logo text

Not Ordinary Girl 05

[ MY NOT ORDINARY GIRL ]
[ JEANNE POV ]
Kunot noo akong bumangon sa aking kinahihigaan, nasa sahig ako. Tumayo ako at pinagmasdan ang paligid, maliwanag na dahil sa pagpasok ng sinag ng araw sa bintana. Ngunit hindi iyon ang gumising sa akin kundi ang nag iingay na doorbell ng Unit ko.
Lumabas ako ng kwarto nang hindi inaayos ang sarili.
Who cares?
Wala akong pake kung maging panget ako sa paningin ng iba.
Mabigat ang bawat hakbang na tinungo ko ang pinto at kunot noo'ng binuksan iyon.
" Anong ginagawa mo dito? " tanong ko kay Avril.
Hindi ito sumagot at bahagya akong itinulak para makapasok. Umirap ako sa kawalan at sinundan siya.
" How are you? " tanong niya.
" Why? " I'm not your weak Jeanne.
" Tss! tinatanong ka, tanong din sagot mo. "
" I'm fine, " naguguluhan kong tanong.
" May trabaho ka, mag asikaso kana. Gagawan kita ng breakfast. "
Tumango ako at bumalik sa kwarto, nag asikaso ako para sa trabaho. Sabagay kailangan ko pumasok para makakuha ng information.
Habang nasa ilalim ng malamig na shower ay bumalik sa isipan ko ang nangyare sa amin ni Mr. Imperial.
Naaah! Hindi kami nag Sex kung yan ang iniisip niyo. Ang sinasabi kong nangyare ay yung sa bar. Nagpakalasing ako at nilasing ko rin siya kahit ayaw niya.
Sa kalasingan ko ginusto kong sumama sa kanya ng gabing iyon at walang pake sa kung ano ang iisipin niya. But nothing happen...
Makakatikim siya ng sapak kapag may ginawa siya sa katawan nato. Tss! I need this body.
Matapos mag shower at magbihis ay lumabas na ako. Handa na ang almusal kaya nagsimula akong kumain. Tahimik niya akong pinagmamasdan kaya tinignan ko siya ng masama.
Doctor ko siya. Ayun lang ang alam ko. Hindi ako komportable na kasama siya pero pinapakisamahan ko dahil doctor ko siya.
" Ihahatid kita sa Office niyo. "
Nagkibit balikat ako.
Matapos nga ng almusal ay inihatid niya ako sa office at naghabilin na tawagan siya kung may naramamdaman akong kakaiba sa katawan ko o may naiisip akong di maganda.
Hindi ko gets ?
Kasi pano kung iniisip ko na papatayin yung Imperial na yun? Need ko ba siya tawagan muna? Kailangan ko bang magpaalam sa kanya? Tss.
Napangisi ako at nagpatuloy na sa pagpasok, sinalubong ako nila Danyela at KC. Ang dalawang ka team ko.
I checked my Computer kung may work na naiwan. I know everything, kailangan kong magtrabaho.
Lunch break pero hindi ako umalis sa pwesto ko, papasok ako sa office ni Arein Imperial. Malay ko bang may information siyang itinatago dun.
I need it, kahit maliit lang para naman sumaya si Daddy. Para naman maging proud siya sa akin.
Nang mawala na ang lahat ay tumayo na ako. Naglakad ako ng walang ingay patungo sa opisina ng lalaking iyon. Ni wala akong nararamdamang kaba.
Bakit ako matatakot sa lalaking iyon.
Sino ba siya?
Weak naman eh...
Nakapasok ako ng walang ingay, wala siya kaya nag dere deretso ako sa mesa niya. Umupo ako sa swivel chair at binuksan ang mini cabinet, walang lock?
Abala ako sa paghahanap ng papeles sa mini table kaya nanindig ang balahibo ko ng may bumulong sa likod ko.
" What are you doing? "
Ang baritonong boses niya ang nagbigay sa akin ng kakaibang kaba, ang bawat pintig ng puso ko ay mas bumibilis pa. Na tila may humahabol sa akin na aso.
" Do you need something? " tanong niya pa, inikot ko ang inuupuan ko para humarap sa kanya.
Hindi ko alam pero nagawa kong salubungin ang matatalim niyang mata. Ngumiti ako at hinila ang neck tie niya.
" Can you be my boyfriend? "
Napangiti ako ng muling makita ang pagkunot ng noo niya, ang makakapal niyang kilay ay magdidikit na. At ang labi niya na naka grim line.
Gwapo but not my type.
" What? "
" I want you to be my boyfriend. "
" Boyfriend your ass! " angil niya.
" Is that a No? "
" Ano ang premyo? " naniningkit niyang tanong. Is this business for him. But Yeah!
" If you fall inlove with me ibibigay mo ang information na gusto ko, and if ako naman ang nainlove sayo, aalis ako sa buhay niyo at di na manggugulo... "
Pinalandas ko ang daliri ko sa labi niya. Ang mapupula niyang labi.
" Alam ko na alam mo na kung sino talaga ako, at kung bakit ako narito sa company niyo. Matalino ka at ganun din ako. Bakit hindi tayo maglaro ng apoy at kung sino ang unang matupok ay maglalaho nalang na parang bula. "
Nanlaki ang mata ko ng kabigin niya ang batok ko at bigyan ako ng mabilis na halik, bumitaw siya at ngumisi.
" Deal! " iyon lang at iniwan na ako.
**
Napangiti ako ng magising ng umagang iyon, ito ang unang araw na mapapasunod ko ang lalaking iyon sa gusto ko.
Eunjie you're so strong..
You even win to Jeanne. She is weak!
I invade her body, I can use her body.
Masaya akong kumilos para sa trabaho. Mag reresign na ako, si Arein Imperial naman talaga ang kailangan ko.
Kailangan ko siyang iligpit para maging masaya na si daddy. Kailangan niya mawala para mapilayan ang grupo nila. Alam ko na siya ang magmamana ng Mafia Imperial.
Inihinto ko ang motor ko sa harap ng building, tinanggal ko ang helmet na suot ko at gamit ang kamay ay sinuklay ko ang buhok kong bahagyang nagulo.
Mabilis na sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita si Arrein na nakatayo sa Glass wall ng building. Nakatingin sa aking ang madidilim niyang mga mata, habang naka cross arm. Naglakad ako patungo sa kanya ng hindi pinuputol ang tingin naming dalawa.
Huminto ako ilang hakbang sa harap niya.
" Good morning babe, " nakangisi kong bati. Unti unti sumilay sa labi niya ang isang ngisi na palagi niyang ibinibigay sa akin.
" Let's go! " aya niya.
" where? " kunot noong tanong ko.
Tinignan niya lang ako.
" magreresign na ako. "
Hinawalan niya ako sa kamay at hinila palapit sa kanya. Mabilis na pumulupot ang braso niya sa aking bewang. Ngumisi siya at tumitig sa akin.
" Too early babe, " malambing ang boses niya na ikinalaki ng mata ko.
Stop it Eunjie!
You won't fall inlove with that fcking voice.
" Let's date, " lakas loob kong aya sa kanya.
Mas lalo akong natulala ng mahina siyang tumawa. May pa iling iling pa na tila tuwang tuwa talaga sa sinabi ko.
Naiinis ako. is this a joke?
Hindi niya ba ako sineseryoso?
Napaigtad ako ng mas lalo niya pa akong hapitin palapit sa kanya, tumungo siya at sinakop ng labi niya ang mga labi ko. Rumihistro ang gulat sa aking mukha, nanlaki ang mata ko sa kanyang ginawa. Pakiramdam ko naestatwa ako sa aking kinatatayuan at kung hindi niya ako hawak paniguradong babagsak ako sa sahig sa sobrang panghihina. Mabilis lang ang halik na ginawa niya pero matagal bago ako nakarecover.
" hmm... " ngumisi ito ng makita ang reaction ko. Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay nag iinit ang aking mga pisngi. Ano ba ang ginagawa ni Eunice sa mga ganitong pagkakataon.
" What? " taas kilay na tanong ko nang maramdaman ko ang pagtitig niya.
Ginaya niya ang pagtaas ko ng kilay at maya maya pa ay bigla nalang tumawa.
Akala ko palagi siyang seryoso pero ngayon na nakikita kong tumatawa siya. Alam ko na kung bakit maraming patay na patay sa kanya.
Mag iingat ka Eunjie..
At bakit ako ang dapat mag ingat?
Si Eunice at Jeanne dapat ang mag ingat, dahil marupok sila.
Masyado silang mabait at tanga kaya paniguradong maiinlove sila sa lalaking ito. Kaya ako sisiguraduhin kong ako na ang hahawak sa katawan na ito.
" Let's date then, " ang baritonong boses niya ang nagpabalik sa akin sa realidad..
Napangisi ako.
" I call my dad to tell him that you want to resign. "
Tumango nalang ako.
Humiwalay siya sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag, inilabas niya ang cellphone sa black pants na suot niya. Nagdial siya at inilagay iyon sa tenga. Ngayon ko lang napansin ang napaka angas niyang suot.
Naka all black siya, mula sa sapatos, pants, sando at leather jacket. Bagay sila ni Eunice na adik sa Itim.
Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumisi ng makita na nakatitig ako sa kanya. Iniwas ko ang paningin ko at yumuko.
T*ngna, bat ba bumibilis ang fcking heart na ito.
" Let's go? "
Napaigtad ako. Bat hindi ko narinig ang yabag niya?
Tss ano pa nga bang aasahan ko sa lalaking nagtraining para maging Mafia Boss?
Oh hell! a fccking gorgeous Mafia Prince...
Naglakad na siya patungo sa kung saan, kaya sumunod ako. San naman kaya ako dadalhin nito?
Huminto kami sa parking lot. ipinagbukas niya ako ng pinto sa frontseat. Inilagay niya pa ang kamay sa uluhan ko para kung sakaling mauntog. Tss. Pafall ang shuta.
Sumakay ako doon ng tahimik pagtapos ay ganun din siya.
" Where to? "
" Ha? "
" Saan tayo magdiddate? " hindi niya ako tinignan.
" Tss! sa condo mo. "
Bigla siyang nagpreno kaya napatili ako. Napasubsob ako sa dashboard, naramdaman ko talaga ang pagtama ng noo ko.
" The fck? " sigaw niya kaya napatingin ako sa kanya. Hinampas ko siya sa braso sa inis.
" Bat ikaw pa ang naninigaw ako itong nasubsob, " inis na sabi ko.
" The hell woman, I'm asking you but you answer me that fcking--
Muli ko siyang hinampas sa braso na ikinatahimik niya.
" Stop talking and drive, the hell with your problem. "
Sinamaan niya ako ng tingin pero sinamaan ko din siya ng tingin.
Akala niya ba matatakot niya ako?
tss! I don't feel anything except that my heart is beating so fast.
Tahimik siyang nagmaneho, tutok ang tingin sa harapan, iyon na naman ang makapal niyang kilay na nakakunot. Iyon ang paborito kong expression ng kanyang mukha. What?
Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya.
Huminto sa isang building ang sasakyan, swabe siyang nagpark na parang normal niya na iyong ginagawa araw araw.
Napangisi ako.
Pumasok kami ng lobby, sumakay ng elevator at bumaba sa pinakamataas na floor. Pumasok kami sa isang penthouse. Woaw!! it's all black and white.
Hindi ko na binigyan pansin ang paligid, lumapit ako sa lalaking nakatayo sa harap ko at malakas siyang itinulak sa pahabang sofa. Rumihistro ang gulat sa kanyang mukha dahil aking ginagawa. Ngumisi ako dahil doon. Naglakad ako palapit sa kanya at naupo sa hita niya. Kitang kita ko ang lalong panlalaki ng mata niya.
Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya at pinatakan siya ng halik na ikinakunot ng noo niya.
" is this a date that you want? " seryosong tanong niya. Unti nalang nga ay magdikit na ang makakapal na kilay niya na gustong gusto ko.
" Nope, but I want you. "

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    Rose Marie Bongat

    Amazing Story I love 09/3/2025

    03/09/2025

      0
  • avatar
    Justine Sulca

    how to get robux

    21/07/2024

      0
  • avatar
    Angelo Bestudio

    100

    11/07/2024

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata