Prina's Boyfriend

** PRINA **
" PRINAAAA, " sigaw ni mom ang bumungad sa akin pagpasok ko sa Mansion.
" Mom "
Lumapit ito sa akin at yumakap.
" Wag kana ulit aalis okay? wag mo na pag alalahanin si mommy. Hindi kakayanin ni mommy, " sobrang higpit nang yakap nito sa akin. Ramdam ko ang takot at ang kaba niya. Ito ang unang beses na nagpakita ng emosyon si mommy.
At napangiti ako ng maalala na buntis nga pala siya. At tulad ng isang tao ay nagiging emosyonal na.
" Wag kana po mag alala mommy, I'm fine. "
Humiwalay ito sa akin saka dumistansya. Napangiwi ako nang magtakip siya ng ilong at bibig. Ayaw niya nga pala sa amoy ko.
" Okay okay! but please wag kana ulit gagawa ng mission. Mag promise ka. "
" Mom, please kaya ko! hindi na po ako bata. "
" I know, but still I'm scared to lose you. "
Ngumiti ako at lumapit para humalik sa pisngi niya.
" Hindi po ako mawawala sa inyo. "
Matapos ang pag uusap na yun ay pumanhik ako sa kwarto. Naligo at nag ayos para sa pagtulog. I need a good sleep. I'm 24 now but not sanay na magsuot ng night dress, I prefer a sleepwear.
Muling bumalik sa akin ang itsura ni Jhuliane kanina, naka doctor suit pa ito. Halatang galing pa sa trabaho.
Kung tatanungin niyo ako kung nagalit ba ako sa kanya, malaking OO ang sagot ko.
Lahat naman siguro magagalit sa nangyare, pero sa paglipas ng taon. Ang galit ay napalitan ng kapayapaan, natutunan ko siyang patawarin kahit pa hindi naman siya humingi ng kapatawaran.
Ganon talaga siguro kapag nagmamatured ka.
May mga bagay na kailangan mong gawin para sa peace of mind mo, magpatawad kahit hindi naman hinihingi.
Hindi ako naging bitter. Hindi tulad ng ibang teenager na ayaw makarinig ng balita about sa Ex nila. Lahat ng tungkol kay Jhuliane ay pinapakinggan ko, kahit nasa malayo ako. Masaya ako sa lahat ng narating niya.
Nandon pa rin yung kabog ng dibdib kapag nakakaharap ko siya pero isinantabi ko iyon dahil palaging kong sinasabi sa sarili ko na hindi kami para sa isat isa. Hindi siguro talaga pwede. Kahit may maliit na parte ng isip ko na nagsasabing baka pwede naman, baka kami nga.
Natigil ang pagmuni muni ko ng may kumatok sa pinto, nilapitan ko iyon at binuksan.
" Dinner po " may dalang tray ng pagkaen ang katulong.
" Pakibaba nalang, doon nalang ako kakain "
" sige po. "
Isinara ko ang pinto ng mawala siya, hindi pa naman kasi ako gutom. Siguro ay mamaya nalang.
Its 6:54 pm, maaga pa.
Humiga ako sa kabilang side ng kama, itinuon ko ang atensyon sa puting kisame ng silid. Wala namang interesante roon pero hindi ko magawang alisin ang tingin, siguro dahil malayo ang nilalakbay ng isip.
Ng hindi inantok ay bumangon ako saka binuksan ang Laptop. Magdedesign nalang siguro ako.
Inilabas ko ang Sketchpad and Pencil ko para makapag drawing.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at gumuhit ako ng isang Wedding Gown. Isa iyong sweetheart top and Silky Flowy Gown. Simple lang pero paniguradong kapag maganda ang magsusuot, stand out pa rin. Hindi ko pa man natatapos ay inilipat ko na sa bagong pahina at muling gumuhit. Mga Formal gown naman ang iginuhit.
Napasabunot ako sa buhok ng hindi makuha ang design na gusto ko. Magulo ang isip ko.
Inis kong iniwan ang ginagawa, pumasok ako sa banyo para maligo.
Nagsuot ako ng Violet Lacey Dress na Xcross sa likod, pinaresan ko iyon ng Violet T-Strap Heels. Ipinatong ko sa balikat ang Coat ko, dahil mamaya Alam kong lalamigin ako. Slingbag to perfect the outfit.
Itinali ko ang buhok ko into messy bun, sinigurado ko na may mga nakalaylay na buhok sa harap ng mukha ko. Naglagay rin ako ng Dark Pink Lipstick, at lumabas.
Naka Dim na ang mga ilaw sa buong Mansion, indikasyon na tulog na ang mga magulang ko.
Pababa ng hagdan ay naisipan kong tawagan ang isa sa mga taong malapit sa akin. I dialled his number. Hindi nagtagal ang pag ring dahil agad iyong sinagot. Always siya may time sa akin.
" Good evening Honey, " bati nito sa akin sa kabilang linya. Natawa ako sa itinawag niya sa akin.
" loko! Let's party tonight are you free? "
" wow! Sige, sige. Saan tayo magkikita? namiss mo agad ako? nagkita tayo kanina ah. " natawa kami pareho sa mga kalokohan.
" Prank Bar, " sagot ko.
" Okay bye, Honey. "
" Bye, Hon. "
Pagbaba ko ay may katulong na sumalubong sa akin. Matagal na siya sa amin. Siguro ay mas matanda lang ng ilang taon sa akin. Anak kasi siya ng dating mayordoma ng Pamilya Imperial. Isang scholar ni Daddy. Iilan lang talaga ang katulong sa bahay, madalas ay hindi sila makikita.
" Kakain na po kayo? "
" Ah, hindi na Ya. Pwede ba pakisuyo sa driver. Magpapahatid sana ako "
" Sige po, mam. "
Ng umalis siya ay dumiretso na ako sa labas. Ilang minuto lang ay lumabas na rin ang driver. Inihinto niya ang sasakyan sa harap ko. Bumaba at pinagbuksan ako.
" Saan po tayo mam? " tanong niya ng magsimula siyang magmaneho.
" Prank Bar kuya "
-
To : MOMMY ARIELLE
Umalis po ako, hindi po mission.
Hindi na po ako uuwi diyan.
Deretso na siguro po ako sa paghahanap ng condo ko.
-
Ibinaba ako ng driver sa tapat ng Bar. Nagpasalamat ako saka na naglakad papasok. Nginitian pa ako ng Bouncer. Kilala na kasi nila ako dati pa.
" Nakabalik na po pala kayo. "
Tinanguan ko lang siya at nginitian.
May ilang bumabati sa akin. Kilala ako bilang designer and model kaya marami pa rin talaga ang gustong makipag interact sa akin.
" Prina, " rinig kong tawag sa akin. Malakas na ang tugtog dahil anong oras na. 9:00 pm I guess.
Napalingon ako sa kumalabit sa akin. Si Patty iyon, nakahawak sa bewang niya si Franki. So sila na pala. Halata rin umbok niyang tiyan.
" Long time no See " nakangiti niyang bati sa akin.
" It's nice to see you " sabi ko.
" Wala kang kasama? "
" Meron, " nakangiti kong sinuyod ang paligid. Sa Bar Counter nakita kong nakasandal si Xian Morselo. Kumaway ako sa kanya kaya naglakad siya papalapit sa akin.
" Hi Honey " bati nito sa akin at humalik sa pisngi ko.
" Guys, my boyfriend! Xiao Man Morselo "
" Oh! Prina's boyfriend. hi, I'm Franki " nakangising pakilala ni Franki.
" Nice to meet you, bro. "
Ang laki ng boses ni Xian kaloka!
" I'm Patricia, " pakilala naman ni Patty.
" Doon tayo sa VIP couch " aya ni Franki.
Kumapit ako sa braso ni Xiao, napangiti ako ng umirap siya sa akin. Napahinto ako ng makita ang mga nakaupo sa Couch.
Si Gel, JT, Seff, Dan and Jhuliane...
" Guys Guys! Look who's here. Prina with her boyfriend, " malakas na anunsyo ni Franki na ikinalingon sa akin ng mga nakaupo roon..
Kakaibang reaction ang nakuha ko sa mga kaibigan ni Jhuliane. Napangiwi ako.
" Wow! May boyfriend na si Prina, " si Seff iyon na medyo masungit.
" Masakit " si Dan naman iyong go with the flow.
" Woaaaah pinalitan agad " si Gel na makulit.
" Shut up guys " inis na sabi ni Jhuliane.
" Congrats Brat " si JT ang pinakatahimik.
-
" Guys sa VIP room lang kami, " paalam ko sa kanila.
" Sama kami " inirapan ko si Gel saka naglakad na sa itinuro ni Xian na room.
Magkatabi kaming umupo ni Xian sa Couch. May ibinulong siya sa akin na ikinangiti ko. No one knows.
Umorder kami ng foods at Drinks. Dinamihan ko na dahil may mga asungot na dumagdag.
" Boss kanta ka " malakas na sabi ni Gel. Tumango lang si Jhuliane. Naniningkit ang mata ko dahil panay ang pagsulyap niya sa akin. Panay rin tuloy ang pagbulong ni Xian.
" Di na, ‘di ka pipigilan
Ikaw ay hahayaan
Ang iwanan akong mag-isa
Titiisin ko na
Ang lahat ng sakit
Ng ako’y iyong pinagpalit
Pakiusap ko lang
Wag ng magbalik. "
Habang kumakanta ay pasulyap sulyap siya sa akin. Isa sa mga hindi ko alam tungkol sa kanya, marunong pala siya kumanta.
Ang ingay ingay ng mga kaibigan niya hindi ko tuloy maiwasan na hilutin ang sintido.
" Di na, di na ko luluha
Pagod ang aking pusong
Umasa na magbabago ka
Tama ng minsang iniwan
Halos di makayanan
Nung araw na ako ay nilisan mo "
" Nung araw na ako ay nilisan mo " pag sesecond voice ni Gel. The heck?
"Hooh…
Hooh…
Minahal mo ba ako
Kailangan mo lang ba ako? "
Dapat ata ako ang magtanong niyan sayo.
Tss, why so affected Prina?
Nagpalakpakan ang mga tukmol matapos kumanta ng kanilang leader, natawa ako sa sariling naisip. The tukmol and their leader.
" Ako kakanta " malakas na sabi ni Franki, kinuha niya ang mic. Napangiti nalang ako sa kalokohan nila.
" ngumingiti ka na ulit " bulong ni Xian.
" Nangiti naman ako " bulong ko din.
" Syempre kapag siya ang kinukwento mo. "
" The Fck! " natawa siya sa naging reaction ko.
" Sandali lang, teka lang
Bakit ba ako nasasaktan
Sa tuwing makikita kitang
May kasamang iba " pagkanta ni Franki, may hawak din na mic si Gel. taga second voice ang buang.
" may kasamang ibaaaaaa. "
Ininom ko ang Whiskey na nasa Wine glass.
" Bakit ba ganito
Ang nararamdaman ng puso ko oh
'Di naman ako ang pag-ibig mo
Magkaibigan lang naman tayo. "
Rangna!! anong klaseng kanta yan?
" Dati 'di ko pansin ang iyong dating
Kahit cute ka pa sa 'king paningin
Ngunit 'di ko sadyang malalaman ito
Ikaw pala ay iniibig ko "
" Dahan dahan lang " bulong ni Xian, pero sinunod sunod ko ang pagsalin ng alak sa baso at tinungga.
" easy ka lang po Ms. Prina, " saway ni Seff. Ngumiti lang ako dito at nagkibit balikat.
" Itatago na lang ang damdamin ko
Dahil ayokong malayo sa iyo
Maghihintay lang na mapansin mo
Ang pag-ibig ko oh, na para lamang sayo
Sandali lang, teka lang
Bakit ba ikaw na lang ang laman
Sa isipan ko'y hinahanap kita
At wala ng iba…"
Inabot sa akin ni Franki ang Mic. Nagtaka ako na tumingin sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
" Balita namin magaling si tita kumanta, kaya baka pwede naman na kantahan mo kami " request ni Gel.
" Magaling sya kumanta " nakangiting saad ni Xian. Nagkibit balikat ako at tinignan ang kanta.
shiiiit! bat ganyan yung kanta?
" Pansin mo ba ang pagbabago
Di matitigan ang iyong mga mata
Tila di na nananabik
Sayong yakap at halik. "
" Ouch " react ng mga tukmol na ikinatawa ko.
" tagay pa boss " rinig kong sabi ni Gel kay Jhuliane.
" Masakit naba boss? "
" Sana'y malaman mo
Hindi sinsadya
Kung ang nais ko ay
Maging malaya "
" Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
Di lang ikaw "
" Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip, wag kang pakawalan
Ngunit puso ko, ay kailangan kang iwan "
Matapos ng kanta ay sinunod sunod ko ang pag inom ng alak. Hindi naman ako madaling malasing. Mas lumalim pa ang gabi pero nandun parin kami.
" Uwi na tayo " bulong ko kay Xian.
" Saan kita ihahatid? " bulong niya rin.
" Sa pinakamalapit na hotel " malakas na sagot ko.
" Ay halaaaa Ms. Prina ako na maghahatid sayo. " biglang singit ni Gel. Natawa ako. Hindi pa ako lasing pero nahihilo na ako. Isama pa ang antok at pagod.
" Hindi na. Mag uusap pa kami ni Xian kaya sa malapit na hotel nalang kami, " pero ng tangka na akong lalapit kay Xian ay may bumuhat sa akin. naka bridal style.
Pinakatitigan ko ang lalaking may buhat sa akin at ng maaninagan na si Jhuliane ay hinampas ko iyon sa dibdib.
" Wag ka malikot, ilalaglag kita, " banta niya.
" Ibaba mo ako, " malakas na angil ko. Hindi niya ako pinansin, imbis ay naglakad siya dere deretso palabas ng Bar.
Ibinaba niya lang ako ng wala na ang masikip na paligid. Sumandal ako sa pinto ng kotse.
Hinintay ko si Xian na makalabas. Kumaway ako sa kanya kaya lumapit siya.
" Uuwi na ako, Honey. " malambing na sabi niya.
Ikinawit ko ang mga braso ko sa leeg niya.
" Ikaw nalang ang maghatid sa akin sa hotel. " malambing na saad ko. Isinandal ko ang ulo ko sa kanyang dibdib.
" Si Mr. Yueshen na ang maghahatid sayo Honey, hindi sa hotel kundi sa bahay niyo. "
Sumimangot ako. " pero Hon gusto kita. "
Natawa ito sa narinig. Hinampas ko siya sa dibdib dahil sa inis. Natawa din ng marealize ang sinabi.
" Tapos na ba kayo? baka pwedeng umuwi na tayo, " rinig ang iritasyon sa boses ni Jhuliane. Tinignan ko siya ng masama pero mas masama pa pala ang tingin na ibibigay nya sa akin.
Problema nito?

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    Rose Marie Bongat

    Amazing Story I love 09/3/2025

    03/09/2025

      0
  • avatar
    Justine Sulca

    how to get robux

    21/07/2024

      0
  • avatar
    Angelo Bestudio

    100

    11/07/2024

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata