Homepage/Not Ordinary Princess/
Mission
♥︎** PRINA **♥︎
Matapos namin mag usap ni Xian ay umalis na siya, may aasikasuhin pa raw kasi siya na dahilan kung bakit umuwi dito sa Pilipinas. Mukhang walang oras ang Honey ko para makasama ako.
Nagtungo ako sa banyo para saglit na mag ayos. Itinali ko ang kaninang nakalugay kong buhok into high ponytail, saglit na sinipat ang itsura sa Wall body mirror at nang makita ko ang ayos ay kinindatan ko ang sarili. I find myself better.
-
To : TITO ASH
this is Agent P
Ready for Mission
Sa trabaho naming mga na trained bilang agent ay kailangan namin ng matalas na memory, kailangan na kabisado ang numero ng mga taong kasama sa mission. Kabisado ko ang lahat ng number nila, including the guy. Si soon to be Doctor.
My phone beep. I chuckled as I read his message.
From : TITO ASH
see you at the Mission.
Wala na akong inaksayang oras, nilisan ko ang Mall at sumakay sa motor. Swabe akong nagmaneho patungo sa lugar na nakalagay sa Mission. Hindi ako pwedeng pumalpak.
Ayon sa information na nakalagay sa Documents.
Mga Black Ninja ang kailangan mahuli ng mga pulis. Kilala sila bilang hand to hand combat, mga nag aral talaga ng martial arts.
Mga Criminals, mga pumapatay ng tao kapalit ng Million pera na kabayaran.
Pumarada ako sa di kalayuan. Sayang kasi ang motor ko kung madadamay sa pagsabog.
Bago ako umakyat sa bakod ay napagpasyahan kong magsuot ng Mask. Swabe akong tumalon pababa.
Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay may sumalubong na sa akin. Sumipa ito na agad ko namang naiwasan. Sa muling pagsipa niya ay nahawakan ko ang kanyang binti. Gamit ang libreng kamao ay binigyan ko siya ng hindi malilimutan na suntok. Biinitawan ko siya at napangisi ng bumagsak ito sa lupa.
Nga lang ay napawi ang magandang ngisi na nakapaskil sa labi, sunod sunod kasi ang umatake sa akin.
Suntok, sipa at tadyak ang pinapaulan, sinasabayan ko ang bilis ng kilos nila. Napapangiwi ako sa tuwing tatamaan sila dahil naka killer heels ako ay dumudugo talaga kapag tinatamaan sila.
Yumuko ako upang makailag sa tangkang pagsuntok ng isa. Gamit ang paa ay pinatid ko siya dahilan ng pagbagsak niya saka ko siya inapakan sa leeg, sinasalag ko naman ang mga pag atake ng iba. Nang mahuli ko ang buhok ng isa ay sinabutan ko iyon saka siya pinatalikod at mabilis na hinampas sa batok. Four down.
" Tang na!! hindi ba kayo nauubos? "
" Marami kami, isa kalang " sagot ng isang susugod sa akin.
" Wala akong pake, kaya ko kayo ubusin gamit ang kamay ko. " hindi ako papatalo.
" Yun eh, kung magagawa mo, " mga ninja nga.
Mabibilis kumilos. Kaya ko naman sabayan kaso sa dami nila mapapagod lang ako.
Pinagbabato ko ng karayom sa binti ang mga susugod sa akin saka ko sila binibigyan ng flying kick. Kaso sa sobrang abala ko hindi ko namalayan ang nasa likod ko, nanlabo ang mata ko sa lakas ng hampas niya at kinain ng dilim ang buong sistema.
**
** JHULIANE **
KATATAPOS LANG NG DUTY KO sa hospital, hindi pa ako Doctor. Marami pang taon ang bubuoin ko para maging isang magaling na Radiologist Doctor. A radiologist is a type of doctor who uses medical imaging to support the diagnosis and treatment of various conditions and injuries.
Medical school is a long process that really begins in your undergraduate years as a pre-med student. After obtaining a bachelor’s degree, all aspiring physicians must go to medical school for four years, and then complete a one year internship and a three or four year residency. It’s a lot of work, and that’s not even including all the grueling applications!
When she left I started studying Psychology for my pre-med course. At ngayon nga ay nasa ikaapat na taon na.
Matapos maghugas ng kamay at makapagpunas ay nagtungo ako sa Locker, sakto pagbukas ko non ay ang pagtunog ng cellphone.
Mabilis kong sinagot ang tawag nang makita na ang pangalan ni Tito Rome ang nakarehistro sa screen.
" Yes tito? "
" tumawag si Ash, Prina need a back up, " iyon agad ang bungad niya sa akin. Something happened.
" Ho? "
" Nawawala si Prina. "
" Anong oras po? "
" Kanina pang 11 umalis. "
" sige po hahanapin ko "
San naman kaya napunta ang babaeng iyon?
" Yeah! bago pa ang tita Arielle mo ang humanap sa kanya. You know how scary she is "
" Sige po tito, bye. "
Pagkapatay ng tawag ay nag composed ako ng message sa mga tukmol.
-
TO : JT, Gel, Franki, Seff, Dan.
At Seff Place now...
Prina need a back up.
I need her location now.
-
Hindi pa man ako nakakabihis ay nagpaalam na ako sa mga kasama ko sa Duty. Sumakay ako ng kotse ko saka iyon pinaharurot patungo sa Condo Unit ni Seff.
7 hours missing.
Asan na kaya ang pasaway na babae?
" Ano na track mo na? " i asked Seff.
" Kumalma ka, naguguluhan ako sayo " asar na sabi nya.
" Paano naman kakalma ang loverboy? " tanong ni Gel. Sinamaan ko ito ng tingin.
" Edi suntukin para makatulog, tas ako nalang sasagip sa Prinsesa para mainlove sa akin, " natatawang sagot ni Franki.
" Tss! Like magugustuhan ka ng spoiled brat na yun " - JT
" Burn " natatawang sabi ni Gel.
" Tss " - Dan
" Shatap Guys! can't focus " asar na sabi ni Seff kaya pinagbabatukan ko yung dalawa.
" Sabihin mo Seff bulok kana " nang aasar pa talaga si Franki.
Palakad lakad ako. Hindi mapakali. Galing pa ako sa Duty tas iyon ang bumungad sa akin. Like how to kalma guys?
" ito na. "
sabay sabay naming tinignan ang location.
" Saan yan? " kunot noong tanong ko.
" Building? " tanong ni Franki.
" Yung mission " - JT
" The Black Ninja? " - Gel
" Let's go " aya ko sa kanila. Kumuha ako ng baril sa closet.
" Nakaganyan kana? " tanong ni Franki.
" Wag nalang natin hayaan na lumaban siya, " sabi ni Gel.
" Boss taga tingin ka muna, " sinamaan ko ng tingin ang tumatawang si Franki, loko loko talaga.
" Una na ako hahanap ako ng magandang spot " paalam ni JT siya kasi ang sniper ng grupo.
Ipinasok ko ang kamay ko sa Suit na suot ko para hindi makita ang baril.
Sumakay ako sa motor ni Gel na mabilis niyang pinaharurot. Medyo malayo pa...
Huminto kami sa di kalayuan. Nangunot ang noo ko nang makita ang motor ni Prina.
" She's here "
" Tara na boss "
Sa harap kami dumaan. Pinagbabaril namin sa binti ang mga nakikita naming susugod sa amin. Marami ng tumba panigurado si tito Ash ang may gawa.
" Boss ako nalang, baka matalsikan yung suit mo "
Nagkibit balikat ako. Nasa likod niya ako habang bumabaril siya. Binabaril ko din yung mga susugod mula sa gilid. Kapag sa Mission ay mas Upper ako sa kanila pero kapag hindi ay pantay pantay lang.
Nang makapasok kami ay dumiretso kami sa pinakahuling palapag bago mag rooftop.
Pinigilan ko silang sumugod. Pinapakinggan ko pa ang usapan ng dalawa bago ko senyasan si JT na bumaril.
Nang matumba yung babae ay sinugod ito ni Prina at ilang beses sinampal. Nasa likod niya lang ako. Ramdam ko ang galit nito kaya inawat na siya ni Gel.
" Where's my bag? "
" Here " nagsalita ako.
Lumingon sya sa akin.
Prente naman akong nakasandal sa pader habang hawak ang bag niya.
" Ginalaw mo ba yan? " nakataas kilay na tanong niya.
" Hindi po kamahalan. "
Napangisi ako ng makita ang pamatay niyang pag irap. Ugh! Ang sarap panggigilan. Hinaltak niya ang bag sa kamay ko kaya bahagya akong natawa.
" Umuwi kana at wag na ulit gagawa ng mission, " nag aalala na kasi ang mommy at daddy mo, pero kakaibang takot ang nararamdaman ko habang hinahanap kita.
" At sino ka para sundin ko? " ang taray talaga.
" Hindi ko alam kung sino nga ba ako sayo. "
Oo nga sino ba naman ako?
Ako lang naman yung hindi mo minahal.
Ako lang naman yun diba?
**
** PRINA **
BUMALIK ANG MALAY KO nang maramdamang gumalaw ang kinauupuan ko. Muli may sumipa roon.
" Gumising kana, " isang boses ng babae iyon.
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang sumaksak sa akin at ang babaeng nasa harapan ko ay iisa lamang. Kaya pala hindi na siya nagpakita sa akin. Pamilyar talaga ang boses niya.
" Kamusta? " nakangiti niyang tanong.
Natatakpan ng itim na tela ang kanyang muka, tanging mga mata lang ang kita. Paano ko nasasabing nakangiti siya. Kumikislap kasi ang mga mata niya. Sarap tusukin ang tangna.
" Okay naman, " kung okay nga ba na nakatali ako sa upuan.
Cliché naman nito.
Walang na bang bago?
Hays, iyong palagi nalang nagigising ang bida sa upuan tas nakatali. Ugh! Kairita.
Walang nagbago sa suot ko o sa itsura ko. Di ko nga lang alam kung may pasa ako. Itinago ko ang pagngingitngit ko ng maisip na baka may pasa ako. Nangangati ang kamay ko na kalbuhin siya.
May can you be— can you be my friend pa siya. Gusto niya lang pala malaman ang bahay ni Jhuliane. Para ano? Para makuha ang isang documents.
" Ang ganda mo talaga, " imbis na matuwa sa papuri niya ay mas naiirita ako.
" Ikaw rin maganda. Iyong tipong ang ganda mo itali sa kama tapos bibili ako ng mga aso at isang kilong sariwang karne. Ibubuhos ko sayo para lapain ka ng mga aso, " nakangisi kong banat.
" Alam mo idol naman talaga kita, kaso isa kang hadlang sa mission ko "
Hindi ko inalis ang nakapaskil na ngisi, gusto kong ipakita na hindi man lang ako apektado sa presensya niya. Ngayon ko napatunayan na kilala ko nga siya. Ang mga sinungaling ay nahuhuli sa sariling bunganga.
Hinubad niya ang tela sa kanyang mukha, tila nasa isang shoot siya na iginalaw galaw pa ang ulo para lang ma-highlight ang pagbagsak ng buhok niya.
RIZAINE CAZENOVIA
" Oh, akala ko hindi ka magpapakilala sa akin, bat mo hinubad? " kunwari ay namamangha kong tanong.
" Magpapakilala na, para naman makilala mo ang taong papatay sayo, " lumapit pa siya sa akin at mahinang tinampal ang pisngi ko.
" Ang ganda mo, " papuri niya saka pinasadahan ang ilong ko.
" Dalawa. "
" Anong dalawa? " hinawakan niya pa ang panga ko.
" Tatlo "
" Ang ganda naman nitong damit mo, " hindi pinapansin ang pagbibilang ko.
" Malamang ilang libo ang halaga niyan. "
" kaso sayang mamantyahan ng dugo. "
" okay lang kaya ko naman bumili ng sampu niyan, I don't mind. Ganun kami kayaman na pati buhay mo kaya kong bilhin. "
" tss " muli niya akong tinampal ng mahina sa pisngi.
" Apat "
" bat kaba nagbibilang? " iritable niyang tanong.
" Binibilang ko kung ilang beses lumapat ang kamay mo sa balat ko, " nakangisi kong sagot.
" At bakit? " bakas na ang inis sa kanyang mukha.
" Para alam ko kung ilang beses din palalapatin ang kamay ko sa balat mo. "
Namamangha siyang tumawa. Kung tignan niya ako ay para akong isang hibang.
" Ha! grabee nakakatawa ka, akala mo ba ay makakaalis ka pa diyan? " turo niya sa kinauupuan ko.
" Maybe Yes and Maybe not. "
" Pwes para sabihin ko sayo hindi kana makakaalis diyan. "
" Okay, pwede mo rin ba sabihin sa akin kung sino ang master niyo? "
" Ano ako tanga? " natatawa niyang tanong.
" medyo " saka ko sya sinipa sa mukha na ikinatumba niya.
Nakalimutan niya atang isa akong Well trained. Tumambling ako ng tatlong beses sakto sa pagtayo ko ang pagtayo niya. Muling sumilay ang ngisi sa labi ko.
" Hindi kana makakaalis dito, " pero bago pa siya sumugod ay may bala ng tumama sa binti niya sanhi ng pagkabagsak sa sahig.
" Payback time, " lumapit ako sa kanya saka ilang beses siyang pinagsasampal. Bago ako inawat ni Gel.
" Tama na Prina, ako na bahala. "
Kanina ko pa naramdaman ang presensya nilang magkakaibigan. Ang tagal naman ata nilang nahanap ako. Nakikichismiss pa ang mga ugok. Mga tropa talaga silang Unggoy.
" Where's my bag? "
" here " napaigtad ako ng may magsalita sa likod ko.
Lumingon ako sa kanya. Prente siyang nakasandal sa pader habang hawak ang bag ko.
" Ginalaw mo ba yan? " nakataas kilay na tanong ko.
" Hindi po kamahalan. "
Inirapan ko lang siya saka kinuha ang bag ko.
" Umuwi kana at wag na ulit gagawa ng mission " utos niya.
" At sino ka para sundin ko? "
" Hindi ko alam kung sino nga ba ako sayo " ang kaninang nang aasar na boses niya ay humina. Naging seryoso at saglit kong nakita na dumaan ang sakit sa mga mata niya.
Tinalikuran ko na siya at naglakad na papalayo. Ayoko ng makita pang malungkot ang mga mata niya.
" Wala man lang bang thank you? "
Umakbay pa sa akin ang unggoy.
" Thank--
" Pwede ding i love you " nilingon ko siya at ganun nalang kaganda ang ngisi nya.
" Bat di ka manghingi sa Fiance mo? " taas kilay kong tanong.
" Nanghihingi na nga eh, " bulong niya na di ko masyadong narinig.
" Anong binubulong mo riyan? "
" Wala! sabi ko ang ganda mo. "
" alam ko. "
" Ang ganda mo isako, " natatawang dugtong niya na ikinakunot ng noo ko, nang makita niya ang reaction ko ay tumakbo ito papalayo sa akin.
Argggg kainis!!
Di pa rin nagbabago.
Bully pa rin.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Amazing Story I love 09/3/2025
03/09/2025
0how to get robux
21/07/2024
0100
11/07/2024
1Tingnan Lahat