TWENTY-NINE

Hindi ko parin magawang burahin sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Flor. Ilang gabi rin akong hindi pinatulog ng mga salitang iyon. Para iyong isang sumpa na binitawan niya sa akin.
Palapit na ng palapit ang The College Night ng CCC kaya mas lalo pang bu-mysy ang mga estudyante, including Ulysses. Sa sobrang hectic ng schedule niya ay nag-uusap nalang kami ni Ulysses through text.
And Flor... Hindi naman nabago ang pakikitungo niya kay Ulysses, pero sa akin, halos hangin nalang ako sa kaniya, sa tuwing nakakasalubong kaming dalawa ay hindi siya namamansin, it's okay though, mas okay na rin iyon, and I respect that.
"Bulaga!"
"Putangina!" halos lumipad na ang dala dala kong papers dahil sa gulat. Katatapos ko pa namang ifinalize ito dahil ipapasa ko na bukas sa deadline. Tinapunan ko ng masamang tingin kung sino man ang hinayupak na iyon.
Oh! Guess what?
"Musta na? Miss mo ba ako?" kinindatan niya ako, katulad ng palagi niyang ginagawa sa akin. Medyo namiss ko ang kagaguhan ng lokong ito kaya imbes na batukan ko sana siya pero naisip kong huwag nalang matagal tagal rin kasi itong hindi nagpakita sa akin eh.
"Wow, you're still alive? Saan ka ba galing at ngayon mo lang naisipang magparamdam?"
Nagkamot ng batok si Cormac saka mas lalong lumawak ang ngisi nito. "Sabi ko na nga ba eh, namiss mo ako, wala bang hug at kiss diyan?"
Natawa nalang ako sa kaniya saka inirapan, pinagpatuloy ko ang paglalakad naramdaman ko namang sumunod siya sa akin.
"Pupunta ako ng canteen ngayon, libre mo ako." sabi ko habang ngumingisi narin. Akalain mo iyon, namiss ko ang gago.
"Dang! No'ng last ko dito nilibre kita sa birthday mo, ikaw naman ang manlibre ngayon." sabi niya.
Pumasok kami sa loob ng canteen, as usual ang mga tingin ay napunta nanaman sa aming dalawa, hindi ko na iyon pinapansin, nasanay narin kasi ako.
"Wala akong pera ngayon." tumigil ako sa isang stall ng chocolate milk shake na palagi kong binibilhan. "Libre mo ako nito." I said in a commanding voice.
Wala na siyang magawa ng inabutan na ako ng tindira na choco milk shake, he chuckled a bit before getting some money from his oh so thick wallet.
"Keep the change." one thousand ang ibinigay nito sa tindira, sobra sobra ang sukli non para sa one hundred fifty na choco milk shake.
"Anak ng congressman pero walang pera psh!" sinundan niya parin ako habang naglalakad ako sa paborito kong pwesto. Inilapag ko ang papers at bag ko sa lamesa.
Umupo ako saka siya rin sa may gilid ko. "Naghihirap ka na ba ngayon?"
"Anong meron? Tila yata nagsisilitawan nanaman kayong mga Silvestre ah." this past few days ay madalas ko ng nakikita ang magpipinsang Silvestre. No'ng isang araw lang ay nagpakita sa akin si Celeste at ang mag kambal na sina Anders at Ambrose. Kahapon naman ay ang mga babaeng Silvestre na sina Zianna, Vienna, Shirley at Abigail, at ngayon siya.
"Where's Callan and the others?" I asked him.
"Russia." tipid siyang sumagot, prente itong sumandal sa sandalan ng kaniyang silya.
"Bakit nga pala kayo nawala? Umalis kayo ng Castilleja?"
Nagkibit balikat ito. "Yep, pinatawag nanaman kami ng matanda." tumawa siya. "Nag shift ka ba ng course habang wala ako, from tourism to mass com? Pala tanong ka na ah."
"Psh." hindi na ako nagsalita.
"Sya nga pala, next week na ang TCN ah, may partner ka na ba? Kung wala ako nalang ka date mo." he offered me.
Hindi ko siya masagot. Paano si Ulysses? Siya ang gusto kong maka date sa gabing iyon pero hindi pwede.
"Huy!"
Napapitlag ako. "What?"
"Ang sabi ko ako na ang ka date mo sa TCN." he repeated.
Muli, hindi ko magawang sumagot, kailangan ko pang pag-isipan iyan. Nang hindi ko siya nasagot ay iniba nito ang topic.
"Hindi ko nakita si Vicky ngayon na kasama mo ah, nasan nga pala ang baklang iyon?"
"He's with Zianna, binlockmail eh."
Tumango tango nalang ito sa akin. Hindi na ito nagsalita pa, kaya hinayaan ko nalang siya.
"Hi!"
Sa hindi ko inaasahan ay bigla nalang umupo si Flor paharap ko. She's with her two friends and Ulysses too! Fuck! Ano bang binabalak niya?
Ngumiti ito sa akin. "Would you mind if we joined you two here, wala na kasing ibang pwesto eh." sobrang hinhin ng kaniyang boses pero kabaliktaran nito ang kaniyang intensiyon.
Tsk, ano bang binabalak nito? Tumango ako. No choice mukhang wala nga silang ibang mapwepwestuhan.
"Hi Arya! Hi Cormac." Abigail, yung palaging kasama ni Flor ang bumati sa akin, yung isang babae na kasama nila ay di pamilyar sa akin, ngumiti rin ito sa amin.
Nagtama ang mga tingin namin ni Ulysses, nakita ko kung gaano nagtagis ang kaniyang bagang ng makita si Cormac na kasama ko. Alam na alam ni Flor na lihim ang relasyon namin ni Uly kaya niya ito ginagawa.
Napatiim bagang ako.
"Mag me-meeting sana kami eh, para sa TCN." si Flor.
"Oh that's good, pwedeng makinig?" si Cormac.
She nodded. "Yes, we don't mind naman."
Nang ilipat kong muli ang mga mata kay Uly ay nakita ko ang pag ka disgusto nito. Kahit ako, ayaw ko ng ganito.
"Sha nga pala Uly, di'ba yung TCN is by partner?"
Damn, inopen pa iyon ni Flor, parang alam ko na kung anong gusto niyang mangyari. She is now smiling to me, yung ngiting may halong pang-iinis. Napakuyom ang mga kamao ko.
"Ikaw Arya, may partner ka na?" biglang tanong niya.
"Uhmm..." I cleared my throat. Matiim akong tinignan ni Ulysses.
"Ako ang ka date niya." si Cormac ang dumugtong ng sasabihin ko. Damn! Bakit niya iyon sinabi?
Pinandilatan ko ng mga mata si Cormac kaso hindi ito nakatingin sa akin, kay Flor. When I saw Uly, mas matiim ang tingin nitong ipinupukol kay Cormac, he then look at me with his brows a bit high.
Napayuko ako. Shucks, hindi pa namin napag-uusapan ni Ulysses ang tungkol sa TCN, of course it will be my first prom night and I want it to be special, I want it to spend only with him, pero sa kalagayan namin ngayon, mukhang malabo.
"Great! Halos lahat na kasi dito sa CCC ay nakapili na ng kani kanilang partner. Right Uly?" tila umusok nanaman ang ilong ko ng bigla nanamang pumalibot sa braso ni Uly ang mga kamay niya.
Tumango lang sa kaniya si Uly. Damn!
"Talaga? So sino ang partner mo?" I saw the glimpse of smirk on Cormac's lips.
"Si Uly!" masiglang tugon naman ni Flor.
Wow ah! Takte, parang ang sarap manakal ngayon ah. Inakbayan ako ni Cormac. Kinabahan ako bigla dahil nakataas na ang kilay ni Ulysses sa akin. It's like he has something to tell me.
Maya maya ay biglang nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Palihim kong kinuha iyon saka tinignan ang message.
From: Ulysses
Get that stupid arms out around your shoulder Arya, damn! Kapag hindi mo kinalas iyan, puputulin ko iyan.
Imbes na kabahan sa text niya ay pinigilan kong matawa. Damn! Jealous Ulysses, parang mas nae-excite pa yata ako dito ah. Suddenly, may naisip akong kalukuhan. Tignan na'tin kung paano magselos ang isang Ulysses Valentino Montejo.
"So...." pasimple akong sumandal sa balikat ni Cormac. Sabi nga nila di'ba, go with the flow. "Anong plano niyo sa event? Balita ko, may twist daw sa program niyo."
Ngumit ng matamis sa amin si Flor. "Abigail and I planned it, di'ba Abigail?" tumango naman sa kaniya si Abigail bilang pag-sang ayon ang kaso parang wala kay Flor ang atensiyon nito, na kay Cormac, psh! I bet crush niya ang gonggong na ito.
"Dapat ninyong abangan iyon Arya, Cormac, I'm sure mag-eenjoy kayo sa twist na iyon." mas lalo pa nitong idinikit ang sarili kay Ulysses. Pigilan niyo ako kakalbuhin ko ito. Fuck!
"Yeah, of course! Sigurado akong magiging masaya iyon." I said.
Nakita ko kung gaano pumula ang tenga ni Ulysses ng makita niyang hindi ko parin iniaalis ang braso ni Cormac sa pagkaka akbay sa akin, natatawa ako, pero pinipigilan ko. So ganito pala mag selos ang isang Ulysses huh. Ang cute.
My phone vibrate again.
From: Ulysses
Don't tease me Arya.
Halos maririnig ko na ang kaniyang inis sa kaniyang text. Mas lalo lang tuloy akong ginaganahan.
Marami silang napag-usapan tungkol sa program na gagawin nila sa The College Night. My full attention is on Ulysses. Ine-enjoy ang pula niyang mukha dahil sa inis sa akin. Ano ka ngayon? Hindi nalang puro ako ang nagseselos dito Uly, dapat ikaw rin.
Hanggang sa hapon ay hindi parin ako tinatantanan ni Ulysses ng text. Pinapagalitan niya ako dahil daw sa hindi ko pagtanggal ng braso ni Cormac sa aking balikat.
Psh! Jealous Ulysses makes me want him more huh.
From: Ulysses
What is it Arya? Bakit mo nga hindi tinanggal yung braso niya sa'yo? It's pissing me off.
Natatawa parin ako dahil paulit ulit niyang tinatanong nito sa akin ang tungkol doon. Napakagat ako ng labi saka nagtipa ng reply sa cellphone. Uwian na, supposed to be ihahatid ako ni Ulysses ngayon pauwi pero dahil nga busy siya, ay sasabay nalang ako kay Chacha pauwi.
To: Ulysses
It's none of your business.
Sent.
Kunwari ay nagtatampo ako sa kaniya dahil hindi ako mahahatid nito. Maya maya pa'y nag reply siya.
From: Ulysses
I'll talk to you later about it, and what makes you decide that Cormac will be your date this coming TCN, huh?
Damn! Ulysses. Napakagat ulit ako sa ibabang labi saka nag type ng irereply sa kaniya.
"Ate, si kuya Ulysses nanaman iyan noh?" hula ni chacha sa aking tabi. We're now currently walking dahil naghahanap kami ng tricycle na masasakyan pauwi. Yes, she knows about us, makulit rin eh kaya sinabi ko na, I know na hindi niya ipagsasabi iyon kahit kanino.
"Tsk, just shut up." I said but with a smirk on my lips.
"Eihhhhh kinilig naman ang singit mo diyan ate ah." bahagya pa niya akong itinulak.
From: Ulysses
Let's meet tomorrow. Let's talk.
I frowned, di'ba busy siya bukas, and what did he mean let's talk. Psh!
To: Ulysses
Di'ba busy ka bukas? By the way, what time?
I click the sent button. Maya maya lang ay nakatanggap na ulit ako ng reply niya.
From: Ulysses
I'm not that busy, tatapusin ko ngayon ang dapat gawin then I'll fetch you tomorrow, seven.
Mabilis akong nagtipa ng isasagot sa kaniya.
To: Ulysses
OK. Copy. Tomorrow then.
Walang pasok bukas atsaka, wala rin naman akong masyadong gagawin bukod sa pagbabantay ng tindahan o di kaya naman ay humilata buong magdamag sa kwarto.
Kaya kinabukasan, imbes na magbantay ako ng tindahan ay ipinasa ko kay chacha ang pagbabantay.
Humaba ang nguso nito saka nagtatampong nagkamot ng ulo. "Ano ba iyan, hindi mo na kita nakakasama dahil kay kuya Ulysses, ba't ayaw mo akong isama sa inyo?"
"Tsk, wala ngang magbabantay nitong tindahan, stay here, at huwag ka ng mag third wheel sa amin, I'll be back before three hours."
Hindi na siya naka angal ng nag mamadali akong lumabas ng bahay. I told Ulysses na sa sentro ng bayan nalang kaming dalawa magkita. Pagkadating ko naman do'n ay nakita ko naman ito. He's wearing a clean white shirt and jeans, ternuhan niya naman ito ng jersey jacket na may tatak na CCC. Nang makita ako nito ay kumaway ito sa akin saka ngumiti.
Sinenyasan ko siyang pasimpleng umalis na. Mabilis niya akong dinala sa kaniyang kabayo saka mabilis na pinatakbo ito papunta sa palagi naming pinupuntahan, ang Barbara.
"So... Anong sasabihin mo?"
He pout a little bit.
"You said yesterday that we'll talk."
Sumenyas siya sa akin. 'Let's talk about us'
"And... What about us? We're okay right? Ayaw mo ba sa ganitong set up?" medyo nag-aalala kong tanong sa kaniya. Baka kasi napipilitan lang siya na itago ang relasyon namin dalawa and I don't want to force him, as much as possible I want him to be free when it comes with making decisions but we both knew we can't do that, for now, especially sa kalagayan naming dalawa ngayon, umiiwas kami kay dad.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    YasayMarife

    ihi🥳accused j is

    25/04

      0
  • avatar
    Margie Balanag Nalica

    it's very good ....keep writing....

    15/11/2023

      0
  • avatar
    Riguel

    highly reccomended!👏👏.Sana may story din po si vice leon🥰🥰

    07/12/2022

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata