Chapter 51

Clarisse POV
HINDI ko na pinansin si Charles noong mga sumunod na araw at pinagpatuloy ang pag aasikaso ng mga papel papuntang ibang bansa. Naging mailap na rin ako sa mga kaibigan ko. Gusto ko lang silang masanay na wala ako.
Hindi ko ipinaalam sa kanila ang tungkol sa pagpunta ko ng ibang bansa.
Oo naging makasarili ako sa part na 'to pero pakiramdam ko, dito ko makukuha ang katahimikang gusto ko. Gulong gulo na kasi ako sa buhay ko. Parang wala na akong patutunguhan at gusto kong mag-umpisa ng bago.
Sinadya kong ipatapat ang flight ko, pagkatapos ng kasal ni Lori. Nakakalungkot man pero gusto ko na munang lumayo at unahin ang sarili't magiging anak ko.
"Be ready!" sigaw ni Lori.
Maghahagis na siya ng bulaklak at nasa loob pa rin kami ng simbahan. Wala akong balak makisalo dahil pakiramdam ko ay tatanda lang akong dalaga. Wala na naman sigurong papatol sa may anak na kagaya ko.
Ngunit agad na nanlaki ang aking mga mata kasabay ng paglunok ko ng laway nang mamalayan kong ako ang dapat na makasalo ng bulaklak.
Ako 'yong nasa hulihan at papunta iyon sa akin. Kaya dali dali ko 'yong hinabol pero hindi ko alam na malapit lang pala sa likuran ko si Charles kaya sa pagsalo ko ng bulaklak ay ang sakto kong pagkayakap sa leeg niya.
Parang may tumusok muli sa aking dibdib noong pakatitigan ko siya sa mukha.
Ito na ang huling beses na tititigan ko siya dahil aalis na ako mamaya.
Nang dahil sa pagkapanabik ay bigla kong siyang mabilis na hinalikan sa labi bago ako nagtatakbo palabas ng simbahan.
Pumunta ako sa garden na malapit lang rito sa simbahan saka sandaling nag-muni-muni. Hanggang sa hindi ko na namalayan na panay agos na pala ang luha ko.
Hinaplos haplos ko ang aking tiyan saka huminga ng malalim ngunit maya maya lang ay biglang nag ring ang phone ko.
Tumatawag ang mommy ko.
Pinunasan ko muna ang luha sa pisgi ko bago sinagot ang tawag."Ma..." Hindi ko ipinahalata na umiiyak ako.
Hindi ko pa rin pala nasasabi sa mga magulang ko ang tungkol sa pagbubuntis ko, kasi natatakot ako. Hindi ko rin masabi sa kanila na aalis na ako ng Pilipinas.
"Anak kumusta?"
"Okay lang po. Napatawag po kayo?"
"Pasabi sa bestfriend mo na happy wedding day, hindi na kami nakabisita riyan kasi nagkaroon ng emergency meeting rito sa Canada."
"Sige po, sasabihin ko."
"Clarisse..." tawag niya na para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.
"Bakit po Ma?"
"Makakauwi ka ba ng US?" nag aalangan niyang tanong. "This month."
Nangunot ang noo ko, "Ano pong meron?"
"May sasabihin kami ng dad mo sayo."
"Ano po ba 'yon?"
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya.
"Clarisse.." boses na 'yon ni papa.
"Papa... ano pong sasabihin niyo ni mama?"
"May ipapakilala kami ng mama mo sa'yo."
Nanatiling nakakunot ang noo ko, "Sino po pa?"
"Si Mr. Sandoval." Mabilis na bumilis ang tibok sa dibdib ko ng marinig ko ang sinabi ni papa.
Ang una agad na pumasok sa isip ko ay si Charles.
"Ano pong meron?" Pinilit kong hindi mapiyok. Hindi kaya alam na nina papa ang tungkol sa pagbubuntis ko?
"Malaki ang utang sa atin ni Mr. William Sandoval."
Nakahinga ako ng maluwag nang banggitin ni papa ang buong pangalan. Akala ko kung sinong Sandoval.
"Gusto niyang ipagkasundo ang anak niya na si Ryan sayo."
"P-PO?!" Nagugulat kong tanong.
"Alam kong hindi ka papayag. Pag usapan na lang natin pag umuwi ka, kaya kailangan mong makauwi."
"S-Sige po pa." Ito na lamang ang naisagot ko bago niya ibaba ang tawag.
Ryan Sandoval?!
Madadagdagan na naman ang isipin ko. Ipagkakasundo ba nila ako sa lalaking hindi ko kilala?
Alam kong hindi ako ang ibebenta pero ayokong makapangasawa ng lalaking hindi ko naman kilala para lang makabayad utang!
Napahinga ako ng malalim. Ano na bang nangyayari sa buhay ko?!
Napahawak ako sa tiyan ko at hinaplos haplos ito. Hindi alam nina papa ang tungkol dito at baka mapatay talaga nila 'ko kapag nalaman nilang buntis ako.
Pinag isipan kong mabuti ang tungkol sa Ryan Sandoval na 'yon. Alam ko na ang mangyayari kapag umuwi ako ng US.
Kapag ba nalaman ni Ryan na buntis ako, papakasalan niya pa rin ba ako?
Alam kong hindi maganda 'tong naiisip kong palabasing si Ryan ang ama ng magiging anak ko sa harap ng mga magulang ko.
Pero pakiramdam ko ay wala akong choice. Natatakot ako sa mga magulang ko, lalo na sa lolo ko.
IGINAYAK ko na ang aking mga gamit na nasa maleta bago pumunta sa reception nina Lori. Ibinigay ko lang ang regalo ko sa kanila at patagong umalis ng venue.
Bumalik ako sa aking condo para kuhanin ang mga gamit ko saka dumaan muna sa dati naming bahay na pinamamahalaan ni aling Pusing. Dati kong yaya noong bata pa ako.
Pupunta muna ako ng Norway para ituloy ang pag a-apply ng trabaho, saka ako pupunta ng US.
Nagpaalam lang ako ng mabilis kina aling pusing bago dumiretso ng airport.
"Clarisse!"
Parang narinig ko ang aking pangalan habang papasok ng eroplano.
Baka nabingi lang ako. Isinalpak ko na lamang ang aking headset sa tenga at nagpatugtog.
Napansin kong may pinagtitinginan ang ibang tao sa labas pero hindi ko na lamang iyon pinansin.
"Ladies and gentlemen, please be seated. Our flight is ready for departure."
Malakas ang papakakasabi kaya narinig ko pa rin kahit naka headset ako. Tinanggal ko na ang headset ko at ini-off ang phone nang magsimulang umandar ang eroplano.
Hindi ako masaya noong makarating ako ng Norway. Nag book agad ako ng hotel na matutulugan ko at hindi muna dumiretso sa bahay namin dito.
Baka kasi isumbong ako ng mga kasambahay kina mama at papa.
Inasikaso ko agad ang magiging trabaho ko rito kaya halos isang Linggo rin akong nag stay sa bansang 'to.
Matapos ng isang Linggo ay saka ako pumunta ng US para makipag usap kina mama at papa. Kahit labag sa kalooban ko ay napilitan akong umo-o para magkaroon ng ama ang anak ko. Nagulat pa si mama sa naging desisyon ko dahil hindi naman nila ako pinipilit.
"Ryan, can we talk? 'Yong tayo lang." pakiusap ko sa kaniya.
Pilipino rin siya, 'yon nga lamang ay dito siya sa US lumaki. Mabuti na lamang din ay marunong siyang mag tagalog dahil madalas daw siyang bumibisita sa Pilipinas.
Tumango siya at bahagya akong nginitian. Pumasok kami sa aking kwarto at dito nag usap.
Mabait si Ryan, hindi suplado. Maamo ang mukha nito at kahit sino ay mahuhulog sa kaniya. Masunurin siya mga magulang niya. Handa niyang sundin lahat ng mga sinasabi nila kasi ayaw niyang nadi-disappoint ang parents niya.
Kaya kahit masakit para sa kaniya na ikasal sa tulad kong hindi niya naman kilala ay pinili niya pa ring sundin ang mga magulang niya.
"What are we going to talk about?" He asked.
Tumingin-tingin ako sa paligid para siguraduhing walang tao sa loob ng kwarto ko.
"B-Buntis ako, Ryan." Bulong at napatungo ng dahil sa kahihiyan.
Halatang natigilan siya at hindi alam ang sasabihin.
"D-Did your parents know about this?" nautal niyang tanong.
Umiling ako, "How about the father of your child?" bulong niya.
"A-Alam niya."
Hindi na siya nakaimik pa at parang hindi alam ang sasabihin. Hindi ko rin alam kung paano ko kakapalan ang mukha ko para sabihin sa kaniya na palabasin naming anak niya 'tong dinadala ko.
"So... what do you want me to do?"
Napalunok ako ng laway sa tanong niya. Hindi alam ang sasabihin.
Tumikhim ako, "Gusto mo pa rin bang makasal sa akin?"
Napatitig siya sa mukha ko, "If it is my parents' desire, I will marry you even if I am not the biological father of your child."
"N-Natatakot ako malaman nina papa ang pagbubuntis ko." pag aalala ko.
Huminga siya ng malalim, mukhang alam niya na ang gusto kong sabihin.
"I'll help you."
Napatunghay ako sa naging sagot niya, "T-talaga?"
Tumango siya, "Pero hindi ko maipapangako na mananatiling sikreto ang tungkol sa magiging anak mo. Remember this Clarisse, walang sikretong hindi naibubunyag."
"A-Ayos lang! Hindi pa lang ako handa na sabihin sa kanila. W-Wag kang mag alala, a-aminin ko rin sa kanila, hindi pa lang talaga ko handa."
"Good then. So let's go?" aya niya.
Tumango ako at tumayo na. Nauna na siya sa akin na buksan ang pinto ngunit ganoon na lamang ang gulat namin nang makita ang mga magulang niya at magulang ko na nasa tapat ng pinto at mukhang nakikinig sa pinag-uusapan namin.
Puro sila nakangiti.
Mabilis na binalot ng kaba ang aking dibdib. Dumoble ang bilis ng tibok sa aking dibdib. N-Narinig ba nila ang sinabi ko kay Ryan?
"M-May narinig po ba kayo mama sa pinag uusapan namin?" Pinilit kong hindi mautal.
Nang maramdaman ni Ryan ang panlalamig ko ay bigla niya akong inakbayan sa harap ng mga magulang namin na mas nakapagpalunok pa sa akin.
"We have something to tell you tita." Malamig na sabi ni Ryan.
Mabilis akong nag angat ng tingin kay Ryan pero nginitian niya lang ako. Mga ngiting nag sasabi na, ako na ang bahala.
"Matagal na po kaming magkakilala ni Clarisse." pagsisinungaling niya.
Muli akong napalunok ng laway habang namimilog naman ang bibig nilang lahat.
"Siya po ang madalas kong puntahan sa Pilipinas." pagsisinungaling na naman niya. "Buntis po si Clarisse."
Bigla kong napigil ang aking hininga sa sinabi ni Ryan. Tiningnan ko ang reaksyon nina mama at papa pero puro lahat sila ay nakatingin sa akin. Pinagmamasdan ako.
Hinwakan ni Ryan ang kamay ko, "Matagal na pong kami ni Clarisse, at ako ang ama ng pinagbubuntis niya."
"Congratualations hija!" Biglang malakas na sabi ng mama ni Ryan at niyakap ako.
"Magkakaapo na 'ko!" Malakas ding sabi ni mama.
"Kaya pala ang bilis mong napapayag, huh?" panunukso ni papa.
Nagulat ako kasi hindi sila nagalit. Lahat sila ay masaya. Dahil ba si Ryan ang alam nilang ama nitong bata?
Paano kung si Charles ang pinakilala kong ama ng anak ko? Magiging masaya rin kaya sila?
Pagkatapos ng isang buwan ay ikinasal agad kami ni Ryan, kaya naging Clarisse V. Sandoval ako at dinala ng anak ko ang apelyidong Sandoval.
Ngunit si Charles pa rin ang palagi kong naaala kapag binabanggit ang apelyidong Sandoval. Noong ikinasal kami ni Ryan, iniimagine ko pa na si Charles ang kaharap ko sa altar.
Sa Norway ako nagtrabaho at dito na rin kami tumira. Hindi ko rin naitago ang katauhan ko dahil nakilala agad ako ng mga tao sa kumpanya namin dito.
Maayos naman ang naging pagsasama namin ni Ryan. Maliwanag din sa amin na hindi namin gusto ang isa't isa. May sarili rin kaming kwarto. Alam niya na may gusto akong iba at alam ko rin na may gusto siyang iba. Minsan nga napagku-kwentuhan namin ang tungkol sa mga taong nagugustuhan namin.
Minsan inaasar ko pa siya roon sa babaeng nagugustuhan niya. Palagi ko ring sinasabi sa kaniya na... "Sige mangabit ka lang." panunukso ko.
Minsan kasi lihim siyang pumupunta ng US para makita ang kabit niya. Tapos sa akin lang siya nagpapaalam kaya kapag nahuli siya ng magulang niya roon, ako ang magtatanggol sa kaniya.
Tinutulungan niya rin akong mag alaga kay Gaev simula noong manganak ako. Itinuring niya ring totoong anak ni Gaev hanggang sa muli kaming bumalik ng US kasi pinabalik na kami ni Lolo.
Binalot ako ng kaba noong ipatawag ako ng great grandfather ko sa office niya. Si Mr. Ross. Pakiramdam ko ay may mabigat akong kasalanang nagawa dahil hindi niya ako pinapansin simula noong makabalik kami ng US kahit siya ang nagpabalik sa amin.
"L-Lolo..." Nautal kong tawag habang nakaupo sa may visitor's chair. Si Ryan ang nag aalaga kay Gaev ngayon.
"Explain." Mariin niyang sabi.
Mariin kong nakagat ang aking ibabang labi, "A-Ano pong i-e-explain ko?"
"Who is the real father of your child?"
Bigla kong napigil ang aking hininga. "Nakausap ko si Charles Sandoval at sinabi niya sa akin ang lahat."
Agad akong nag iwas ng tingin at kumakalabog na sa sobrang bilis ang dibdib ko.
Nag sisimula ng manghapdi ang gilid ng aking mga mata.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili noong bigla akong napahagulhol ng iyak sa harap ni lolo at nakiusap kay lolo na huwag munang ipaalam kay Charles kung nasaan ako. Huwag muna ring sabihin sa mga magulang ko. Hindi pa talaga ako handa.
"Hindi ako naniwala sa kaniya, yet he's telling the truth. Inalis ko na rin lahat ng transaction ko sa kaniya." sabi ni lolo kaya bigla akong nakonsensya para kay Charles.
"L-Lolo..." nakikiusap ang aking tono. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang kaniyang dalawang kamay saka lumuhod sa kaniyang harapan.
"Clarisse!" nagugulat na sigaw ni Lolo.
Alam kong possibleng bumagsak ang kumpanya nina Charles sa pag alis ni Lolo. "Don't leave him behind. He needs you." pakiusap ko.
"Clarisse, tumayo ka!"
"No!" Umiyak ako ng umiyak sa harapan niya. "Promise me that you will help him!"
"Okay! I promise!" Napilitan niyang sabi para lang tumayo ako.
Tumayo na nga ako at mahigpit siyang niyakap. "Maraming salamat lolo. Ipapakilala ko rin po sa kaniya si Gaev, h-hindi pa lang po ako handa."
"How about Ryan?" tanong ni Lolo.
Kumalas ako sa yakap, "We don't love each other po. May mahal po siyang iba."
"Bakit hindi na lang kayo mag-divorce?"
"P-Paano po sina mama? Paano po y-yong parents niya? M-marami na pong naitulong sa akin si Ryan, at alam kong ayaw niya pong nadi-disappoint ang parents niya."
NAPAPAYAG ko si lolo na huwag munang sabihin sa aking mga magulang ang tungkol sa anak ko. Sinabi ko na rin kay Ryan na nalaman na ni Lolo ang totoo. Nag alala pa siya noong una ngunit agad rin siyang nakahinga ng maluwag noong sabihin kong napapayag ko si lolo noong nakiusap ako.
After four years ay dito na ako nag stay sa US. Dito na rin ako nagtrabaho maging si Ryan. Medyo nagtataka na rin ako dahil hindi na siya nakikipag kita sa kabit niya kahit pinagtutulakan ko na siya.
Mas naging caring at protective pa siya sa amin ni Gaev.
"Mommy?" sigaw ni Gaev noong sumilip ako sa bintana ng office ni Lolo ngunit agad rin akong napatago ng mapansin kong nasa loob si Charles. Sinenyasan ko agad si Gaev na huwag maingay.
Bumilis bigla ang tibok sa aking dibdib. A-Anong ginagawa ni Charles rito?
B-Bakit siya ang nagbabantay kay Gaev?
Gabi na ah. Susunduin ko na sana si Gaev.
Mabilis akong bumaba ng elevator at nag kulong muna sa office ko. Itinext ko rin si lolo kung bakit naroon si Charles sa office niya. Isang oras pa ang lumipas bago naka-reply si Lolo.
Grandpa: Pinagbantay ko kay Gaev. Para maranasan niyang mag alaga sa pasaway niyang anak hahaha.
Nasapo ko ang aking noo. Maya maya lang ay may dumating na namang text galing kay Lolo.
Grandpa: Paakyat na rin ako sa office. Sunduin mo na si Gaev.
Pinalipas ko muna ang limang minuto bago ko umakyat sa office niya.
"Mommy!" sigaw ni Gaev at nagtatakbo papunta sa akin. Agad na nanlaki ang aking mga mata ng makita ko si Charles kaya bigla akong napahakbang papasok sa loob ng elevator.
Nang makapasok sila sa loob ay mabilis ko ng hinila si Gaev papasok ng elevator. Matapos ay idiniretso ko siya sa sasakyan namin kung saan naghihintay si Ryan.
"Daddy!" bati ni Gaev kay Ryan at niyakap ito.
"Hi baby!" Binuhat siya ni Ryan at hinalik-halikan sa pisngi.
Nanatili akong walang emosyon habang nakaupo sa passenger seat.
"Ayos ka lang, Clarisse?" Pag aalala ni Ryan.
"P-Pwedeng mauna na kayo ni Gaev na umuwi?"
Nangunot ang noo niya, "Bakit?"
"May pupuntahan lang ako."
"Saan ka pupunta?"
Napahinga ako ng malalim, "Nakita ko si Charles." Pabulong kong sabi.
Napaaawang ang bibig niya. "K-Kakausapin mo na siya?" Nautal niyang tanong at nag iwas ng tingin. Ibinaba niya si Gaev sa may backseat.
"H-Hindi pa." sagot ko.
"E bakit p-pupuntahan mo siya?"
"Hindi naman ako magpapakita. Gusto ko lang siyang makita."
Bahagya siyang tumango at nag iwas na ng tingin, kaya bumaba na ako ng sasakyan.
"Ingat ka pag uwi."
'Yon lang ang nasabi ni Ryan bago sinimulang paandarin ang sasakyan.
Bakit parang iba ang tono ng boses niya? Parang sarkastiko.
Galit ba siya?
Hindi ko na lamang 'yon inintindi at muling bumalik sa loob ng kumpanya. Ngunit agad ring nanlaki ang aking mga mata nang makita kong lumabas ng elevator si Charles kaya bigla akong napatalikod at nagtatakbo palayo.
"Clarisse!"
"Clarisse!"
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makatago ako sa madilim na parte. Sinundan ko siya ng tingin noong makalabas siya at nagpalinga linga ang kaniyang mga mata. Hinahanap ako.
Palihim ko siyang sinundan, sumakay ako sa sasakyan kong nasa parking lot ng aming kumpanya. Bihira ko lang itong gamitin at madalas lang na naka-parking rito.
Nakarating kami ng bar at palihim ko ulit siyang sinundan sa loob.
"C-Charles, lasing kana..." Pigil ko sa kaniya. Halata sa galaw niya at patumba tumba na rin siya.
Natawa siya na parang hindi makapaniwala, "How did you know my name?" pagsusungit niya.
"Charles, magpahinga ka na. Ihahatid na kita, nasaan ba ang hotel mo?"
Muli siyang natawa ng malakas. Lasing na lasing na.
"You look familiar, Miss."
Natigilan ako sa sinabi niya. N-Nakilala niya ba 'ko?
Hindi na ako nagsalita at hinila ko na siya palabas ng bar.
"Are you my future wife?"
Muli akong natigilan sa tanong niya, at kahit alam kong lasing 'tong kausap ko ay parang nag iinit ang pisngi ko. "Sana..." bulong ko pero halatang hindi niya narinig.
Tumawa na naman siya ng malakas, "I'm just kidding, Miss! Ha-ha!" Narinig niya ba ang sinabi ko? "I am reserved already." Naglaho ang ngiti sa kaniyang labi. "Also, I do have a kid, but I don't know if it is a baby girl or a baby boy."
Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko. I'm sorry!
Buong akala niya ay isa lang stranger ang kausap niya kaya patuloy siyang nag open ng nag-open ng sama ng loob, na para bang matagal niya na 'tong kinikimkim sa loob niya at ngayon niya lang nailabas.
Lalo pa akong na-guilty noong sabihin niyang magpopropose na siya sa akin noong gabing umalis ako.
H-Hindi ko alam!
Bahagyang may tumulong luha sa aking mga mata. A-Akala ko wala siyang pakialam sa amin.
"She lef-"
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Charles at bigla ko siyang hinalikan sa labi ngunit bahagya akong nasaktan noong itulak niya ako palayo.
"I'm sorry, miss." Nanatili akong nakatingin sa kaniya. "I'm reserved."
Hinalikan ko pa rin siya kahit ayaw niya. "I love you..." bulong ko. I still love you, but I'm married already.
"I miss you, Clarisse." Natigilan ako sa sinabi niya ngunit binalewala ko agad iyon noong palalimin niya ang halik.
Mabilis kong binuksan ang pintuan ng aking sasakyan sa backseat nang hindi bumibitaw sa halik saka agad na napahiga sa loob noon. Nakapa ibabaw siya sa akin at hindi na namin nagawang isara ang pintuan.
Hindi ko na rin namalayan pa na natanggal ko na pala ang itaas niyang damit at nakabukas na rin pala ang butones ng aking blouse. Nakalantad sa kaniya ang aking dibdib.
Para kong binuhusan ng malamig na tubig ng maalala kong may asawa pa ako.
M-Mali 'to! Kahit papaano ay may asawa pa rin ako.
Ayokong maging kabit si Charles kaya mabilis akong bumitaw sa halik niya at bahagya siyang itinulak kaya nalaglag siya sa sahig ng sasakyan.
"S-Sorry!" sabi ko ng makita kong nakahawak siya sa kaniyang ulo. Halatang naumpog kung saan. Mabilis ko siyang tinulungan at iniupo sa upuan. Matapos ay isinuot ko uli sa kaniya ang itaas niyang damit.
Napatitig pa ako sa kaniya nang mapansin kong nakatulog na agad siya, "Sorry kung naging makasarili ako, Charles. Sorry kung inilayo ko sayo si Gaev. Sorry kung nasaktan kita." Naluluha kong sabi at hinalikan siya sa noo.
Mabilis ko muling ibinutones ang aking blouse saka bumaba sa backseat at pumunta ng driver seat.
Inihatid ko siya sa pinakamalapit na hotel at binayaran ko na rin lahat ng gastos, pagkatapos ay umuwi na ng bahay. Ngunit kinabukasan ay bumalik ako sa kaniyang hotel at ipinagluto ko siya ng pagkain. Binilhan ko na rin siya ng gamot bago muling umalis at pumasok sa trabaho.
IYON na ang naging huli naming pagkikita muli. Nagpaplano na rin sana akong bumalik ng Pilipinas para harapin si Charles pero hindi natutuloy kasi madalas akong pigilan ni Ryan.
Sa loob ng labing limang taon ay nalaman na rin mga magulang ko ang tungkol kay Gaev. Nagalit sila sa akin kasi nagsinungaling ako pero tinanggap ko dahil alam kong mali ang ginawa ko. Ipinaliwanag na rin namin kay Gaev ang lahat at halos isang buwan niya kaming hindi pinansin.
Inalam niya lahat ng information ni Charles at siya ang gumawa ng paraan para makita ang itsura nito. Kaya kilala na ni Gaev si Charles. Ikinwento rin sa kaniya ni Lolo ang ginawang pag aalaga ni Charles sa kaniya noong bata pa siya sa office at ipinapanood dito ang dating CCTV Footage.
Lihim ring sumasama si Gaev kay Lolo Ross ng hindi ko alam para tingnan ang totoong daddy niya. Ngunit ang ipinagtataka rin daw ni Lolo ay hindi nito nilalapitan si Charles kundi tinitingnan lang mula sa malayo.
Parents na lamang ni Ryan ang hindi nakakaalam ng tungkol kay Gaev.
"Ryan..." Tawag ko sa kaniya. Nasa bahay kami at dalawang Linggo niya na akong hindi pinapansin.
Hindi niya ako pinansin. Nakatingin lang siya sa binabasa niyang libro. "M-Mag divorce na tayo." Tinapangan kong sabi.
Halatang natigilan siya sa narinig. Maya maya lang ay naluluha siyang tumingin sa akin. "A-Ayoko." sagot niya.
"Ryan..."
"Ayoko, ayokong maghiwalay tayo."
"May mahal akong iba, alam mo 'yan."
"Handa akong hintayin ka hanggang sa makalimutan mo s-siya."
Naawa ako sa kaniya pero hindi ko talaga siya kayang mahalin. Nagulat na lang kasi ako noong umamin siya sa akin na mahal niya ako.
Sinubukan kong tanggapin ang pag ibig niya pero hindi ko pa rin siya magawang mahalin pabalik.
"Ryan, 15 years na! Pero hindi ko pa rin magawang mahalin ka."
Nanatili siyang tahimik.
"Ryan..." Hindi niya ako pinansin at nakatungo lang sa libro hanggang sa mapansin kong nabasa ang libro niyang hawak. Umiiyak siya.
"Ryan..." Nilapitan ko siya at niyakap. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ko siya maiwan-iwanan. Naaawa ako sa kaniya.
"I love you." Bulong ni Ryan.
Napahinga ako ng malalim.
"Ryan... I'm sorry."
Mahigpit niya akong niyakap, "Please stay..." pakiusap niya.
"R-Ryan..."
Hindi siya umimik at nanatili lang na nakayakap sa akin. Labing limang minuto na ang lumipas bago siya kumalas. "Okay then. Pinapalaya na kita." Bigla niyang sabi at tumayo. Dire diretso siyang lumabas ng kwarto.
Napahinga ako ng malalim. Nasasaktan ako para sa kaniya, pero anong magagawa ko? Hindi talaga siya ang mahal ko.
Bago mag-divorce ay hinarap ko ang mga magulang niya mag isa at sinabi ko ang totoo. Nakatikim pa ako ng malakas na sampal mula sa mama niya pero binalewala ko lang 'yon.
Ginamit ko lang raw si Ryan.
Tinanggap ko lahat ng masasakit na salitang narinig ko kasi totoo naman na kasalanan ko ang lahat.
Naging successful ang divorce namin ni Ryan. Nagkapatawaran pa kami sa isa't isa bago siya nagpakalayo layo at pumunta ng Argentina.
Inasikaso ko muna rin lahat ng gulong maiiwan ko rito sa US bago bumalik ng Pilipinas at dalawang taon pa ako bago nakabalik.
Naunang tumira si Gaev sa Pilipinas bago ko siya sinundan.
Dito niya na rin sa Pilipinas ipinagpatuloy ang pag aaral.
"Mommy, I think Daddy doesn't care about us." tukoy niya sa daddy Charles niya.
"Bakit naman? Mahal na mahal ka ng daddy Charles mo."
"Why did he not find us? Why did he not find me?"
Hindi ako nakaimik kasi alam kong kasalanan ko. Ako ang naglayo sa kaniya kay Charles.
"Sorry Gaev kung inilayo kita sa totoo mong daddy." Niyakap ko siya.
Hindi na siya umimik pa at tinanggal ang yakap ko saka pumasok sa dati kong kwarto dito sa condo ko sa Pilipinas.
Bahagyang kumirot ang dibdib ko. Alam kong galit pa rin sa akin si Gaev dahil sa pagtatago ko sa kaniya ng totoo.

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    BrincesMargie

    ❤❤❤❤❤

    27/03/2024

      0
  • avatar
    CalingBhey

    chapter 45 please

    17/03/2023

      0
  • avatar
    Keshialyn Cailo

    salamat

    25/02/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata