logo text

Not Ordinary Girl 1

Isang mahalagang paalala, hindi ito Book 2 ng NOT ORDINARY PRINCESS kundi side story ng kakambal ni Prina. Short side story lang ito. Para lang makilala niyo si Prins Arein Imperial. It contains 15 Chapter or More. Hope you like it.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This book is not intended as a substitute for the medical advice of physicians. The reader should regularly consult a physician in matters relating to his/her health and particularly with respect to any symptoms that may require diagnosis or medical attention.
**MY NOT ORDINARY GIRL**
PRINS AREIN NERO IMPERIAL the Mysterious Engineer of I.Corp, Badboy, Mitch, Monster, Devil, Cold hearted, ilan lang yan sa tawag sa kanya. Everybody are scared of him. But not until EUNICE JEANNE CAZILE came in the picture. Nakakaya niyang trashing talk-in ang masungit at nakakatakot na si Arein.
Minsan magkasundo madalas magkaaway, parang aso't pusa and their both agree to be in a Relationship.
it's like a game na kung sinong unang mainlove
in 30 days ay aalis sa buhay ng isa't isa. But what if ang bawat isa sa kanila ay may sikreto, are they gonna end up together or will be forever ENEMIES.
[ SIDE STORY CHAPTER ONE ]
[ MY NOT ORDINARY GIRL ]
[ JEANNE POV ]
PHONE REMINDERS.
You are an Architect, working at I. Company
You are Architect Cazile, Hired Yesterday.
I woke up 7 in the Morning and iyan agad ang bumungad sa akin pagkaopen ng phone ko.
Hmmm. I have a permanent Job now?
But last time I checked I'm working at Hotel, sa frontdesk. How come? Then I realise something. Napasampal ako sa aking noo.
Fcked you Jeanne bat ka nag apply rito?
I graduated as Architect, also nagtake ako ng tesda ng Dressmaking,fineart, Welding, Pastry, Housekeeping and massage.
Paano ko nga ba nagawa iyon?
tss.. Hindi ka maniniwala kapag sinabi ko.
Bumangon na ako at inayos ang kama, isang hobby na madalas kong gawin sa umaga bago maligo. Matapos na masigurong ayos na ay pumasok ako sa banyo para gawin ang morning care routine ko, toothbrush at facewash. Nagshower na rin ako. Pagtapos ay dumiretso ako sa Walk-in Closet para magbihis.
Tinignan ko ang itsura ko sa Whole body mirror, I'm wearing now a black bodycon backless Dress, naglagay rin ako ng Dark lipstick sa labi ko at Blush on sa cheekbones and also sa nose. Like a Korean girl.
Kinuha ko sa shelf ang Black Prada Stiletto at ang tote bag ko, inilagay ko sa loob nun ang Black Wallet, Black undergarments, Wipes, and Pouch of makeup. Ipinatong ko naman sa balikat ko ang White long coat kahit pa mainit sa Pilipinas. Go for the Win pa rin para sa outfit na ito.
Sa Carpark ako ng condo Building pumunta para hanapin ang Baby Black porsche ko. But its gone, What the hell!!
Jeane, saan mo dinala ang baby ko?
My gosh milyon ang halaga non.
idinial ko ang number ni Avril ang bestfriend ni Jeane Slash Doctor ko.
The phone ring 3 times.
" Hello! Good Morning " ang bagong gising na boses niya ang bumungad sa akin.
" where's my car? "
" Eunice? "may narinig akong kung anong ingay sa kabilang linya na tila nahulog na kung ano. " aray, teka susunduin kita nasan ka? "
" Make it fast please " I dont want to wait, but she's the only one na nakakaintindi sa sarili ko. pinatay ko ang tawag at nagsimulang maglakad patungo sa tapat ng condo building para doon nalang siya hintayin.
--
Hindi ko na siya hinintay na makababa, sumakay na ako sa shotgun seat.
" So where's my car? " naiinip na tanong ko.
Umiwas siya ng tingin at mabagal na nagmaneho.
"Si EJ ang may kasalanan. "
