Laglag ang aking panga sa biglaang pangyayari at nakangising-aso silang lahat maliban kay Keion na hindi nakikita ang ngipin sa ngiti niya. Habang nakadungaw naman ako kay Elton na naghihintay ng sagot. Para akong mabibilaokan dahil sa kaba ko. Parang umakyat sa leeg ko ang puso ko kaya nahihirapan akong magsalita. Totoo na ba talaga 'to? "A-Ako? P-Papakasal kasa akin?" hindi makapaniwala kong tanong. Ngumiti siya at dahan-dahang tumango. Handa na ba talaga ako? Kailan ba magiging handa sa pagpapakasal? Hindi ko rin alam. Pero isa lang ang gusto kong mangyari. Gusto ko siyang makasama hanggang sa pagtanda namin. Gusto ko nang pagbigyan ang puso ko. Napapagod na akong malungkot at umiyak. Siya ang dahilan ng kalungkutan at pag-iyak ko. Pero siya rin ang kasiyahan ko. Tumango ako at nabibingi na ako sa kalabog dibdib ko. Hindi ako makasalita, basta tumango lang ako. "Yes? It's a yes? Yes!" tuwang-tuwang sigaw ni Elton at isinuot sa akin ang singsing. Naghiyawan naman ang kalalakihan at nagsitakbuhan kay Elton. "Congrats, man! Sulit ang pa boodle fight mo!" ani Mac at naka akbay siya kay Elton. "Congrats, GG." bati sa akin ni Keion at niyakap niya ako. Medyo nakakailang talaga siya. "Keion, gumalaw na tayo. Saka na natin patayin ang mga hinunting natin. Babae muna huntingin natin," ani Mac at hindi ko nakuha ang sinabi niya. Napatingin sila sa akin at nagkatinginan sila. Parang makahulugan ang sinabing iyon ni Mac. May tinatago na naman ba sila? "Look, GG. Elton will explain. Promise hindi na ito tungkol sa babae," paniguardo ni Taiden. "Ano ba 'yon? Bakit hindi na lang kayo ang magsabi sa akin ngayon?" sabi ko at nagkatinginan sila. "We'redrug lord hunters," si Taiden at nalaglag ang panga ko. As in drug lord hunters?! Nakita nila ang reaksyon sa mukha kaya nagpatuloy sila. "We're not under the government. It's our private group. And this man right here is our leader," sabay tapik ni Dale kay Taiden. "I'm not the leader anymore. It's Keion," si Taiden. "Tekateka, sandali. Naguguluhan ako!" sabi ko at natigil sila sa pagsasalita. "Group? Drug lord hunters? Bakit?" naguguluhan kong tanong. "Because we don't trust the government. Just ask Elton," ani Mac. "I will explain everything to you, GG," ani Elton. "B-Bakit kayo? I meanhindi ba delikado 'yan?" "It is risky, yes. Pero gusto namin ang ginagawa namin, and pati na rin kalaban sa negosyo, kasali na," giit ni Mozes. So ito ang trabaho nila? Pumapatay sila ng tao? Bigla akong nanalamig sa naiisip. "P-Pumapataykayo?" alinlangan kong tanong ko at nagkatinginan ulit sila. "Yes we do, especially now that some of us already has family's like Taiden, Dale and now, Elton. Pero sinisiguro namin ang kaligtasan ninyo," paliwanag ni Keion pero hindi pa rin ako makakalma sa nalaman. "Paano kung hindi? Paano kungmay mangyari? Sa mga anak namin? Paano kayo nakakasiguro?" sunod-sunod kong tanong. "I know it's difficult to understand. But can you try to talk to Zella and Suzie? They can explain to you about it," si Taiden. Ibig sabihin alam nila na ganito ang ginagawa nila? At okay lang ba sa kanila kahit mameligro ang buhay namin? Hindi ko yata kayang magising sa bawat araw na alam kung pwedeng may mangyari sa amin dahil sa trabaho nila. Buong araw ko iyong inisip hanggang sa naghapunan kaming lahat sa labas ng bahay. Parang may piging ulit na nangyari. Bahagya ko lang nakalimutan ang tungkol doon nang makita ko ang itsura sa mukha nila nang makita ang ulam. "What is that? Fish?" si Mac. "Stupid! Fish with four legs?" si Dale at natatawa na ako. Ipinaluto ko kay Aling Rita ang nahuling isda at palaka nila Taiden kaninang umaga. "Don't tell menono. I won't eat that!" si Taiden at nakikita kong parang nawalan ng dugo ang mukha ni Keion. Ngayon ko lang nakitang gano'n ang mukha niya! "Masarap 'yan. Adobo sa gata," saad ko. "II'm actually full. Dami kong kinain kanina, e." si Elton sa tabi ko at sinamaan ko siya ng tingin. "Kakain ka," sabi ko at mariin ang titig ko sa kanya sabay mahirap niyang lunok. Biglang nagsilabasan ang mga cellphone nila at nagtataka ako kung anong ginagawa nila. "Anong ginagawa ninyo?" tanong ko. "Oorder ng food," kalmadong tanong ni Taiden. Napangiti ako. Gusto nilang takasan ang ipinahanda kong pagkain? Pwes, may mas maganda akong paraan para hindi sila makatanggi. Tingnan natin 'yang mga kaartehan ninyo. Tinanggal ko ang singsing sa kamay ko at ibinigay iyon kay Elton at gulat na gulat siya sa ginawa ko. "Whatwhat is this, GG? Why" "Hindi kita pakakasalan kung hindi niyo kakainin 'yan. Naghirap kaya silang linisin at lutuin 'yan tapos hindi ninyo kakainin? Hindi naman 'yan nakakalason. Kaya kung walang kakain. Walang kasalang magaganap,' anunsyo ko at laglag lahat ng mga panga nila. "Man, I'm sorry! Sa susunod ka na lang magpakasal." si Mac. Tumango si Dale. "Yeah, I'm so sorry. Dude. Hindi ko talaga kaya." "No, kakaintayo. Kakain tayo!" si Elton na namumutla na habang natatawa naman ako. "How cruel are you, GG," Si Keion. Pilyo akong ngumiti at maamong nakatingin lang sa akin si Elton. Habang hawak niya ang singsing. "Please, GG. Awat na, huwag namang ganyan," malambing na sinabi sa akin ni Elton. Umirap ako at hindi siya pinakinggan. Kumuha ako ng kanin at nilagyan ko ang plato ko. Bawat galaw ko ay tinitingnan nilang mabuti. Huli kong ginawa ang paglalagay ng ulam, ang adobo sa gata na palaka. Itinaas ko ang parteng hita at kinagat iyon. Agad silang nagsitalikuran. "Hmm. Ang sarap. Paano ba 'yan? Masasayang ang proposal sa akin kanina. Excited pa naman akong maikasala kaso, ang arte e. Hindi naman nakakamatay ang pinapagawa ko." Sabi ko habang kumakain at wala ni isa sa kanila ang nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko dahil wala talagang nangyayari kaya tinawag ko si Aling Rita. "Aling Rita, gaano po kahirap ang manghuli ng palaka?" tanong ko, sinasadya na sa harapan nila magtanong. "Naku ang hirap! Nakakapagod at nakakangalay. Minsan pa, mapapasubsob ka pa sa putik tapos lilinisan mo pa iyon isa-isa bago pakuluan para siguradong malinis. Napaso pa nga ako kanina, o. Natalsikan sa kumukulong gata," sabay pakita niya sa braso niyang namumula. Nagkatinginan ang mga lalaki na para bang may desisyon na silang naiisip. "Paano naman po kung ayaw nilang kainin ang niluto ninyo?" tanong ko ulit kay Aling Rita na nawala ang ngiti sa mukha dahil sa tanong ko. "Malulungkot ako, GG. Pinagpaguran ng asawa ko 'yan at siya pa ang nagkudkod ng niyog. Masarap na ulam na ito para sa amin. Kung ayaw nila-" "Fine, fine. We'll eat, alright? Mauna ka Mac," si Taiden. "Huh? Bakit ako? Si Mozes na," ani Mac. "Anong ako? Si Elton na." Napapikit ako ng mariin dahil sa pagpapasa-pasa nila kung sinong mauuna. "Sabay na lahat! Walang mauuna, walang mahuhuli. Sabay-sabay tayong kakain," pagalit kong sabi at tuhikhim si Keion. Inutusan ko sila Elton na lagyan bawat piraso ang pinggan nila at pinasabay ko sa amin si Aling Rita at ang asawa niya. "Kain na kayo mga iho," aya ni Aling Rita at isa-isa ko silang tinitigan hawak ang tig-isang hita ng palaka. "Kain na," saad ko at nagngising-aso. Sabay-sabay nilang dahan-dahang nilapit sa bibig nila at nakapikit si Mac at Dale kahit malayo pa sa bibig nila ang ulam. Nang matikman na nila ay agad na silang nagkatinginan. Nilingon ko si Elton sa tabi ko na nakatitig lang sa tubig at nag-angat siya ng tingin sa akin at umiling ako sabay ngiti. "Masarap ba?" tanong ko at para silang mga batang sabay-sabay tumango. "Kung hindi ninyo 'yan mauubos papabaunan ko kayo sa Manila, 'di ba Aling Rita?" "Ay walang problema! Gaano ba karami ang ipapakuha ko kay-" "Uubusin na o, GG! Ito na, kinakain na. Hindi ba mauubos natin 'to?" ani Mac sa mga kaibigang tango at iling ang tugon nila. "Hindi talaga ako mag-aasawa ng taga bukid at baka mas grabe pa ang makain ko,"ani Mac kahit panay ang inom ng tubig kada kain niya. "Okay ka lang ba?" tanong ko kay Elton na walang imik sa tabi ko habang nahihirapang maubos ang isang piraso. Teg tatlong piraso pa naman sila. Matapos ang mahabang hapunan ay naghanap silang lahat ng yakult at baka hindi raw silaw matunawan. Tumawag rin si Dale ng ambulansya para maghanda sa himpilan kong sakali mang mahilo raw sila o ano. Doon sa bahay na pinagawa noon ni Elton natulog ang mga kaibigan niya samantalang siya ayewan. Hindi naman niya sinabi. Baka sa amin dahil hindi naman sila magkakasya sa bahay niya. Biglang may pumasok sa utak ko na agad ko inignora. Ikalawang beses na namin 'yon nagawa. Bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko? Hindi ako mapakaling isiping kaming dalawalang sa bahay namin. Hindi pa nakisabay ang panahon nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Maaga kaming nagsipasukan sa bahay at naroon na sa bahay niya ang mga kaibigan. Kagagaling ko lang maligo at si Elton na ang naliligo ngayon sa banyo. Kinakabahan ako. Magtatabi ba kami? O, sa kabilang kwarto ba siya? Hindi ko alam! May anak naman na kami at ikakasal pa. Ano naman ngayon GG kung magtatabi kayo 'di ba? Nang marinig ko ang pagbukas sa pintuan ng banyo ay agad akong humiga sa kama at nagpanggap na tulog. Mas mabuti na 'to kaysa sa mahimatay ako sa sobrang kaba!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice ' ok Yung kwento
23/04
0good:))
20/09/2025
0Ang ganda po ng story 😊
02/05/2025
0Tingnan Lahat