The Game is Over

♥︎** PRINA **♥︎
•
Tahimik kaming sumakay ng taxi. Nilakad namin palabas ang lugar na yun para lang makahanap ng taxi.
" Hindi kana babalik doon, sasabihin mo sa akin lahat lahat, naiintindihan mo? " mariin ang pananalita ko, gusto kong iparamdam sa kanya na mali ang ginagawa niya.
Tumango siya. Nakayuko at tahimik na umiiyak.
PINE APPLE APORA HARSONBURG. A 15 years old Girl. Grade 12 student. Daughter of MerLiah Apora and his Ex boyfriend Paul Harsonburg.
Medyo malaydirin ang byahe, mga kalahatinoras.s siguro kaming nakaupo sa loob ng sasakyan.
" Maam, nandito na po. "
Sa labas kami ng subdivision nagpababa. Ayaw ko ng abalahin ang Taxi Driver dahil medyo dulo pa ang Mansion ni Dad.
" ito po ang bayad " saka kami bumaba.
-
TO : MANONG
Manong si Prina ito, pasundo kami sa gate ng subdivision.
From : MANONG
sige po maam.
-
Habang naghihintay ay nag *beep* ang phone ko.
From : BABY MONKEY
nasan ka? nasa bahay na ako pero wala ka dito. baby susunduin kita. Sorry kung hindi kita tinext bago ako umuwi tas di ka pa pala nakakauwi.
To : BABY MONKEY
baby, Nasa Mansion ako, uuwi din ako mamaya. kumain kana. I'm fine don't worry.
From : BABY MONKEY
okay, ikaw din kumain na. Ingat sa pag uwi mamaya. I love you.
-
Ng dumating si manong ay sumakay kami ni Pine.
tulala pa rin ito hanggang sa makarating kami sa Mansion.
Anong ginawa nila?
Humanda sila sa akin.
Pumasok kami sa kwarto ko at pinaupo siya sa kama. Tumayo naman ako sa harapan niya. Ang dalawang kamay ay nakalagay sa bewang.
" Spill "
" A-Ate " panay ang pagtulo ng luha niya. Gusto ko man maging malambot ay hindi pwede.
" Spill " nagpapasensya kong sabi.
" Sorry " naihilamos niya ang kamay sa mukha.
" Ano ang ginawa nila sayo? "
" Papatayin nila ang pamilya ko kapag may pinagsabihan ako. Papatayin nila ate. " panay ang pag iyak niya kaya wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya.
" Sabihin mo sa akin, poprotektahan ko kayo. "
" Pinagbebenta nila ako ng Droga ate, tina- tinakot nila ako na kapag hindi ko ginawa si mommy... si mommy ang magiging kabayaran, Ate— ate hindi ko kaya, sinunod ko sila.. kasi— kasi kapag hindi ko ginawa gagalawin nila ako ate, A—ayoko... ayoko ate. "
" ssssshhhhh! si Ate na ang bahala, si ate na... igaganti ka ni ate okay? "
-
Gamit ang motor na binili ko ay inihatid ko si Pine sa bahay nila. Nagpaalam na akong aalis pero huminto ako sa di kalayuan. Iyong hindi nila makikita. Hindi ko sila pwedeng iwanan dahil baka pag alis ko saka umatake ang mga sindikatong iyon. Tangna!!
Mabilis kong inilabas ang cellphone at tinawagan si Tito Ash. Siya lang ang makakatulong sa akin.

" Yes Prinsesa? " sagot agad nito sa kabilang linya.
" I need a security team, iyong magagaling. "
" Why? "
" Nasa panganib buhay nila Tita Liah, I need the security in five second or else paniguradong uulan ng bala sa bahay nila "
" Okay, On my way na. "
" Yung magagaling, iyong hindi mararamdaman nila tita Liah, iyong magagaling sa dilim, sa malayuan. "
" Okay okay, relax princess, papunta na. "
" thanks " pinatay ko ang tawag saka prenteng sumandal sa motor. Pinaikot ikot ko ang cellphone sa kamay ko.
*1*
*2*
*3*
*4*
Hindi pa man umaabot sa lima ang bilang ko ay narinig ko na sa di kalayuan ang tunog ng motor ni tito, tinatahak ang direksyon ko.
" kayo na po ang bahala dito. "
" Sige! magpahinga kana prinsesa. "
" hahaha nakakatakot yung pahinga. Uuwi na ko. "
Natawa siya ng marealize ang sinabi ko.
Bumalik ako sa Mansion saka kumuha ng gamit. Sisiguraduhin kong hindi na sisikatan ng umaga ang mga iyon.
KINABUKASAN usap usapan sa school ang pagkasunog at pagkamatay ng Mayor ng lugar na yon. Hindi daw ito nakalabas ng bahay at nalaman ng mga pulis na drug lord ang mayor dahil sa nakitang bodega nito.
Syempre hindi ko dinamay ang anak at asawa ng mayor. Hindi naman sila kasali eh... mabait pa naman ako.
Hindi na ako sumabay kay Jhuliane dahil may motor na ako. Pinagtitinginan nga ako nung iparada ko iyon sa parking lot. Edi ako na.
" Baby "
Nagulat ako ng makita ko si Jhuliane sa harap ng unang klase ko.
" Baby, bat ka nandito? "
" bat di ka umuwi? naghintay ako. "
Yumakap ako sa kanya at nakagat ang labi. Nakakaguilty dahil bakas ang pangingitim ng ilalim ng mata niya.
" Sorry! sa mansion na kasi ako nakatulog. "
" Umuwi ka sa bahay mamaya please. " humiwalay ako sa kanya, saka humawak sa kamay niya.
Nakakaawa dahil nangingitim ang ilalim ng mga mata niya parang di talaga nakatulog.
" hmm... uuwi ako promise. "
" Sige, pasok kana. I love you. " saka siya bumitaw sa kamay ko at tumalikod. Bumuntong hininga ako.
Simula ng maging kami hindi na kami nagtatalo, palagi niya akong iniintindi pero siya hindi ko maintindihan.
Hindi siya nagtext sa akin ng morning na yon, kahit lunch time ay hindi rin nya ako sinabayan.
Bakit feeling ko hindi pa man nagsisimula ang laro ay talo na ako.
**
Naestatwa ako sa aking narinig. Tanggap ko naman nung una palang pero iba pa din pala pag narinig mo na mismo.
" Kamusta? " iyon ang bungad ni Criza, hindi sa akin kundi kay Jhuliane na siyang kasama niya sa loob ng bakanteng silid.
" Pwede ba tigilan mo na ako? "
Lumapit ito sa binata, humawak sa pisngi at akmang hahalik ngunit umiwas ang binata.
" Pwede na maging tayo, makipag break ka na sa kanya. "
" Sino ka para sundin ko? " inis na tanong ni Jhuliane.
Aalis na ba ako o pakikinggan pa?
" Don't tell me nainlove ka talaga sa spoiled brat na iyon? so cliché, ang dare nauwi sa love? " sinundan niya pa ng mapanuyang tawa.
" Don't call her spoiled brat, she's not like you. "
" Really? pero ginawa mo pa rin yung dare na pinagawa ko sayo. Make Prina Fall inlove with you. My gosh. "
Kumuyom ang kamao ko, tila gusto ko silang pagsusuntukin.
" Hindi ko siya niloko dahil totoong minahal ko siya. "
Sinungaling...
Sinungaling...
Para saan ang i love you?
Para saan ang yakap at halik?
Kung laro lang pala ang lahat?
Naglakad ako papalayo doon.
Walang luha, walang pusong nadurog.
Bakit nga ba tila hindi ako nasasaktan?
Bakit walang luhang lumalabas?
Bakit hindi kumikirot, tila namanhid na ako...
**
Sumakay ako sa motor, dinala ako nito sa bahay ni Jhuliane. Sa pagtapak kong muli sa lugar na ito. Maraming alaala ang nanumbalik sa akin. Ang mga tawanan naming dalawa, ang tampuhan, ang lambingan, ang asaran. Sa bawat sulok ng bahay, sa bawat gamit na tatapunan ng tingin. Puro mga alaala na parang bula na naglalaho.
Inimpake ko ang gamit ko at walang pagdadalawang isip na umalis. Umuwi ako sa mansion at padapang humiga sa kama ko.
Isinubsob ko ang mukha sa unan. Nakakapagod pala ang ganito.
