Chapter 17

"Clarisse!" Napatingin ako sa may entrance and exit ng kumpanya ng may marinig akong tawag.
Napangiti ako, "Sir Ethan!" Bati ko. Ngiting ngiti siya sa akin, "Kanina pa kitang tine-text at tinatawagan pero hindi mo sinasagot, nanggaling ako sa condo mo pero wala ka p-- B-boss?" Naputol ang sasabihin ni Sir Ethan at nawala ang ngiti sa labi ng makita niya ang nakasunod sa aking likuran.
"N-nakabalik na po pala agad kayo. B-Bakit hindi niyo po sinabi sa akin?" Nagpeke ng ngiti si Sir Ethan saka napakamot sa ulo. "Do I need to tell you?" Malamig na tanong ni Charles. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Napatikhim na lamang ako.
"A-ah s-sige po boss mauuna na po kami." Nangunot ang noo ko. 'Kami?' "Clarisse hatid na kita."
"Tapos ka na ba sa pinapagawa ko?" Muling tanong ni Charles kaya agad na natigilan si Sir Ethan. "A-ah b-boss m-malapit na po."
"Kailangan ko na 'yon bukas ng umaga." aniya saka kami nilampasan at dire diretsong lumabas ng Sandoval Enterprise. Mariing nakagat ni Sir Ethan ang kaniyang pang ibabang labi. "A-akala ko Monday morning pa?" Bulong niya pero narinig ko pa rin iyon.
"Ayos lang po kayo?" Tanong ko. Nabalik siya sa reyalidad at biglang napangiti sa akin. "O-oo, I'm okay." Tumango ako saka sabay na kaming lumakad palabas ng kumpanya ngunit bigla akong natigilan ng makita kong hindi pa rin umaalis si Charles. Nakasandal siya sa pintuan ng passenger seat at nakaharap sa amin.
Bahagya siyang nginitian ulit ni Sir Ethan saka lumapit sa kabilang sasakyan. Ipagbubukas na sana niya ako ng pinto sa passenger seat ng sasakyan niya pero bigla na namang nagsalita si Charles, "Clarisse you will go with me." Napaawang ang bibig ko at nagkatitigan sila ni Sir Ethan.
Tumikhim ako ngunit hindi sila natinag. Magkatitigan pa rin sila hanggang ngayon. "A-ah Sir Ethan. B-Baka po may sasabihin si Sir Charles sa 'kin." Baka mag away pa sila. Nagbaba siya ng tingin sa akin at bahagya ko siyang nginitian. "Mauna na po kayo."
"S-sigurado ka?"
Tumango ako bago siya talikuran. Nang makalapit ako kay Charles ay walang emosyon niyang binuksan ang passenger seat. Marahan akong pumasok sa loob bago niya isinara iyon at umikot para pumasok sa driver seat.
"Fasten your seatbelt." Hindi agad ako nakakilos at nakaimik. Napatitig lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nagsisimula na namang kumabog ang dibdib ko at parang mananakit ang tiyan ko dahil sa sobrang kaba.
Napailing siya ng makitang hindi ako kumikilos kaya bigla kong natigil ang aking hininga ng siya na ang maglagay ng seatbelt sa akin. "You're too occupied." Mahina niyang sambit na nakapagpalunok sa akin.
Bakit parang lalong sumesexy ang dating ng boses niya sa akin? Ang kaninang mabilis na tibok sa aking dibdib ngayon ay nagkakadoble-doble na. Saka lang ako nakahinga ng maluwag noong lumayo na siya sa akin at sinimulang paandarin ang makina.
Sa bintana na lamang ako tumingin dahil naiilang ako sa presensiya niya ngunit bigla akong napatingin kay Sir Ethan na nakatingin lang sa sinasakyan namin. Para tuloy akong nakokonsensya. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa salamin at nakikita ko pa ring nakatingin si Sir Ethan hanggang sa makalayo kami.
Bakit parang parehas na nagiging weird si Sir Ethan at Charles? Napailing ako, masiyado lang siguro akong nag ooverthink. Matagal na namang suplado si Charles at mabait naman talaga si Sir Ethan. Nag-ooverthink lang ako!
"Are you okay?" Nagtatakang tanong ni Charles. Napapahiya akong humarap sa kaniya. "H-ha?"
"Kanina ka pang iling ng iling d'yan."
"A-ah m-may naiisip lang." Nag iwas agad ako ng tingin.
"What are you thinking?"
"A-ah a-ano" Nag iisip ng idadahilan. "N-nakita mo na ba 'yong video?" Nag aalangan kong tanong saka tumingin sa kaniya. Nakatingin lang siya sa unahan habang nag dadrive.
"Hmm" Tumango siya. Tumango na lamang rin ako at muling tumingin sa bintana. "The videos are already deleted." Bigla akong napatingin na naman sa kaniya. H-hindi ko alam!
Paano na delete lahat? Paano niya nasabi?
Sandali siyang humarap sa akin. Ang gwapo ni Charles. Ang sarap niyang titigan. "I filed a case." Maiksi niyang sagot. Natigilan ako, processing pa sa utak ko ang narinig. A-ano raw?
N-Nag-file siya ng case?
Bumilis na naman ang tibok sa dibdib ko at parang may paro paro na naman sa tiyan ko.
Napalunok ako ng laway, "K-kaya ka ba umuwi agad?" Marahan kong tanong. Parang sasabog na ako anumang oras.
Muli siyang humarap sa akin at tumango bago muling tumingin sa unahan. Mariin kong nakagat ang aking pang ibabang labi para iwasang ngumiti saka bumalik ang tingin sa katabi kong bintana. Kahit anong kagat ang gawin ko sa aking labi ay nagawa ko pa ring mapangiti.
Pakiramdam ko ay namumula ang aking pisngi. Natural lang bang kiligin? Hinawakan ko ang aking tiyan habang ngiting ngiti sa harap ng bintana. Paro parong bukid na lilipad lipad.
Nang makarating sa address ng aking condo ay mabilis kong tinanggal ang aking seatbelt saka binuksan ang pinto. Muli akong humarap sa kaniya, "S-salamat." sambit ko bago bumaba ng sasakyan. Tumango lamang siya sa akin at tuluyan ko ng sinara ang pinto.
Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan niya bago ako pumasok sa loob. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti at mapasayaw habang kinakanta ang paro parong bukid papasok sa entrance ng tinatayuan ng aking condo. Wala na akong pake kung nakatingin sa akin ang guard.
"Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papaga-pagaspas
Isang bara ang tapisIsang dangkal ang manggas
Ang sayang de kolaIsang piyesa ang sayad"
Hindi mawala ang ngiti sa aking labi ng bigla akong may mabangga kaya agad akong natigil sa paglalakad at pagkanta. Nag angat ako ng tingin sa babaeng aking nabangga at bigla ring naglaho ang ngiti sa aking labi ng mapagtanto kung sino iyon.
"A-Arya." Nautal kong bati. Anong ginagawa niya rito?
"Ma'am Arya." Pag tatama niya. Napairap ako. Hindi ko naman siya amo para tawagin kong ma'am.
"Ano hong kailangan niyo?" Tanong ko. Nakakasira ng gabi.
"Can we talk?" Napahinga ako ng malalim. "Basta mabilis lang." Sagot ko at tumango. Sabay kaming pumunta sa pinakamalapit na cafe.
"Anong coffee ang gusto mo?" Tanong niya.
"Latte." Sagot ko at tumango siya. Ano kayang pag uusapan namin?
Nang makabalik siya sa upua ng lamesang katapat ko ay agad ko siyang tinanong, "Ano po bang pag uusapan natin?" Bahagya siyang ngumiti pero hindi ko siya ginantihan ng ngiti. "How are you?" tanong niya.
What the hell? Nangangamusta ba talaga siya? "How's work?"
"Ayos naman." Walang gana kong sagot. Muli siyang nagpeke ng ngiti, "I know that you're not okay."
Tss. Pa'no mo naman nasabi? Hindi naman ikaw ako.
"I'm okay. I'm fine." Pag didiin ko. "Alam ko ang issue about sayo." aniya. Bigla akong natigilan at napatingin sa kaniya. Nginisian niya ako. Maya maya lang ay sinerved na ang coffee naming order.
Humigop muna ako ng kape. Napasinghal ako. Nawala na sa isip ko 'yon dahil sa sinabi ni Charles.
"I don't care." Natatawa kong sabi. Nangunot ang noo niya. "You don't care?" Paglilinaw niya. Nakangiti akong tumango saka muling humigop ng kape. "Too selfish." Singhal niya.
Ako naman ang nangunot ang noo. "I wanted to talk to you because I wanted to help Charles."
Napatitig ako sa kaniya nag hihintay ng sunod niyang sasabihin. "We all know that you're his secretary. And it might damage the image of the company." Humigop siya ng kape bago muling tumingin sa akin. "Because you're a thief and you can damage his image." Mariin niyang sabi. Pinapamukha sa akin.
Nagkuyuom ang aking kamao, "Hindi ako magnanakaw." Nakipaglabanan ako ng titig sa kaniya.
"I'm not here to criti- No! You're insulting my dignity!" asik ko at pinutol ang sasabihin niya.
Peke siyang natawa, "I'm warning you. Iba kami sayo, may iniingatan kaming imahe. We can't make mistakes unlike you. Ano na lang iisipin ng ibang tao sa kaniya kung patuloy niyang makakasama ang isang magnanakaw. Ang mga taong katulad mo." Nararamdaman ko na ang panginginig ng aking ibabang labi.
"Do you know how important the Sandoval Enterprise to Charles?" Kuyuom na kuyuom na ang aking kamao ng dahil sa gigil, galit at inis. "It's more important than your life."
Napatayo ako mula sa pagkakaupo sabay ng paghampas sa lamesa habang masama ang titig sa kaniya. Wala na akong pake kung pag tinginan kami ng mga tao. "You wanted me to leave the company, right?" Sarkastiko kong tanong.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. "Asa." Inirapan ko siya saka inubos na ang kape. Sayang naman kung di ko uubusin.
Akmang tatalikod na ako ng muling siyang mag salita. "You better think twice."
"You better get lost." Ganti ko.

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    BrincesMargie

    ❤❤❤❤❤

    27/03/2024

      0
  • avatar
    CalingBhey

    chapter 45 please

    17/03/2023

      0
  • avatar
    Keshialyn Cailo

    salamat

    25/02/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata