Kabanata 35

Gulong-gulo ang utak ko sa mga nalaman. Hindi naman raw kilala ni Aling Rita ang pangalan nang naghatid ng titulo dito noon. Pero mukhang mag-asawa raw. Pero bakit sa akin na ito naka pangalan?
At ang bahay namin, parang walang pinagbago. Walang bakas na giniba ito dati. Kahit ang bahay nila Amalia ay sinilip ko. Gano'n pa rin naman ang pagkaka-ayos no'n. Pero ang bahay ng ibang taga baryo ay halatang bago na ito. Tanging sa amin lang at kila Amalia ang gano'n pa rin.
Pumasok ako sa bahay namin at tiningnan ang kabuoan nito. Lahat ng dating gamit namin ay gano'n pa rin. Pero malinis ang buong bahay at wala man lang itong alikabok. Imposible naman yata 'yon lalo na at walang nakatira dito.
Bumabalik sa akin lahat nang alaala ko sa bahay na ito. Dito ako ipinanganak at lumaki at dito ko na rin sa lugar na ito nakilala siElton. Bigla kong naalala ang kambal. Siguradong hinahanap na nila ako ngayon. Pero ayokong makita nila akong malungkot at umiiyak kaya hindi ko sila isinama sa pag-alis ko. Alam ko namang hindi sila pababayaan ni Elton.
Buti na lang at may dala akong pera kaya nakabili ako ng pagkain. Pinatay ko rin ang cellphone ko. Gusto kong mapag-isa at mag-isip.
Nagluto ako ng tanghalian ko at kumain. Matapos no'n ay pumunta ako sa lugar kung saan kami dating nagsasaka ni Tatay. Malapit na pala itong anihin, napapanahon na.
"GG! Andito ka. May kailangan ka ba?" bati ni Aling Rita na punong-puno ng putik ang damit. Napangiti ako sa kanya.
"Nami-miss ko lang po ang lugar na 'to," sabi ko sa kanya. "Kailan pa po naibalik ang lupa natin?" tanong ko.
"Matagal na, GG. Pero iyon nga, ang ibang bahay dito nagiba noong nagde-demolish na ang ang pinag binentahan ng Tiya mo," giit niya at nagtataka ako kung bakit niya alam na si Tiya Olivia ang nagbenta nito.
"Paano niyo po nalaman ang tungkol do'n?" kuryoso kong tanong.
"Ay, si sir Elton ang nagsabi sa amin. Palagi iyon dito simula nang umalis kayo. Siya nga iyong pumigil sa nagde-demolish, e. Tapos may dumating pa na maraming mga lalaki at kay ga-gwapo! Mga kaibigan niya siguro iyon. Kaya hindi nagiba ang bahay ninyo ni Amalia. Malaki nga ang pasasalamat namin kay sir e, dahil binigyan niya kami ng pera para maipatayo namin ang mga nasira naming bahay," salaysay ni Aling Rita at nagpakurap-kurap ako sa nalaman.
Ginawa niya 'yon para sa amin? Alam kung sila Taiden ang tinutukoy ni Aling Rita na mga lalaki. May isa pang bagay na bumabagabag sa utak ko na gusto kong mabigyan ng sagot.
"Uhalam niyo po ba kung bakit malinis ang bahay namin?" tanong ko kay Aling Rita at ngumiti siya ng malaki.
"May pumupunta diyan para maglinis, GG. Pero hindi namin kilala kung sino iyon ,e. Pero sigurado akong utos 'yon ni sir," nangingiting sabi niya. "Uy, GG, mukhang may gusto sayo si sir Elton, ah. Naku! Kung nakita mo lang kung gaano siya nagalit nang maabutan niyang gigibain na sana ang bahay niyo. Nagkita na ba kayo?"
Hindi lang po basta nagkita, nagka-anak pa. Sabi ko sa isipan ko.
"Pero hindi naman po ako ang bumili ng lupa na 'to Aling Rita, kaya bakit sa akin naka pangalan?" nagtataka kong tanong at nagulat siya sa sinabi ko.
"Ha? Hindi ikaw? Paano nangyari iyon, e, ang sabi no'ng mag-asawang naghatid ng titulo dito ay ikaw raw ang nakabili at pinapahawak mo lang sa amin," giit ni Aling Rita at mas lalong gumulo ang utak ko.
Kung ako ang bibili ng lupa. Bakit ko naman ipapahawak sa ibang tao ang titulo 'di ba?
