Homepage/Not Ordinary Princess/
Birthday Celebration
**PRINA**
Matapos mag usap ay nagpaalam na si Jhuliane dahil mag aasikaso pa raw siya para mamaya. Ako naman ay humiga ako sa kama. Hinayaan ang sarili na matulala sa kisame.
Mukhang okay naman na kami. Pagtapos ng pag uusap namin ay pakiramdam ko ay may kung anong mabigat na nawala sa aking dibdib. Hindi lang peace of mind ang ibinigay niya sa akin. Kundi kasiguraduhan na ako lang ang mahal niya. Mula noon hanggang sa ngayon.
Isang katok sa pinto ang nakapagpabalik sa akin sa realidad. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at maayos na naupo sa paanan ng kama.
" Pasok, " marahang sigaw ko.
Bumukas ang pinto at isang alipin ang pumasok. Mabilis itong yumukod ng makita ako.
" Mahal na Prinsesa, pinapunta ho ako rito ng Reyna upang ipaghanda kayo ng panligo, " nakayuko nitong saad.
" Ah, sige salamat " hindi ako sanay na pinagsisilbihan ako para lang sa panligo. Ngunit ngayong narito ay kailangan kong makibagay sa mga nakasanayan nila.
Matapos niya ipaghanda ang panligo ko ay nagpaalam rin agad siya. Ako naman ay nagtungo sa banyo, ang bathtub ang inihanda niya. Amoy rosas ang tubig, literal kasi na puno iyon ng Rose petals. Hinubad ko ang kasuotan at lumubog doon. Sa sobrang refreshing ay nakaidlip ako.
Nagising lang sa marahang katok, agad akong tumayo at nagsuot ng bathrobe. Para lang akong nasa mundo ng mga tao ngunit parang isang tunay na maharlika ang buhay ko ngayon.
Pinagbuksan ko ang kumatok, ang tagasilbi iyon kanina. Nakayuko pa rin ito, ni hindi man lang magawang salubungin ang aking mga mata. Ganon talaga siguro kung isinilang ka bilang Diwata na may katungkulan.
" Tapos na ho ba kayo? tutulungan ko ho kayo magbihis at mag ayos, " nakayuko niyang sabi.
Nakasampay sa braso niya ang gown na aking susuotin, may hawak din siyang basket bag. "narito po ang damit panloob niyo " inabot niya iyon sa akin.
Ngumiti ako at nagpasalamat, agad akong nagbihis, lumabas na tanging undergarments lang ang suot. Nakatayo lang siya at nanatilinh nakayuko sa tapat ng pinto kaya napaigtad siya ng lumabas ako.
Kinuha ko sa kanya ang gown, isinuot ko iyon sa harap niya, tinulungan niya naman ako izipper iyon sa likod.
Naupo ako sa tapat ng vanity mirror, ikinulot niya ang buhok ko at nilgyan ng kolorete. Matapos non ay nagpaalam na siya.
Sinipat ko ang kabuoan ko sa salamin, natuawa ako sa itsura ko ngayon. I look like a barbie Princess. Iyong mga napapanuod na barbie movie.
Violet Off shoulder and Black Ball Gown Sequins ang disenyo ng suot ko, kumikintab pa. White Crystal Ankle Strap Platform Heels naman sa pampaa. Nanatiling nakalugay ang nakakulot kong buhok.
Isang katok ang nakapagpatigil sa akin sa pagtitig sa sarili sa salamin. Nilingon ko iyon ng bumukas, nakangiting si Jhuliane ang bumungad sa akin.
Ang gwapo niya sa suot na Black Polo Shirt at Black Slacks, pinatungan iyon ng purple Blazer. Black Cape Toe Oxford naman sa pampaa.
" Ang gwapo " " ang ganda " sabay naming papuri sa bawat isa. Sabay kaming natawa. Lumapit siya sa akin.
" Bakit ganon? palagi naman kita nakikita pero ang ganda ganda mo pa rin sa paningin ko. "
Napanguso ako, " bolero. "
" May I have this dance? " nakangiti niyang tanong. Nakalahad pa sa harap ko ang kamay niya. Ipinatong ko ang kamay ko roon.
" Wala namang tugtog. "
" Problema ba iyon? edi kakantahan kita. "
Nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pagngiti. Kinakain ng kinikilig ang aking sistema.
Inilagay niya ang mga kamay ko patungo sa balikat niya, ang mga braso ay sa bewang ko pumulupot, hinapit niya pa ako papalapit. Naiilang man dahil titig niya sa akin ay sinalubong ko ang mga mata niya. Ang kislap sa mata niya.
" Loving can hurt, Loving can hurt sometimes, " panimula niya.
Photograph ni Ed sheeran ang kinakanta niya, marahan kaming sumayaw.
" But it's the only thing that i know,
when it gets hard, you know it can get hard sometimes. it is the only thing makes us feel alive, "
Ngumiti ako sa kanya. Napakaganda pala ng boses niya. Hindi ko man lang narinig noon, o baka narinig ko na, wala lang talaga siguro akong pake sa kanya noon.
" We keep this love in a photograph,
We made this memories for ourselves
Where our eyes are never closing,
Hearts are never broken,
and times forever frozen still,
So you can keep me,
Inside the pocket of your ripped jeans,
Holding me closer 'til our eyes meet,
you won't never be alone, wait for me to come home "
I feel like I wanted to cry, nakakaiyak kasi eh. Ewan ko ba, pero pinigilan ko ang luhang gustong tumakas. Isang ngiti ang ibinigay ko sa kanya.
" Loving can heal, loving can mend your soul,
and its the only thing i know, know
i swear it will get easier,
Remember that with every piece of you "
Huminto kami sa paggalaw ng matapos siya kumanta, pareho kaming nakatitig sa isat isa,
hanggang sa putulin iyon ng isang tinig.
" Tama na ang moment, aattend pa tayo sa kaarawan ng Hari, " ang nang aasar na boses ni Geo iyon.
Tsk panira amputik.
Narinig ko ang pagtawa niya kaya tinignan ko siya. kumindat pa siya bago naglakad papalayo. tss..
" I love you, baby, " bulong ni Jhuliane kaya naagaw niya ang atensyon ko pero mali pala iyon dahil nakatapat pala ang mukha niya sa akin, dahilan kung bakit nagdikit ang labi namin. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Agad din siyang lumayo at ngumiti. Napalunok ako dahil don.
" Let's go na " aya nya. Tahimik akong tumango at naglakad palabas kasunod niya.
" Huwag kang lalayo sa akin ah, " habilin ko. Natatakot ako dahil hindi ko kauri ang mga nilalang na kikitain namin. Nasa teritoryo nila kami.
" Masusunod, Mahal na Prinsea" seryoso niyang sabi, nilingon ko siya at hinampas. " Aray, bakit naman nanakit? " natatawa niyang tanong. Hinimas niya pa ang braso na tinamaan. Naguilty ako dahil mukhang napalakas ang hampas ko.
" Wag mo ako tawaging, Mahal na Prinsesa. "
" Ano ba dapat? Asawa ko? " seryoso niyang tanong.
" leche " inis na sabi ko, pakiramdam ko kasi nag iinit ang magkabila kong pisngi. Napakalakas talaga mang asar ng isang ito.
" Magiging asawa rin kita, " bulong niya na hindi ko naman masiyadong narinig.
Tumawa siya ng mahina na ikinakunot ng noo ko, para siyang timang. Nakasunod siya sa akin habang pababa kami ng hagdan. Nasa ibaba na si tita at tito, si Geo at isang babae.
" So bautiful, " papuri ni Tita Zapyre, napangiti ako sa sinabi niya, sanay na ako na masabihan ng ganyan ngunit iba talaga kapag kalevel mo ng ganda.
Napangiwi ako ng makarinig ng mahinang pagtawa. Siguro ay nabasa na naman nila ang isip ko.
" Magandang gabi, Reyna Zapyre, Haring George, Prince Geo and binibini " nakangiting bati ko ng tumapat ako sa kanila, sabay sabay kaming yumukod sa isat isa.
" Ito si Scarlett Ann Thalor, ang matalik kong kaibigan, " pakilala ni Geo sa babaeng kasama niya.
"kinagagalak kitang makilala Prinsesa ng mga Diwata, " pagbati nito at yumukod pa.
" Ganun din ako Scarlett " nakangiti kong ani.
" Hali na kayo, mahuhuli na tayo sa pagdiriwang "
Naglakad na kami palabas ng Palace Clinton. tinanaw ko ang matayog na Palasyo, iyong Palasyo Tore. Napagigitnaan kasi ng mga Familia Palacio iyon.
Sa harapan ay maraming ng mga bisita, may mga lamesa at upuan, meron din pahabang mesa na naglalaman ng pagkaen.
" Bakit sila nasa labas? " tanong ko kay Geo.
" Sila iyong mga bisita na walang imbitasyon pero pinapayagan pa rin na makadalo sa pagdiriwang, tanging may imbitasyon lamang ang pinapayagang pumasok sa Palasyo Tore, " sagot nito.
" Bakit hindi lahat binigyan ng imbitasyon? "
" Sa bawat pamilya ay isa lamang ang binibigyan non, maswerte ang mga maharlika dahil may inilaan na imbitasyon para sa kanila, na lahat ng pamilya ay mayroon, ang mga hindi nabibilang sa Maharlikang angkan ay isa lamang ang imbitasyon na para sa kanila. "
Napatango ako. Nang umapak kami sa limang hakbang na hagdan ay yumukod ang mga kawal, merong isang babae na nanghihingi ng Invitation Card. Ibinigay ko ang akin, ganun din ang ginawa nila.
Sa pagtapak ko sa Palasyo Tore ay kakaibang Pwersa ang aking naramdaman.
Malaki ang bulwagan, triple ang laki ng living room sa Mansyon namin.
Kita ang dalawang trono sa itaas, sa limang hakbang na hagdan ay may ibat ibang kulay ng bulaklak. Sa magkabilang side naman ay may pahabang mesa. Lumapit kami sa Left side. Yumukod sila kaya gumaya ako.
" Iba't ibang Uri ng Reyna at Hari " bulong ni Geo.
Ipinakilala ako ni Tito at Tita.
Naroon ang Hari at Reyna ng mga Wolf, Wizard, Witch, Half Ogre, Fairies, At mga Reyna at Hari ng Familia Palace. Matapos nun ay nagpaalam si Geo na ihahatid kami sa aming pwesto.
Sa right side iyon kung saan naroon daw ang mga Anak ng Maharlika o merong Imbitasyon kahit hindi Maharlika. Magagarbong kasuotan, magagarang palamuti, nagpapakita lamang na ganun sila kasagana sa buhay, may iilan naman na simple ang kasuotan ngunit hindi mo aakalaing nasa bilang sila ng mahihirap.
Nabibilang ako sa mundong ito, sa dalawamput apat na edad ngayon ko lang naramdaman na hindi ako naiiba, ngunit paano ko papatunayan na kaisa nila ako kung wala na akong kapangyarihan?
Nang makalapit sa mesa ay ipinakilala ako ni Geo sa mga nasa mesa.
" Ito ang unang Prinsesa ng mga Diwata, Si Prina. "
Ngumiti ako sa lahat, may iilan na lumapit sa akin tulad nalang ni Juliera Quin na anak daw ni King Juilliard iyong Pinuno na tagabantay sa lagusan. Si Drayke na anak daw ng King Drake and Princess Grace, Si Khia ang kasama nitong babae, at Si Sweet na napaka Bubbly. Matalik na kaibigan ni Juliera. si Alucard na anak ni Reyna Jasmin.
Naupo kami at nakipagkwentuhan. Minsan sa buhay ko hindi ko naramdaman agad magtiwala, pero hindi ko pa man sila kilala ng lubusan ay nagtitiwala na ako.
Halos lahat ay tumayo at yumukod ng bumaba sa Engrandeng Hagdan ang Haring Zhejiang, ng makatayo ito sa harap ng trono niya ay sumenyas na maupo ang lahat kaya naman naupo kami.
Nakasuot siya ng halos itim, pati nga ang Long Coat niya ay itim, napakagwapong nilalang, Tila nilikha silang perpekto.
" Salamat sa inyong pagdalo sa aking Kaarawan, kinagagalak ko kayong Masilayang lahat, naway masiyahan kayo sa salo salo na aking ipinahanda, " pumalakpak ang lahat kaya gumaya ako. " Let's have a toss " itinaas niya ang Wineglass, ginaya namin iyon saka nakipag toss sa mga malapit sa akin. Gaya niya ay uminom kami sa Wineglass na hawak.
Halos lahat ay nasa kanya ang paningin, kausap nito ang Reyna Moone, tila nag aaya ng isang sayaw, tama ako dahil inalalayan nito pababa ang Reyna, sa gitna ng bulwagan ay huminto sila. Kasunod nun ang pagtugtog ng Piano. May iilan din na sumayaw,
" May i have this dance? " napaangat ako ng tingin, isang gwapong nilalang ang nag aaya sa akin.
Nagtaka ako ng bigla nalang siyang natawa. Mukhang bampira pa dahil naririnig niya ang iniisip ko, inalok niya sa akin ang kamay niya kaya naman ipinatong ko ang kamay ko doon. Humarap ako kay Jhuliane.
" Sasayaw lang kami " paalam ko baka kasi magselos siya eh.
Tumango siya, tila nasisiyahan na nagpaalam ako. inalalayan ako ng binata patungo sa gitna.
" So! tunay nga na napaka gandang Prinsesa ang aking Pinsan sa Ina. "
" Ha? " naguguluhan kong tanong.
Sinusundan ko ang galaw niya, isang mabagal na tugtog ang sinasayaw namin.
Pinsan sa Ina?
Napaawang ang labi ko nang maintindihan ang sinabi niya.
" kung ganun ay anak ka ng Reyna Moone? "
Ngumiti siya at tumango.
Kamukha niya marahil ang Hari, napaka gwapong nilalang, ngunit para sa akin mas guwapo si Jhuliane, idagdag pa ang kapatid ko na si Arein at si Daddy. but speaking of Arein. Nasan kaya yon?
" Lahat ng kababaihan ay may ibat ibang paningin, para kay Mom Si Amang Hari ang pinaka guwapo, sumunod lamang ako, Sa aking kasintahan ay ako daw ang pinaka guwapo. "
" Can you stop reading my mind, " mahinahon kong pagsuway sa kanya. Baka kasi atakihin ako ng mga bampira kapag sinigawan ko siya, napangiwi ako sa naisip.
" Oh, Sorry, " nakangiti niyang saad. " And don't worry, no one will hurt you here. "
" Kung ganun, maswerte ako dahil ako ang unang isinayaw ng susunod na Hari ng Palasyo Tore. "
Natawa siya sa aking tinuran.
" Maswerte ako na isang Diwata ang una kong isinayaw, kung ganun maaari ko bang malaman kung saan nabibilang ang Prinsesang kasayaw ko? "
" May ganun ba? " naguguluhan kong tanong.
" Oo, Si Ina ay Diwata ng Buwan. Si Mama Jasmin ay Diwata ng Kagubatan. Si Mama Zapyre ay Diwata ng Apoy o Dragon. Si Mama Snow ay Diwata ng panahon. Ang iyong Ina ay Diwata ng karagatan. Meron ding Diwata ng Araw, Diwata ng Kasaganahan--
" Paumanhin, hindi ko pa alam ang tungkol diyan "
" Ayos lang, alam ko naman na galing ka sa mundo ng mga tao. "
Matapos namin magsayaw ay inihatid niya na ako sa upuan, pero ang tangka kong pag upo ay nahinto ng pumasok ang grupo ng mga Diwata at Si Reyna Jasmin. Lumapit muna sila sa Hari upang bumati bago nagtungo sa pwesto ng mga Reyna, ang iba ay nagtungo sa direksyon namin.
Isang napaka gandang babae ang lumapit sa akin, Naka white Simple Sweetheart neckline with Longsleeve, Ball gown siya.
" Hi! My Name is Winter " pakilala nito.
" Ako si--
" Prina, Princess ni Mama Arielle, the first princess. Daughter ako ni Queen Snow " nakangiti niyang saad. Spokening dollar.
" Nice to meet you " nakangiti kong sabi. Inalok ko ang kamay ko sa kanya pero umiling siya at ipinakita niya ang kamay niya na may White Gloves.
" Baka mag freeze ka, " pilit ang ngiting sabi niya, nakita ko ang suot niyang kwintas isa iyong Frozen white Crystal Snowflakes Necklace.
Naupo ito sa isang bakanteng upuan at nakipag usap na kay Geo.
" Gusto mo ba batiin ang Reyna Jasmin? " tanong ni Jhuliane. Tumango ako kaya tumayo siya at inalalayan akong makatayo, sabay kaming naglakad patungo roon.
" Reyna Jasmin " agaw pansin ko dito, tumayo ito ng makita ako, yumukod kami sa isat isa. Ganun din ang ginawa ko sa mga nakaupo.
" Kinagagalak kitang makita Prinsesa. "
Ngumiti lamang ako samantalang si Jhuliane ay tahimik lang na nasa likod ko, alam ko ramdam niya ang kaba ko pero mas pinili niya na bigyang respeto ang mga kausap ko.
" Siya na ba ang anak ng dating Reyna ng karagatan na si Arielle? " tanong ng isang babaeng nakakulay Orange.
Oo nga pala iba na ang Reyna ng Karagatan mula ng mawalan ng kapangyarihan si Mommy, napalitan siya ni Tita Jessa.
" Siya na nga, " sagot ni Reyna Jasmin.
" Kung ganun bakit kulay itim ang kulay ng kanyang buhok? " tanong naman ng naka kulay Gintong kasuotan.
Nakagat ko ang ibabang labi ko at yumuko. Kilala ang mga Sirena na merong Iba't ibang kulay ng buhok.
" Ano ang kapangyarihan mo, Prinsesa? " tanong ng nakakulay abo.
" Bago niyo siya tanungin ng kung ano ano, hindi ba kabastusan kung hindi niya kayo nakikilala? " pag aawat ni Reyna Jasmin. Napabuga tuloy ako ng hininga. Sa tingin ko alam na ni Reyna Jasmin na wala na akong kapangyarihan.
" Ito Si Demi Thalia ang Diwata ng Panaginip, " kung ganon ay nakikita niya ang lahat ng aming panaginip, namula ako sa naisip. Ibig sabihin ay alam niya ang nangyare noong isang gabi?
" Kinagagalak ko ho kayong makilala, " yumukod ako para magbigay galang.
" Ito Si Cheree ang Diwata ng Kayamanan, " hindi nga maipagkakaila dahil lahat ng bagay na meron sa katawan niya ay tunay na ginto.
Yumukod din ako para magbigay galang dito, ganun din siya sa akin.
" Ito si Dawn Seraphine ang Diwata ng Araw " ito yung nakakulay Orange. Katulad sa mga nauna ay yumukod din ako.
" Maaari ko bang makita ang iyong kwintas? " tanong niya.
Lumapit ako sa kanya para maipakita ang kwintas na suot ko. Pinagmasdan niya iyon at dahan dahang bumakas sa kanyang magandang mukha ang pagkagulat.
" H-hindi maaari " bulong niya, dahilan kung bakit ako naguluhan.
" Ano ang ibig sabihin mo Dawn? " tanong ng Reyna ng Panaginip.
" Huwag natin dito pag usapan ang bagay na mahalaga, isa itong pagdiriwang hindi isang pagpupulong, " boses ni Reyna Moone iyon, agad yumukod ang lahat ng makita ito.
" Paumanhin " sabay sabay na ani ng tatlo.
" Hali ka, ihahatid kita sa inyong mesa, upang makilala mo pa ang ibang kabataan, " nakangiti nitong aya sa akin, pero sa kalagitnaan ng paghakbang namin ay ang pagpasok ng isang Ginoo, ramdam ko ang authority sa kanyang presensya. Sa likod niya ay may isa pang lalaki na mukhang tagasilbi.
" Hari ng Encantado, " rinig kong sambit ni Reyna Moone. Kunot ang noo nito.
" Ano at naparito ka Kaibigan? " sa mabilis na kilos ay nasa harap na ng Ginoo ang Haring Zhejiang.
" Hindi ko gusto na manggulo Kamahalan, ngunit nakaabot sa akin ang balita na narito ang isang Encantado na itinakas sa aming Tribu, kaya kung maaari ay sumama siya sa amin ng matiwasay. "
Agad akong napatingin kay Jhuliane, madilim ang kanyang mga mata. Hinawakan ko ang kanyang kamay dahilan kung bakit naagaw ko ang atensyon niya.
" Huwag ka mag alala. hindi ako papayag na makuha ka nila, " mariin na bulong ko, naagaw ko ang atensyon niya. Ngumiti siya.
" Sasama ako sa kanila, kapag naalala mo na, pwede mo akong kunin sa kanila at pag nangyare yun sa iyo na ako, " nakangiti niyang bulong pabalik, marahan niyang tinanggal ang kamay ko. At naglakad palapit sa Ginoo.
Sa kanyang paghakbang ay pumatak ang luha mula sa aking mata. Nakaramdam ako ng takot.
Yumuko ito ng makalapit sa Ginoo, may kung ano sa katawan ko na gustong kumawala ngunit pinigilan ko.
Napahikbi na ako ng makita kong tumalikod na sila sa amin palabas ng palasyo, hahakbang na sana ako para sundan siya ngunit may kamay na pumigil sa aking braso. Nakagat ko ang labi ko upang hindi lumakas ang pag tangis. Pakiramdam ko lahat sila ay nakatingin sa akin. Lahat ay hinihintay ang gagawin ko, na isa pang hakbang ay isang pagkakamali.
" bitawan mo ako, " mariin na sabi ko.
" Hindi maaari, huwag mo siyang sundan sapagkat maaari kang maparusahan ng mga Diwata. "
Yumuko ako, ano ang gagawin ko. Paano ko siya ililigtas kung hindi ko alam kung ano ang dapat kong maaalala. Ano nga ba ang magagawa ng mga alaala ko para maialis siya sa pagiging alipin.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Amazing Story I love 09/3/2025
03/09/2025
0how to get robux
21/07/2024
0100
11/07/2024
1Tingnan Lahat