Homepage/Not Ordinary Princess/
I LOVE YOU
♥︎** PRINA **♥︎
Sa paglipas ng mga araw ay mas lalo pa siyang naging sweet sa akin, binibigyan niya ako ng bulaklak sa umaga, pinagbibake ng Cupcake na ibinibigay niya tuwing lunchbreak. Inaalagaan at pinagsisilbihan nya din ako. Maraming nagbago.
Madalang na ang bangayan namin, at palagi siyang sumusuko para hindi na ako magalit. Siya pa mismo ang sumusuyo sa akin kapag nagagalit ako sa maliit at walang kwentang bagay.
Sa mga araw na iyon palagi kong hinihintay na sabihin niya sa akin na gusto niya ako pero wala akong narinig. Mas lalo tuloy akong naguluhan, asang asa kasi ang puso ko.
Nasa loob ako ng banyo ngayon, nagbibihis para sa mission na gagawin ko. Mabuti nalang malilate daw si Jhuliane kaya magagawa ko yung mga naantalang gagawin ko.
To : BABY MONKEY
Ano oras ang uwi mo?
I wore a Long neck shirt with long sleeves, it fitted so I could see the curve of my body, I covered it with a denim jacket, below were pants and High heel ankle boots.
*Beep*
From : BABY MONKEY
mga 9:00, why baby Dragon?
To : BABY MONKEY
kita tayo sa Chicago
From : BABY MONKEY
nasa Chicago ka?
Nangunot ang noo ko. Ano ba nasa isip nito?
To : BABY MONKEY
sa Chicago Land, iyong Restaurant sa Mall. tss.
From : BABY MONKEY
Sige mamayang 8:59 nandun na ako Baby Dragon. Akala ko kasi at nasa Chicago ka talaga.
Hindi ko siya masisi, noon kasi napunta ako sa Paris para lang magkape, o kaya sa Canada para mag ice skating, minsan sa Korea para magshopping.
Tinignan ko ang oras, 7:12 na pala. 2 hours nalang ang meron ako para magawa ang mission ko.
*BEEP*
From : TITO ASH
Agent P, nandito na ako sa labas.
To : TITO ASH
in a second po.
Sa bintana ng kwarto ni Jhuliane ay tumalon ako, swabe akong bumagsak, nakatukod ang dalawang kamay sa lupa. Tumayo ako pinagpagan ang parehong kamay. Sinuot ko ang Black Cap ko at dahil braid ang buhok ko ay hindi ito sasagabal.
Sumakay ako sa likod ng motor ni tito saka niya iyon pinaandar. Siya ang madalas kong ka partner sa mga ganitong mission.
Bakit si tito Ash ang lage kong kasama sa mission na ginagawa ko dahil siya lang talaga ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat. Ganon din si daddy. Alam ko kasing hindi ako mapapahamak kapag siya kasama ko.
Pumarada siya sa madilim na parte.
" saan ka Tito? "
" Sa Rooftop "
" Okay, wag mo na po ako hintayin "
Tumango siya kaya naglakad na ako papalayo sa kanya. Mula sa pocket inilabas ko ang dalawang swipe knife.
Napag aralan ko ang blueprint, kabisado ko na ang mga dapat kong pagtaguan or sugurin. Kung ilan ang papatayin o patutulugin.
Hindi alam ni mommy ang ginagawa ko, si daddy ay bahala daw ako, kapag nalaman daw ni mom hindi nya ako ipagtatanggol.. nye nye.
Umakyat ako sa pader saka walang ingay na tumalon. Nakatalikod ang bantay kaya walang ingay akong naglakad papalapit sa kanya at ng makalapit ay malakas ko siyang hinampas sa batok para makatulog.
Kailangan ko lang pagbantaan ang isang mayor na nag bebenta ng drug sa mga high school student. Nakakarating na kasi sa University namin ang mga party drugs. At hindi iyon maganda.
Ilan na ang napatulog ko bago ko inakyat ang bintana kung saan naroon daw ang Mayor.
Para akong hangin kung gumalaw, mabilis, walang ingay. Mararamdaman mo nalang kapag dumikit na ako sayo.
Nang makapasok ako sa kwarto ay wala sa higaan ang Mayor, rinig ang lagaslas ng tubig sa banyo. Paniguradong naliligo siya.
Umupo ako sa kama, ipinagcross ko pa ang legs habang hawak ang Wine glass na sinalinan ko ng wine bago ako maupo. Hindi ko iyon ininuman. Saglit ko pa iyong marahang inalog at yumuko ng marinig na bumukas ang pinto ng banyo.
" Sino ka? " tanong niya at napatigil sa tangkang paglalakad. Naka tapis lang siya ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan.
" Ako? " tanong ko, ibinaba ko ang Wine glass sa sidetable.
" Oo! At paano ka nakapasok dito? " singhal niya.
Inilagay ko ang daliri sa ibabaw ng labi. Sinesenyasan siya na manahimik.
