Ano namang ginagawa ng mga lalaking 'to sa baryo namin? At sila pa talagang lahat! "Dale, mauna ka na!" tulak ni Mac kay Dale na halatang nag-aalangan sa pagtapak sa putik. Napailing na lang ako. Bakit ba sila nandito, e, halata namang hindi sila sana'y sa ganitong lugar. "Ikaw na mauna! Natatakot ka sa linta, 'no?" panunuya niya pa kay Dale kahit halata naman pareho silang nag-aalangan. Napansin kong may kulang sa kanila. Nasaan kaya 'yon? Baka hindi sumama? Tekapake ko ba kung hindi 'yon sumama? "GG! Wala ba talagang linta?" ulit na tanong ni Mac at tumawa ang mga taong nakakarinig sa kanila. "Wala. Bakit ba kayo narito?" tanong ko sa kanila. "We wanted to help?" tanong iyon galing kay Mozes. Bigla ko namang naalala si Amalia. Gusto kong magalit sa kanya pero wala naman akong karapatan. Kaya imbis na simangutan siya ay ngumiti ako. "Bakit nga?" ulit ko. "Dapat alam mo kung bakit. Tara na!" anyaya ni Taiden sa mga kaibigan. "Don't tell me takot ka rin sa linta?" aniya kay Keion na nakatitig lang sa putik. Umiling ito kahit halata naman sa itsura na nag-aalangan. Ngayon ko lang napansin na naka maong silang lahat at naka sando. Seryoso ba sila? Magsa-sando sila sa tirik na tirik na araw? "What are they doing?" tanong ni Keion sa akin at napatingin siya dakong unahan na mga lalaki na inaayos ang lambat. "Titingnan nila kung may nahuli bang isda ang lambat," sagot ko. "What? There's fishes in rice fields?!" gulat niyang tanong at napabuntong hininga ako. Wala talagang alam ang mga mayayaman sa ganitong pamumuhay. "Meron. Galing naman kasi sa sapa ang irigasyon ng tubig dito kaya may isda. O, 'di naman kaya palaka. Masarap 'yong e, adobo!" untag ko. "F-Frog?! Are you serious? How can you eat that? Hindi naman 'yon nakakain!" nandidiring mukha ni Dale na sabi. Agad naman akong may naisip na ideya dahil nakita ko sa mga mukha nila ang pandidiri. "Palakang bukid naman kasi 'yon at malinis. Hindi iyong nakikita niyo sa siyudad. Iyon ang marumi," giit ko. "Tara na nga! Umiikot na tiyan ko sa usapan," ani Mac. Isa-isa silang tumapak sa palayan at naabutan ko pa ang pagngiwi ni Mac at Dale nang makatapak na sila sa putik habang kalmado lang ang mukha ni Keion at Taiden. Napatingin ako sa likuran nila at kung saan. Nasaan kaya ang gagong iyon? Hindi talaga siya sumama? Tinuruan ang mga lalaki kung paano anihin ang palay at si Keion naman ay talagang nagpunta sa mga lalaking nag-aayos ng lambat sa dulo ng palayan. Napapansin ko rin ang mga mumunting tilian ng mga dalaga habang nakatingin sa mga kalalakihan. Sino naman kasing hindi mapapatili sa mga 'yon? Para silang mga modelong nawalan ng trabaho kaya naging magsasaka na lang. "Ay, kilala mo pala sila, GG?" nangingiting tanong ni Aling Rita sa akin at kung wala pa siyang asawa ay iisipin kong kinikilig rin siya habang nakatingin sa mga lalaki. "Opo, matagal na," giit ko. Napasinghap siya sa gulat. "Talaga? Baka naman pwede mong ipakilala ang anak kong si Greta sa isa sa kanila, GG. Siguradong kay gwapo ng magiging apo ko kapag nagkataon." Natawa ako sa sinabi ni Aling Rita at sinabing nahihiya akong magpakilala sa kanila ng babae dahil hindi ko naman alam kung anong mga tipo nila. Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa at paminsan-minsan akong napapatingin sa nagtatalong Dale at Mac. Habang ang tatlong lalaki naman ay naroon na sa nag-aayos ng lambat at mukhang may nahuling mga isda ang lambat. "GG! Look!" sigaw ni Taiden sa akin at itinaas ang tali na may maraming isda. Manghang-mangha siya roon at tumango naman ako sabay iling. Habang nagbabatuhan na nang putik ang dalawang kanina'y nagtatalo. Habang abala sa ginagawa ay hindi maalis sa isip ko kung bakit wala si Elton. Imposible naman yatang silang lima lang ang basta-bastang pumunta rito ng hindi siya kasama? Kung sumama naman siya, nasaan siya? "Uy! Halina at kakain na!" sigaw ng kung sino at napalingon ako sa likuran ko. Tirik na tirik na ang araw at mukhang tanghalian na nga. Si Mac pala ang sumigaw at tinawag nila ang lahat ng mga nag-aani para mananghalian. Anong meron? Manlilibre sila ng tanghalian sa lahat? Bakas ang pagtataka sa mga mukha ng mga tao pero nagsilapitan pa rin sa malaking puno ng mangga. Nakita kong marami ng tao roon at mukhang may mahabang mesa? Kasama ko si Aling Rita at kami ang huling naglinis ng sarili, gamit ang tubig sa poso sa gilid ng palayan. Lahat ng tao ay maraming putik ang mga damit kabilang na ang mga kalalakihan pero hindi man lang nakabawas iyon sa kanilang itsura. "She's here! Kain na tayo!" saad ni Dale at napatingin sa akin lahat ng taga amin. Nahihiya ako tuloy sa tinginan nila sa akin pero nagpatuloy pa rin ako sa paglapit. Agad kumalabog ang dibdib ko nang makita ang lalaking nakatalikod at may kung anong ginagawa. Nang humarap siya sa akin ay agad akong napatigil sa paglalakad at mukhang napansin niya iyon. Bigla siyang umalis at lumipat sa kabilang bahagi ng mahabang mesa. Biglang namang pumait ang nararamdaman ko dahil sa ginawa niya. Akala ko matutuwa siyang makita ako. Bakit paranghindi? Bakit pakiramdam ko ay iniiwasan niya ako? Hindi ito ang inaasahan ko lalo na at nabasa ko ang mga text niya sa akin. Anong nangyari? "GG, come on!" tawag sa akin ni Mac at tumango ako sabay lumapit na sa mesa. Namangha ako sa mga pagkaing nakahanda. May lechon pa talaga? Tuwang-tuwa ang mga taga amin dahil sa dami ng pagkain. Dahon ng saging rin ang ginamit sa mesa at doon inilagay ang mga pagkain. Nagsimula na sa pagkain ang lahat habang napapatingin ako sa dako ni Elton. Hindi siya nakatingin sa akin dahil may kumakausap sa kanyang babae. Kilala ko ang babaeng iyon. Anak iyon ni Aling Dolores na si Mia na masyadong eskandalosa ang laki ng dibdib. Umirap ako sa kawalan. Kaya ba hindi niya ako pinapansin dahil maraming dalaga sa paligid? At kausap na nga niya ang isa sa kanila, e! Hindi man lang nag-aalalang nakikita ko silang dalawang nagtatawanan! Mabilis kong tinapos ang pagkain dahil nawalan na ako ng gana. Bumalik ako sa poso at naghugas ng kamay. Isang beses ko pa silang nilingon at hindi talaga niya ako tiningnan! Busy siya sa Mia na 'yon! Napansin ko ang sasakyang paparating at napunta roon ang lahat ng atensyon namin. Nang makababa ang sino mang lulan no'n ay nagulat ako nang makitang si Joseph iyon. Nahanap niya agad ako dahil nasa gilid ako at binati siya ng mga taong nakakakilala sa kanya maliban sa mga magka-kaibigan. Alam kong hindi nila nagustuhan na nandito si Joseph dahil