Homepage/Not Ordinary Princess/

Not Ordinary Princess
Sovereignnnnn
Simula
~•• PRINA ••~
AFTER 7 YEARS of being away to My family, I decided to go home. I am now a Fashion Designer and I also graduated as Pastry Chef.
Palinga linga ako sa paligid habang hila hila ang dalawang malaking maleta. Ang isa ay naglalaman ng gamit ko, ang isa ay expensive pasalubong. I'm not Prina if I don't buy expensive.
Napangiti ako ng makita ang sumalubong sa akin, my twin brother, Arein. nakasimangot ito habang hawak hawak ang banner. Na paniguradong si Dad ang may gawa.
Pinagtitinginan na siya ng mga tao dahil ang gwapo gwapo niya tas nakahawak siya ng banner na may nakasulat na.
WELCOME BACK.
MY PRINCESS PRINA.
Napairap ako sa kawalan ng lumapit siya sa akin at kunin ang dalawang malaking maleta na hila hila ko. Para siyang robot. Lumapit ako sa kanya at yumakap sa bewang niya. Hindi ito nagpumiglas kahit hate na hate nito ang mga payakap yakap sa kanya.
" I miss you, brother. "
" Tss! miss din kita "
" Parang hindi naman "
I pouted.
Hindi ako nito pinansin, sa halip ay maingat niyang inalis ang mga braso ko na nakapulupot sa bewang niya. At naglakad papalayo sa akin.
Napasimangot ako sa ginawa nito. Bad pa rin talaga si Arein. Kahit love niya ako ay ayaw pa rin niya na nilalambing ko siya. Pasaway.
Sumunod ako sa kanya, patungo kami sa parking lot. Sa isang mamahaling sasakyan kami huminto. I know dahil I love expensive things. It's a gray Lexus LC 500 car. Don't ask me the price. You can't afford it.
Inilagay niya sa likod ang maleta ko saka niya ako pinagbuksan ng pinto sa shotgun. Inilagay pa nito ang kamay sa Ulo-han ko para maiwasan na mauntog ako. My brother is a gentleman.
Napapikit ako ng maramdaman ko ang malamig na hangin. Ang bango ng loob ng sasakyan niya. Amoy expensive talaga.
Finally after a years nakabalik na rin ako..
The memories keeps flashing back. The Happy moments and the worst memories.
Weird akala ko kaya ko na, akala ko okay na. Tama sila hindi madaling makamoveon. Dahil after 7 years ito pa rin bumabalik sa akin ang alaala naming dalawa.
Sa Paris ko ipinagpatuloy ang pag aaral ko. May trabaho na rin ako roon pero pinili kong umuwi dito dahil miss ko na rin sila mommy.
7 years ago tinakasan ko ang bansang ito, pero bumalik pa rin ako dahil kaya ko ng harapin ang lahat. Kaya ko na nga ba?
Tinapos ko noon ang kontrata sa modeling, iniwasan ko ang mag blogging at nag drop ako sa YuShen University. Maraming nanghinayang sa biglaan kong pag alis, ako pa naman daw ang inaasahan nila na magiging face of YuShen na taon taon nalang ata nangyayare, pero nagquit ako. Naging matunog ang pag alis ko ng bansa. Headline ako ng kabi kanilang network, pati sa social media. Iba talaga kapag anak ng Kilalang personalidad. Plus the fact na model ako sa isang sikat na brand magazine.
Tinapos ko ang mission ko na putulin ang sungay ng Drug syndicate na pumepeste sa mga studyante. I'm a part of secret agents.
Hinarap ko rin ang lalaking nagpatibok sa puso ko kahit panandalian lang.
" Baby " iyon ang binungad nya sa akin, after a week ng hindi ko pagpapakita sa kanya.
" Baby, namiss kita. "
Mabilis itong humakbang papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hinayaan ko siya, dahil ito na yung huli na hahayaan ko siyang hawakan niya ako.
Nang maramdaman nito na hindi ko siya niyakap ay nagkusa siyang kumalas. Kaonting distansya ang ibinigay niya sa aming dalawa. Hindi nito pinakawalan ang mga kamay ko. Bahagya niya pang pinipisil iyon.
" Bakit di ka nagsasalita? balita ko nag-drop kana, hindi kana ba mag aaral? malapit na birthday mo. San mo gusto mag celebrate? Anong gusto mong regalo? " sunod sunod ang pagsasalita nya. Titig na titig pa ito sa aking mukha.
" Magtutungo ako sa Paris, doon ko ipagpapatuloy ang pag aaral ko. " walang emosyon na saad ko.
Lumuwag ang kaninang mahigpit na hawak niya sa mga kamay ko. Pinakatitigan nito ang aking mata.
Kung totoo man ang nakikita ko, namamasa ang kanyang mga mata.
" How about me? paano tayo? " pumikit ako ng makita kong tumulo ang luha mula sa mga mata nya. Sabay kaming umiwas ng tingin sa isa't isa.
" May tayo ba? " ibinalik ko ang atensyon sa kanya.
" baby? " nagugulat niyang tawag sa akin.
Kung noon kilig ang dala sa akin ng endearment na yan. Ngayon ay hindi ko na alam. Ang sakit naman.
" Alam ko na Jhuliane.... at ang nakakatawa hindi kita minahal. Hindi kita mamahalin. kaya sorry!! hindi mo na ako mapapaniwala. "
Kita ko ang pagguhit ng sakit sa mata niya, pumatak rin ang luha niya pero hindi ko iyon binigyang pansin. Tinalikuran ko siya at sa paghakbang ko papalayo sa kanya ay ipinapangako ko na iyon na yung huling beses na kikirot ang puso ko ng dahil sa kanya.
Nasasaktan ako na makitang umiiyak siya dahil sa akin. Pero kung mananatili ako baka ako naman ang maubos. Baka ako naman ang lumuha. Baka ako na ang mas masaktan.
" PERO MAHAL KITA " iyon ang huling narinig ko sa kanya.
Ako ang unang nagmahal sa ating dalawa.
Ako ang unang natalo sa laro na iyong sinimulan.
Ako na hindi ordinaryong prinsesa.
Ay isa lamang laruan sayo.
Mabilis kong pinahid ang luhang tumakas sa mga mata ko, ramdam ko ang pamamasa ng pisngi ko.
" Bat ka umiiyak? ampanget mo. "
" leche ka, " inis na sabi ko. Pinigilan ko na hampasin siya sa braso dahil paniguradong mapipikon ang kambal ko na ito.
" Handa kanaba? "
" Saan? " nilingon ko sya.
Naningkit ang mata ko ng makita ko ang pagsilay ng nakakalokong ngiti sa labi nito. Ang weird.
" Na makitang ikasal siya sa iba "
" Really? hmmm mabuti naman hindi na ako "
" Fcck! Paniguradong sasakalin nya ako " natatawa nitong sabi habang nagmamaneho.
Inirapan ko lang siya.
So, He's getting married?
Good for him..
Balak ko pa sana syang iseduced.
Pero syempre joke lang yun.
I'm not ready for comeback...
***
Nakarating kami sa Mansyon, maraming nabago rito. Nagustuhan ko iyong mga bagong puno. Kulay Rosas na kasi ang kulay non.
" Welcome Home " sabay sabay nilang sigaw pagbukas ko ng Frontdoor sa bulwagan.
Napangiti ako ng makita lahat ng kaibigan ni mommy at ang mga pamilya nito.
"Good evening, I'm happy to see you all "
Isa isa silang yumakap sa akin, ang huli si Mom at Dad.
" I miss you my Princess " bulong ni Dad habang yakap yakap ako. Matapos niya ay niyakap din ako ni Mom.
" I miss you all " sigaw ko.
" Let's eat Dinner " aya ni mom.
Nagtungo kami sa Dinning Hall, sobrang laki ng mesa na ito para magkasya kaming lahat. Siguro ay nangangarap talaga sila Mom and Dad ng malaking pamilya.
Masaya kaming kumakain at nagkukwentuhan ng pumasok ang di ko inaasahang makikita ngayon.
Jhuliane Clyd Yushen in his Doctor Suit..
" Welcome back, Dragon. " nakangiting bati niya. Natulala ako ng lumapit sya sa akin at mula sa likod ay yumukod sya para humalik sa pisngi ko. " namiss kita " bulong nya.
Napangiwi ako ng makitang lahat sila ay nakatingin sa akin.. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin dahil parang sa nakalipas na pitong taon ay bumalik kami sa dati. Iyong normal, iyong parang walang nangyare..
" Good evening guys " bati nya sa lahat.
" How are you? " casual na tanong niya.
" I'm fine, Doc. " sagot ko.
Nabalitaan ko na matapos kong umalis ay nag aral din sya ng pagdodoctor. Pinagsabay niya ang Engineering at Medical. A 27 years old soon to be Doctor slash Engineer. Gwapo at mayaman.
Ang swerte ng mapapangasawa niya.
" I heard ikakasal ka na raw? "
" Yun eh... Kung handa na siya " nakangiti nyang sagot. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Amazing Story I love 09/3/2025
03/09/2025
0how to get robux
21/07/2024
0100
11/07/2024
1Tingnan Lahat