"Wala po ba talagang ibinigay na pangalan iyong naghatid dito ng titulo?" tanong ko ulit kay Aling Rita at mukha siyang nag-iisip. Biglang lumiwanag ang mukha niya na para bang mayro'n siyang naalala.
"Hindi ko masyadong narinig ang itinawag sa kanya ng asawa niya, e pero tonog Teody 'yon. Teddy?
"Taiden?" sabi ko.
"Ayon! Oo, Taiden nga 'yon! Ay pagka-gwapo na lalaki at kay ganda naman ng asawa niya! Kilala mo pala sila?" aniya at tumango ako.
Akala ko mabibigyan na ng linaw ang kaguluhan sa utak ko pero mas lalo lang yata itong gumulo! Paano naman mapupunta kila Taiden ang lupa? Higit sa lahat bakit sa akin naka pangalan?
Umuwi akong iniisip paano nangyari ang lahat. Biglang sumagi sa isipan ko na tawagan si Zella. Kinuha ko ang celphone ko at binuksan iyon. Kakabukas pa lang nito ay ang dami ng text ang pumasok.
Elton:
'Umuwi ka na, GG, please. Mag-usap tayo.'
'Ayos ka lang ba diyan? Umuwi ka ha, hihintayin kita, kami ng mga anak natin.'
Sumikdo ang dibdib ko sa huling nabasa at nagpatuloy sa pagbabasa ng iba pa niyang text.
'Naiintindihan ko kung nandidiri ka sa akin, GG. Okay lang sa akin 'yon basta huwag ka lang mawala sa akin ulit. Hindi ko na kaya 'yon, e.'
At nangilid agad ang luha sa mga mga mata ko. Hindi akalaing mahilig sa text ang lalaking 'to.
'Hindi hahalikan, hahawakan o ano dahil alam kong nandidiri ka sa akin. Basta nakikita kita at kasama ko kayo sa bahay ay okay lang sa akin 'yon. Pero pangako, GG, walang namamagitan sa amin ni Magda. Hindi kita ipagpapalit sa kanya. Tatalunin ko ang sarili ko.'
Agad ko nang tinigil ang pagbabasa ko dahil hindi ko na kaya pang basahin ang mga text niya. Ngayon pa lang ako nakaramdam ng awa na galing sa kanya mismo ang salitang nandidiri ako sa kanya. Totoo 'yon. Iyon ang nararamdaman ko no'ng nalaman ko ang lahat. Pero bakit parang bigla na lang nawala. Isang araw pa lang ako dito pero nawala na ang pandidiring nararamdaman ko para sa kanya.
Dahil ba sa nalaman ko kay Aling Rita na dumating siya no'ng panahong gigibain na ang mga kabahayan sa amin? O talagang hindi ko lang magawang mandiri at magalit sa kanya ng matagal dahilmahal ko siya.
Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gano'n na ba talaga kalalim ang pagmamahal ko sa kanya? Na kaya kong tanggapin lahat pati ang nakaraan niya?
Alam ko namang hindi lahat ng minahamal natin ay perpekto. Lahat ay may kanya-kanyang pinaglalabanan, ibang tao at minsan sarili natin. Hindi nade-define ang isang tao base lang sa kanyang masalimuot na nakaraan. Kagaya ni Elton, gano'n siya dati aniya at nilalabanan niya ang kanyang sarili dahil gusto niyang magbago. Pero paano kung hindi siya magtagumpay? Anong mangyayari?
"GG? Nasaan ka? Umalis ka raw," tonog pag-aalala iyon ni Zella.
Tinawagan ko siya dahil gusto kong mabigyang linaw ang utak ko sa mga nalalaman. May parte sa akin na gustong kausapin si Elton attulungan siya. Humingi siya ng tulong sa akin sa huli naming pag-uusap.
"Sa amin, umuwi na muna ako."
"Gano'n ba? Ayos ka lang ba? Nalaman ko kay Taiden ang nangyari."
Napabuntonghiniga ako at saka pa nagsalita ulit. Bumabalik sa utak ko ang pinagsasabi ng matandang 'yon.
"UhZella, may itatanong sana ako," saad ko.
"Shoot, ano 'yon?" aniya.
"Kayo ni Taiden ang naghatid sa titulo ng lupa dito?" diretsahan kong tanong.
"Oo, GG. Mahabang storya pero willing naman akong sabihin sa'yo lahat nang nangyari." giit niya at hindi na ako nag-atubiling pag kwentuhin siya.
"Ganito kasi 'yon, noong nag bar kami ay hindi namin kasama si Elton. Hindi rin namin ma contact. Sa kabilang table namin ay may dalawang babae na parang may hinihintay at sila pala 'yong step-sis at madrasta mo," salaysay ni Zella at mariin akong nakikinig. "Tapos may ka meeting pala sila. Malapit kasi kami ni Taiden sa pwesto nila kaya narinig namin na nagbebenta sila ng lupa at gulat na gulat si Taiden nang malamang lupa nila Elton ang binebenta. Doon pa lang naalarma siya, pero nabenta, e. So no'ng umalis na 'yong dalawang babae lumapit agad si Taiden sa lalaki at nakipagkita siya kinakabukasan. Sa pagkikita nila, ginigiba na sa mga oras na 'yon ang mga kabahayan diyan sa inyo. Binili ni Taiden agad ang lupa at nakausap niya si Elton. Tapos 'yon, pumunta silang magkakaibigan sa inyo pero hindi na ako nakasama, e. Pero binayaran naman ni Elton si Taiden. Akalain mo 'yon? Binili niya ang sarili nilang lupa? aniya.
Umigting ang panga ko sa narinig. Ang kapal ng mukha ni Tiya Olivia at Chloe para ibenta ang lupang bigay na sana nila Elton sa mga tao sa amin. Ni hindi nga sila nakaapak sa palayan ng kahit isang beses man lang.
"Pero bakit sa akin na naka-pangalan?" nagtataka kong tanong at umaasang may sagot si Zella.
"Si Elton siyempre! Mahalaga kasi raw sayo ang lupang 'yan. Pati mga nasirang kabahayan diyan ay pinaayos niya nga, e. Hindi mo pa pala alam?" tanong niya at naka tanga lang ako.
Hindi ko naman talaga alam 'yon! Kung hindi pa ako pumunta rito ay hindi ko pa malalaman na gano'n ang nangyari.Ginawa na 'yon lahat? Binili niya ang sarili nilang lupa at inilipat sa akin ang pangalan? Ito naman talaga ang plano ko pero hindi naman sa ganoong paraan at hindi gamit ang pera niya. Kailangan ko na talagang mag-trabaho para mabayaran ko siya.
"Zella, alam mo ba kung magkano ang nabayaran ni Elton kay Taiden?"
"Naku! 'Iyong tiyahin mo binenta niya ng 10 million do'n sa nakausap niya tapos no'ng binili naman ni Taiden, siyempre dinagdagan ng siraulo! Naging 15 million na, tapos no'ng kukunin na ni Elton ang titulo, alam mo naman ang magkaibigang iyon, paubusan ng pera. So 20 million na ang bigay ni Taiden kay Elton," natatawang sabi ni Zella.
20 million?! Saan naman ako kukuha ng gano'n kalaking pera? Hanggang sa susunod ko pa yatang buhay ay magbabayad pa ako kay Elton!
Natapos ang pag-uusap namin ni Zella at naguguluhan ako kung bakit niya ginawa lahat nng iyon. Hindi naman niya ako girlfriend dati para mag effort siya ng gano'n.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil tutulong ako sa pag-aani. Nami miss ko na ang amoy ng putik at ang palayan mismo. Excited akong nagbihis at sinuot ko ang lumang sombrero ni Tatay na gawa sa banahaw. Nagdala na rin ako ng tanghalin at doon na kakain kasama ng mga taga baryo.
"GG! Tutulong ka?" bati ni Aling Rita nang makita ako sa ayos ko.
"Okay lang po ba? Namiss ko na po ang palayang 'to." giit ko.
"Ay oo naman! Tara na at nagsisimula na sila roon," ani Aling Rita at nagsimula na kaming mag ani ng palay. Napapikit ako nang biglang humangin ng malakas kasabay ng pagsibol ni haring araw. Na miss ko 'to!
"Hala! Kilala ko ang mga 'yan!" biglang sabi ni Aling Rita at napatingin siya sa likuran ko. Masyadong malayo na kami pero kilala ko ang mga sasakyang 'yon!
Anong ginagawa nila rito?!
"GG! Wala bang linta?" sigaw ni Macsen at napapikit ako dahil napatingin na sa kanila ang mga tao.

Komento sa Aklat (86)

  • avatar
    GaRhonel

    nice ' ok Yung kwento

    23/04

      0
  • avatar
    Angel Mae A. Jumawid

    good:))

    20/09/2025

      0
  • avatar
    MelGee Deva

    Ang ganda po ng story 😊

    02/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata