Homepage/Crush with Benefits/
Epilogue
SUMAPIT ang 16th birthday ni Gaev at hindi ko inaasahang inimbitahan pala ni Lolo Ross si Charles.
Sabi ni Lolo na nagpaalam daw siya kay Gaev at pumayag naman ito.
Nag i-speech ako sa unahan nang bigla kong makita si Charles na nakatayo at nakatitig sa akin. Biglang bumilis ng mabilis na mabilis ang tibok sa dibdib ko at biglang nanginig ang mga kamay ko.
Dali dali kong tinapos ang speech ko saka agad na umalis sa unahan at lumabas sa loob.
Kaya mo 'to Clarisse. Kaya ka nga bumalik diba? Para harapin siya.
Paulit ulit akong huminga ng malalim. Para pa akong maluluha. Sana ay wala pa siyang iba.
Natigil ako sa aking pag iisip nang may biglang mahigpit na yumakap sa akin mula sa likuran.
Parang manlalambot ang mga tuhod ko ng mapagtantong si Charles 'yon.
"I miss you..." pag papaulit ulit niya habang nakasuksok ang mukha sa leeg ko. "Don't leave me again please.." pakiusap niya.
"Charles," gusto kong matuwa kasi hindi niya pa rin ako kinakalimutan pero nagi-guilty ako sa lahat ng mga nagawa ko sa kaniya.
I did not deserve him. Ano bang ginawa kong kabutihan para bigyan ako ng ganitong lalaki?
This man is really something.
Nagawa niya pa rin akong hintayin sa loob ng labing pitong taon.
Pinaulit-ulit niya rin ang salitang sorry. Hindi ako galit sa kaniya, kasi pakiramdam ko, ako ang may kasalanan ng lahat. Hindi ako natututong maghintay at basta basta na lamang gumagawa ng desisyon.
"S-Si Gaev na ba 'yong anak ko?" Naiiyak niyang tanong.
Natahimik ako. Sobrang laki ng kasalanan ko sa taong 'to.
Tumango ako, "Mmm."
Lalo siyang naiyak sa naging sagot ko at mas nasasaktan ako dahil nararamdaman ko lahat ng naging paghihirap niya.
Oo nasaktan ako...pero mas nasaktan ko siya.
"B-But why is he using my last name?"
Napalunok ako ng laway. Guilt is eating me up again and again.
"I'm married." Pinilit kong hindi mapiyok.
Natigilan siya sa naging sagot ko saka mabilis na kumalas sa yakap. Halatang nagulat.
Humapdi ang mga mata ko, "I'm sorry. I'm married to another Sandoval."
Napaka walang kwenta ko. Ang dami ko ng nasasaktan na tao.
"Y-You did not even let me hold or see my child." He cried.
I'm sorry!
Lalo akong napaluha. Napaka walang kwenta ko!
Malakas niyang pinagsusuntok ang katabing pader kahit na alam niyang marami ang makakarinig nito.
Sinubukan ko siyang awatin pero hindi siya nagpaawat. Nag tuloy tuloy ang pag agos ng luha niya at parang hindi siya nasasaktan kahit duguan na ang kamao niya.
Parehas kaming natigilan ni Charles ng marinig namin ang boses ni Gaev at sabay na napatingin sa kaniya.
"S-Son..." tawag niya saka may lumabas na babae. Nangunot ang noo ko ng makita kong hinapit ni Gaev ang baywang nang babae.
Hindi ko kilala kung sino 'yong babae kasi wala namang ipinapakilala sa akin si Gaev simula noong sumunod ako rito sa Pilipinas.
Lumapit siya kay Gaev at niyakap ito. Paulit ulit rin siyang humingi ng tawad kay Gaev kahit kasalanan ko naman talaga ang lahat.
"Get your hands off."
"Gaev!" sita ko kaagad. Hindi ko inaasahan na sasabihin 'yon ni Gaev.
"Gaev, give some respect to your Dad!" Mariin sabi ni Lolo na kalalabas lang.
"He's not my dad. He did not even try to find me."
"Gaev!" Muling sita ni Lolo.
Tumingin sa akin si Charles. Ang pula pula na ng mata niya at panay agos pa rin ang luha niya.
"Charles, I'm so--"
Hindi niya na pinatapos ang sasabihin ko noong bigla niya kaming lampasan lahat.
Lumapit ako kay Gaev at hindi ko na napigilan ang sarili ko noong masampal ko si Gaev.
"Clarisse!" Nagugulat na sigaw ni Lolo.
Nabigla rin ako sa nagawa ko.
Kahihingi ko lang ng sorry sa speech ko kanina, tapos nasaktan ko na naman ang anak ko. Napaka walang kwenta kong ina!
Nabigla lang ako dahil sa kawalan niya ng respeto sa daddy niya. Alam kong kasalanan ko ang lahat kaya hindi ko rin masisisi si Gaev.
Mahigpit kong niyakap si Gaev at bumuhos na ang luha ko. "Sorry Gaev! I'm sorry! Nabigla lang si mommy!"
"I'm sorry!"
Hindi siya umimik at walang emosyon niyang inalis ang yakap ko sa kaniya. Pinunasan niya ang bahagyang luhang pumatak sa gilid ng mata niya at tinalikuran niya kaming lahat.
It's his birthday, but I ruined it.
Napaupo ako sa sahig at patuloy na bumuhos ang luha ko. Mabilis naman akong dinamayan noong babaeng kasama ng anak ko kanina.
"Tita, sorry po sa inasta ni Gaev."
"Kasalanan ko."
Nagpakilala siya sa akin. Siya pala si Zephany, ang girlfriend ni Gaev.
Wala man lang akong kaalam alam. Ang dami ko ng nagiging pagkukulang sa kaniya at lumalayo na ang loob niya sa akin.
Maya maya lang ay nakita ko ng lumabas ang pamilya ni Charles.
Pilit akong nginitian ni tita Ley Ann bago tuluyang umalis. Napatingin naman sa akin si Lori. Parang naaawa ang mga mata niya pero di ko alam kung sino saming dalawa ng kuya niya ang kinakaawaan niya.
Pina una niya na si Kayden at lumapit sa akin si Lori. Nagpaalam naman ako kay Zephany para magkausap kami ni Lori.
"Kumusta ka?"
Ang unang lumabas sa bibig ni Lori. Naglalakad kami sa tabi ng pool.
"Akala ko magiging okay ako pag lumayo ako."
"Muntik mo ng patayin si kuya."
Natigilan ako sa sinabi niya. May paulit ulit na tumutusok sa dibdib ko.
"S-Sorry."
"Hindi na rin naman maibabalik ng sorry mo ang nangyari."
"L-Lori," napiyok kong tawag.
Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Maya maya lang ay bigla niya na ako niyakap ng mahigpit kaya lalo akong napaiyak. "Huwag mo ng iwanan si kuya please!" pagmamakaawa niya.
Ngayon ko lang nakita na ganito si Lori.
Tumango ako, "Hindi na 'ko aalis."
Kinuwento ko lahat ng nangyari sa akin hanggang sa pag didivorce namin ni Ryan. Sobra raw siyang nagtatampo sa akin. May isang oras na siguro akong nagkukwento sa kaniya.
Hindi pa kami tapos sa pagkukuwentuhan nang biglang mag ring ang phone niya.
Sinenyasan niya ako na sandali lang. Nginitian ko siya saka tumango.
"ANO?!" Nagugulat niyang sabi sa kausap.
Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit.
"Saang hospital?!" Natarantang sigaw ni Lori.
Lalong dumoble ang bilis ng tibok sa dibdib ko at nanatiling nakatingin kay Lori na nag aalala.
"Sige pupunta na ako Ma!"
"A-Anong nangyari?" Pag aalala ko.
"S-Si kuya..." Natigilan ako. "Nasa ER."
Parang lalong dinurog ang puso ko. H-Hindi! Hindi pwede!
"B-Bakit? Anong ginagawa niya roon?"
"Nabangga ang minamanehong sasakyan ni kuya!" Pag aalala niya. "K-Kailangan ko ng umalis, Clarisse."
"P-Pasama!"
Pumayag si Lori na isama ako kaya nagmadali kaming pumunta ng hospital.
Itinext ko pa ng itinext si Gaev. Pero hindi siya nag rereply. Hindi ko rin alam kung nasaan siya.
'Lord, please take care of Gaev...'
Wala na talaga akong ibang malalapitan kundi ang nasa itaas. I'm a sinner, I am nothing. Wala akong magagawa at tanging Siya lang ang makakatulong sa akin.
Alam kong malayo ako sa Kaniya. Alam kong bihira lang akong lumapit sa Kaniya. Pero kakapalan ko na ang mukha ko.
'I'm sorry God. I'm a mess. Napakawalang kwenta ko pong ina. Napakawalang kwenta kong tao. Lord, I know that I'm not deserving but I need you Lord. Please take care of my son. Ingatan mo rin po si Charles, huwag mo muna po siyang kunin. I love him, Lord. I'm begging please.'
Lumipas ang magdamag at hindi pa rin nag rereply si Gaev. Buong magdamag lang rin akong nasa hospital.
Hindi mawala ang pangangamba ko sa sunod sunod na naiisip kong possibleng mangyari. Pakiramdam ko ay mababaliw ako.
Tinawagan ko sina mama at lolo para ipa-check si Gaev. Maluwag akong nakahinga nang makatanggap ako ng text mula kay mama na natutulog lang raw sa condo ni Lolo si Gaev.
KASALUKUYANG comatose si Charles at patuloy pa rin akong nananalangin na pagalingin siya. Ramdam ko rin na bihira akong pansinin ni tita kaya minsan ako na ang lumalayo.
Natatakot ako humingi ng sorry baka bigla niya rin akong sampalin. Pero nagbabalak na akong humingi ng tawad. Bumubwelo lamang ako.
Pagdating ng ala una nang hapon ay nagulat ako noong makita ko si Gaev na biglang pumasok sa kwarto ni Charles.
Saktong ako lang ang nandito at wala pa sina Lori.
Agad niyang niyakap ang daddy niya saka roon umiyak ng umiyak. Humingi siya ng humingi ng sorry.
Nilapitan ko siya at kusang niyakap. Napansin ko ring lalo siyang naiyak.
"Mahal na mahal ka ng Daddy mo." sabi ko bago kumalas ng yakap.
Kumalas na rin ng yakap si Gaev kay Charles na natutulog at naluluhang tumingin sa akin. Nagulat din ako ng bigla niya akong yakapin.
"I'm sorry, Mom.." bulong niya.
Natigilan ako at parang hinahaplos ang puso ko.
"Sorry din Gaev sa lahat ng naging pagkukulang ko sayo."
"It's okay Mom."
Natigilan kami parehas ni Gaev nang biglang magbukas ang pinto at pumasok ang mama ni Charles pati si Lori.
Kumalas na kami sa yakap.
"Ang sweet naman ng mag ina!" Panunukso agad ni Lori.
Hindi ako napangiti roon kasi seryoso ang mukha ni tita. Kaya tumayo na ako at paulit ulit na huminga ng malalim saka lumapit kay tita.
"S-Sorry po tita."
Napatitig sa akin si tita at nalipat ang tingin niya kay Gaev. Biglang umaliwalas ang mukha niya at hindi ko inaasahang ngingitian niya kami at bigla niya na lang kami ni Gaev niyakap.
Nakakaiyak kasi tanggap pa rin ako ni tita kahit ang laki na ng kasalanan ko sa kanila.
Hinihintay niya lang pala na lumapit ako sa kaniya.
Ipinakilala ko sa kaniya si Gaev at nagkabiruan pa sila ng apo niya. Matapos ay isinama pa ni Lori si Gaev sa bahay nila para ipakilala sa mga anak niya.
Naging close agad si Gaev sa mga anak ni Lori at mukhang sabik na sabik rin si Gaev sa mga pinsan niya kaya bigla na lang akong nagulat noong malaman kong inaasar asar niya na si Kylor.
Ang alam ko kasi kay Kylor ay hindi pala kaibigan. Suplado rin. Kaya nakakapanibago na close na sila ni Gaev.
NGAYON ang pa isang Linggo ni Charles sa hospital at coma pa rin siya.
Nakikipag usap kami sa doctor nang biglang magsisigaw si Gaev kaya mabilis naming sinilip si Charles at nakita namin sa machine na nag aabnormal ang heart beat niya at bigla na lang itong nag flat line.
"NO!" sigaw ko.
Lumapit agad ang mga nurse at doktor kay Charles para asikasuhin ito.
Napahagulhol ako sa iyak. "CHARLES!"
Nataranta rin si tita at pinilit ni Lori na pakalmahin kaming tatlo.
Wala rito si Kayden dahil nasa trabaho. Tuwing hapon lang pumupunta si Kayden ng hospital pagkakagaling sa trabaho.
Biglang nag normal ulit ang heartbeat ni Charles nang matapos ang mga nurse at doktor sa ginagawa.
"Maraming salamat po Doc." Naiiyak na pasasalamat ni tita sa mga doctor. Pero nanatili pa rin kami ni Gaev na umiiyak.
"Ayos na si kuya, Clarisse." Pagpapakalma ni Lori. "Gumising ka na kasi kuya!"
"K-Kuya gumising ka na!"
"Gumising ka na kuya please! Pwede ka ng ikasal kay Clarisse! Two years na naman pala silang divorce e! Kaya gumising ka na dyan kuya!"
"K-Kuya?"
Sabay sabay kaming napatingin kay Charles nang tawigin ito ni Lori.
"D-Dad!" nasasabik na tawag ni Gaev nang makita naming lahat na bukas na ang mga mata ni Charles.
Thank you, Lord! Hindi ko na po papakawalan ang taong 'to! Pangako.
Agad na lumapit si tita kay Charles at mabilis namang tumawag ng doktor si Lori.
Nanatiling tulala at tahimik si Charles matapos siyang suriin ng doktor. Ayos na naman daw ang vital signs niya.
Nakatitig lang ako kay Charles at binalewala lahat ng nakakarinding sigaw ni Lori.
"I'm fine."
Nabigla kaming lahat ng magsalita si Charles. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti hindi siya nagka-amnesia.
"I'm sorry..." saad ko nang magtama ang tingin naming dalawa pero hindi niya ako pinansin kaya parang bumigat ang dibdib ko.
Miss na miss na kita.
Bigla ko na lamang din siyang hinalikan nang dahil sa pagkasabik. Aalagaan na kita simula ngayon.
I love you...
INIWAN muna nina Lori sa akin si Charles. Si Gaev ay bumalik na sa school. Si Lori naman ay papuntang Sandoval Enterprise at si tita ay kukuha ng pagkain at pamalit ni Charles.
Hindi niya pa rin ako pinansin kahit kami na lamang dalawa. Masakit pero alam kong deserve ko.
Paulit ulit akong humingi ng sorry saka nagpaliwanag sa kaniya. Alam kong galit siya dahil maling mali ang ginawa kong lumayo sa kaniya.
"Minahal mo ba 'ko?" He asked. Mahal na mahal pa rin kita. "Leave me alone."
Parang sinaksak ang dibdib ko. "C-Charles.."
"Just leave me alo--"
"I love you." Putol ko sa sasabihin niya. Mahal na mahal kita. "I love you, Charles." Hinawakan ko ang kaniyang dalawang pisngi, "Sorry for not telling you earlier." Ang tanga tanga ko lang. "Sorry for not telling you this last 17 years ago. I love yo--"
Pinutol niya ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan sa labi.
"I miss you..." bulong niya.
Gusto ko maiyak. Napaka swerte ko sa taong 'to.
"Marry me." He whispered between our kisses.
"I do." I can't wait to spend the rest of my life with you.
Inihiga niya ako sa kama at pinagpatuloy ang ginagawang pag halik ngunit bigla rin kaming natigil noong pumasok si Joshua sa loob ng kwarto na gulat na gulat.
Napaiwas tuloy ako ng tingin at binalot ng hiya, samantalang mukhang walang pakialam si Charles at nanatili pa sa aking ibabaw.
Nang lumabas si Joshua ay akmang itutuloy ulit ni Charles ang ginagawa ngunit nagbukas ulit ang pinto at ang pumasok na ay ang mama niya kaya mahina kong naitulak si Charles at tumayo.
Parang nag iinit tuloy ang pisngi ko. Hindi ko magawang tumingin kay tita ng dahil sa pagkapahiya.
Ang wild wild naman kasi ni Charles kahit kagigising lang. Sa bagay ginusto ko rin naman dahil na miss ko siya ng sobra.
Marami kaming nasayang na pagkakataon ni Charles kaya sinusulit na namin ang bawat araw na magkasama kami. Ipinangako ko na rin sa sarili ko, maging sa Diyos na iingatan ko na 'tong taong 'to.
HINDI mawala ang ngiti sa aking mga labi habang naglalakad sa aisle papalapit kay Charles na nasa dulo.
I'm the luckiest girl alive to have this man in my life.
Sa dami rami ng mga babaeng pwede niyang ipalit sa akin, ako pa rin ang pinili niya. I don't want to lose you...
Statue by Lil Eddie ang kinakanta nang singer na nasa tabi ng mga nag ba-violin at piano.
Yeah... I'm like a statue. That stuck staring right at you, Charles.
You're so wonderful...
See you in special chap...
Thank you po sa lahat ng nagbasa at sumuporta <3I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
❤❤❤❤❤
27/03/2024
0chapter 45 please
17/03/2023
0salamat
25/02/2023
0Tingnan Lahat