Homepage/Crush with Benefits/
Chapter 39
Charles POV
"Charles, susunduin mo si Irish ha." utos ni mama. Nag angat ang isa kong kilay ng dahil sa narinig at napatingin ako kay mama. Nakagayak na rin siya pero hindi siya sasabay sa akin. Susunod na lamang raw siya roon.
"She's not my date nor my partner, so why would I pick her up?" I asked.
Huminga ng malalim si mama habang nag aayos ng damit. "Lumapit siya sa akin no'ng isa araw. She wanted you to be her partner." Nanatili akong nakatingin kay Mama. "Pumayag ako na maging date mo siya." sabi niya na parang wala lang 'yon sa kaniya.
"What?" I raised an eyebrow.
"I promised her. So go and pick her up."
"Ma!"
Masama akong tiningnan ni Mama. "Malapit na rin siyang bumalik ng Germany kaya pagbigyan mo na."
Kahit anong tanggi ko ay pinipilit pa rin ako ni Mama. Sinigawan niya pa ako ng sinigawan kaya napipilitan akong tumayo at kinuha ang susi sa kwarto.
Mama is always right. Kaya lagot ka talaga sa kaniya kapag hindi mo siya sinunod.
Binusinahan ko lang si Irish sa harap ng bahay nila at hindi na ako nag aksaya pang lumabas ng sasakyan. Lumabas rin naman kaagad siya at sumakay ng passenger seat.
"Thank you." Nakangiti niyang sabi pero hindi ko na siya pinansin at sinimulan ng paandarin ang makina.
Palagi niyang sinusubukang basagin ang katahimikan sa loob ng sasakyan pero hindi ko siya pinapansin hanggang sa makarating sa bahay nina Joshua.
Marami na ring tao kaya agad na akong lumabas ng sasakyan. Mabilis din namang lumabas si Irish at kumapit sa aking braso kahit hindi ko sinasabi saka kami sabay na pumasok sa loob.
Lagi lang siyang nakasunod sa akin kahit hindi ko siya pinapansin.
"Charles!" Bati ng mga kakilala kong business man. Karamihan ng narito sa party ay puro CEO at Directors kaya halos kilala ko na lahat.
Nakangiti akong nakipagkamay sa kanila.
"Irish!" Bati rin nila dito. "Kayo pa rin pala, huh?"
"Kailan ang kasal?"
"Ilang years na nga kayo?"
Sunod-sunod nilang tanong.
Malakas akong napatikhim. "She's not my girlfriend." Malamig kong sabi at biglang natigilan ang mga nasa harapan namin.
"I already had someone else." sabi ko at kumuha ng wine saka dire-diretsong ininom iyon.
Nagsitanguhan sila at muling napunta ang aming mga usapan sa business.
Maya maya lang ay nagkaroon na ng sayawan roon sa gitna. "Charles, why don't you dance Irish?" Hindi ako nakaimik at nanatili lang na umiinom ng wine.
"Can we dance?" Bulong ni Irish pero narinig iyon ng mga kasamahan namin kaya tinukso nila kami. Sa huli ay napipilitan kong isinayaw siya.
Hindi pa nagtatagal ang aming pagsasayaw ng bigla kong nakita si Clarisse. Agad akong natigilan at napatitig sa kaniya.
Biglang bumilis ang tibok sa aking dibdib at parang manunuyo ang aking lalamunan. She's so fvcking gorgeous as always!
Pero muling may tumusok sa aking dibdib nang maalala na hindi kami ayos.
Napatingin ako sa kasama niya. Damn! She's Joshua's date!
Is it his surprise, huh?!
I miss you! Damn I freaking miss you!
Gusto kong maiyak ng dahil sa paninikip ng aking dibdib. I l-love you. I love you.
Ang laki ng iniba niya na ngayon. Parang mas tumaba siya. Damn! I miss you so much!
I want to punch Joshua right now!
Nagkuyuom ang aking kamao no'ng harangan ni Joshua si Clarisse at ilagay ang mga kamay nito sa balikat niya. Mas lalong nanginig ang kamao ko ng hawakan niya na ang bewang ni Clarisse.
Fvck! She's mine! She's only mine!
Hindi na ako nakatiis pa kaya nilapitan ko na sila.
"Clarisse, we need to talk." May awtoridad kong sabi. I am fvcking jealous!
Sinamaan ko ng tingin si Joshua.
"We're dancing kuya Charles." Nginisian niya ako, "And she's my date. You have yours." Pang aasar niya.
Lalong nagpantig ang tenga ko. I don't fvcking care!
"I don't fvcking care Joshua! Get lost now! You're obviously snatching my woman!"
You're mine! You're mine, Clarisse!
Lalo kong sinamaan ng tingin si Joshua.
"You have Irish na. Wag kang madamot."
Damn you!
I want to fvcking kick you right now Josh!
Lalo akong nairita noong makita kong kumapit ang kamay ni Clarisse sa baywang ni Joshua.
Napatingin ako roon. Fvck! I'm breaking! That should be me!
Marahas kong hinawakan sa braso si Clarisse noong talikuran niya ako at hinila siya pabalik. I want to fvcking kiss you right now! I miss you so much!
"Clarisse, let me explain." Pakiusap ko.
Parang biglang may sumaksak sa puso ko ng alisin niya ang kamay ko sa kaniya at malamig akong titigan. Gusto ko na lang umiyak sa oras na 'to.
N-No! My Clarisse! I love you..
"No need to explain. Naiintindihan ko, Charles. Hindi naman ako tanga para hindi ko makita." Damn! I-It hurts!
"Nakalimutan ko na may gagawin pa pala 'ko ngayon. Pasabi na lang sa kapatid mo na happy birthday." aniya bago kami talikuran.
Hahabulin ko pa sana siya pero bigla akong pinigilan ni Joshua at mariin niyang nahawakan ang braso ko.
"Give her space."
Pinanood ko na lamang ang likuran niya hanggang sa makalabas siya sa loob, at bigla ko na lamang nasuntok sa mukha si Joshua ng dahil sa gigil kaya agad na nagkagulo ang mga tao hanggang sa mapalibutan kaming dalawa.
Mukhang nagulat sa nangyari.
Nanginginig ang kamay ko. Matapos ay agad ko rin siyang kinuwelyuhan at matalim na tinitigan. "Don't you dare snatch her from me! I'm warning you, Joshua!" Pang gigigil ko, pero pinagtawanan niya lang ako.
Damn this kid!
"Relax Bro!" Tumatawang sabi ni Joshua at inalis ang kamay ko sa kwelyo niya.
"Charles!"
"Joshua!"
Sabay sabay na tawag ng mga tao. Mga nag aalala.
"We're just talking." Nakangiting sambit ni Joshua sa harap ng mga tao"Friendly talks. No need to worry guys. Continue the party."
Kinabukasan ay maaga kaming sumakay ni Mama ng private plane papunta ng Australia. Bukod sa may Business meeting ako roon, malapit na rin ang graduation ni Lori. She's now a future lawyer once she passes the bar exam.
Nang makarating ng Australia ay saka ko pa lamang nabasa ang text ni Joshua.
Joshua: Clarisse is having a fever.
Charles: Please take care of her, but I'm warning you, Joshua. I can fvcking kick you.
Pagbabanta ko bago muling patayin ang cellphone.
"Kuya, may contact ka ba ni Clarisse?" Biglang tanong ni Lori habang kumakain ako sa mahabang lamesa. Natigilan ako at bahagya siyang inilingan saka muling itinuloy ang pagkain.
"Babalik ka na ba sa Pilipinas?" I asked Lori. Tumango siya sa tanong ko.
Pinayuhan ko na rin ang kapatid ko na gumawa na lamang ng facebook account para ma-add niya si Clarisse at ang iba pa niyang mga kaibigan. Sinunod niya naman ay payo ko at maya maya lang ay tumawa na siya ng tumawa.
Nangunot ang noo ko, "Ba't ka tumatawa d'yan?"
"Si Clarisse, nag chat." sagot niya.
Bigla akong napalunok ng laway at agad na uminom ng tubig. Naglagay ulit ako ng maraming pagkain sa pinggan para kumain ng kumain.
Sandaling napatitig sa akin si Lori, mukhang nagtataka dahil kanina pa akong kumakain. Broken ang kuya mo.
Napatingin ako kay Lori noong bigla siyang tumayo at lumabas ng kusina kaya sinundan ko siya ng tingin. Mabilis kong inubos ang aking pagkain saka tumayo at sinundan si Lori sa garden ni Lola.
Sinilip ko roon si Lori at nakita kong kausap niya si Clarisse sa video call. Damn! I miss you.
Hindi rin ako nagtagal ng Australia at nauna na kaming bumalik ni Mama sa Pilipinas kaysa kay Lori. Plano niya na bumyahe ng mag isa at hindi na namin siya pinagbawalan pa. Matanda na rin naman siya.
Maaga akong pumasok ng opisina para ayusin ang mga na delay namin na project ng biglang may kumatok sa aking opisina.
"Come in." saad ko ngunit bigla akong natigilan noong ang pumasok roon ay si Clarisse. Biglang bumilis ang tibok sa dibdib ko.
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ano sa sobrang saya ko.
Buong akala ko ay babalik na siya sa trabaho pero bigla akong nadurog ng makita at mabasa ko ang resignation letter niya.
I wanted to to cry!
"All right!"
'Yan na lamang ang nasabi ko. Parang manunuyo ang lalamunan ko kaya tumayo na ako at lumabas ng opisina. Iniwanan ko na siya sa loob.
Sumakay ako ng elevator at dumiretso sa rooftop. Doon ako umiyak ng umiyak. Ang sikip sikip ng dibdib ko. My heart feels like breaking into pieces. I feel like someone is stabbing my heart.
Sobrang hapdi, sobrang sakit. Pakiramdam ko ay mababaliw ako.
Kahit anong iyak ang gawin ko ay hindi pa rin natatanggal ang nararamdaman kong sakit. Pilit kong pinakalma ang aking sarili bago ko muling bumalik sa opisina at pinagpatuloy ang trabaho.
Hindi ko na nagawang mag overtime pa dahil dumiretso ako sa bar. Ngunit ang hindi ko akalain ay naroon rin pala si Irish at nag iinom.
Hindi ko na lamang siya pinansin at dumiretso sa bartender.
Gusto kong makalimot kahit saglit. My heart is freaking hurting!
Idinaan ko na lamang sa inom hanggang sa makarami. Maya maya lang ay lumapit na sa akin si Irish. She did'nt expect me here at nagulat pa siya sa akin.
Mukhang lasing na rin siya at wala na sa katinuan. Nagawa niya pang mag-selfie kasama ako pero hindi ako nakatingin sa camera kundi hawak hawak ko lang ang bote.
Salita siya ng salita pero hindi ko siya iniintindi at pinapansin. Nakatulala lamang ako at patuloy sa pag iinom.
Nang magtagal ay tumayo na ako sa aking upuan para umuwi ngunit saktong pagtayo ko ay biglang may lumapat sa aking pisngi.
Fvck!
Napahawak ako sa aking pisngi ng dahil sa lakas ng pagkakasampal sa akin. Agad na nanlaki ang aking mga mata noong tingnan ko ang kaharap ko.
C-Clarisse?
Kahit lasing na si Irish ay nagulat din siya sa nakita at akmang susugurin si Clarisse ngunit mabilis kong nahawakan ang kaniyang braso saka itinulak patalikod.
Parang biglang tinusok ang dibdib ko ng may pumatak na luha mula sa mga mata ni Clarisse
"Napakapaasa mo Charles!" Humihikbi niyang sigaw at para akong dinudurog. "Napakapaasa mo!"
I love you!
Sinubukan siyang pakalmahin at pigilan ni Jenny pero hindi iyon gumana. Pinaghahampas niya lang ako ng sunod sunod sa dibdib.
"Walang hiya ka! Ginamit mo lang ako!" N-No! "Pinaglaruan mo lang ako! Pinagsawaan mo lang ako!" No! I never do that! I love you! "Bobo ka! Tangina ka Charles!"
Muli siyang inawat ni Jenny pero ayaw niya pa ring magpaawat.
I love you! I miss you! And I want to fvcking kiss you! I never used you!
Matunog akong nagbuntong hininga at napatingin sa paligid. Agad kong hinuli ang mga kamay ni Clarisse sa aking dibdib at parehas kaming nagkatitigan.
You don't know how much I'm hurting for loving you! I'm crazily in love with you!
Napalunok ako ng laway habang nakatitig sa nanunubig niyang mga mata. You're my weakness. Clarisse. I love you...
Nagbaba ang tingin ko sa kaniyang labi at hindi ko na pinigilan pa ang aking sarili na halikan siya sa harap ng maraming tao.
Nanlaki ang kaniyang mga mata at dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata. Hinawakan ng aking isang kamay ang likod ng kaniyang ulo para mas maisubsob siya sa akin.
I kissed her like there was no tomorrow. I kissed her so deeply and hard like I was going crazy. I love you! I need you!
I almost lost my mind when she kissed me back. Damn! I'm falling so hard!
Maya maya lang ay sandali akong bumitaw at hinawakan ang kaniyang dalawang pisngi. Pinagdikit ko ang aming mga noo saka bumulong.
"I love you..."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
❤❤❤❤❤
27/03/2024
0chapter 45 please
17/03/2023
0salamat
25/02/2023
0Tingnan Lahat