na rin sa nangyari noon. Pero matagal na 'yon at matagal na kaming hindi nagkita simula ng makalaya siya. "Hi," bati niya sa akin nang makalapit. "Joseph, nandito ka," saad ko at ngumiti siya. Hindi ko alam pero parang may nagbago na sa kanya. Wala na rin akong maramdamang galit o kung ano pa man sa kanya. Lubusan ko na nga siguro siyang napatawad. "May nakapagsabi sa akin na nandito ka raw kaya pumunta ako. Bumisita rin kasi ako sa amin, saktong narito ka," giit niya. Lumagpas sa gilid ng mukha ni Joseph ang paningin ko at nakitang madilim na ngayong nakatitig sa amin si Elton. Ngayon ka pa titingin sa akin gayong nandito na si Joseph? Siraulo. "Uh gano'n ba. Kailan ka pauh dito?" hindi madiretso kong tanong dahil kinakabahan ako sa titig na pinupukol ni Elton sa amin. "Noong isang linggo lang. Kailan ka babalik ng Manila?" tanong niya at napatingin ulit ako sa mga matang mariin ang titig sa amin. "Uh, hindi pa siguradoKain ka muna, Joseph. Naghanda kasi ang mgakaibigan ni Elton," aya ko sa kanya at tumango naman siya kaya lumapit na kami sa mesa at mangilan-ngilan na lang ang mga taong naroon dahil tapos nang kumain. Binigyan ko ng plato si Joseph at siya naman na mismo ang kumuha ng pagkain. Nararamdaman ko pa rin ang pagkabalisa ko at hindi ko alam kung bakit. "Uh, oh. May umaaligid," narinig kong sabi ni Mac at hindi ko sila tiningnan na nakatambay sa likod ng sasakyan. "Magtatagal ba kayo rito? Balik kayo sa susunod, ha," dinig kong sabi ni Mia at sigurado akong si Elton pa rin ang kausap niya! Hindi pa ba sila tapos mag-usap at kanina pa silang dalawa, ah! Hinihintay ko ang sagot ni Elton pero nagsalita si Joseph. "Birthday ni Papa bukas, GG. Inaanyayahan sana kita. Tanghalian gaganapain ang kainan. Okay lang ba sayo?" tanong niya at nag-iisip ako kung tatanggapin ko ba o hindi. "Pag-iisipan ko, Joseph," sagot ko. "Yeah, magtatagal kami," narinig kong sagot ni Elton kay Mia. "Pag-iisipan? Malapit lang naman dito ang sa amin, ah. At susunduin naman kita at ihahatid na rin," giit niya. Wala naman talagang problema sa akin ang paanyaya niya. Kaso, nandito sila Elton. Sinong mag-aasikaso sa kanila kung aalis ako? Si Mia? Hindi naman yata pwede 'yon! "Hey! Bakit si GG lang iniimbita mo? Nandito kami, o!" sabay hagalpak na tawa ni Dale. Nabitin sa ere ang sasabihin pa sana ni Joseph dahil sa pagsabat ni Dale. Napatingin ako kay Elton na inaayos na ang mesa at tinutulungan ni Mia. Close na sila agad sa lagay na 'yan, ha? "Sige, Joseph. Sunduin mo 'ko bukas. Pupunta ako," sabi ko at sabay tingin ko kay Elton na nakakunot ang noo. Matapos ang tanghalian at pagpapahinga ay agad kaming bumalik sa trabaho. Mas lalong bumilis iyong natapos dahil na rin sa tulong ng mga kalalakihan. "GG, tingnan mo," napatingin ako sa ininguso ni Mac sa akin. Tinutulungan ni Elton si Mia na makatayo dahil napaupo yata siya sa putikan at nahihirapan sa pagtayo. Maka-ilang ulit na akong natumba rito pero kaya ko namang tumayo ng walang tumutulong sa akin, ah! At kanina pa sila magkasama! Inis na inis akong bumalik sa trabaho habang natatawa naman si Mac sa gilid ko. "Lapitan mo, GG. Awayin mo. And landi, o," salita naman ni Dale na nasa kabilang gilid ko pala. Kailan pa sila nakalapit sa akin? Hindi ko pinansin si Dale dahil nagpupuyos na ako sa inis. Sa halip ay umalis ako. Hindi ko na makayanan ang galit sa dibdib ko. Kaninang umaga pa siya narito at hindi niya man lang ako nilapitan! Sa halip ay nakikipaglandian pa sa Mia'ng 'yon! Mabilis akong naglakad patungo sa sapa. Doon ko na balak maglinis at magbababad sa tubig at baka sakaling kumalma ang kalooban ko. Nang matanaw ko ang sapa ay marami akong naalala. Parang kailan lang ay dito ako naglalaba noon at minsan sumasama sa akin si Amalia. Dito rin kami naligo noon kasama ang mga kaibigan ni Elton kasama ni Zella at Suzie. Agad akong umupo sa gitna ng sapa at dinama ang lamig no'n. Namiss ko tuloy ang mga panahong si Tatay, Chloe at Tiya Olivia lang ang pino-problema ko. Hindi 'gaya ngayon. Biglang may tumikhim sa likuran ko at nagulat akong makita si Elton. Mag-isa siya, ngunit hindi ko siya pinansin. Nag-iwas agad ako ng tingin at naririnig ko ang paglalakad niya sa tubig. Buong akala ko ay tatabi siya sa akin, ngunit sa likuran ko siya umupo at may distansya ang pagitan namin. Nagtataka kung bakit doon siya pumwesto. Ayaw niya ba akong lapitan? "Are you mad?" tanong niya agad. "Bakit naman ako magagalit?" tonog galit iyon. "I dont know. Are youjealous?" aniya at natigilan ako sa tanong niya. Nagse-selos ba ako? Hindi! Naiinis ako sa kanya dahil sa pag-uusap nila ni Mia animo'y mag syota na! "Hindi ako nagse-selos-" "Well, I am," giit niya at nagsimula na namang maging bayolente ang kalabog ng puso ko. Buti na lang talaga at malamig ang tubig ng sapa dahil kung hindi ay baka nararamdaman ko na ang init sa pisngi ko. "B-Bakit ka namanmagse-selos?" tanong ko nang hindi siya nililingon sa aking likuran. "Pumayag kang sumama sa Joseph na 'yon," maktol niya at tonog nagtatampo ang boses niya. Ewan ko ba, pero hindi ko mapigilang ngumiti sa tono niyang iyon. "Kaibigan ko siya. Natural lang na imbitahin niya ako," giit ko. "StillI'm jealousand hurt," aniya at napahinga ako ng malalim. Nagpapasalamat ako na sa likod ko siya umupo. "Kanina ko pa gustong lumapit sayokaso, bakaumiwas ka," aniya at kumunot ang noo ko. Bakit naman ako iiwas? Magsasalita na sana ako pero nagpatuloy siya. "Highschool ako nang madiskubre kong kakaibaang gusto ko. Ilang babae na ang dumaan sa akin pero, hindi ako masaya. Hanggang sa makilala ko si Magda." Parang may kung anong kumurot sa puso ko sa sinasabi niya. Ibig niya bang sabihin ay kay Magda niya lang naramdaman ang totong saya? Sa akin bahindi? "I consult a doctor why I'm like this. I don't like it. Kaya nilalabanan ko ang sarili ko. Umuwi ako ng pilipinas para iwasan siyaat ito, sinundan niya pala ako. Pero napansin ko ang pagbabago sa sarili ko simula nang makilala kita, GG. Nakalimutan ko siya, at tuluyan nang nakalimutan dahil sayo. Pero maiintindihan ko kung nandidiri ka sa akin. Ako man din ay nandidiri sa sarili ko kung bakit tulad niya ang tipo ko noon," aniya at nagsimula nang sumikip ang dibdib ko sakit sa pakikinig sa kanya. Ayoko munang magsalita at gusto ko lang siyang pakinggan. "Ayoko na sa gano'n, GG. Mas masaya ako sayo. Mas masaya kaysa sa naramdaman ko noon kay Magda. But I want you to know that, I may disgusting and gross ,but I'm not like it, anymore. You made feel greater than before, GG. Pero huwag mo naman akong iwan, o. Basta malapit ka lang, okay lang sa akin 'yon. Kahit magselos ako at masaktanbasta nasa malapit ka lang." Hindi ko pinalis ang mga luha sa pisngi ko. Ramdam ko ang sakit sa bawat salita niya. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman kung gaano ka totoo ang mga sinasabi niya. Naghihirap din siyang labanan ang sarili niya. Pero dahil sa akinnakaya niya. Kinaya niya. Kung bibitiw ako, paano na siya? Babalik siya sa dati? Kay Magda? At paano naman ako? Paano kami ng mga naka namin? Nagsisisi ako sa pandidiring naramdaman ko no'ng unang nalaman ko 'yon. Pero sino ba ang nilolo ko? Hindi matutumbasan ng pandidiri ang pagmamahal ko sa kanya. Nilingon ko siya at nakayuko siya. Kitang-kita ko kung gaano siya nasasaktan. Ang makitang siyang ganito ay mas lalo lang nagpapasikip sa kalooban ko. Ayoko siyang nakikitang ganito. Hindi ako sa sanay. Mas sanay ako sa pang-iinis niya sa akin, sa mga pangungulit niya at sa pagiging masiyahin niya. Kung hindi ko kayang mahalin at tanggapin ang nakaraan niya, paano ako magiging deserving para sa kanya? Minsan kailangan nating mahalin ang mga taong hindi buo. Dahil hind natin alam at baka tayo ang dahilan para maging buo sila. "Bakit ayaw mo kong lapitan? Bakit parang ikaw ang nandidiri sa akin?" tanong ko at nag-angat siya ng tingin. Parang pinipiga ang puso kong makitang may luha sa mga mata niya. "Aren't you?" tanong niya at hinahawakan ko ang kamay niya. Nakatingin siya kung paano ko siya hinawakan bago binalik sa akin ang tingin na para bang hindi siya makapaniwala. "Naisip ko, lahat tayo ay may nakaraan," panimula ko at mariin ang titig niya sa akin. "Pero hindi basehan ang nakaraan natin kung sino man tayo ngayon. Ano pa mantanggap kita. M-Mahal kitakaya tanggap kita." Agad niya akong niyakap ng mahigpit at para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Pagod na akong takasan ang mga problema 'gaya ng dati. Nakakasayang ng panahon at hindi naman nalulutas kung lalayasan at hindi haharapin. "You made me so damn happy. I'm so happy, GG," aniya at napangiti ako. Sabay yakap ko sa kanya pabalik. "Huwag ka na makipagkita sa matandang 'yon at huwag ka nang lumandi kay Mia!" giit ko at humalakhak siya sabay hinarap ako at kinurot ang ilong kahit masama ang ibinibigay kong tingin sa kanya. "Someone is jealous," aniya at umirap ako. "Kanina pa kaya kayo magkasama at hindi mo man lang ako nilapitan!" iritado kong sinabi. Sumilay ang pilyo niyang ngiti na malayong malayo sa itsura niya kanina. Biglang may sumulpot sa likuran niya mga lalaking nagdadala ngdahon ng saging? Nakatakip iyon sa mga mukha nila kaya hindi ko sila makita. Ano na naman kayang trip ng mga siraulong 'to? Biglang tumayo si Elton at inalalayan niya akong tumayo rin. Isa-isang namang pinagdugtong ng mga lalaki ang dahon ng saging at iniharap iyon. Napasinghap ako sa gulat nang mabasa kung anong naroon. Lumuhod si Elton sa harapan at nakalahad na sa akin ang singsing na may malaking bato sa loob ng isang pulang box. "Be my wife, Georgina."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice ' ok Yung kwento
23/04
0good:))
20/09/2025
0Ang ganda po ng story 😊
02/05/2025
0Tingnan Lahat