Homepage/Crush with Benefits/
Chapter 50
Maraming maraming salamat po dahil naka-abot po kayo hanggang sa rito. <3
Clarisse POV
ANG sakit ng ulo ko!
Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at ganoon na lamang ang gulat ko ng makita kong katabi ko si Charles sa kama.
Agad akong napabalikwas sa higaan at nilibot ng tingin ang paligid. P-Paano ako napunta sa kwarto ni Charles?
May nangyari na naman ba sa 'min?
Mabilis akong nagbaba ng tingin sa aking katawan. Nakadamit pa ako.
Nasapo ko ang aking noo ng maalala ang nangyari kagabi sa birthday ni Kayden. Nag inom ako ng nag inom at niyaya ko si Jenny paalis.
"Clarisse saan ba tayo pupunta?"
"Sumunod ka na lang!"
"We will make a baby!" Bigla kong nahawakan ang aking bibig at nanlalaki ang aking mga mata na nagbaba ng tingin kay Charles.
Sinabi ko ba talaga 'yon?!
Maya maya lang ay nakaramdam na ako ng kung ano mula sa aking sikmura kaya nagmadali akong bumaba ng kama at nagtatakbo sa CR saka dumuwal ng dumuwal.
Shet! Sige, inom pa, Clarisse!
Pakiramdam ko ay nanghihina ako matapos kong maisuka lahat kaya nagmumog na ako at lumabas na ng kwarto.
Napatitig pa ako kay Charles na mahimbing na natutulog bago ko inilapit ang aking mukha sa kaniya.
I love you but... I am now letting you go kahit hindi ka naman naging akin. Lalayo na muna 'ko.
Matapos ay hinalikan ko siya sa noo saka lumabas na ng kwarto.
Bigla akong napatago sa gilid ng sofa nang makita ko ang mama niya na pumasok sa loob. Bumilis ang tibok sa aking dibdib at para akong manlalamig.
Anong ginagawa ni tita rito?
Ayokong mahuli, baka sabihin gumawa kami ng kababalaghan, kaya noong mapansin kong nag dire diretso siya ng kusina ay nagtatakbo na ako palabas ng condo.
Saka pa lamang ako nakahinga ng maluwag.
Success!
SIMULA noong araw na 'yon--iyon na ang naging huling tulog ko sa condo ni Charles. Ayoko ng magpakita pa sa kaniya. Mag mo-move on na 'ko. Binlock ko na rin ang number niya sa phone ko para wala na kaming maging contacts.
"Jennyyyy!"
"Ano na naman at napatawag ka?" sagot ni Jenny sa call ko.
Nasa condo ako at alam kong nasa trabaho siya. Gusto ko lang siyang kulitin. May kinatatakaman rin kasi akong pagkain.
"Gusto ko ng leeg!" Nakanguso kong sabi kahit hindi niya ako kita.
"Anong leeg?" Pakiramdam ko ay kunot na kunot na ang kaniyang noo.
"Leeg ni Charles..." pabulong kong sabi.
Kailan pa naging pagkain ang leeg niya? HAHAHHA. Sa dami dami ng pwede kong sabihin bat 'yon ang nasabi ko?
Bigla siyang natawa ng malakas sa kabilang linya. "Ano ka bampira?"
"Seryoso kasi!" Miss ko na si Charles, pero nangako ako na lalayuan ko na siya.
"Akala ko ba lalayuan mo na siya at mag-mo-move on ka na? Pero panay banggit mo pa rin sa pangalan niya."
"Bili mo na lang ako ng avocado."
Narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya, "Naglilihi ka ba? Palagi kang nagpapabili ng avocado e."
Hindi ko rin alam ba't gustong gusto ko ng avocado. Ayaw ko naman noon dati.
"Bili mo na lang ako! Nagpapataba kasi ako." pagbibiro ko.
"Sige sige na! Pag tapos ng trabaho ko."
"Thank yo--"
"Hi Jenny babes"
Naputol ang sasabihin ko ng may marinig na boses ng lalaki. Pamilyar.
"Ano na namang ginagawa mo rito?!" rinig kong pagsusungit ni Jenny.
"Hoy! Sino 'yan Jenny? Si Austin ba 'ya-"
"Sige sige bye na, mamaya na lang." putol ni Jenny sa sasabihin ko. Napakahusay talagang kausap!
Bahala ka nga!
MARAMING Linggo kaming hindi nagkita ni Charles kahit kating kati na akong amoy-amoyin siya.
Nag asikaso na rin ako ng aking mga papeles papuntang ibang bansa. Pina-renew ko rin ang passport kong expired na at nagpa-medical check ups.
Nag apply ako ng trabaho sa ibang bansa-- sa Norway, kasi may negosyo roon si daddy. Pero hindi ko pinaalam na anak ako ng CEO. Gusto kong magsimula sa pinakamababang posisyon at paghirapan ang lahat.
"Congratulations, Ms. Clarisse!" Nangunot ang noo ko sa sinabi ng doktor.
Nagpunta ako sa hospital para magpa-check up sa pangkalahatan kong katawan.
"Bakit po? Wala po ba kayong nakita na kahit anong sakit ko?" taka kong tanong.
Natawa sa akin ang doktor, "Your baby inside you is very healthy."
"P-Po?"
Baby?
Dumoble ang kaba sa aking dibdib lalo't alam kong marami ng nangyari sa amin ni Charles.
"You're one month pregnant." Nakangiting sabi ng doktor, pero parang hindi mag process sa utak ko na buntis ako.
Madalas akong magsuka pero akala ko ay sa pag iinom ko lang 'yon. Palagi rin akong nagke-crave sa avocado. B-buntis ba talaga ako?
"S-Sigurado po kayo dok?" mautal utal kong tanong.
"Dinouble check na kita at totoong buntis ka."
Gusto kong mataranta. K-kaya ko na ba?!
Paano pag nalaman 'to ng mama at papa ko? baka mapatay nila 'ko.
Bigla ko ring naalala si Charles. Matatanggap niya ba 'tong bata sa tiyan ko?
Bahagyang may luhang pumatak mula sa aking mga mata.
Napailing-iling ako, "N-No doc! H-hindi ako buntis!"
Natigilan ang doktor ng makita ang itsura ko at pinilit niya akong pakalmahin.Nanginginig ang mga kamay ko.
"N-Natatakot ako!"
"You don't need to worry, hija... shhh... it's a blessing from above."
Y-Yeah, it's a blessing, not a curse. What kind of mother am I? at naiisip ko ang mga bagay na 'to. I'm nothing.
NANG malaman kong nagbubuntis ako ay lalo akong natakot sabihin kaya Charles. Paano kung hindi siya maniwala?
Sinubukan ko siyang iwasan ng iwasan sa loob ng dalawang Linggo kahit alam kong kasakiman 'tong ginagawa ko. Hindi ko pa kasi kayang sabihin sa kaniya.
"Clarisse, karapatang malaman ni Charles ang tungkol sa pagbubuntis mo." payo ni Jenny. May bakas ng awa sa kaniyang mga mata.
Hindi ko alam kung kanino siya naaawa.
Binisita niya ako sa condo. Siya na ang madalas mag alaga sa akin simula noong sabihin ko sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko.
Kinuha niya na rin lahat ng can beer sa ref ko at siya ang lumalaklak noon. Madalas niya na rin akong pagalitan sa tuwing umiinom o kumakain ako ng bawal.
"N-Natatakot ako."
"Wala kang dapat ikatakot. Alam kong matatanggap 'yan ni Charles."
"Hindi niya 'ko gusto."
"Hindi ka sigurado." Napahinga siya ng malalim, "Kung ayaw niya naman sa bata, nandito lang ako. Tutulungan kita, ang mahalaga ay nasabi mo sa kaniya."
SINUNOD ko ang sinabi niya kahit labis na kaba at takot ang nararamdaman ko. Nilakasan ko ang loob ko at pumunta ng Sandoval Enterprise.
Anak niya 'to kaya kailangan niyang malaman ang tungkol dito.
Noong una ay hindi ko pa alam kung paano kakatok sa office niya. Huminga ako ng malalim bago ko naisipang katukin ang pintuan ng office niya.
"Come in." Walang emosyon ang kaniyang boses. Parang kagaya lang ng dati. Napatingin muna ako sa paligid bago ko binuksan ang pinto.
Nakaramdam ako ng lungkot dahil minsan na rin akong naging bahagi ng kumpanyang 'to.
Nakaharap siya sa laptop niya at may hawak na mga papel.
"Charles," pinigilan kong hindi mapiyok.
Halatang natigilan siya at nagulat sa presensya ko. Hindi niya nagawang makaharap agad sa akin.
"C-Clarisse..." nautal niyang tawag at hindi ko maipaliwanag ang itsura ng kaniyang mga mata. Para bang sinasabi ng mga 'yon na miss niya na ako o nagiging assuming lang ako.
Nagbaba ang tingin ko sa kaniyang leeg at pinigilan kong matikhim.
Huminga ako ng malalim saka nag iwas ng tingin, "Mabilis lang ako." malamig kong sabi saka lumapit sa kaniya at naupo sa visitor's chair. 'Yong tapat ng table niya.
Hindi ko pa nagawang masabi agad sa kaniya na buntis ako. Binabalot ako ng kaba.
"Alam kong karapatan mo na malaman 'to." Huminga 'ko ng malalim. "Okay lang naman kahit hindi mo 'to tanggap pero gusto ko lang ipaalam sayo na..." Sinubukan kong di mautal at muli akong napahinga ng malalim. B-Bu "Buntis ako."
Natigilan siya sa sinabi ko.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko lalo't wala na akong makitang emosyon sa mga mata niya.
Sunod-sunod ang naging pag lunok ko noong manatili siyang tahimik. Maya maya lang ay biglang tumunog ang cellphone niya.
Awkward.
Tiningnan niya ako na parang nanghihingi ng permiso kaya tumango lang ako at nag baba ng tingin sa mga daliri ko hanggang sa sagutin niya ang tawag.
Pinaglalaruan ko ang mga kuko sa daliri, "Clarisse, may pupuntahan tayo." Bigla niyang sabi.
Parang bahagyang tinusok ang dibdib ko ng maramdaman kong balewala lang sa kaniya ang sinabi kong buntis ako o baka...hindi lang siya naniniwala.
May plano ba siyang ipa-check up ulit ako? Hindi ba siya naniniwala na anak niya 'tong dinadala ko?
"S-Saan tayo pupunta?"
Biglang kumabog sa bilis ang dibdib ko noong lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Muli akong napatingin sa kaniyang leeg ngunit agad ko ring binalewala ang pagkatakam ko na amuyin 'yon.
Umayos ka Clarisse.
AGAD na nagsalubong ang aking dalawang kilay noong mapansin ko na hindi sa hospital tumigil ang sasakyan.
Ito 'yong venue ng shooting niya na dati pang ini-schedule noong secretary niya pa lamang ako.
"I want you to be my model."
Huh?
"Ikaw 'yong inilagay ko dati na makakapartner ko riyan, I wanted to surprise you, but things didn't go well." aniya.
Napaiwas ako ng tingin. Should I be happy?
"Hindi ako pwede." Malamig kong sabi. Buntis ako, kasasabi ko lang.
Hindi ako pumayag sa gusto niya at pinag pilitan kong buntis ako. Bahagya ko pa siyang napagtaasan ng boses dahil ayoko ngang mag model. Iba ang mood ko ngayon, pero sa huli ay napapayag niya rin akong sundin siya.
Pasalamat ka malakas ka pa rin sa 'kin!
Bababa na sana ako ng sasakyan ngunit nanatiling naka-lock ang pintuan sa tabi ko kaya taka ko siyang tiningnan.
Nginitian niya lang ako saka lumabas ng sasakyan. Lihim akong napangiti nang mapagtanto ko na ipagbubukas niya pala ako ng sasakyan at inalalayan niya pa akong bumaba na para bang ingat na ingat siya.
Mabilis kaming inasikaso ng mga staff. Unang inayusan ay si Charles dahil siya raw ang unang pipicturan at sa susunod ay kami ng dalawa. Ngunit panay pa rin ang reklamo ko kahit napapayag niya na 'ko.
"H-Hindi naman nila malalaman sa picture na buntis ka. Besides, you still look sexy."
Parang biglang nag init ang magkabila kong pisngi sa sinabi niya--ni Charles.
"Ewan ko sa 'yo Charles!" sabi ko at biglang nag iwas ng tingin.
Pinapaasa mo na naman ako.
Maya maya lang ay may naamoy na ako na nakakahilo. Parang nag iba ang amoy ni Charles.
Nagpalit ba siya ng pabango? Hindi naman 'yan ang amoy niya kanina.
Pinilit kong hindi huminga dahil hindi ko gusto ang naaamoy ko ngayon. Nakakasuka.
Hindi nagtagal ay may lumapit na sa kaniyang staff na babae para punasan siya noong oil na pampakintab sa katawan. Bahagya pang nakangiti 'yong babae kaya lihim akong napairap. Ngunit bigla rin akong nagulat noong i-abot sa akin ni Charles ang oil.
"A-Anong gagawin ko riyan?" taranta kong tanong.
"Ikaw ang magpahid sa katawan ko."
ANO?! "A-Ano?"
"Ikaw ang magpa-"
"A-Alam ko! pero bakit ako?"
"Ikaw ang gusto ko." Inaakit mo ba 'ko?
Gusto rin naman kita pero di ko gusto ang amoy mo ngayon.
Hindi ko magawang tumingin sa kaniya, bukod sa naiilang ako ay ang baho niya!
Para kong manlalamig na manginginig noong abutin niya ang kamay ko at ibigay sa akin ang oil.
Ayokong namang may ibang babae na humahawak noong abs niya. Gusto ko, ako lang. Kaya sige, pagtitiisan ko 'yang amoy mo. 'Di na lang ako hihinga.
Sinubukan kong ilayo ang pang amoy ko sa kaniya at kung saan saan tumingin noong umpisahan kong sprayan at pahiran ng oil ang katawan niya.
Mariin ko pang nakagat ang ibabang labi ko nang umabot ang maiinit kong palad sa abs niya. Ang tigas. Sarap hawakan. Parang matigas na pandesal.
Nang matapos sa ginagawa ay pinatawag na rin siya ng photographer at sinimulang picturan habang ako naman ay sinimulan na ring ayusan noong ibang staff.
Matapos akong ayusan ay pinapunta na ako sa tabi ni Charles. Nagpigil na naman ako ng hininga at iniwasang maamoy siya. Ano ba kasing iba niyang inilagay sa katawan at nag iba ang amoy niya?
Pinapwesto ako sa likuran habang nakatapat ang bibig sa gilid ng leeg niya. Kung kailan ko gustong gustong amuyin ang leeg niya saka pa nag iba ang amoy! Nakakasuka!
Kahit anong pagpipigil ko na maamoy siya ay naaamoy at naaamoy ko pa rin siya. Nahihilo na 'ko at may kung ano na akong nararamdaman sa aking tiyan.
Nanlalamig na rin ang aking mga palad at parang gusto ko ng dumuwal.
"You okay?" tanong niya.
Wala ng saysay kung magsisinungaling pa ako, baka masukahan ko pa siya kaya sinabi ko na ang totoo.
Ang baho mo. "N-Nasusuka ko sa amoy mo."
Natigilan siya, "W-What?!" Halatang nagulat sa narinig.
"Ang baho mo." Bulong ko kaya bigla siyang napatayo.
Tinakpan ko ang ilong ko noong umpisahan niyang amuyin ang sarili.
"Amoyin mo nga 'ko," utos niya sa photographer at nagugulat akong napatingin kay Charles.
Pinaamoy niya talaga ang sarili niya!
"I smell good." aniya noong makabalik siya.
"Nakakasuka ka nga! Promise." angal ko sabay layo sa kaniya. Totoo naman kasi.
Halata sa kaniyang itsura ang pagkairita hanggang sa kinausap niya sandali ang photographer saka may tinawagan sa cellphone.
Umupo na muna ako sa upuan niyang inuupuan sa pag pipicture at hinintay sila hanggang sa mapansin kong dumating ang head ng scientific department.
Mukhang mainit pa rin ang ulo ni Boss Charles.
Medyo nailang ako noong mapansin kong nakatitig sa akin 'yong SD Head. Pinag uusapan ba nila 'ko?
Sa tagal nilang nag uusap at halatang mga abala sa kung ano anong bagay ay nakiagaw na ako ng pagkain doon sa ibang staff na nagsisipag kainan. Ngunit may kung ano na naman akong naramdaman sa aking tiyan ng maamoy ko ang kaninang amoy ni Charles.
Mabilis kong kinuha ang aking panyo saka itinakip sa ilong ko noong makalapit si Charles.
Halatang dismayado ang mukha niya, "Ihahatid na kita." malamig niyang sabi.
G-Galit ba siya?
Bahagya kong naibaba ang aking panyo at hindi ko na napigilan ang sarili ko noong maduwal ako kaya agad akong nagtatakbo palayo para sumuka.
Agad siyang binalot ng pag aalala, hindi niya na magawang makalapit sa akin dahil hindi ko talaga gusto ang amoy niya kaya 'yong ibang staff na babae ang mga nag asikaso sa akin.
Kahit na ayokong maging model noong una ay nakaramdam ako ng kirot sa aking puso nang malaman kong pinalitan na ako.
Ang ganda ganda pang babae ang ipinalit sa akin!
Nagpanggap ako na ayos lang sa akin, kahit naiinis ako.
Tinalian ko ang aking mukha ng panyo para hindi ko na maamoy ang paligid. "Good afternoon Sir!" Ngiting ngiti na bati nang bagong model kay Charles.
Lihim akong napairap at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Kukulubot din ang balat mo pagtanda.
"Ihahatid na kita." saad ni Charles sa akin.
Aba! Pinagpapalit niya na ba 'ko sa model na yan?! Gusto niya talagang ma-solo ang isa't isa.
Nahiya ka pang saktan ako ng harapan!
"Mamaya mo na 'ko ihatid. Pagkatapos na lang ng shoot n'yo." sagot ko bago ko sila lampasan at pumasok na sa loob.
Babantayan ko pa 'yang babaeng 'yan. Mukhang ahas e.
Paulit ulit akong napairap noong magsimula ang photoshoot ng dalawa. Kumain na lang ako ng spaghetti na may chicken saka rito ibinuhos lahat ng sama ng loob habang ang upuan ay nakaharap sa kanilang dalawa.
Sinadya kong umubo ng malakas noong makita ko kung paano singhutin noong babae ang leeg ni Charles.
Grabe naman makapulupot ang ahas na 'yan!
Kahit alam kong napatingin sila sa akin ay hindi ko sila inintindi. Agad naman akong nilapitan at inasikaso noong staff. Binigyan niya ako ng tubig.
Maya maya lang ay muli akong napasulyap sa kanila at iba na ang kanilang posisyon. Nakatayo na habang hawak noong babae ang pagitan ng dibdib at abs ni Charles.
Ako lang dapat nakakahawak noon e!
Malakas kong naitusok ang tinidor kong hawak sa chicken at paulit ulit iyong tinusok. Pinapatay ko na sa isip ko 'yong babae.
Nagpeke ako ng ngiti noong mapansin kong lahat na naman sila ay nakatingin sa akin. "Sorry, tigas kasi e."
Matigas sadya ang pandesal ni Charles kasing tigas nang mukha noong ahas na nakapulupot sa kaniya.
Pagkatapos ng photoshoot ay hindi ko na pinansin si Charles. Naiinis pa rin ako roon sa babae.
DINALA ako ni Charles sa bahay nila sasabihin niya na raw sa mama niya ang pagbubuntis ko.
Nang makarating sa bahay nila ay inalis ko na rin ang panyo na nakatali sa mukha ko. Baka magtaka si tita.
Sandali akong iniwan ni Charles sa sala para maligo. Mabuti naman, dahil nakakapit pa sa katawan niya ang virus noong ahas.
"Bakit ka nga pala napadalaw, hija?" tanong niya habang may inilalapag na juice sa ibabaw ng lamesa. "Hindi pa nadating si Lori e. Nasa hospital pa."
Nanatili akong tahimik. Para kong biglang binalot ng kaba at nakalimutan na agad ang tungkol doon sa ahas.
Si Charles ang nag sabi sa mama niya nang tungkol sa pagbubuntis ko. Nagulat pa noong una si tita, akala niya ay may relasyon kami ni Charles.
Wala nga palang kami.
Grabe ako maka-react doon sa babae kanina, wala nga palang kami ni Charles.
Maya maya lang ay biglang pumasok sa loob si Lori. Kararating lang, natigilan pa siya ng makita ako.
Hindi niya kasi expect na narito ako ngayon. Sanay siya na nagpapaalam ako sa kaniya sa tuwing pumupunta ako rito sa bahay nila.
Ipinagtapat rin namin sa kaniya ang totoo.
"Paano ba naging kayo? ba't wala akong alam." tanong ni Lori.
"One night stand." pangunguna ko kay Charles. Baka sabihin niya na nag-panggap akong lasing kahit totoo naman.
Correction lang doon sa paano naging kami, kasi hindi naman naging kami.
Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod niyang sinabi.
"I'm drunk."
Parang biglang may kung anong pumitik at tumusok sa dibdib ko. Nagsimulang manghapdi ang gilid ng aking mga mata. "Pero naulit ulit..." bulong ko sapat para marinig niya.
Naulit ulit at alam ko na hindi sa lahat ng oras na may nangyayari sa amin ay lasing siya o baka wala lang talaga siyang pakialam sa akin.
'About last night, lasing lang ako.'
'I hope you won't mind what happened last night.'
Oo nga pala.
Bakit pakiramdam ko, mali na sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Mukha naman kasing wala rin siyang pakialam sa bata na nasa loob ko.
"Papakasalan mo ba siya, kuya?" biglang tanong ni Lori sa kapatid niya.
Napalunok ako ng laway at naghintay ng sagot ngunit para kong pinagbagsakan ng langit at lupa nang marinig ko ang isinagot niya.
"I will think about it."
Malinaw na sa akin na hindi mo kami gusto ng anak mo. Panahon na siguro talaga para ituloy ko ang binabalak kong pag layo mula sa 'yo.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
❤❤❤❤❤
27/03/2024
0chapter 45 please
17/03/2023
0salamat
25/02/2023
0Tingnan Lahat