Nag angat ako ng ulo ng marinig ang pagtunog ng cellphone indikasyon na may tumatawag. Mabilis kong sinagot iyon dahil nakarehistro ang pangalan ni Mom sa screen.
" Hello Princess " Sa hindi ko maintindihan na dahilan ay bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Pinigilan ko ang maingay na pag iyak ngunit tinraydor pa rin ako ng aking hikbi.
" M-My? "
" Princess what happen? sabi ng Maid umuwi ka daw " bakas sa boses nito ang pag aalala.
" M-Mom.... A–ayoko na po. Ayoko na po tumira doon. Please! dito nalang ulit ako. "
" Princess what happen tell to mommy. "
" Mom... please! "
" okay okay. Why are you crying? uuwi na kami ni daddy mo. Don't cry please. "
Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko.
" I miss you " iyon lang ang sinabi ko bago ko pinatay ang tawag.
Sa muling pagpatak ng luha ko, kasabay na non ang pagbuhos ng ulan. Tila nagdadalamhati ang panahon. Pati ata ang kidlat at kulog ay nagagalit. Ito ang paraan nila para damayan ako.
Ang kaninang hikbi ay nauwi sa paghagulgol. Naninikip ang aking dibdib. Sinisinok nga sa sobrang pag iyak.
Sunod na sunod na katok sa pinto ang narinig ko ngunit hindi ko iyon binigyan pansin. Wala na ata akong pake sa paligid ko. Ang gusto ko lang ay mahiga sa kama, magmukmok at umiyak ng umiyak.
" Princess " naramdaman ko ang paglundo ng kama.
" What hapen, why are you crying? "
Umupo ako at patagilid na yumakap sa kanya. Siya lang. Sila lang ang pwedeng makakita ng kahinaan ko.
" Sssshhhh... tell me! who made you cry? "
" Namiss ko lang si mom at dad "
" Liar "
Imbis na mainis dahil tinawag niya akong sinungaling ay natawa ako, humiwalay ako sa kanya at pinakatitigan siya. Pinahid nito ang luha sa aking pisngi.
Madalas man kaming magtalo noon, may mga hindi man kami pinagkasunduan. Sa huli ay siya pa rin ang kakampi ko.
" Who? "
" Wala nga, namiss ko lang kayo. "
" K Fine. Uuwi na rin sila. "
" Sorry nabasa ko ang damit mo "
" Ikaw lang ang nakakagawa niyan. "
Napangiti ako. Kahit nakakatakot siya ay mahal na mahal niya ako bilang kapatid niya..
" Wag kana ulit iiyak. Kundi papatayin ko nagpaiyak sayo, except if si Sissy, Mom at dad ang dahilan. "
Ginulo niya ang buhok ko dahilan ng pagsimangot ko. Trip na trip ba nila buhok ko.
" What do you want? ipagluluto kita. "
" Fries at Ice cream "
" ibibili kita "
ngumiti ako. Ipagluluto daw niya pero ngayon ay bibili na.
" thank you brother "
Nagpaalam siya na aalis muna at babalik din agad. Naiwan akong mag isa sa kwarto ko. Panay ang pag vibrate ng cellphone ko. Mga text at tawag mula sa kanya.
From : BABY MONKEY
Baby, Wala na kaming klase.
From : BABY MONKEY
Baby kita nalang tayo sa bahay
or sunduin kita sa room mo?
From : BABY MONKEY
Baby nakauwi ka na raw?
From : BABY MONKEY
Baby, Asan ka?
From : BABY MONKEY
Baby nandito na ako sa bahay.
Akala ko ba uuwi ka?
From : BABY MONKEY
baby malakas na ang ulan,
Nasan kana?
From : BABY MONKEY
baby, I'm worried.
Please! text me back.
Dahil walang mensahe galing sa akin ay ito nga at tumatawag na siya.
BABY MONKEY CALLING...
Ngunit hindi ako nag abalang sagutin iyon, tinitigan ko lang ang screen ng phone hanggang sa mawala ang tawag.
From : BABY MONKEY
Please answer my Call.
Baby, I'm worried.
From : BABY MONKEY
baby uwi kana, i love you.
Please! uwi kana...
From : BABY MONKEY
Bakit wala na ang mga gamit mo dito?
Nasan ka? Nasa Mansion ka ba?
From : BABY MONKEY
Uwi kana please.
I'm waiting for you.
Hindi ko na kayang umuwi sayo, hindi ko na kayang maniwala sa I love you mo.
Hindi ko na kayang maniwala..
Kaya sorry the Game is over now.

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    Rose Marie Bongat

    Amazing Story I love 09/3/2025

    03/09/2025

      0
  • avatar
    Justine Sulca

    how to get robux

    21/07/2024

      0
  • avatar
    Angelo Bestudio

    100

    11/07/2024

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata