Homepage/Not Ordinary Princess/
Not Ordinary Girl 02
[ MY NOT ORDINARY GIRL ]
[ CHAPTER 02 ]
[ JEANNE POV ]
PHONE REMINDERS;
8 in the morning you have work at I. Company. Engineer Imperial is your partner. Architect Danyela and KC is your teammate.
Masakit ang ulo ay bumangon pa rin ako dahil sa alarm clock na nag iingay, iyong note agad ang bumungad sa akin. Sa corporate world na ako nagwowork? tulad ng inutos sa akin. Napaka masunurin talaga ni Jeanne. hays! Wala talaga siyang kwenta. Mahina.
I think naglasing na naman si Eunice kagabi. Party party tapos nababastos naman.
Inayos ko ang kama tulad ng nakasanayan at nagtungo sa banyo para magtoothbrush. Nagshower saka dumiretso sa Walkin Closet, binuksan ko ang closet na naglalaman ng mga gamit ko. I wear a paired of White shirt and Gray Khaki Short na hanggang tuhod. Pinatungan ko iyon ng Gray na Blazer. White rubber shoes naman sa pampaa. Hinayaan kong nakalugay ang hanggang balikat na buhok ko. Isang Bagpack ang dinala ko.
Uminom ako ng gamot para mawala ang sakit ng ulo saka umalis na sa Unit. I remember na naibunggo ko ang kotse ni Eunice dahil hinahabol ako ng kaaway ko. Bahala siyang magalit, naiinis din ako dahil pinagkakalat niya na tomboy ako.
I composed a message to our Doctor.
To : Doc Avril,
Ayos na ba ang kotse?
Mabilis ang naging reply nito.
From : Doc Avril
No, is this EJ?
To : Doc Avril
it's Eunjea not EJ!
Itinago ko ang cellphone ko sa bulsa. Sumakay sa motor ko, nagsuot ng helmet saka iyon pinaandar.
Sa swabeng galaw ay naipark ko ang motor sa harap ng I Company building, tinanggal ko ang helmet ko at bahagyang umiling iling upang maayos ang buhok ko. Nakangisi akong nag angat ng tingin.
What information kaya ang makukuha ko sa kanila. Nameet na kaya ni Eunice ang anak ng may ari nito? hinarot niya kaya. Maharot ang babaeng iyon.
Naglakad na ako papasok ng lobby, may mga bumabati sa akin ng " Magandang umaga Ms. Cazile " pero hindi ko sila nilingon at dire diretso sa elevator. Napatampal ako sa noo ng makalimutan kung saang floor ang office ko. Buti nalang ay may sumakay na isang babae.
" Good morning may i ask? " pormal na tanong ko.
" Good morning Architect, ano po iyon? "
" Nasan ang office ng mga architect? "
napangiwi siya. " Sa 9th floor po, " nagpilit siya ng ngiti saka pinasadahan ng tingin ang itsura ko. pinindot ko iyong 9.
Nang bumukas iyon ay lumabas na ako saka naglakad. May kumaway na babae sa akin kaya lumapit ako dito.
" Where's my table? " tanong ko dito. Gone the sweet Eunice.
" Ah. ito oh! nakalimutan mo na? "
" Ah Yeah, whats your name? " naupo ako sa harap ng table na itinuro niya. Katabi lang nun yung kanya.
" Danyela, " naguguluhan niyang sagot.
" Architect Cazile, may meeting daw po, " isang babae pa iyon.
" whats your name? " Fudge kailangan kong makuha ang profile nila.
" KC " naguguluhan niyang sagot pero pilit na tumawa din.
" Pwede ko ba kayo picturan? "
" Sige sige " masayang sagot nila. Hindi ako ngumiti at kinuha ang cellphone sa bulsa. t
Tinap ko ang camera at itinapat iyon sa kanila, pero napatalon sila ng sumigaw ang kung sino
" WHAT THE FCK,THE MEETING IS ABOUT TO START, " naningkit ang mata ko na nilingon ang lalaking sumigaw, pinasadahan ko ang kabuuan niya. PAYAT, MATANGKAD AT MAY ITSURA. napangisi ako ng makilala ito.
