Homepage/Not Ordinary Princess/
Who's that girl
♥︎** PRINA **♥︎
" Saan tayo Mahal na Prinsesa? " nang aasar na tanong nya. Hindi man siya nakatingin sakin dahil nagmamaneho at nasa daan ang kanyang atensyon ay maririnig mo naman ang panunukso sa boses niya.
Prinsesa my ass.
Umirap ako sa kawalan.
" Bibili ako ng motorbike " sagot ko.
" Ano gagawin mo sa motorbike? " saglit siyang bumaling sa akin at ibinalik din ang tingin sa daan. Bakas ang pagtataka sa kanyang mukha.
" Makikipag race " sagot ko.
" okay " sagot niya.
Mabuti nalang hindi na siya nagtanong pa. Wala pa akong 18 kaya siya ang bibili non para sa akin. Ang brainy ko talaga.
Itinuon ko ang atensyon sa labas ng bintana.
Tinatahak namin ang daan patungo sa Mall.
Ayos naman siya, lalo na pag hindi niya kinokontra ang mga gusto ko. Minsan kasi ay bida bida siya.
" Magshoshopping din ako. "
" Ano? andami dami mo pang damit na may price tag. "
Gumuhit ang ngisi sa aking labi at nilingon siya.
Inimpake niya talaga ang gamit ko at dinala sa Mansion. Ingat na ingat pa siya ng iakyat niya iyon sa kwarto ko sa Mansion. Ang dahilan ay dahil alam niya ang presyo ng bawat isa non.
" Babaguhin ko ang style ko. And ipamimigay ko nalang sa mga nanunuod ng live ko ang ibang dress na hindi ko na gusto. "
From princess style to baddass girl.
" Ow! that's new. " namamangha niyang sabi
" that's new my ass-----
Bigla nalang siya nagpreno kaya rinig ang pag scratch ng gulong. Pasalamat nalang ako dahil nakaseatbelt ako, kung hindi ay baka masubsob ako sa dashboard.
At mabuti nalang wala kaming kasunod na sasakyan, kundi baka nag cause na kami ng disgrasya. Gabi na kasi at madalang na ang sasakyan.
" THE F*CK " sigaw ko sa kanya pero nanlaki ang mata ko ng kabigin niya ako at halikan, iyong madiin at kinagat niya pa ang labi ko.
Nang humiwalay siya ay nag iwas ako ng tingin.
Hindi ko maintindihan ang sarili.
Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay pulang pula ang pisngi ko.
Sa unang pagkakataon ay may nakahalik sa akin..
Shiiiit !!
Sinamaan ko siya ng tingin at dumausdos ang luha sa aking pisngi. Nakakainis.
" I told you, kapag nagmura ka kakagatin ulit kita. " saka nya pinaandar ang sasakyan parang walang nangyare.
" How dare you " naiiyak kong singhal sa kanya.
Hindi ako bumaba kahit nasa parking lot na kami ng Mall.
" Hey "
Hindi ako nag abalang lingunin o sulyapan siya. tinakpan ko lang ng kamay ang mukha ko at umiyak.
Nakakainis.
First kiss tapos hindi romantic.
Naramdaman ko ang pagkilos niya, niyakap at inalo niya ako.
" Tahan na, I'm sorry! hindi kasi bagay sa isang prinsesa ang nagmumura. " bulong niya.
" I hate you " humihikbing bulong ko.
So what kung nagmumura ako?
" I know " bulong nya.
" I hate you "
" Tahan na, ibibili kita ng Ice cream at fries "
Tumigil ako sa pag iyak.
No, I mean parang umurong ang luha ko.
Tama ba ang rinig ko?
Itong kuripot na ito?
Ibibili ako ng Ice Cream at Fries?
Nanlalaki ang matang tinignan ko siya.
Tanda ko pa kasi nung birthday ko, Isang Dictionary ang iniregalo niya sakin. May tag Price pa ng 50 pesos. Iyon ang kauna unahang regalo na natanggap ko na mura ang presyo. Ni hindi ko nga binuksan iyon dahil baka madumihan.
Hindi kasi sya nanghihingi ng pera kay Tita Ela. pinaghihirapan niya yung pera kaya okay na yun sa akin.
" Really? "
" Hmmmm " umiwas ng tingin. Pinakatitigan ko pa siya. Namumula yung tenga niya. why?
" Okay " dahil sa sobrang excited ko kumain ng fries at ice cream ay nakalimutan ko na ang inis ko sa kanya. Kakakain lang namin pero pagdating sa fries at ice cream ay hindi ako On diet.
Naglakad kami papasok, una naming pinuntahan ay ang store ng motorbike.
Pinili ko ang motorbike na malaki ang gulong para maangas. Nagrequest rin si Jhuls na kulayan ito ng Violet at White para kakaiba sa lahat.
" Magrirace ka talaga? Pumayag ba si Tita at Tito? " tanong niya.
Naudlot ang dapat na pagpapasalamat ko.
Wag nalang.
Imbis na mag thank you ay inirapan ko siya.
Hindi ko na kailangan ng permission ni mom at dad dahil panigurado naman na hahayaan lang nila akong gawin ang gusto ko at matigas ulo ko makikipagtalo ako kapag hindi maibigay ang gusto ko or kung ayaw ko ng mga gusto nila.
At the of 17 ay spoiled na spoiled ako, hinahayaan nila na gawin ko ang gusto ko basta ba wala akong sasaktan na iba. Except syempre kapag sinaktan ako kailangan kong gumanti or si mom at dad ang gaganti. Kaya no choice I need to fight for myself. Paano ba gumanti si Mom at Dad? Sisirain niya lang naman ang negosyo ng pamilya niyo.
At the age of 17 kumikita ako ng pera, sikat ako pero hindi ko naman pinababayaan ang pag aaral ko dahil palagi naman akong Honor student.. Top 1 At Fashion Design.
At the age of 17 nakaimbento ako ng mga bagay na hindi mo aakalaing mapanganib. Tulad nalang ng Violet Gun na iyon, invisible bullet ang meron don.
Ayon sa batas na sinabi ni mom kapag ginamit daw namin ang powers namin para pumatay ng tao ay mababawasan ang lifetime namin. Nasa batas kasi ng diwata na hindi pwedeng kumitil ng buhay.
" Let's go " aya niya.
" What about my motor? "
" Idedeliver nalang sa condo ko bukas tas dadalhin ko sa Mansion niyo. "
Tumango ako at nagsimula na kaming maglakad patungo sa isang Snack Cafe.
Pareho kaming naupo at nagtawag ng waiter. Maganda tumambay dito dahil may mga books, iyong mga Romance Book at International Book.
Mini table at mini sofa ang inuupuan dito. Ang cute ng shop na ganito.
" Ikaw na umorder, hahanap lang ako ng books na pwede kong basahin. " paalam ni Nerd at tumayo.
" 1 strawberry and 1 Vanilla Icecream Large Cup, 1 bucket Cheese fries "
" For a minute mam " sabi ng waiter.
Bumalik si Nerd na may tatlong librong hawak, inilapag niya iyong dalawa sa harap niya at ang isa ay binuklat.
Habang nagbabasa siya ay ipinatong ko sa mesa ang siko at nihawak sa magkabila kong pisngi ang mga kamay. Nakapangalumbaba.
Gwapo naman ito pero bakit ganun?
Hindi ko siya magustuhan? Ni hindi ko nga makita ang sarili na ikinakasal sa kanya. Ni hindi ko makita ang sarili na kasama siya sa iisang bahay.
Gwapo, mabait at matalino pero ayaw ko pa rin sa kanya. Ayaw ko maitali sa lalaking hindi ko naman mahal. At Bully ang lalaking ito.
" Staring is Rude. "
" Alam mo ba habang tinititigan kita mas lalo kang pumapanget sa paningin ko " asar ko.
" Baka gusto mo gamitin salamin ko "
" at bakit naman? " angil ko.
" Mas malabo kasi mga mata mo sa akin, ang ibang kababaihan kahit nakasalamin ako ay nagugustuhan ako, hinahabol ako, at nililigawan ako " ang hangin talaga ng Nerd Geek na ito.
Tanging masamang tingin lang ang ibinigay ko sa kanya. Sino namang mga babae iyon para magilitan ko ng leeg.
^•^•^•^
NAKAHIGA NA AKO sa kama, tulala sa kisame at panay ang pagbuga ng mahinang hangin.
Bakit tila hindi na mawala sa isip ko ang kanyang ngiti. Ang mga tawa niya na paulit ulit kong naririnig. Noon ay kinaiinisan ko yon pero ngayon na nakasama ko siya na kami lang ay parang okay na.
Bumuntong hininga ako.
Hindi ko siya gusto pero bakit ginugulo niya ang aking isipan.
Tumayo ako para mag Live Video.
Inayos ko ang cellphone ko saka inilagay sa Live V.
" Hello Goddesses " kumaway ako, naglakad ako papalapit sa Walk In Closet ko. Binuksan ko ang ilaw, na agad kumalat ang liwanag sa buong silid.
" Nasa Walk in closet ako, obvious naman eh haha. Swerte ng nanunuod ngayon ng Lived ko kahit gabing gabi na, mamimigay ako ng mga dresses. "
Binuksan ko ang isang Closet na naglalaman ng mga mamahalin kong Dress. Iyong mga nagamit ko na. Gusto ko kasi magchange ng outfit. I mean the dress is for special occasions. So pag aalis ako gusto ko iba naman like Shirt and Pants like my mom noon. Minsan lang siya nag dedress.
" Lahat ito ipapamigay ko, just comment your fullname, Address and Why you like my dress. " napangiti ako sa mga nag cocomment.
" Pwede hanggang bukas ng lunch, then bukas ng gabi makakatanggap kayo kapag nanalo kayo. "
" Bye Guys, thanks for watching " Pinatay ko ang Live Video at nagsimula iyong maupload online.
Binuksan ko ang panibagong wardrobe closet ko, puro Sweatshirt iyon at pants na black.
Nagdadalawang isip ako kung dadalawin ko si dad sa hospital, pero sa huli ay humiga ako sa kama at ipinkit ang mga mata.
Hindi ko pa ata kayang makita si dad.
Lalo na at ginawa ko ang bagay na alam kong hindi siya papayag, pero gusto ko lang naman makatulong. Gusto ko lang naman na mawala na ang mga iyon, para mapayapa na kaming manirahan. Para hindi na sila masaktan pa.
^_^ ^_^
Pumasok ako na kakaiba ang suot sa dati kong fashion style, Naka Black Croptop ako na may mahabang manggas, Black Ripped fitted Jeans at Miu Miu Bondage Boots. Black rin ang suot kong hikaw, nagmake up ako upang takpan ang eyebags ko, I change my liptint to red nude lipstick.
Halos lahat ay napapalingon sa akin.
Pinaasikaso ko sa manager ang mga nanalo sa Video ko, siya na ang magpapadala ng mga dress kaya wala na akong gagawin pa.
" Ang ganda niya kahit kakaiba yung style nya "
" Hmm. Ang Hot "
" Paniguradong mahal yang suot niya "
" for sure "
" From fresh to Hot "
Hindi talaga maiwasan na pagbulungan ako.
Kapag nililingon ko sila ay ngumingiti at kumakaway sila. Tanging tipid na ngiti ang ibinigay ko.
Napairap ako ng makasalubong ang Clown girls.
Nag cross arms ako sa dibdib.
Masama ang tingin nila sa akin kaya ngumisi ako.
" Akala mo ba maganda ka sa suot mo? " girl 1
" Akala mo ba may pake ako? " taas kilay kong tanong.
" Hindi ka maganda " girl 2
" Pakihanap ng pake ko " Hindi nawala ang ngisi sa labi ko. Nakakatawa talaga pagmumukha nila.
" Lets go girls, wag na tayo pumatol sa panget " sabi ng leader nila.
" Goodbye clowns, galingan niyo sa pag peperform " pang aasar ko sa kanila kaya imbis na lalagpas na sila sa akin ay huminto sila sa harap ko.
" What? " inis na tanong ni casey
" ay akala ko clown kayo, ang kapal kasi ng makeup niyo " saka ako tatawa tawang naglakad papalagpas sa kanila.
dumiretso ako sa unang klase ko,
" Are you okay now Ms. Imperial? " tanong ng proof ko.
" Yes Maam "
" Okay!! Can we see your Drafting? "
Tumango ako, at inilabas sa portfolio ang drafting ko ng gown. Noong una kasi ay nagsimula kami sa mga Sleeping wear. Then Casual clothes. Then nasa mga elegant dress na ang topic.
Pumunta ako sa harap para ipakita iyon kay maam.
" Hmm impressing, hindi mo talaga ako binibigo "
Itinapat niya iyon sa camera kaya nagflash sa Screen.
" Wow "
" ang ganda "
" ang galing niya talaga "
Palagi nalang silang namamangha sa gawa ko.
Ayst maliit na bagay.
Naging smooth ang tatlong klase ko sa umaga. Kaya nakangiti akong naglalakad sa hallway ng tumunog ang bell para sa lunch, pero napahinto ako ng makita si Nerd Geek.
May babaeng nakaangkla sa braso niya, pareho silang nakangiti sa isa't isa.
Agad na nag isang linya ang labi ko.
Hmmmm. Sino naman kaya ang babaeng iyon?
Patuloy ko silang pinagmasdan, tila may nakakatawa silang pinag uusapan. Bumubulong bulong pa ang babae sa tenga ni Nerd Geek kaya mas lalong kumunot ang noo ko, halos magdikit na nga ang mga kilay ko.
Sino naman kaya ang babaeng iyon?
WTF!
Nainis ako ng may humarang sa vision ko.
Pero napangiwi ako ng makilala kung sino iyon.
" Arein "
My twin brotha is scary as fcck
Sinong magsasabing magkamuka kami?
Kahawig ko si Mom, while my twin is kinda look like my mom and dad, hindi sya palangiti. At siya ang version ng seryosong Arielle at Rome.
" Nakauwi na si dad sa Mansion, bakit hindi ka na dumalaw? dumaan lang ako para ipaalam sayo na itigil mo na ang kalokohang ginagawa mo sa gabi " sabi nya saka ako nilagpasan.
Siguro ay ipinaalam niya sa akin kasi hindi na ako pumupunta sa hospital. May ginagawa kasi ako tuwing gabi matapos ang klase.
At speaking na ginagawa sa gabi?
Does he mean na alam niya lahat ng lakad ko?
Shiit paniguradong isusumbong niya ako kay Mom. Ugh! Bat ba hindi ako nag iinat? Maingat naman pero kasi si Arein yon. Lahat alam non.
Naisip ko naman si dad. Halos dalawang linggo din si daddy doon sa hospital dahil may mga chinecheck pa sa body niya. Masyado kasing madaming bala ang tumama sa kanya. Sabi naman ni Tito Ray ay ilang bala lang. Kasi mas marami pa pala ang natamasa noon ni Dad kesa ngayon.
Pero nawala ang iniisip ko ng makita kong halikan ni Nerd sa pisngi yung girl na kausap niya. Sa inis ko ay naglakad ako patungo sa kanila.
" Excuse me, bawal maglandian sa campus " dumaan ako sa kanilang gitna. Natumba pa nga si girl sa sobrang lakas ng pagsanggi ko sa kanya.
Buti nga.
Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Nerd pero di ko sya nilingon.
Kumukulo ang dugo ko sa kanya.
Iyon ba ang babaeng pinagmamalaki niya?
Pwes mas maganda pa ako dun.
Mas sexy at mas matalino.
Arrgg!
Nakakaboset talaga ang NERD GEEK na iyon.
Humanda siya sa akin.
Gigilitan ko siya ng leeg.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Amazing Story I love 09/3/2025
03/09/2025
0how to get robux
21/07/2024
0100
11/07/2024
1Tingnan Lahat