Homepage/The One That I Got/
CHAPTER 21
Naomih's POV
"Aray!"
"Sorry! Sorry! Hindi kita nakita!"
"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo! Nerd!!Alis!""
I sigh. Lutang talaga ako ngayong araw. Bumabalik sa isip ko yung sinabi ni Jendaya... Sobrang private pala ni Nathan sa buhay niya, sa sobrang private niya hindi ko tuloy naisip na sila pa pala ni Janine? Akala ko wala na sila.. kung umasta kasi si Nathan dito sa school ay parang wala siyang gf, kung umasta siya saakin ay parang hindi nag eexist si Janine. Malapit na ring mamuo ang feelings ko sa kaniya... Kaya hangga't maaga pa, kailangan ko na rin siyang iwasan. Wala na akong ibang choice. Ayoko rin makasira ng relasyon... Kaya ako na lang ang lalayo...
Nagpa tuloy ako sa paglalakadBabalik na ako kila Jen, baka kanina pa nila ako hinahanap.
"Kaya nga mom, para sayo naman itong ginagawa ko..." Napahinto ako ng may narinig akong boses. It was Krysstine at may kausap siya sa kanyang cellphone. Lumapit ako ng bahagya para marinig ko ang sinasabi niya.
"I won't maaa, don't worry, ipaghihiganti kita okay? I have to go, may klase pa ako. bye." Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay umalis na agad si Krysstine.
Ano yun? Anong paghihiganti pinagsasabi niya? Anong meron?
Napaka mysterious talaga ni tin2, bakit ba naging kaibigan siya ni Jendaya?
Hays! Napaka tsismosa ko din para makinig sa ginagawa niya. Makaalis na nga rito...
"Naomih?"
Sh*t. Kilalang kilala ko ang boses na yun..
Lakad lang Naomih, hwag mo siyang lilingunin!
"Naomih sandali." Napahinto ako sa paglalakad ng biglang huminto si Nathan sa harapan ko.
"B-bakit?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.
"Iniiwasan mo ba ako?" Ang lakas naman ng pang amoy nito.
"Hindi ah." Pag sisinungaling ko.
"Hindi mo kasi ako pinapansin, kanina pa kita tinatawag." Saad niya sabay kamot sa ulo niya.
I flashed a fake smile in my face.
"Saan pala punta mo? Hatid na kita."
"Wag na!" Mabilis na sagot ko sa kaniya. Ayokong umasa ulit pero itong Nathaniel talaga mahilig magbigay ng malisya!
"May pupuntahan kaba?"
Isip ng dahilan Naomih mag isip ka!!
"May ka date ako, magkikita pa kami! Sige ah una na ako!" Tumakbo ako papalayo. Ewan ko kung bakit ganun ang naisip kong idahilan. Bahala na... Bahala na!!
---------
Kye POV
@BigBees
"Kahit kelan talaga late nanaman ang Nathan." Napailing ako. Ang dami pa naman naming dapat gawin! Tambak tambak na rin ang mga group projects namin this sem! Nakaka stress! Pero dahil dalawang matatalino ang ka grupo ko eh medyo hindi na rin ako kinakabahan.
"Hintayin na lang natin." Sagot ni Lance sa reklamo ko.
Napatingin ako sa mukha niya, parang bukod sa group projects namin ay may iniisip pa siyang iba, i mean madali naman sa kaniya mga projects namin, maning mani niya lang yan. Pero yung itsura niya talaga... Parang malalim yung iniisip niya?
Naudlot ang mga iniisip ko kay Lancelot ng biglang dumating si Nathaniel. Mabilis siyang umupo sa tabi ko at magkasalubong lang naman ang kilay niya. Napangiwi ako... Pati ba naman to may problema din?
"Ahhh..... Sakto kumpleto na tayo. So ano una nating gagawin?" Masiglang tanong ko sa kanilang dalawa ngunit hindi sila kumikibo...
Ano bang problema ng mga to?
"Mga dude okay lang kayo?" Kita mo? Hindi ako pinapansin. Nakahalukipkip lamang sila at nakayuko. Ang hirap naman mag isip kung ano mga problema nito!
"Bahala kayo" inis na saad ko. May project pa akong poproblemahin.
Bigla akong napatingin sa pinto ng Bigbees at nakita ko sila Naomih at Jen kasama si Gelo.
Napangiti ako at kumaway sa kanila. " Hi Jen, Hi Naomih!! Hi din Gelo!!"
Bigla akong nagulat ng gumalaw ang dalwang lalake na kanina lang ay parang mga estatwang hindi ko makausap! Napalingon sila ng tinawag ko sina Jen at Naomih.
"Ahhh, so mga babae pala problema niyooo."
"Pinagsasabi mo?!" Si Lance
" Mind your own business dude." Si Nathan
Kaya pala hindi sila makausap kasi inlab
-_-
Pinatay ko ang laptop ko at inayos ang mga gamit ko.
"San ka pupunta?" Tanong ni Nathan.
"Pupunta ako kina Naomih."
"Why?" Si Lance.
"Bakit hindi? Magkakilala na rin naman kami. And besides, wala naman akong ginawang mali sa kanila.... Kayo ba?" Ngiting sabi ko. Yes.. that was sarcastic. Baka lang naman umamin sila kung ano mga ginawa nila, pero alam ko, mas matigas pa sila sa bato... Kaya ill make my move nalang.
"Oh bantayan niyo yung gamit ko, punta lang ako doon."
Tumayo ako at napapunta sa lugar kung saan nakaupo sila Naomih at Jen.
"Hi Girls!"
"Hi Kye! Ano ginagawa mo dito?" Pa cute na wika ni Gelo
" Wala naman. Chitchat lang ganun."
I feel my phone vibrating in my pocket.
//2 messages//
Nathan: Ano pinag uusapan niyo?
Lance: may sinasabi ba si Jen sayo?
Mabilis akong napatingin sa kanila at kinindatan ko lamang sila sabay ngiting aso. Hahaha. Ayaw niyo magsalita kanina ehh!
//2 messages//
Nathan: Tanungin mo si Naomih kung galit siya sa akin.
Lance: ask Jen if she's angry.
Kita mo? Kung may kailangan doon ka papansinin.
"Naomih, galit kaba kay Nathan?" I asked, directly.
"Nope, ano naman reason bat ako magagalit sa kaniya?"
Mabilis akong nag type sa phone ko, una kong nireplayan si Nathan.
"Oo dude, galit na galit daw siya, nangagalaiti sa galit. Ka sumpa sumpa ka raw"
"Ikaw Jen? Galit ka kay Lance?"
Her eyebrows met at the middle. " Ha? Bat ako magagalit? Hindi niya naman ako binully this past few days."
Nagreply ako kay Lance.
"Yes dude. Galit na galit sayo, kinasusuklaman ka raw niya."
"Bat ganyan mga tanong mo Kye?" Tanong ni Gelo saakin.
Mabilis kong tinago ang phone ko sa bulsa.
"Wala naman. Tinanong ko lang, hehe"
"Kami magagalit kami sayo kapag hindi mo kami nilibre."
"Oww. Order what you want. Ill pay"
"Yes!" Nag apir silang tatlo.
I took a glance in them. Pulang pula mga mukha nila habang pindot ng pindot sa kanilang mga phone.
I grab my phone in my pocket.
//Lance: 6 missed call //
//Nathan: 8 missed call//
Nathan: tanungin mo si Naomih kung pwede ko siyang makausap.
Lance: umalis ka diyan, kakausapin ko si Jen
Confirm na confirm nga, babae nga ang rason kung bakit tulala sila. Lol.
Hindi pa ako nakakareply ay hinablot na ni Lance si Jen papalabas.
"Aray! Lance! Ano ba?!" Triggered naman masyado yun. Hahaha
"Naomih, can we talk?"
"Dude, ang bilis mo rin ha? Kanina lang nandun ka, tapos nandito kana?" Masiglang tanong ko sa kaniya. Pinataliman niya ako ng tingin.
"Here, take that money Kye! Leave! Mag uusap lang kami."
Mabilis akong tumayo.
"Tara Gelo, may pera na ako panlibre sainyo!"
"Gusto ko yan!" Agad na ring tumayo si Gelo at sumama sa akin.
"Hindi ko alam ang nangyayari, pero okay na din kasi may pera na tayo pangkain!" Nag apir kami pareho.
See? I am the one and only MordeKye, smart enough to make that thing!
Well Not a Beginner's Luck! But a Deal Talent 😎!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (7)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
gandaa
26/02/2023
0nice
24/05/2022
0Ate naghihintay po aq sa update niyo 😭
05/05/2022
1Tingnan Lahat