" ANO YANG SUOT MO? " sigaw nito sa akin. tinaasan ko siya ng kilay. Kung makasigaw ay parang bingi ang kausap niya.
" What's wrong with my outfit? "
" it's not corporate, " tila natatanga siya sa tanong ko.
" it is, except my shoes, whatever! " inis na sabi ko, saka hinila si Danyela at KC para magtungo na sa Conference room pero napatigil din ako ng may humila sa pulsuhan ko. Sa inis ko ay mabilis kong hinawakan ag braso niya at binalibag siya. Maririnig ang malakas na pagkalabog ng sahig, ang singhapan ng lahat ng nakakita.
" WHAT THE FCK! " sigaw niya.
" NEVER. TOUCH. ME " nakangisi pero malakas na sabi ko. Saglit ko siyang nilingon at muli nang naglakad.
" YOU'RE CRAZY! " inis na sabi niya.
Natawa ako sa tinuran niya at nagkibit balikat
So?
Gwapo nga pero lampa naman. Anak ba talaga to ng Mafia Boss? Hindi ko to magugustuhan tulad kung paano mag exaggerated ang anak ni Daddy na si Geselle, gwapo raw ito at lahat daw ng kababaihan ay nagkakagusto dito. So hindi ako babae? Kasi hindi ko siya gusto.
Muli ko siyang nilingon at pinakatitigan pero masama ang tingin nito sa akin, halos magdikit na nga ang makapal niyang mga kilay. At nakaisang linya ang mga labi. Mapulang labi.
Tinawanan ko lang siya at tinalikuran.
Funny! I like him... I really like to kill him...
**
" Eunice, Bar tayo. "
" I'm not Going, I have something to do. "
Tumango sila, isinukbit ko ang bag ko saka naglakad papalayo sa kanila. Mas may importante pa akong gagawin. And I'm Not Eunice. Yung bruha na iyon hindi inaalagaan ang katawan ni Jeanne. Puro Alak, Party at masasagwang damit ang isinusuot. Kapag naratay ang katawan ni Jeane paniguradong makukulong na naman kami.
Muli akong sumakay sa motor ko. Pinaharurot ko iyon patungo sa Mansyon ni Daddy. Sa gate ay hinarang ako ng mga Guard pero nang tinanggal ko ang helmet ko ay ngumiwi sila.
" Ikaw pala Jeanne, kelan kapa natuto mag Motor, " anang isa.
Tinignan ko lang siya ng masama at pinaandar ulit ang motor, inihinto ko iyon sa tapat ng hagdan papasok sa mansyon. Ipinatong ko ang helmet sa ibabaw ng motor at mabigat ang paa na naglakad papasok. Sa Living room ay naroon si Daddy at Geselle.
" Jeanne, What a freakin outfit, " maarteng sabi nito. Inirapan ko lang siya. Wala akong panahon para sa kaartehan ng kapatid ko sa Ama.
" Dad, Inirapan ako ni Jeanne, hindi to si Jeanne. mabait yun at mahinhin. "
" shut up please, I need to tell you something dad. "
" Spill! " nagbabasa ito ng Dyaryo. si Geselle naman ay nagmemeryenda.
" I'm working at I. Company. "
" The Fck, Owemji You meet there si Arrein ko? " napatayo pa ang gaga. Di ko siya pinansin.
" I need information about them, can you do it? "
" of course! "
Tumango lang ito.
" Aalis na po ako. "
" You need anything? " hindi man lang niya ako tinignan, nanatili sa dyaryo ang mga mata niya.
Sanay naman na ako.
" Nothing, I'll go ahead. "
Tumango lang ito kaya naglakad na ako palabas. bumuntong hininga ako. Ano pa nga bang inaasahan ko? para lang naman niya akong tauhan. tss!
**
Pabagsak akong humiga sa kama ko dito sa Unit. kakatapos ko lang maghapunan buti nalang nandito si Avril para ipagluto ako. Hindi ko nga alam kung bakit palagi nalang siyang narito.
" So how's work Eunjea? " naupo ito sa sofa.
" Can you print that " ibinato ko sa lap niya ang cellphone. Hindi ko gusto ang tanong niya. Walang maganda sa araw ko.
