"Mommy! I saw a condom inside Olle's room!" "That's not mine!" Dinig kong sigawan ng dalawa sa taas. Tatawa-tawa naman si Elton sa harap ko habang tinatanggal ang kulay ng kuko ko. Wala kasi kaming magawa, kaya naisipan kong utusan siyang linisin ang kuko ko sa paa. Akala mo naman naglilinis ng paa ng kalabaw. Diring-diri, e. "Binigyan mo ng condom si Olle?!" tanong ko sa kanya. Ngumiti pa siya lalo at hindi man lang itinanggi! "Babe, he's of age. Let him explore... things," aniya na parang wala lang iyon. Kaka-first year college lang ng dalawa at para sa akin, bata pa sila! Hindi pa nila kailangang malaman ang mga ganyang bagay. Kinikilabutan ako! Mahina kong sinipa ang tiyan niya at nahulog siya sa inuupuan niyang maliit na upuang gawa sa plastic. "Aray naman! Naninipa agad!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mo bang makabuntis si Olle ng maaga, ha? Ni wala pa nga 'yang girlfriend!" "Hindi naman kailangan ng girlfriend para makabuntis at kaya nga may condom," nagngising-aso pa siya. Sinipa ko siya ulit at napaimpit na naman ulit sa sakit ng tiyan niya. "Mommy look!" sabay pakita ni Elle sa hawak na pakete ng condom. Parang tumakas lahat ng dugo ko sa mukha. Dumating naman si Olle na masama ang tingin sa kapatid. "Mom, I swear. Hindi sa akin 'yan! Bigay 'yan nila Tito Taiden," paliwanag niya. Napatingin ulit ako kay Elton na nagulat sa talim ng titig ko. "O, bakit ako? Si Taiden ba 'ko? Sa kanya ka tumingin ng ganyan, ah." "Mommy, Olle will go to the club later with Dad and Tito Taiden and friends. I heard him talking to Tito earlier!" "Ha? Club?!" gulat na gulat kong tanong. "Dad!" si Olle na parang nanghihingi ng tulong sa ama niya. "Bumalik na kayo sa taas. Mag-uusap lang kami ng Daddy niyo," utos ko sa dalawa habang kay Elton pa rin ang tingin ko at may ngiti sa mukhang hindi ko maintindihan. Para siyang natatae na ewan. Lumapit siya sa akin at akmang kukunin ang kamay ko pero iniwas ko iyon. "Club?! Dadalhin mo sa club ang anak mo? Alam mo ba ang ginagawa mo, ha?!" galit kong sabi sa kanya. "Babe, practice lang. Lalaki si Olle, he shouldn't be ignorant of...some things." Napakunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. "Some things? Gaya ng?" pagpilit ko pa sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "L-Like socializing! Iyon, oo. Tapos inom na rin ng kunti lang," inakto niya pa ang daliri niya. Pinanliitan ko siya ng mga mata. Hindi talaga ako naniniwala. Kilala ko ang mga lalaking iyon! Puro kalokohan lang ang ituturo nila sa inosente kong si Olle. Nagulat nga ako noong nagtanong siya sa akin kung ano raw ang cream pie at nasa highschool pa siya no'n. Narinig niya raw nag-uusap ang mga Tito at Daddy niya tungkol doon dahil masarap daw! Halos mapatay ko si Elton sa sobrang galit ko. Buong akala ng inosente kong anak na pagkain iyon. Iba kasi raw ang lumalabas pag si-n-earch niya. "Dalawang oras lang babe, promise! Uuwi kami agad ng hindi kami lasing," pagmamakaawa niyang paalam sa akin. Tinuro ko siya at pinanliitan ng mata. "Wala akong pake kahit malunod ka pa sa alak basta't iuwi mo lang ang anak ko ng hindi lasing! Sinasabi ko sa 'yo Elton, tatamaan ka talaga sa itak ni Tatay!" pananakot ko sa kanya. Gano'n nga at umalis sila ni Elton kasama si Olle at pinagsabihan ko muna siya na huwag susunod sa ano mang kalokohang ipapagawa sa kanya ng mga Tito niya. Halos wala rin akong tiwala kay Elton lalo na at kasama niya ang mga kaibigan niya. Naiwan naman kaming dalawa ni Elle sa bahay. Wala tuloy akong magawa kundi ang mag-alala kay Olle kung ano na ang ginagawa nila ngayon. Nakatulog na lang ako sa paghihintay at nang magising ako ay nakaramdam ako ng bigat sa tiyan ko. Kamay pala iyon ni Elton na nakayakap sa akin at mahimbing na natutulog. Amoy alak siya at tiningnan ko ang digital watch sa side table namin at nakitang alas tres na ng madaling araw. Anong oras kaya sila nakauwi? Gusto kong e-check sa kwarto si Olle pero baka makaistorbo pa ako sa tulog no'n at isa pa, ayaw na ayaw niyang may pumapasok sa kwarto niya. Natulog na lang ako ulit at bukas ko na kakamustahin ang anak ko. Nagising ako dahil sa sikat ng araw na dumampi sa mukha ko. Papikit-pikit pa akong lumingon sa gawi ni Elton pero laking gulat ko na wala na siya sa tabi ko. Himala. Hindi naman 'yon maaga nagigising. Baka bumangon ng maaga at nagluto ng almusal, pampalubag loob sa akin? Naligo na ako agad saka pa bumaba. Nag-eexpect na ako ng isang mabangong amoy galing sa kusina pero wala naman akong naamoy. Nakita ko si Elle sa baba na busy sa cellphone niya at pabalik-balik ang lakad sa parehong direksyon. Para siyang hindi mapalagay. "Elle?" tawag ko habang pababa sa hagdanan. Nagulat siya sa pagtawag ko sa kanya at hindi ko maintindihan kung bakit gano'n na lang ang reaksyon niya. "M-Mommy! Good morning!" bati niya sa akin at niyakap ako. Nakakunot naman ang noo ko at napatingin sa kanya. "Si Olle? Daddy mo nasaan?" paghahanap ko. Nagpakurap-kurap siya at parang nahihirapan magsalita. "M-May binili sila Mommy! Kakaalis lang nila," aniya. "Ano raw bibilhin?" Napatingin siya sa cellphone niya bago sumagot sa akin. "Drive thru, Mom. Oo, tama, nag drive thru sila." "Bakit drive thru? Pwede namang sa online na lang mag-order?" takang tanong ko. "Kasi, uh...trip nilang dalawa 'yon. Pagbigyan na lang natin Mommy, okay?" Iba na ang kutob ko dito pero hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Naguguluhan ako. "Alam mo ba anong oras umuwi sila ng kapatid mo?" "Ha?" gulat na sagot ni Elle. Nakakagulat ba ang tanong ko? "H-Hindi ko alam, Mom. I fell asleep early," sagot niya pero halatang hindi pa rin siya mapakali. Biglang bumukas ang pintuan kaya napabaling kaming pareho ni Elle. Bungad doon si Elton na parang inaantok pa. Hindi niya pa kami napapansin. "Si Olle, nasaan?" tanong ko agad sa asawa. Napatigil siya sa paglalakad at napaangat ng tingin sa akin. Namilog ang kanyang mga mata na parang hindi niya inaasahang makita ako. "Babi! G-Gising ka na! Kamusta ang tulog mo? Nagugutom ka na ba?" pag-iwas niya sa tanong ko kaya humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. "Drive thru niyo ni Olle, nasaan na? Akala ko ba nag drive thru kayo?" Napatingin siya kay Elle at kumurap. Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko na parang may sinenyas si Elle. Pero paglingon ko sa kanya ay napatigil siya sa ginagawa at alanganing ngumiti sa akin. "D-Dad! Nag drive thru kayo right?" si Elle. Pinanliitan ko naman ng mata si Elton. May kung anong ginagawa ang dalawang 'to na hindi ko alam at kasali dito si Olle! "Yes! Drive thru, kaso magba-basketball daw sila ng friends niya kaya ayon, ako na lang ang umuwi at ang pagkai-" "Hindi mahilig sa sports si Olle," putol ko sa kanya at mariin na ang titig na ipinupukol ko sa kanya. "Uh, I think, I'm gonna take a bath na," saad ni Elle. Balak pang umiwas sa nahuling pagsisinungaling ng ama. "Dito ka lang Elle,"sabi ko nang hindi siya tinitingnan gamit ang isang galit na boses. Lumambot naman ang mukha ni Elton at nakatingin sa akin. Para siyang takot na takot sa akin. "Mahal, bakit naman ganyan ang titig mo sa 'kin. Parang sasakmalin mo na ko, e. Kunting lambot naman diyan," "Nasaan si Olle?" makailang ulit kong tanong sa kanila. Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Elle sa likuran ko. "Olle didn't come home last night, Mom. Hinahanap siya ni Daddy." Si Elle na ang nagsalita para sa ama niya. Gulat akong napatingin kay Elle. "Ano?!" sabay baling ko kay Elton. Handa na siyang gilitan ng leeg. "Nasaan ang anak mo, ha?! So, ibig sabihin, patulog-tulog ka sa tabi ko, tapos hindi mo pala kasama ang anak mo?!" "Dad was very drunk last night, Mom. Hinatid siya nila Tito without Olle," sagot ulit ni Elle sa akin. Para na siyang spokesperson ng Daddy niya. "Magsasalita ka pa ba?" Lumapit siya sa akin pero mas lalo ko lang siyang sinamaan ng tingin kaya napatigil rin siya. "Kasi naman mahal, itong si Mac dinala niya 'yong babaeng taga tribu? Naalala mo 'yong tribung nag-alaga sa akin noong nag-crash ang eroplanong sinasakyan ko?-" "O, tapos?" sagot ko agad nang maalala ang babae. Napakamot siya sa likod ng ulo niya. "Kung gaano ka ignorante ang babaeng iyon, mas doble pa ang isinama niya. Sila ang huling magkasama ni Olle sa club tapos pagkasing ko, nasa bahay na ako...sa tabi mo." Napahawak na lang ako sa ulo ko. Sumasakit na ito. Malaki na si Olle at hindi naman na siya bata para hindi makauwi. Pero umagang-umaga na at wala pa siya. Baka ano na ang nangyari sa kanila! "Isang inosente at isang ignorante, magkasama. That would be a disaster," komento ni Elle na parang malakimg tulong iyon. "Ano na? Tinawagan mo ba? Sila Taiden, tumutulong ba sila?" tarantang tanong ko. Tumango siya. "Yes, Mozes is tracking him right now." "Sabi ko na sa 'yo 'di ba? Malunod ka sa alak kung gusto mo basta't iuwi mo si Olle!" sikmat ko sa kanya. "Sorry na. Okay lang 'yon si Olle. Sigurado 'yan," pampalubag loob niya pang sabi. Sisinghalan ko na sana ulit siya nang may pumasok sa pintuan. "Olle!" "Mom." Lumapit agad ako sa anak ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Wala naman akong nakitang galos o ano. Maliban na lang sa mukhang puyat siya at amoy alak pa. "I'm fine, Mom. Can I talk to you, Dad?" at napatingin siya kay Elton sa likuran ko. "Where have you been huh?" tanong naman ni Elle sa kakambal niya. Inirapan niya lang ang kapatid at hinalikan niya ako sa noo bago pa lumapit sa Dad niya. Naiwan akong nakatanga at paglingon ko nakaakbay na si Elton kay Olle. "I'm sorry Mom... for lying. Si Dad kasi, nanghihingi ng tulong," paliwanag naman ni Elle at tumango lang ako. "Ano sa tingin mo ang pag-uusapan nila?" kuryoso kong tanong sa anak at napatingin si Elle kung saan nagpunta ang dalawa. Papunta sila sa study room. Mukhang seryoso yata ng pag-uusapan nila. Nagkibitbalikat naman si Elle. Hapon ng araw ding iyon ay nagpatawag ng dinner si Zella sa bahay nila at siyempre lahat invited. Intimate dinner lang naman since matagal na rin nang huli kaming magkita-kita. Nag-ayos kaming lahat at isang sasakyan lang ang ginamit namin. Pagkadating namin ay nandoon na pala lahat. Kami na lang ang hinihintay. Paano ba naman kasi itong si Elle, sobrang tagal natapos mag-ayos. "GG! Hi! It's been awhile!" masayang bati ni Suzie sa akin at nag-beso. "Hello, kamusta?" "Ayos lang. Tara na sa loob. Naghihintay na sila," aniya at dinala na kami sa loob. Hawak ako ni Elton sa beywang at nasa likod namin ang kambal. Sa pool ginanap ang dinner at naglagay sila roon ng isang mahabang mesa. Naghiyawan naman ang mga lalaki nang makita kami. Akala mo naman talaga ay hindi sila nagkita kagabi sa club! "Olle! How's your club experience?" makahulugang tanong ni Dale. Sinipat ko siya at napatikom ang kanyang bibig dahil siniko siya ni Suzie. "Ah, Elle, Olle? May ginawa silang sariling dinner setting doon sa kabila," giit ni Zella. Napansin ko din iyon agad kanina kung bakit wala ang mga anak nila. "Okay po, Tita," sagot ni Elle at nagpunta na sila sa sinabi ni Zella. Naupo naman kami ni Elton sa pinakadulo ng mesa at nagsimula nang kumain. "Hoy, gagi. Nabalitaan ko nangyari kay Olle, ah. Ano ginawa mo sa inaanak ko, ha? Siraulo ka talagang tatay," sikmat agad ni Amalia. "Oo nga, what happened to him? Where did he go?" si Zella naman ngayon. Nakangiti lahat ng mga kaibigan niya at pailing-iling lang si Elton. Napansin ko ring wala ang girlfriend ni Keion habang tahimik naman sa gilid ang katabi ni Mac at nakatingin lang siya sa pagkain. Nang mapansin iyon ni Mac ay tinulungan niya ito. Parang ngayon lang siya nakakita ng pagkain. "Ask your idiot husbands," supladong sagot niya. "Bakit kami? Sino ba ang uminom ng marami?" sagot naman ni Mac. "What did he say? Did he..." "Shut up!" sikmat niya kay Mozes at nagsitawanan lang sila. Hindi tuloy natapos ni Mozes ang gusto niyang sabihin dahil pinutol na siya ni Elton. Nag-uusap-usap na ang lahat at nakatingin lang ako sa babaeng katabi ni Mac. Inaasekaso niya ito at basang-basa ko kung gaano kalaki ang tama niya sa babae. "Mahal naman, nandito ang asawa mo sa tabi mo, o. Tapos kay Mac ka nakatingin. May gusto ka ba sa kanya?" Napatingin ako kay Elton at umirap. "Ni ayaw kitang tingnan tapos siya pa kaya? Ang katabi niya ang tinitingnan ko." Napahinga siya ng malalim at nag-iwas na ako ng tingin. Hindi ko siya masyadong kinakausap dahil naiinis pa rin ako sa kanya. Bukod doon, hindi niya rin sinabi sa akin pinag-usapan nila ni Olle. Pinilit ko siya pero ayaw talaga! Nagtatampo rin ako kay Olle dahil bakit ang Dad niya pwedeng malaman tapos ako hindi? Pareho naman kaming magulang niya, ah! "Sorry na, Babi. I will not bring him again to clubs, ever," pagsusumamo niyang sinabi at hindi ko pa rin siya tiningnan. Sinundot niya ang gilid ko kaya napatingin na ako sa kanya. May pagmamakaawang mukha na siya ngayong suot. Nakanguso pa na parang bata. "Ano nga kasi ang pinag-usapan niyo? Bakit ayaw mong sabihin sa akin?" "Secret kasi namin 'yon, mahal. Lalaki sa lalaki kaya bawal mong malaman. Hindi naman masama ang sinabi niya sa akin kaya, sorry na. Bati na tayo, please?" sabay pakurap-kurap ng mga mata niya. Halatang nagpapa-cute. Wala namang masamang nangyari kay Olle kaya pinatawad ko na siya. Napapagod na rin akong kulitin siya para sabihin sa akin iyon. Baka wala lang naman 'yon at na-pa-paranoid lang ako. Halos maghating-gabi na ng umuwi kami. Mukhang nag-enjoy din ang mga anak namin sa sarili nilang dinner. Nagpatuloy ang araw namin na hindi na pinag-usapan ulit ang tungkol kay Olle nang marinig ko ang pag-uusap nila ni Elton sa study room. Hindi kasi sarado iyon at may maliit na awang ito kaya lumalabas ang boses nila. Pasimple akong tumayo roon at nakinig sa usapan nila. Napapansin ko na talaga ang palagi nilang pag-uusap ng ama niya na para bang napaka importante no'n. Mukhang wala rin silang balak sabihin sa akin ang kung ano man iyon kaya, pagkakataon ko na ito. "You didn't use it? You don't really remember anything?" si Elton at boses nag-aalala siya. "No, Dad. I forgot. I only remember her asking me weird stuff like, bakit daw tumatakbo ang sasakyan at bakit malamig ang kwarto? Parang ngayon lang siya nakalabas sa totoong mundo. Saan ba siya galing?" salaysay ni Olle at hindi ko masyadong makuha ang usapan nila. Humagalpak naman ng tawa ang ama niya. "Son, kaibigan 'yon ng girlfriend ni Tito Mac mo. She's from a tribe. Like, from the mountains. Wala talaga silang alam dito sa city dahil sa bundok sila lumaki. Taga bukid din naman ang Mom mo pero hindi naman siya gano'n ka ignorante." Napahawak ako sa dibdib ko. Naiintindihan ko na ang pinag-uusapan nila! Iyong babae na kasama raw ni Olle sa club, iyong kaibigan ng girlfriend ni Mac? Ano ba ang nangyari sa kanila? Bakit pinag-uusapan pa nila ito hanggang ngayon, e, ilang linggo na ang lumipas? "That's why the room looks like there's a typhoon passed by. Ang kalat pagkagising ko at ang dami niyang nabasag. I even pay for it," maktol ni Olle. Room, room...room?! Ibig sabihin, natulog sila sa iisang lugar? Sa hotel?! Handa na akong pumasok nang biglang magsalita si Olle. "Please don't tell Mom, Dad. She'll freak out. Ayokong mag-alala siya sa akin. I'll figure this out." Napatigil tuloy ako sa akmang pagpasok ko sa kwarto. Kating-kati na akong malaman ang lahat! Pero 'yon na nga, e. Nagmakaawa na si Olle na huwag sabihin sa akin. Curious lang naman talaga ako. "Okay. Ask your Tito Mac. Pwede kang sumama sa kanya sa tribu nila. Pupunta 'yon doon sa susunod na araw para makausap mo na siya," saad ni Elton sa anak. Sa huli, hindi ko na nagawang pumasok at umalis na lang. Hinayaan ko na lang si Olle sa gusto niyang mangyari. Malaki na nga talaga ang mga anak namin at may sarili na silang mundo na gusto nilang kilalanin sa sarili nilang paraan. Kami bilang magulang, ay gagabayan na lang sila. Oo nga at ako ang nagluwal, oo nga at kami ang magulang. Pero hindi lang sa amin umiikot ang mundo nila. At sila rin ang may hawak ng buhay nila kung ano ang gusto nilang mangyari. Tanging pag-gabay na lang talaga ang magagawa namin. "Babi," tawag sa akin ni Elton habang nakatalikod ako sa kanya. Kanina pa siya tawag nang tawag sa pangalan ko pero hindi ko siya pinapansin dahil alam ko na ang gusto niyang mangyari. "Mahal, talikuran mo na 'ko," aniya at kumunot ang noo ko. Anong sinasabi niya? Nakatalikod na nga ako, o. "Ano sa tingin mo ang kaharap mo? Harapan ko?" sagot ko at umirap. "Ay, likod mo na pala na 'to, Mahal? Wala kasing pinagkaiba, hehe." Inis akong napalingon sa kanya at halos ingudngod ko na siya sa dibdib ko. "Flat ako ha? ha? 'Yan , magpakalunod kang gago ka!" sabay diin sa mukha niya sa dibdib ko habang hawak ko nang mahigpit ang ulo niya. Umuungol naman siya, parang may sinasabi pero hindi ko maintindihan. Nakataas na ngayon ang dalawang kamay niya at pilit inilalayo sa dibdib ko ang mukha niya. "Ha! Papatayin mo ba 'ko?!" "Akala ko ba puro ako likod? Bakit hindi ka makahinga?" Paubo-ubo naman siya ngayon at hawak ang dibdib niya. Kapos rin siya sa hininga. "Joke lang naman 'yon. Ikaw kasi, ayaw mo 'ko pansinin. Pero, paulit nga," sabay pilyong ngiti niya. Aalis na sana ako sa kama dahil nababasa ko na ang ngiti niyang iyon. Pero madali niya akong nahawakan at bumagsak ulit ako sa kama. Sa huli, natalo ako. "Ah!" sigaw ko at naramdaman ko ang mainit na likido sa loob ko. Bumagsak siya sa akin at pareho kaming pawisan. "Triplets na 'yon," aniya at binatukan ko siya. Kahit gaano pa ka siraulo 'tong si Elton ay hindi naman siya naging pabaya sa mga anak namin. Kung paano niya ako alagaan at mahalin ay mas doble pa ang ginagawa niya sa mga anak namin. Hindi ko kailanman pinagsisihan na siya ang naging asawa ko. Mahal na mahal ko siya at sa susunod na buhay kng meron man, ay siya pa rin ang pipilin ko.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice ' ok Yung kwento
23/04
0good:))
20/09/2025
0Ang ganda po ng story 😊
02/05/2025
0Tingnan Lahat