" That tomboy? " I groaned. " I hate myself... " sasabunutan ko na sana ang sarili ko pero naisip ko na magugulo ito kaya huwag nalang. Naihampas ko nalang sa noo ang kamay na balak ipangsabunot.
My hair is short, tamad kasi magsuklay si Jeanne that's why nagpagupit siya. it's Below the shoulder not really short.
" Saan niya ibenenta ang baby ko? " naiiyak kong tanong.
" Hindi niya binenta, nabangga niya kaya pinaayos ko, " seryosong sagot niya na tila gising na gising na.
" May goodness " naiiyak na talaga ako. Maarte kong pinahid ang kunwaring luha sa mga pisngi ko.
" where to? "
" I company. "
" again? " tanong niya na tila nabingi.
" I company. "
" At anong gagawin mo dun? "
" it's Jeanne Fault okay? nag apply siya as Architect. "
Binilisan niya ang andar at inihinto iyon sa tapat ng I company building.
" Thanks " mabilis akong lumabas ng sasakyan niya, kumaway ako sa kanya ng miniobra niya ang sasakyan saka lang ako naglakad papasok ng lobby ng mawala siya sa paningin ko.
Maraming mata ang tumitingin sa akin. Ow, I love attention. Luminga linga ako para tignan ang paligid. Maganda naman. Bagay nga ako sa corporate world akala ko sa mga Bar lang ako magagandahan, sa kakalingon ko ay hindi ko napansin ang makakasalubong ko, nabangga ako sa dibdib nito.
Dahan dahan akong nag angat ng tingin, nasalubong ko ang madilim niyang mga mata, tila hinihigop nito ang kaluluwa ko.
Naagaw ng pagkunot ng noo niya ang aking paningin, tila hindi nagugustuhan ang nasa harap. Kulang nalang ay magdikit ang mga kilay nito.
" patay!"
" Alis na girl!"
" New victim ata. "
" Halaaa! "
" Lagot na! "
Kung ano ano ang naririnig ko pero hindi ko maalis ang paningin sa napaka gwapo niyang mukha, ang ilong niya na matango, ang labi na mapula, ang buhok niya na magulo. Muling bumalik sa labi ang mga mata ko, napalunok ako ng mula sa naka Lipline na labi ay unti unti iyong gumalaw at ang kanyang ngisi ay nagbigay sa akin ng kakaibang kaba.
My heart beat faster.
" GET OUT IN MY SIGHT " sigaw nya na nagpaigtad sa akin.
Nang makita ang reaction ko ay mas lalong lumawak ang pagkakangisi nya. Inirapan ko siya at naglakad palagpas sa kanya. Hindi pa man nakakalayo ay hinawakan niya na ang braso ko.
" Patay ka talaga girl! "
" Bago na namang iiyak. "
" ke bago bago nabiktima na. "
" Kaawa naman! "
Tila nabingi ako ng bahagya siyang yumuko at ilapit sa akin ang mukha, hindi ako nagsalita kasi magdidikit na labi namin pag ginawa ko iyon.
Nakahinga ako ng maluwag ng tumayo siya ng tuwid pero hawak pa din ang pulsuhan ko.
" Anong pangalan mo? " bat may accent yung pagtatagalog niya? May lahi ba siya? tiningala ko siya. Ang tangkad tangkad kasi, hanggang dibdib lang siguro ako. Napaka gwapo naman.
" Eunice Jeane Cazile. "
" Next time don't block my way, " napanganga ako sa sinabi niya pero hindi na ako nakapagsalita dahil tinalikuran niya na ako.
Nagkibit balikat ako at pinagsawalang bahala ang mga nangyare. Ang pogi pero ma attitude.
Biggest turn off.
Naglakad na ako palapit sa frontdesk.
" How can i help you, my goodness ang scary talaga ni Sir. "
" Ah.. I'm a new hired architect, I-I'm Ms. Cazile "
" Oh! ikaw pala yun. Kanina ka pa hinihintay ni Boss sa Office niya--- Rosetta pa assist naman si Ms. Cazile sa Office ni Boss. "
Isang babae ang lumapit sa akin. Nakangiti ito kaya ngumiti rin ako. Mukhang makakasundo ko naman dahil maayos manamit.. I hate Jologs duh.
" This Way Architect, " nauna siya kaya sinundan ko nalang, sumakay kami ng elevator at iniluwa kami nito sa pinakamataas na palapag. Paano ko nalaman? Glass Wall kasi all over the corner. Wew.
Nahahati sa apat ang floor, yung tatlo at may Curtain na nakasara. Ang isa ay nakabukas. Doon dumiretso ang babae. Kumatok muna ito bago buksan ang pinto. At pumasok kaming dalawa.
Nakangiting ang lalaki sa akin nakita kong nakaupo sa Boss Chair. Ang gwapo naman nito. Kahit Mukhang may edad na ay hindi maipagkakaila ang kagwapuhan na taglay niya.
" Hi Boss, " malandi kong sabi.
" Hi Architect Cazile " bati nito. " have a Seat, " itinuro nito ang visitors chair sa harap ng mesa niya. Umupo ako roon.
" Inilagay kita as Head Architect, makakasama mo ang Anak ko na Engineer— oh speaking of. "
" Dad " nagtaasan ang balahibo ko ng marinig ang boses ng lalaki kanina. Don't tell me ito ang makakasama ko sa field? No way! Hindi mahaba ang pasensya ko. I hate boys who has attitude. I love boys who's gullible...
" Son, Meet your new Architect, Ms. Cazile Meet my Son, Engineer Arein. "
Tumayo ako at humarap sa lalaking kanina lang ay nakabangga ko. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis sa kanya. Malay mo naman maakit ko diba?
" Son, Ikaw nalang ang magtour sa kanya, ipakilala mo na rin sa mga madadaanan niyo. "
" Okay! " napipilitan nitong sang ayon. Itinuro nito ang pinto pero hindi ko siya sinunod kundi lumapit ako sa kanya at kumapit sa braso niya.
" What the heck, let go my arms, " singhal nito.
" Son! " nagbabanta ang boses ng Daddy nito kaya naman nakasimangot na itong naglakad. Napangiti ako. Scared pala sa daddy ang lalaking ito. Daddy's boy ang baby ko.
Nang makalabas kami ay pilit niyang tinanggal ang kamay ko sa braso niya.
" masungit, " nakanguso kong saad.
" Whatever, lets go. "
Naglakad na siya kaya sumunod ako, sumakay kami sa elevator at bumaba sa 9th floor, tulad ng sinabi ng daddy niya ay ipinakilala niya ako sa mga nadadaanan namin. Mababait sila. Mukhang may maaaya akong mag bar after work.
Ipinakita rin nito sa akin ang cubicle ko, marami kaming mga architect dito pero si Danyela at KC lang ang tinandaan ko. Dahil sila iyong mga maiingay, mahilig din silang mag bar. Iniwan din ako ni Arein sa kanila.
" Mag bar tayo later, my treat. " aya ko kila Danyela.
" Sige ba, 5pm naman ang end ng work natin eh. " sang ayon ni Danyela
" Great! pwede kayong mag aya. "
" Sure! " KC said.
" First day at work but all you did is inviting them, " ang baritonong boses niya ang narinig ko sa aking likuran. Umiwas ng tingin sila KC at Danyela na nasa sunod na mesa lang.
" So? This is my first time here, I'm sure our Boss won't mind, " inikot ko ang swivel chair ko paharap sa kanya.
Napalunok ako ng hawakan niya ang armrest ng inuupuan ko, inilapit niya pa ang mukha niya sa akin. Iyong maaamoy namin ang hininga ng isa't isa, na ilang tuloy ako kaya naiwas ko ang tingin ko sa kanya.
" May meeting tayo today, lets go, " pagkasabi niya non ay muli siyang tumayo ng dumiretso, inayos niya pa ang bahagyang nagusot na suit. Napanguso ako, tumayo at inayos ang skirt ng dress, sumunod ako sa kanya. Dala ang phone.
Tinitigan ko ang likuran niya, payat na matangkad. Nakagat ko ang labi ko dahil naisip ko yung payat pero mahaba, waaah bad brain.
" Staring is Rude, " inis na sabi nito.
Napanguso ako. Paano naman niya kaya yun naramdaman? or ang intense lang ng pagkakatitig ko dahil pinagnanasaan ko siya sa isip ko?
Eww Eunice ang bad bad mo.
Kaderder sa pinagnanasaan.
Itatakwil ka ni Jeanne if ever na malaman niya ang kaharutan mo. What the heck.

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    Rose Marie Bongat

    Amazing Story I love 09/3/2025

    03/09/2025

      0
  • avatar
    Justine Sulca

    how to get robux

    21/07/2024

      0
  • avatar
    Angelo Bestudio

    100

    11/07/2024

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata