Homepage/Crush with Benefits/
Chapter 26
"Charles, ito na 'yong pabango na ipinabibili mo mula sa kabila." sambit ko bago ipinatong ang isang pabango sa ibabaw ng lamesa niya.
Nakatayo ako sa harap ng kaniyang table habang siya ay nakaupo sa swivel chair niya.
Inutusan niya akong bilihin ang pabango mula sa kabilang kumpanya para malaman kung ano pa ang ibang ginaya nila bukod sa design nito.
Tumango siya bago kinuha ang men parfum sa ibabaw ng lamesa saka binuksan iyon at inamoy. Tumingin siya sa akin at ipinaamoy din ang pabangong hawak niya.
Sandali ko 'yong inamoy, "Parang katulad din ng amoy ng sa ating perfume?"
Hindi siya umimik bagkus ay nagpahid siya sa pulso ng pabango saka niya iyon pinakatitigan at muling inamoy.
"No." Walang emosyon niyang sagot. "Our perfume is 20% oil based. Our oil content is from Paris and France and has high quality that gives a long lasting fragrance. While this..." Nanatili siyang nakatitig sa bote ng perfume na para bang hinuhusgahan niya na ito ng sagad. "It's fragrance looks cheap." Natawa siya ng sarkastiko.
Napaiwas ako ng tingin kasabay ng pagtikhim. Yabang! Sige, support na lang ako.
Maya-maya lang ay napahinga na ako ng malalim saka napatitig sa kaniya. Samantalang hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa hawak na parfum na para bang pinag-aaralan niya ito ng husay.
Namimiss ko na siya. Bihira na lamang kasi kami magkita sa condo simula no'ng magkaproblema dito sa kumpanya. Madalas ay hindi na siya umuuwi. Minsan niya na lang rin ako kausapin kapag may kailangang alamin na may kaugnayan sa trabaho.
Tinatawagan niya lang rin ako 'pag magtatanong ng schedule niya at kapag magpapatawag ng meeting. Minsan nga, siya na ang gumagawa ng mga bagay na dapat ako ang gumagawa.
I feel useless.
Ano pa nga bang aasahan ko? Nandito lang naman talaga ako para sa trabaho. Wala ng iba. At saka wala naman kaming relasyon, bakit ako naghahangad ng oras at atensyon niya?
Muli akong napahinga ng malalim.
"Are you okay?" Bigla niyang tanong.
Nabalik ako sa reyalidad at agad na napalunok ng laway. Kanina pa pala siyang nakatingin sa akin. "A-Ahmm," tumango ako saka nag-iwas ng tingin, "Oo." pagsisinungaling ko bago pumunta sa aking pwesto para ituloy ang pagtatrabaho.
Ayoko ng mag-overthink pa.
Muli akong napatingin sa kaniya, busy na ulit siya habang nakaharap sa laptop niya. Ngunit bigla rin akong nag iwas ng tingin at humarap ulit sa screen ng computer ng agad siyang bumaling sa akin.
"Clarisse, to the boardroom now."
Mabilis akong tumango at sabay kaming tumayo saka umalis para pumunta roon.
"The Scientific Research Department already improves our product quality. It's much better than before, Mr. CEO" saad no'ng isang tao dito sa boardroom saka may inabot na bote kay Charles.
Kinuha naman iyon ni Charles at binuksan bago niya sandaling inamoy at muling tinakpan din.
"It's much better and of higher quality than our last parfum. It has a long-lasting fragrance that can catch all the human senses and attract women."
Namilog ang bibig ko do'n sa sinabi ng kaninang nagsalita. Dapat meron din sa babae! Baka sakaling magamit ko kay Charles!
"Also, it has a unique aroma and we we're the first company that will launch this kind of parfum."
Whoah!
"How about the other raw materials from Taiwan and Thailand?" tanong ni Charles.
"It was already arrived, Sir." sagot ko.
Tumingin siya sa akin saka tumango, "good."
"How about the designs?" tanong niya ulit.
"These are some of our drafts, Mr. CEO." May ibinigay silang papel kay Charles. "Later, we will give your secretary our final designs."
***
"Charles, ito 'yong final design ng ating product at packaging." Sambit ko saka ibinaba sa ibabaw ng lamesa niya ang folder.
Kinuha niya iyon at binuksan. Maya-maya lang ay kumuha siya ng ballpen saka pinirmahan iyon at muling inabot sa akin.
"Give it back to them." utos niya at muling bumalik sa ginagawa.
Matunog akong nagbuntong hininga sa harap niya, "Charles, di ka pa ba uuwi?" tanong ko.
7:30 na ng gabi at kanina pa rin akong overtime.
"Mauna ka na. Baka di ako makauwi." Malamig niyang sabi ng hindi nag aangat ng tingin sa akin.
Palagi siyang ganyan.
Napatango na lamang ako, "Sige, abot ko na rin 'to sa kanila." Tukoy ko sa folder at tumalikod na.
"Hold on!" Bigla niyang pigil no'ng malapit na akong makalabas.
Nangunot ang noo ko at nilingon siya. Nakatingin na siya sa akin ng diretso, "Take care." aniya at muling bumalik sa ginagawa.
Huh?
Parang nag iinit ang pisngi ko. Ano ka ba naman Clarisse! Pinag-iingat ka lang niya! Wag kang ano d'yan!
Paasa yan at pa-fall!
Napahawak ako sa aking pisngi at tuluyan ko na siyang tinalikuran habang kagat-kagat ng mariin ang ibabang labi.
***
Nang makarating sa condo ni Charles ay agad akong pumasok sa kwarto niya. Nakaramdam ako ng lungkot dahil bihira ko na lamang siya na makasama rito.
Parang bahagyang tinutusok ang dibdib ko. Gusto kong maiyak pero pakiramdam ko ay wala akong karapatan.
Sino ba naman kasi ako para paglaanan niya ng oras, diba? Wala namang kami. Isa lang rin naman ako sa mga babaeng naiikama niya.
Huminga ako ng malalim at lumapit sa malambot na kama niya saka naupo roon. Napatingin ako sa itaas ng may kaunting luhang pumatak galing sa aking mga mata.
Wala kang karapatang umiyak, Clarisse.
Pilit kong pinigil na maiyak kahit sobrang sakit sa dibdib. Parang lalo itong nananakit.
Mas lalo akong napahinga ng malalim. Parang may paulit ulit na tumutusok sa aking dibdib hanggang sa bigla na lamang bumuhos ang luha ko at nagsimula na akong humikbi, saka ko isinubsob ang mukha sa unan ni Charles.
Bahagya akong nagising ng maramdaman kong may lumapat sa aking noo. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang marinig kong may sumara na pinto malapit sa akin.
Agad akong napaupo at nilibot ng tingin ang kabuuan ng kwarto.
Nanlaki ang aking mga mata. N-Nakatulog ako sa kwarto ni Charles!
Dali-dali akong bumaba ng kama at tumakbo papuntang sala. Naabutan ko si Charles na papalabas na ng pinto. "C-Charles!" tawag ko.
Natigilan siya at marahang lumingon sa akin. Mukha ring nakaligo na siya dahil basa ang buhok niya. "Sorry if I wake you up."
Nginitian ko siya, "Okay lang."
"K-Kumain ka na?" tanong ko.
"Hmm" tumango siya. "Ipinagluto na kita ng almusal. Mauna na ako sa trabaho."
Agad akong tumingin sa orasan, nangunot ang noo ko ng makita ang oras. 4:30 pm pa lang!
Papasok na agad siya sa trabaho? Ano kayang oras siya dumating kagabi?
"C-Charles!" Tawag ko ng tumuloy na siya sa pag labas ngunit hindi niya na ako pinakinggan pa.
Hindi man niya man lamang rin ako tiningnan ulit at pinagsaraduhan na lang ng pintuan. Napanguso ako at walang kagana-ganang bumalik ng kwarto.
Pumasok ako sa guessroom at sinimulan ko ng iimpake lahat ng aking mga gamit. Babalik na ako sa aking condo.
Mahigit isang linggo na ako rito at ayoko ng magtagal pa.
Nang mailagay ko lahat sa maleta ay sandali ulit akong sumilip sa kwarto niya. Ganoon din ang ginawa ko sa kabuuan ng sala pati sa kusina. Matapos ay natigil ang aking paningin sa lamesa.
Hindi ko pa pala nakakain 'yong niluto niya! Sayang naman kung hindi ko kakainin.
Mabilis kong hinila ang upuan saka naupo at inubos lahat ng niluto niya. Matapos ay hinugasan ko rin agad ang aking pinagkainan at muling kinuha ang aking maleta.
Muling lumibot ang aking paningin. Nasanay na rin ako dito.
Napa buntong hininga na lamang ako saka lumabas na ng pinto ng condo at bumaba ng elevator.
6:30 am ng makarating ako sa aking sariling condo. Marami pa akong oras para gumayak sa trabaho. Ngunit sandali akong natigilan ng mapansin kong sobrang linis dito sa loob. Ngayon na lang ulit ako nakapasok dito at ang huli kong naaalala ay... m-makalat ang kwarto ko!
Naitakip ko ang aking palad sa tapat ng bibig.
Shet! Nilinis ba ni Charles ang condo ko no'ng kinuha niya ang mga gamit ko? NAKAKAHIYA!
***
"Goodmorning. I want to see Charles Sandoval" Seryoso at pormal na sabi ng babae. Natigil ako sa paglalakad ng marinig ko 'yon at tiningnan ang babae.
Napaawang ng bahagya ang bibig ko.
Wow! Sobrang ganda niya!
Matangkad at parang model. Naka high heels siya at tuwid na tuwid ang mahaba niyang buhok. Nakasuot ito ng kulay light yellow na slacks at yellow suit. Kulay puti ang damit nito sa loob.
"This way ma'am." Turo ng isang empleyado na nasa front desk.
"Thank you." ani noong babaeng nagtanong at dirediretsong pumunta sa office ni Charles.
Samantalang 'yong mga empleyadong pinagtanungan niya ay ngiting ngiti na parang kinikilig habang halata ang gulat sa kanilang mga mata.
Nangunot ang noo ko. Kilala ba nila ang babaeng 'yon? At saka... bakit di man lamang nila tinanong kung may appointment ba siya kay Charles at basta na lang nila pinapunta sa office?
Mabilis akong sumunod sa babae papuntang office. Subalit bigla akong napako sa aking kinatatayuan ng buksan ko ang pintuan ng opisina ni Charles.
Magkayakap sila.
Bigla kong napigil ang aking hininga at sunod sunod ang aking naging paglunok.
Gusto kong maluha! Gusto kong umiyak! Pero wala akong karapatan.
Parang manunuyo ang lalamunan ko. Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi para pigilin ang sariling umiyak. Maya maya lang ay agad na napatingin sa akin si Charles saka agad na kumalas sa yakap bago bumalik sa kaniyang upuan na parang walang nangyari.
Nagpilit ako ng ngiti kahit parang libo libong karayom ang tumutusok sa aking dibdib. Wala akong karapatan. Wala kang karapatan, Clarisse.
"Good morning." Mahina kong bati.
Pinasadahan lamang ako ng tingin noong babae mula ulo hanggang paa bago muling humarap kay Charles at umupo sa tapat na upuan ng table niya.
"Anong ginagawa niya rito?" tanong no'ng babae kay Charles at biglang nalipat ang paningin niya sa kabilang table na katabi lang ng kay Charles noong makita niyang pumunta ako sa pwesto ko.
"She's my secretary." Walang emosyon na sagot ni Charles habang nakaharap sa laptop.
"Where is Ethan?" Nangunot ang noo niya. "And why is she staying here in your office?"
Pakialam mo?!
"I've already fired Ethan."
"What?!"
Muli kong mariin na nakagat ang aking ibabang labi. Nagi-guilty tuloy ako kung bakit natanggal sa trabaho si Ethan.
"At siya ang ipinalit mo?!" Natawa siya ng sarkastiko. "How pathetic."
Parang muling tinusok ng kung anong bagay ang dibdib ko. Nakakaramdam ako ng paninikip at pamimigat nito. Para kong paulit ulit na sinasaksak.
I feel useless..
Hindi naman kasi talaga ito ang trabaho ko.
Huminga ng malalim si Charles. Sandali siyang tumingin sa akin at agad na nag iwas rin. "Don't you dare talk like that to Clarisse." Malamig ngunit nagbabanta na sabi ni Charles.
Tumayo 'yong babae saka lumapit sa table ko, "Irish Silva." Pagpapakilala niya at inabot ang kamay ko para makipagkamay. "Charles ex-girlfriend."
Nanlaki ang aking mga mata at biglang napalunok. Hindi ko na nagawang abutin pa ang kamay niya. EX-GIRLFRIEND?!
MAY EX SI CHARLES?!
Parang lalong dinurog ang puso ko.
"Irish, we are busy. You can go now." Malamig na utos ni Charles.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
❤❤❤❤❤
27/03/2024
0chapter 45 please
17/03/2023
0salamat
25/02/2023
0Tingnan Lahat