Hindi naman sinabi ni tito Ash na ilang taon lang ang Mayor ng lugar na ito.
tsk tsk tsk!! siguro ay nasa 30 lang.
" Saan ba ang daan papasok dito sa kwarto mo? " sarkastiko kong tanong. At dahil nakasuot ng sombrero ay hindi niya masiyado meaning ang itsura.
" Sa pinto I guess " sagot ko rin sa sariling tanong. Nakakainip kasi, halatang naestatwa na siya mula sa kinatatayuan niya.
Tumayo ako at humakbang papalapit sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali kilala ko ang lalaking ito.
" Kuyaaaa " Ang tangka kong paglalakad palapit sa kanya ay naging pagtakbo patungo sa bintana, tumalon ako at tumakbo paakyat sa bakod.
Ang boses na yun...
Hindi ako nagkakamali, ano ang ginagawa niya sa bahay na iyon?
Nang makasakay ng taxi ay doon ko lang binuksan ang cellphone. Sunod sunod na tumunog iyon hudyat ng ilang text messages. Mayroong limang mensahe at dalawang miscall mula kay Jhuls.
From : BABY MONKEY
Hey, Lets eat Dinner nalang sa bahay.
From : BABY MONKEY
Ipapakilala kita kay Mama, uuwi siya.
From : BABY MONKEY
Are you busy?
From : BABY MONKEY
I'm going home now.
From : BABY MONKEY
where are you?
Mabilis akong nagtipa ng reply sa mga messages niya.
To : BABY MONKEY
Nasa Mall na ako, sorry hindi ko napansin yung message or call mo dahil nagtingin tingin ako ng sapatos kaso wala akong nagustuhan. OMW !!
BABY MONKEY CALLING...
Napangiwi ako bago ko iyon sagutin.
" baby? " tawag niya sa akin. Hindi man kami magkaharap ay nahihiya pa rin ako.
" Yes? " mahinang sagot ko, mas lamang pa ata ang hangin kesa sa boses ko.
" What do you want for dinner? " malambing na tanong niya. So hindi niya pala ako type.
" Kahit ano nalang "
" Okay! see you, take care Labyuuu "
Natulala ako sa sinabi niya, at bago pa ako makapagsalita ay narinig ko na ang End Call tone.
What did he say?
**
Tulala akong nagbayad at bumaba ng taxi. Hinihintay ko na umalis ang driver pero bunukas ang bintana sa shotgun seat. Nakasilip don ang driver.
" Maam, sobra po ito " nilingon ko siya at tipid na ngumiti.
" Okay na yan Manong " pasasalamat na rin na naiuwi niya ako ng maayos.
Nakaalis na ang taxi pero nanatili pa rin ako sa harap ng gate. Hindi pa rin kayang iproseso ng utak ang narinig mula sa binata.
Ilang beses akong bumuga ng marahas na hangin. Tinapik tapik ko pa ang naninikip na dibdib. Sobrang bilis kasi ng tibok ng puso ko. Hindi kinakaya ng dibdib ko.
Siniguro ko muna na maayos ang sarili, saglit kong pinasadahan ng daliri ang buhok para masuklay. At naglakad na papasok sa sa bahay nila Jhuls.
Tang na!! totoo ba yun o guni guni ko lang?
Nabingi ata ako at mali mali ang naririnig ko.
" I'M HOME " sigaw ko para marinig ni Jhuliane.
Nakarinig ako ng yabag galing sa kusina. Nakangiting si Jhuliane ang bumungad sa akin, agad pumulupot ang mga braso niya sa bewang ko at humalik sa Noo.
" How are you baby? "
Bahagya akong tumingala sa kanya dahil kahit nakaheels ako ay mas matangkad pa rin siya.
" I'm fine " tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.
" Not Fine " saad niya.
" Why? " nangunot ang noo ko, nagmamagaling.
" Iyong ngiti mo ang tipid tipid. Are you tired? let's go upstairs, magrest ka muna. Gigisingin kita pag nandito na si Mama. " tulad kahapon ay inangat niya ako na parang manika kaya mabilis na pumulupot ang braso ko sa batok niya.
" Maganda si Mama paniguradong magkakasundo kayo, I guess kasama nya si Geo at Tita Zha. "
Muli niya akong pinatayo sa kama. Kung kanina ay ako ang nakatingala sa kanya, ngayon ay ako naman ang tinitingala niya.
" Are you okay? "
Tumango ako at ngumiti.
" Why so tahimik? "
Nagkibit balikat lang ako. Nagbigay siya ng distansya sa aming dalawa kaya umupo ako sa kama. Dumukwang siya sa akin, itinungkod ang mga kamay sa kama.
" Bago mamatay ang tawag, may sinabi ka at iyon ang gumugulo sa isip ko. "
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon sa kanya. Todo todong kaba ang naramdaman ko ng tumitig sya sa akin, tuloy ay nakagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung guni guni ko ba ang pagkislap ng mga mata niya. May mga emosyon na naroon. At may ngiti na nakapaskil sa labi niya.
" I said I LOVE YOU "
" again? " namamangha kong tanong.
"I LOVE YOU "
" who? " pinipigilan kong ngumiti.
" I LOVE YOU PRINA, MY BABY "
Namumula man ay sinalubong ko ang mga mata niya. I can sense the sincerity. I can see it.
" I Love You---
Hindi ko pa man natatapos ay inatake na niya ang labi ko, tuloy ay bumagsak kami sa kama. Nang matapos ang halik ay pareho kaming hinihingal. At makalipas ang ilang minuto ay pareho na kaming tumatawa.
Narahimik kami at parehong nakatingin sa kisame. Naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. Pinagsalikop niya iyon.
" Anong niluluto mo? " tanong ko.
" kahit ano sabi mo "
Napangiti ako. Tumagilid siya, ramdam ko ang tumatagos na titig niya sa akin.
" bakit ang ganda mo? "
" Dahil maganda ako, ikaw itong unggoy " asar ko sa kanya.
" Ikaw nga itong dragon kapag galit "
Ngumuso ako pero muling gumuhit sa labi ko ang isang ngiti ng lumapat ang labi niya sa pisngi ko.
" Wag kana ngumuso "
Ang lambing ng boses niya.
Tang na!! Nakakatawa, bakit ba lahat ng tungkol sa kanya ay napupuna ko?
Ganun ko ba sya kagusto?
" Sige na magrest kana, gigisingin kita kapag nandyan na sila mama "
" Okay "
Humalik muna siya sa Noo ko bago lumabas ng kwarto. Ilang minuto pa ang lumipas, imbis na matulog at magpahinga tulad ng sinabi ni Jhuls ay hinayaan ko lang ang sarili na matulala sa kisame.
Ang daming gumugulo sa isip ko.
Ang boses ng babae na narinig ko sa bahay ng Mayor. Ang sinabi ni Jhuliane bago matapos ang tawag. Ang pag amin na mahal niya ako. At ngayon na siya lang ang tanging kasama ko, parang gusto kong tumakbo kay mommy para humingi ng payo.
Marahas na hangin ang pinakawalan ko, hinamig ang sarili para bumalik sa realidad. Naisipan kong maligo nalang, magbihis ng Dress para presentable akong haharap sa guests. Naglagay rin ako ng liptint at itinali into high bun ang buhok ko. Nakaharap ako sa salamin ng may kumatok. Nilingon ko iyon at sumilay ang tipid na ngiti sa labi ko.
" baby! nasa baba na ang bisita. "
Tumayo ako at lumapit sa kanya, sabay kaming bumaba ng hagdan.
" Ang ganda naman ng baby ko, tara gawa muna tayo baby " bulong niya. Naramdaman ko ang pag akyat ng init sa pisngi ko, para hindi niya mahalata at hinampas ko sya sa braso at natatawang iniwan siya.
Wala pa naman nangyayare sa amin ni Jhuliane. Gusto niya raw kasi na birhen akong maglalakad sa Altar, and how you like that? charooot!!
Syempre gusto ko yun, ayoko ibigay ang sarili ko ng walang kasiguraduhan. Humanap ka ng lalaking kaya kang irespeto, pero hindi porket ginawa niyo na iyon ay hindi kana narespe-respeto. Girl you deserved the respect and love. Hindi porket hindi ka na birhen ay pwede ka ng bastusin. Kaya humanap ka ng lalaking kaya kang irespeto. Irespeto ang desisyon mo at mga bagay na gusto mong gawin.
Ekis don sa feeling boss, na pinigilan ka na gawin o suotin ang gusto mo.
" Paniguradong matutulala sa kagandahan mo si Geo " umakbay siya sa akin ng maabutan niya ako.
sa Salla naroon na ang mga bisita, dalawang babae na sa unang tingin ay parang kadead lang ni Mommy, na parang mga dalaga pa rin. Ang isa ay tila kasing edad ni Jhuliane.
Pagharap namin sa kanila ay sabay sabay silang tumayo ay yumukod sa akin na ipinagtaka ko. At ng mag angat ng tingin ang dalawang babae ay nagulat ako. Hindi ako pwedeng magkamali..
" Prina, This is Zaphyr Geo Clinton, anak ni Tita Zapyre " pakilala nya sa lalaki, " and this is Mama Jasmin and Mama Zapyre. "
Ang dalawang kapatid ni Mommy na si Tita Jasmin at Zapyre ay nasa mundong ito. Ano ang kanilang pakay?
Si Tita Jasmin na Reyna ng Fysi, si Tita Zapyre na Reyna ng Fire Castle kung saan ikinukulong ang mga Diwatang nagkakasala.
Ibig bang sabihin ay anak siya ni Tita Jasmin?
Pinsan ko si Jhuliane?
Pero akala ko ba si Tita Elain ang mommy niya?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Amazing Story I love 09/3/2025
03/09/2025
0how to get robux
21/07/2024
0100
11/07/2024
1Tingnan Lahat