatawa sa lahat. Sinamaan naman ito ng tingin ng nagpakilalang Redgielene. "Liza Carreon Diche, 19" walang ganang pagpapakilala ng babaeng may gray na buhok na hanggang beywang ang haba. May mga singkit itong mata, matangos na ilong at kissable lips. Nagmumukha siyang barbie sa subrang puti. Nagsimula namang nagbubulong bulangan ang mga kaklase namin at pinupuri siya. "Ethel Senarillos Gray, 19 Philipines! Naniniwala sa kasabihang 'Aanhin pa ang kabayo kung ang pag-ibig ko'y patay na' and I thank you!" confident na wika naman ni Ethel at ginagaya pa sina Catriona Gray at Pia Wurtzbach. Natawa naman kami pati na din si ma'am Geeza. "Haler Ethel. Wala ka pa ding pinagbago, anong connect ng kabayo don?" wika naman ni Erel na nagpatawa sa lahat. Magkakilala sila, ibig sabihin hindi na sila bago dito. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan sila isa-isa. "Gee Diche, 19" Pagpapakilala nito na nagpatahimik sa lahat. Hindi mo siya makikitaan ng kahit anong bahid ng emosyon sa mukha. Maganda din ito. May maipagmamalaki talaga ang lahi ng mga Gray at Diche. Mga pinsan pala ito ni Frauen kaya hindi na nakakagulat na kilala sila. Matapos nilang nagpakilala ay nagsiupuan naman sila at nagpaalam na din ang guro. Tahimik lang akong nakaupo habang natingin sa labas ng bintana. "Mars!!! Ikaw ha di mo na kami kilala? Sige ka magtatampo kami" wika ng nagpapakilalang Redgielene kanina sabay yakap kay Lorry na naka-pout. Taka naman akong tumingin sa kanila. Ganun din si Brenda habang nakataas pa ang isang kilay. "Hindi no, asan ang pasalubong ko?" Tugon naman ni Lorry dito at kumalas sa pagkakayakap. "You're so bad Lor. Hindi mo man lang kami ikakamusta?" Naka-pout na wika ng nagpakilalang Ethel kanina at yumakap din dito sabay kiss sa chicks ni Lorry. Naguguluhan naman kami ni Brenda na pinapanood lang sila habang palipat-lipat ang tingin. Matagal na kasi naming nakasama si Lorry ngunit ni minsan ay wala itong ikinuwento na may mga naging kaibigan siya dito. Ang alam lang namin ay dito siya galing. "Ano ba kayo! Of course I miss you no and... I don't need to ask you if y'all fine kasi wala naman kayong sugat at pasa" nakangising ani Lorry at bumaling naman ito sa babaeng nasa likod nong Ethel. "Gee! Carre!" tili nito sabay tayo at dinambahan ng yakap ang dalawang babae. Kung makasigaw to parang walang ibang tao dito. "We miss you Lor" sabay na wika ng dalawa at pinaghahalikan si Lorry sa pisngi. Napatigil naman sila ng tumikhim si Brenda. I wonder how many years they haven't seen each other. "Care to tell us, sis?" Taas kilay na tanong ni Brenda sa kapatid. Natawa naman ng mahina si Lorry bago humarap ng maayos sa amin. "Redge, Ethel, Carre and Gee si Feine nga pala kaibigan ko tapos si Brenda kapatid ko" nakangiting pagpapakilala ni Lorry samin. Nakipagkamay naman ang apat sabay hug. Ang kaninang cold nilang mukha ay napalitan. Parang unti-unti na din lumalabas ang totoong sila. "They are my childhood friends, sis. Hindi ko sinabi sa inyo kase alam niyo na" dagdag pa ni Lorry sabay taas baba ng kanyang kilay. Naguguluhan man ay tumango nalang kami. Nagsikwentuhan lang sila sa mga nakaraan at kung paano sila nagkakilala. Nakikisali din ako minsan kapag tinatanong habang si Brenda naman tanong ng tanong sa mga ito at tuwang-tuwa pa. Nagmumukha na siyang si Boy Abunda. Nakisali na din sina Kryllin, Juhnel, at Lizel habang si Ivan naman at si Shenny ay nasa gilid lang naglalandian. Napag-alaman namin na galing pala sa America sina Ethel at Redgielene habang si Gee naman ay sa Japan namanlagi, sa Italy naman nag-stay si Carre o Carreon dahil sa kanya ipinama ng kanyang lolo ang kompanya. I envy them for being successful at their age. "Loveighn kaninong panty yung nasa condo mo kanina?!" Sigaw ni Jennifer na nagpaagaw sa atensiyon ng lahat. Pinsan ito ni Loveighn. Natawa naman ang lahat maliban kay Loveighn na subrang sama ang tingin na ipinukol sa pinsan nito. Halatang kakapasok lang nito. Always late talaga ito sa klase namin at hangos na hangos pa kung dumating. "Hoy kanino yo..." Hindi na natuloy ni Jennifer and sasabihin nito nang biglang batuhin siya ni Loveighn ng ballpen. " Thanks for this couz, tamang-tama, nawala kasi ang pen ko kanina... pero 'yong panty kasi, kanino yon? Bakla ka na ba ngayon?" Natatawang