Nag-aayos ako ng gamit ngayon dahil lilipat na kami sa condo. Excited naman ang mga timang kong kapatid. Halos tig-lilima pa nga ng maleta. Parang t*nga. Andaming dadalhing gamit. Para namang 'di na babalik sa bahay. "Aww mamimiss ko kayo, wala nang maingay sa amin." Malungkot na sabi ni mama. "Wag kang mag-alala ma. Nandiyan pa naman sina Ica at Lara. Sila yung pinakamaingay dito eh. Ibinato lang sa amin." Parang tangang wika ni kuya. "Epal mo talaga kuya... Kita mong nag-eemote si mama tapos ikaw!" Seryosong saad ko. "Pinapagaan ko lang yung sitwasyon eh." Sinimulan na nilang hakutin ang mga gamit kaya nag-ayos na din kami ng sarili. Isa-isa kami ng sasakyan kaya kahit kailan namin gustong aalis. Aalis kami. Isang black BMW yung akin at kay Loki. White Mercedes Benz naman kay Luna at Love. While Black Porsche Macan yung kay Laurell. Taray namin ah! Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit ay nag-simula na akong mag-drive. Marunong naman kami dahil nag-take kami ng driving lesson no'ng highschool pa lamang. Si Love lang yung 'di masyadong marunong kaya nakisakay muna siya kay kuya. Pagkadating ko sa condo ay sumakay na akong elevetor patungo sa twenty-first floor. Nasa iisang floor lang kaming lahat dahil kung may emergency daw. Madaling makarating. I entered our unit. Si Laurell ang kasama ko para daw hindi masyadong magulo. Palagi kasi siyang inaasar ni Luna kaya ang ending... nagkasakitan. I entered my room at sinimulan nang i-arrange ang mga gamit. Hindi masyadong kalakihan ang kuwarto ko pero tama lang naman ito sa akin. As long as comfortable ako, okay na. Lumabas agad ako pagkatapos kong mag-ayos at nag-luto na. Hindi kasi masyadong marunong mag-luto si Laurell kaya ako na lang. Maraming pagkaing puwedeng lutuin sa ref at kumuha na lang ako ng manok. Balak ko itong adobohin dahil nag-c-crave ako. I started cooking. Nakita ko naman si Laurell na nakabihis. May lakad ata. Nagmamadali pa. "Sa'n punta mo?" Tanong ko. "I'll just buy something outside." Sagot naman niya at dali-daling lumabas. May bibilhin lang pero nagmamadali? Urgent ba yun? Sabagay, kahit ano naman ang ginagawa ni Laurell sa buhay niya kaya palagi siyang busy. She's trying to discover what she really want. Hinayaan ko na lang at pinagpatuloy na ang pag-luluto. Kumain na ako pagkatapos nun. I left some to Laurell baka gusto niya. Bumalik ako sa kuwarto pagkatapos at natulog na. Kinabukasan ay nagising ako sa tunog ng cellphone. Tumawag si Ari. [Inom daw tayo sa bar mamaya, may party. Dito malapit sa amin. Birthday kasi ni Kairen. Kilala mo 'yon? Yung anak ng senator.] Saad ni Ari. "Ba't naman ako pupunta? Jowa ko ba 'yan?" [Sige na! Libre naman eh! Wala kang babayaran kasi libre!] "Lol! Kaya kong bumili kahit 'sang dosenang alak pa 'yan! Pass muna ako. Tinatamad akong pumunta." [Sige na kasi Lucy! Promise! Susundin namin yung utos mo sa isang buwan] Napangisi naman ako sa narinig ko. Hah! Wrong choice of words sis! "Sure ka dyan ah? Sige. Anong oras?". Tanong ko. [Siyempre mamayang gabi. Mga nine siguro magsisimula.] "Ok, ok, pupunta ako. Bye." Saka pinatay ang tawag. Paglabas ko ng kuwarto at nakita kong mugto ang mata ni Laurell na kumakain ng toasted bread. "Anyare sa mata mo?" Tanong ko sa kanya. "Nothing. Puyat lang ako. Hating-gabi na akong natulog eh." Bulol na saad niya. She's not fluent at Filipino but she can handle. "Okay." Tugon ko at kumain ng tinapay. "Anong gusto mo Laurell?" I curiously asked. "About what?" Her brows furrowed. "Yung gusto mong gawin sa buhay mo. Yung mga pangarap mo." Ani ko. "I don't have any dreams Lucy." Malungkot niyang ani. Parang isang tanong ko pa tungkol sa buhay niya ay iiyak na. "Weh!? Sure ka? Wala kang panaginip? Baka naman binangungot ka lang?" I said at ngumiti ng palihim. "You sound like an id*ot Lucy! T*ngina mo! F*ck you! G*ga ka! Ul*l mo Lucy!" She shouted kaya napaigtad naman ako. "Umamin ka nga Laurell! May galit ka ba sa 'kin!? Ba't mo 'ko minumura!? Inaano ba kita diyan!? T*nga ka ba!? Kung may problema ka sa buhay mo pwes! May problema din ako Laurell!" Madrama kong ani. Of course, it's acting. Ba't ko naman seseryosohin 'tong englisherang 'to? Ano siya? Gold? "For your information Lucy! I didn't hold any grudge against you! I just let my feelings come out!" She shouted. "Oh tapos? Ba't ka sumisigaw? 'Di naman ako bingi!" She just rolled her eyes at padabog na naglakad patungo sa kuwarto niya. Maldita talaga! Wala akong ginawa buong araw kaya nababagot na ako. Hapon pa lang ay nagsimula na akong mag-ayos para sa party na gaganapin mamaya. Ilang oras din ang tinagal ko sa pag-aayos. Nag-suot ako ng red croptop at black mini skirt partnered it with my black stilettos and white pouch. I applied minimal make-up at kinulot ang maiksi kong buhok. Pagdating do'n ay marami ng tao dahil pasado alas nuwebe na. Hinanap ko kaagad yung mga kaibigan ko at naglakad na patungo sa kanila. "Oh! Welcome shot Lucy!" Bungad ni Ara. Tinanggap ko naman iyon. "May pogi?" Tanong ko pagkatapos kong inumin ang isang baso. "Nagbago ka na nga Lucy! Btw yung nag birthday, pogi!" Tili ni Ari kaya napangiwi naman ako. Ang landi! "Ayoko dun sa nag birthday! 'Di ba anak ng senator 'yon? Ayoko sa politika o kahit ano mang related dito!" I said rolling my eyes. "Ba't mo naman sila hate? Inaano ka ba nila!?" Pasigaw na tanong ni Ara sa 'kin. "Hindi nila ako inaano! Pero yung ibang tao, tinapak tapakan nila porke't nasa itaas sila! Kapal ng mukha! Pero yung iba lang ha! 'Di ko nilalahat!" Pagrarant ko. Marami pang bote ang nainom namin kaya medyo hilo na. May tama na kaming apat kaya nagpunta na kami sa dance floor at sinimulang sumayaw. Nagpaiwan si Ayesha sa mesa dahil babantayan daw niya ang mga inumin. Para namang nanakawin 'yon. Pansin kong may kahalikan si Ara kaya hinila ko ito. Ayoko silang gumagawa ng mga bagay na pagsisisihan nila kinabukasan. Nang mapansin kong halos hindi na masyadong makatayo ang dalawa ay hinila ko kaagad ito pabalik sa table. "Pakibantay muna Ayesha, mag-c-cr lang ako." Tango lang ang sagot niya. Naglakad na ako papuntang cr at nagsimulang ayusin ang sarili. "Ano ba Kairen!? Kanina ka pa ah? Pasalamat ka at birthday mo ngayon kaya hindi muna kita susuntukin." Maangas na boses ng isang babae sa labas habang nag-aayos ako. "Cute mo." Kairen? Yung anak ng senator? Kahit gaano pa siya ka bait, ayoko sa kaniya. Ang kapal din naman kasi ng mukha ng papa niya! Huli na sa aktong nag do-dr*ga pero hindi parin umamin! Nag pa-pavictim pa nga! Kapal ng mukha! Tinawagan ko ang aming family driver at pinahatid na silang tatlo habang ako naman ay nag-drive pauwi. Kaya ko pa naman dahil hindi masyadong marami ang nainom ko. Kinabukasan ay sakit sa ulo ang bumungad sa akin. P*nyetang alak! Tinawagan ko naman si Ayesha ngunit hindi siya sumasagot kaya si Ara na lang. [Kung tumawag ka para mang-asar. Huwag mo ng ituloy. Masakit ulo ko ngayon Lucy kaya wag kang umepal] bungad niya. "Grabe ka! Masakit din naman yung ulo ko pero di ako nag susungit. In*mo!" Napairap ako kahit hindi niya makikita. Pinatayan agad ako ng tawag. Badtrip! Nag-facebook na lang ako at mag scroll sa newsfeed nang may maalala. A certain friend request. Kyle's. In-accept ko 'yon dahil kawawa naman. Tatlong taon nakatambay. Pagkatapos kong i-accept ay napatingin ako sa messages. Nag-message pala siya. Tiningnan ko naman ito. Kyle Walter Paaccept miss Kung ayaw mo edi don't Kilala mo ba 'ko Lucy? Ako 'to si Natoy na mahal na mahal ka Charot Ganda mo Gusto na ata kita Akin ka na lang by morrisette Akala mo ikaw 'no? Luh!feeling amp Marami pa siyang messages ngunit hindi ko nalang ito ni-replayan. Nag-scroll na ulit ako nang may bagong nag-message. Kyle Walter Ba't ngayon mo lang ako in-accept? Huli ka na huhu. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya kaya I just chose to ignore it. I was about to turn off my phone but a sudden message popped up. Kyle Walter Mahal na ata kita, Lucy. Hinihintay ko yung 'charot' niya ngunit hindi ito dumating kaya ni-replayan ko na. Lucy De Vega What the h*ll!!! Pinaglololoko mo ba 'ko? Kyle Walter Lolokololokoloko Tinry ko yung pangalan mo sa apilyedo ko. Laurene Cyaver Walter. Ang ganda pakinggan. Bagay Tayo. ____________________________________________________________________________
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
done
26/02
0Tingnan Lahat