Ginawa niya ang iniutos ko at idinikit sa board na pinaglalagyan ni Jeanne. Hindi ko nga alam kung bakit sinusunod ko pa siya. Pwede naman na hindi na siya makalabas. At ako nalang.
" The Curly Hair Girl is KC, the Long hair is Danyela " nilagyan niya ng pangalan iyon. ibinalik niya sa akin ang cellphone.
" Ang hirap ba? "tanong niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit niya ako tinatanong ng ganyan?
Bumuntong hininga lang siya nang makita ang pagtaas ng kilay ko.
Tumayo ako para maligo, nagbihis ako ng Gray Black Collar Polo, And Ripped Jeans. White Rubbershoes naman sa pampaa.
" Saan ka pupunta? " tanong niya ng makitang nakabihis ako.
" May titignan lang ako, matulog kana, " poker face kong sagot. Dinala ko ang cellphone ko dahil isa ito sa pinakamahalagang meron ako.
Hindi ako nag elevator, Sa stair ako dumaan. Wala ako sa mood ngayon para makisabay sa mga tao. Naging alerto ako sa paglalakad. Dim na ang ilaw ng paligid.
Nakalabas ako ng Building, maingay pa rin ang kalsada dahil sa mga sasakyan. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Tanging mga ilaw sa poste ang nagsisilbing liwanag dahil natatabunan ng ulap ang buwan. Ni walang bituin sa langit. Uulan pa ata.
Isang bar ang pinasukan ko, sa tingin ko naman ay nandito ang sadya ko. Gusto ko malaman kung nasaan ang condo niya.
Nagpalinga linga ako. At tama nga, sa isang VIP couch ko siya nakita. Mag isa!
Naglakad ako papalapit sa kanya. Itinapak ko pa sa mesa ang paa ko para makuha ang atensyon niya, napangisi ako ng mag angat siya ng tingin. At iyon na naman ang makakapal na kilay niya na halos magdikit dahil sa pagkakakunot ng noo niya.
Ngumisi ako at pabagsak na naupo sa tabi niya.
" What are you doing here? " Tanong niya.
" Why are you alone? "
" I dont need a companion. "
" Tss! Asa, " nagtaas ako ng kamay para lumapit ang waiter. Umorder ako ng Whiskey na agad din naman niyang dinala.
" Can you leave me alone? "
" Why? " nakangisi kong tanong.
" I don't like you, " naiinis na sambit niya.
" Shut up! " angil ko at di niya siya pinansin. Mag inom nalang ako kesa makipagtalo sa lalaking ito.
Wala akong pake kung gusto mo ako o hindi. kailangan ko mapalapit sayo para makakuha ng information.
Tahimik lang siya kaya tahimik lang din akong nag inom. gwapo nga suplado naman at palaging nakasimangot. Masama kung tumingin. Kahit sino naman ay matatakot siyang lapitan. Lalapit ka palang magdidikit na ang mga kilay niya.
" Ang taba ng pisngi mo, " panlalait nito. Inirapan ko lang siya.
" Whatever! "
" Brokenhearted kaba? " tanong nito.
" Hindi. bakit ikaw? nag iinom ka dito kasi broken ka? "
" Hindi din at wala kang pake. "
Tignan mo to, walang kwenta kausap.
" May pake ako! "
" Pwes pakihanap ng pake ko. "
Hinampas ko siya sa braso na ikinaaray niya.
" Ang bigat ng kamay mo " sigaw niya.
Hinawakan ko ang kamay niya, tumayo ako at hinila siya patayo.
" Teka nga, hoy! Bitawan moko. "
" Sayaw tayo, " hinila ko siya papunta sa dancefloor, ayaw niya kaso di siya makawala sa hawak ko. Natatawa ako dahil nakasimangot siya.
Tsk!
" Ang gwapo mo, " malakas na sabi ko para marinig niya pero inirapan niya lang ako.
Seriously It's Fun.
Paniguradong mag eenjoy akong bwisitin siya araw araw.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Amazing Story I love 09/3/2025
03/09/2025
0how to get robux
21/07/2024
0100
11/07/2024
1Tingnan Lahat