dagdag pa nito na nagpaingay sa buong silid, habang hindi naman maipinta ang mukha ni Loveighn sa subrang inis. "Shut up!" Sigaw nito at lumabas ng room. Natawa naman kami sa reaksiyon nito. Sabagay ultimate womanizer naman ito kaya hindi na nagulat pa ang lahat. "Attention everyone! yung panty nga pala na naiwan may nakasulat pa na 'Monday' yun lang maganda ako " Anunsiyo pa ni Jennifer habang nakatayo sa harap nag-bow pa ito bago naupo. Mas lalong natawa ang lahat habang napairap naman sina Dianne. Ang iba ay napahawak pa sa kanilang tiyan habang 'di mapigil sa kakatawa. MATAPOS ang pang-umagang subject ay lumabas na ang mga kaklase ko. Nauna na din sin Erel dahil nagugutom na raw sila. Si Lorry at Frauen naman sa labas raw kakain. I think may something talaga sa dalawa. Kami nalang nina Brenda, mga pinsan at ang mga yokai na kaibigan ni Frauen ang naiwan dito. "Feine sasabay kaba samin?" Tanong sakin ni Steve habang nakapamulsa ito. Tango lang ang itinugon ko kase wala naman si Frauen. "Excuse me yokai. Samin siya sasabay duh" wika ni Brenda sabay irap kay Steve. Hinila naman ako nito palabas hanggang sa nakarating kami sa cafeteria. Sila na ang umorder at naghanap nalang ako ng mauupuan. Isang mesa nalang ang bakante at iyon ay nasa gilid ng counter. Uupo na sana ako dito nang may humablot sa kamay ko. Napadaing naman ako sa sakit ng kuko nito na bumaon sa balat ko. "Look a trash is trying to get our spot" maarting wika pa ni Dianne. Hindi ko siya pinansin at akmang tatalikod na nang higitin ulit ako nito. "Anong kailangan mo?" Walang emosyon kong tanong dito. Hindi ito sumagot bagkos ay ngumisi lang ito sabay kuha ng juice na hawak ni Mary at isinaboy ito sa mukha ko. Nagpipigil naman ako sa sarili ko na huwag gumanti. I promise to Frauen na hindi ako gagawa ng kalukuhan dito kung ayaw kong mawalan ng trabaho. Pinahiran ko ang mukha ko sabay tapon sa kanya ng masamang tingin. "Dianne, ayaw ko ng gulo" dagdag ko pa. "Oh! My bad. I thought you're a trash" Natatawang aniya sabay tapon ng plastic cup sakin at naglakad paalis. Napatingin naman ang ibang estudyante sa gawi ko. Nag-umpisa na naman silang magbulong-bulongan, pero ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. "Feine are you okay?" Nag-aalalang tanong sakin ni Brenda nang makalapit kasunod nito sina Redgie, Ethel, Carre at Gee na may dalang pagkain. Nginitian ko lang siya. Bigla akong nawalan ng ganang kumain. "Mauna na ako" wika ko at nag-umpisa nang maglakad palabas ng cafeteria. Tinawag pa nila ako ngunit hindi ko na iyon pinansin. Kailangan kong maging matatag dito alang-alang sa pamilya ko. Para sa kinabukasan ng mga kapatid ko. Huminga ako ng malalim upang pigilan ang mga luha ko na kanina pa gustong kumawala. Unti-unti na namang nagbagsakan ang mga ito habang tinatahak ko ang locker room. I have to bare this kasi alam kong lalagpas lang ito. Nasa kalagitnaan ako ng hallway nang biglang may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. Agad naman akong napalingon dito. "Feine" nakangiting sambit nito. "A-Austin?" gulat na usal ko at agad siyang niyakap at umiyak. Nabasa ko na din ang balikat niya sa mga luha ko. "W-what happened my princess?" Nag-aalalang tanong nito. Austin Kingster is my bestfriend since elementary at kabisadong-kabisado niya kung may sekreto ako. Gwapo din naman siya, may matangos na ilong, kissable lips, makapal na kilay at kulay brown na mga mata. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago siya hinampas sa balikat. "Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko. Sabi kase nito noon na sa America siya papaaralin ng daddy niya. His dad is one of our country's governor habang lawyer naman ang mommy niya. "Maiiwan ko ba naman ang prinsesa ko" aniya sabay kurot sa pisngi ko. Napabusangot naman ako. "By the way what happened to you? Bakit ang basa ng uniform mo?" Tanong nito. Nakalimutan ko palang hindi pa ako nakapagpalit. Umiwas ako ng tingin sa kanya sabay iling. "O-okay lang ako Tin. magbibihis lang ako" sambit ko at naunang naglakad papunta sa locker room. Hindi pa man ako naka-dalawang hakbang nang magsalita ulit ito. "Gusto mo samahan kita? Sino ang may gawa niyan sayo?" Sunod-sunod na tanong sakin ni Austin na nakasunod lang pala. "W-Wala. I'm okay Austin you don't have to accompany me" sagot ko sa kanya at sa daan pa din nakatingin. Alam kong magtatanong lang ang isang to kapag 'di ko sinagot. "Tsk. I know you, Feine. Are they treated you badly here?" Aniya. Hinarap ko naman siya at pilit na ngumiti sabay iling. "Okay lang ako Tin. Pwede mo na akong iwan dito" wika ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay. Napalingon naman ako sa likod ko nang biglang nagsitilian ang mga estudyante. Well, hindi na bago sa akin na maraming babae din ang nagkakandarapa kay Austin dahil 'di rin naman maipagkakaila na may ipinagmamalaki siya. Aside from being handsome, he so approachable and humble unlike kay Loveighn na subrang babaero. "No! Baka mamaya may gagawin na naman sila sayo" giit pa niya. "Sasamahan kita. I'll wait outs..." dagdag pa ni Austin ngunit agad din iyong naputol nang biglang may kung sino ang nagsalita mula sa likod namin. Napalingon naman kami dito. Buti nalang at wala na masiyadong estudyante ang dumadaan. "Hindi mo siya kailangang samahan kase nandito ako" Ani Loveighn at nakipagtitigan ng masama kay Austin. Taka namang napatingin sakin si Austin bago ulit binalingan si Loveighn habang nakapanghimulsa pa ito. "Kaano-ano ka ba niya ha?" Tanong ni Austin dito. Ngumisi naman ng nakakaloko si Loveighn sabay lakad papalapit dito at may binulong. Tila natigilan pa si Austin at agad din namang nakabawi. 'Ano na naman kayang sinabi ng yokai na 'to?' "Don't you ever try to touch my princess bastard!" Galit na wika ni Austin at halatang nagpipigil na huwag manakit. I know him ever since. Sa tuwing may lalaking lumalapit sa akin noon ay pinapaalis niya ito, kapag nagmamatigas naman ay umaabot sa suntukan. Bago paman may masamang mangyari ay pinagitnaan ko na sila. "Tin okay lang ako. Pwede mo na akong iwan" baling ko kay Austin. Nagdadalawang isip pa ito na umalis baka raw may gagawing masama ang yokai na'to, but I asure him that nothing will happen. Nang makalayo siya ay bumaling naman agad ako kay Loveighn na nakasandal lang sa pader. "Ikaw umalis ka na din!" Wika ko dito. Pero ang yokai iniinis pa ako. He just chuckled. "May tagos ka mahal na yokai" Aniya na nagpalaki ng mga mata ko. Tiningnan ko naman ang brown na palda na suot ko. Simple lang kase ang school uniform namin. May slacks at may palda din. Ivory color ang polo shirt na may built sa baba at may logo naman sa kaliwang dibdib. Sa lalake naman ay gray ang kulay ng pants habang ivory color din ang polo nito. 'Bakit ngayon pa kasi' Tumingin naman ako kay Loveighn nang hubarin nito ang kanyang jacket ay ipinulupot sa beywang ko. "Kaya pala ang highblood mo ngayon" natatawang wika pa nito. Sinipa ko naman siya sa tuhod kaya napahiyaw ito sa sakit at nauna na akong naglakad papasok sa locker room. Hinalungkat ko ang locker pero wala pala akong dalang extra pad. Napahilot naman ako sa sintido ko sa subrang katangahan. Hindi ko kase alam na ngayong araw pala ako dadatnan. "Are you okay?" Napatalon pa ako sa gulat nang may biglang magsalita sa gilid ko. Nakalimutan ko palang nandito ang yokai na'to. Buti nalang at wala ng ibang estudyante dito. Nakasandal lang si Loveighn sa locker habang may kinukulikot sa cellphone niya. 'mga babae niya na naman siguro. Hayst'. Why do I even care' Magpapakabait muna ako ngayon sa kanya kase wala akong ibang choice. "A-ahm Love pwede mo ba akong bilhin ng napkin?" Nahihiyang wika ko sabay kagat sa lower lips. Nakakahiya. Unang beses ko itong mag-utos at sa lalake pa. Nabitawan naman ni Loveighn ang hawak niyang cellphone at nakataas ang kilay na tumingin sakin. "Are you out of your mind woman? Ako pa uutusan mo!" Bulyaw nito. Hindi ko alam kong matatawa ba ako sa reaksiyon nito o magagalit sa sinabi nito. "Eh, may iba paba akong kasama dito yokai? Kung ayaw mo di 'wag! Si Austin nalang tatawagan ko" Sagot ko sabay paawa effect at kinuha ang cellphone mula sa bag. Magtitipa na sana ako ng number dito nang hablutin ito ng yokai. "Fine! Just stay here" aniya at nagmamadaling lumabas. "Woi!Yung cellphone ko yokai!" Sigaw ko pero nakaalis na yata. Ang dali namanpalang utusan. Nakangiti ko namang hinayon ang banyo upang makapaglinis ng katawan.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good
13/09/2024
0tha'ts good.
21/07/2024
0thank you
11/07/2024
0Tingnan Lahat