Second

"Charot" pahabol niyang saad habang umupo sa bakanteng upuan. Katabi ko. Ba't ba 'ko chinarot-charot nito? Close ba kami? Feeling close amp*ta!
"Hi! what's your name?" He started a conversation. Lol mo!
"Lucy" tipid kong sagot.
Wala akong planong makipagkilala sa ibang tao lalo na kung malalandi. Nakakabadtrip 'yon! Yung nananahimik ka tapos bigla-bigla na lang susulpot at guguluhin ang buhay mo tapos agad-agad ring mawawala.
He extended his arms. "I'm Kyle" Who asked? Walang nagtatanong uy!
"I know" malditang saad ko habang napilitang tanggapin ang kanyang kamay. Wow infainess! Ang lambot! Parang hindi gumagawa ng gawaing bahay ah! Baka tamad!
Nakaramdam ako ng bolta-boltaheng kuryente at the time that his hand met mine. I felt something on him the moment he hold my hand. Am I attracted to him? I hope not! I'm not ready yet.
"I mean. Your real name." tanong niya ulit. Ayoko nga! Baka i-reto ako sa ibang tao. Ayoko nun!
"Lucy De Vega" Ani ko. Ganda lang!
He never got a chance to asked again because my father started talking to him. In-interview pa nga.
"Ba't mo gustong maging photographer Walter?" Tanong ni Loki.
"Pi-picturan ko yung iba't-ibang tanawin at saka mga bahay. 'Yon ang hilig ko eh. Tapos i-d-drawing ko yun sa papel. Artistic naman ako kaya oks lang." Nakangiting sagot ni Kyle. Tunog mayabang yun ah!
"Eh ikaw...?" Ani Kyle.
"Loki, tol! Magiging engineer ako hahahaha. Magaling ako sa math kaya confident akong maka-graduate." Sagot naman ni kuya habang kumakain.
"Ahh sana all! Gusto ko rin noong maging engineer kaso naalala kong b*bo nga pala 'ko sa math." Natatawang ani ni Kyle. Feeling close kay kuya amp*ta!
"Five L's, kailan niyo balak mag-jowa?" Tanong ni papa habang matama kaming tiningnan. May nalalaman ba 'to? Wala naman akong itinatago kaya wala akong dapat ikabahala.
"Si Luna papa! May manliligaw! Nakita ko kahapon binigyan siya ng bulaklak at chocolates sa likod ng classroom! Hindi nga nag-bibigay eh! Ang damot!" Reklamo ko. Totoo naman! May nakita akong lalaki na binibigyan siya ng bulaklak at chocolates pero hindi ko nakita yung mukha kasi nakatalikod.
"B*bo ka ba Lucy? Ba't naman kita bibigyan? Ikaw ba yung nililigawan?" Nakataas na kilay niyang sambit sa akin. Taray mo ate girl! Sana all may manliligaw na nagbibigay ng chocolates! Itapon na lang yung bulaklak dahil hindi ko naman makakain 'yon. Malalanta pa!
Bukod sa 'kin ay wala nang sumagot sa tanong ni papa. Wala naman akong manliligaw kaya wala akong sasabihin. Duh!
"Kung liligawan kita... Sasagotin mo ba 'ko?" Mahinang tanong sa akin ng katabi ko sabay kalabit sa akin ng mahina. "Hindi siyempre, 'di naman kita mahal at kailanman, hindi kita mamahalin." Sagot ko at pasimple siyang inirapan.
The dinner went smoothly with my father asking random stuffs on everyone. Interview ba 'to para qualified kaming maging tao? Daming tanong!
Pagkauwi ay dumiretso ako ng higa sa kama.
Nakakapagod ang araw na ito. Tumayo ako at nag-bihis ng pajama bago humiga ulit. I remember his face. May lahi ba yun? Parang Fil-Am! Ang pogi!
Kinabukasan, maaga akong nagising at ginawa na ang aking morning routine.
Pagkababa ko ay nakahanda na sila. "Tagal mo naman Lucy! Ilang oras na kaming naghintay dito! Wala ka bang time management? Alarm clock? Wala ka rin? Andami mong pera pero wala kang pambili ng alarm clock? Sa susunod na ma-late ka Lucy..." Nakadurong sabi ni Loki sa 'kin. "... Iiwan ka na namin! In*mo! Dinamay mo pa kami sa kabagalan mo!" Mahabang sabi ni Loki.
I rolled my eyes. "Okay pa! Sa susunod, maaga na akong magigising! Yung hindi pa nga kayo natutulog, gising na 'ko!" I said sarcastically. Kapal naman ng mukha niya! Late rin naman siyang nagising pero hindi ko naman sinumbat!
"Tara na." yaya ko sa kanila. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng bahay. Ang driver namin ang nag-drive ng SUV dahil hindi pa kami pwede. Pito kami sa SUV habang apat naman sila sa sasakyan.
While inside the car. I was about to plug my earphones nang hablutin iyon ni Luna. "Wag ka munang killjoy Lucy." inis na sambit niya. G*go ba 'to!?
"Hula ko crush ka ni Kyle" ngiting-asong sambit ni kuya na sinegundahan naman ni Luna. "True 'yan. Pansin mo yung titig niya kagabi!? Naku! Ako yung kinikilig sa inyo eh!" tili niya. Parang t*nga! Ano yung nakakakilig do'n?
"Alam mo Luna overreacting ka na. Mukha kang uod na binudburan ng asin." pang-iinis ni kuya. "Hello!? Bulag ka ba? Wala ka na bang ibang magawa kundi manlait? Ayos-ayusin mo 'yang desisyon mo sa buhay, Loki!" naiinis na tugon ni Luna kay kuya. Kahit kailan talaga! Ang ingay! Mama 2.0 ba 'to?
Inignora ko na lang sila at sinalampak ang earphone sa tenga. I listened to my favorite songs from my favorite artist. Taylor Swift's songs are masterpiece! Yung kahit wala kang experience sa pag-ibig ay makakarelate ka pa rin! Ang ganda lang!
Nagbabangayan pa rin sila hanggang makarating na kami sa paaralan. Naglalakad na ako papuntang gate.
"ID?" Tanong ng guard. Pinakita ko naman ito kaya pinapasok na niya ako.
Habang naglalakad ay napansin ko kaagad sina Ayesha, Ara, at Ari sa school ground kaya agad ko silang nilapitan. "Oh? Late ka na naman? Kanina pa natapos ang flag ceremony." Bungad agad ni Ari.
"True! Palagi ka na lang late Lucy! Ano bang ginagawa mo sa bahay niyo? Ang yaman niyo pero wala kayong pambili ng alarm clock?" Segunda ni Ayesha.
"Baka may iniisip lang si Lucy..." Saad ni Ara at matama akong tiningnan. "... May nangyari siguro na naging reason kung bakit hindi siya makatulog." Nakangisi niyang ani. May nalalaman ba 'to?
"H'wag mong sirain yung araw ko Ara, maganda yung gising ko ngayon" naiinis na sagot ko at ngumisi naman siya.
"Dahil 'yan ka Kyle 'no?" Nakangising tanong ni Ara. Pumasok naman sa isip ko 'yong Kyle na na-meet ko kahapon. Are we thinking on the same Kyle? I hope not!
I shot my brows. "Kyle?"
"H'wag mo nang i-deny. Nakita ko siyang pumunta sa table niyo kagabi. By the way, pinsan ko sya galing States. Dito daw niya tatapusin yung kurso niya. And dito na rin siguro siya titira." Singit ni Ari. Bugaw ba 'to? Pinamimigay niya ba yung pinsan niya?
Napasimangot naman ako. "By the way, 'di sya fvckboy. Haha. Goodboy 'yon. Single din. Walang naging girlfriend kaya kung ako sayo, jojowain ko yun." Pambubugaw ni Ara.
"Kaso nga lang pinsan mo kaya hindi mo majojowa" pang-aasar ni Ayesha.
Tumunog na ang bell kaya dali-dali kaming pumunta sa classroom. I participated on the class the whole day kaya satisfied na ako.
Nagbibihis ako ng black croptop, high-waisted maong shorts and a pair of black stilettos. I applied minimal make up and a red shade lipstick kasi nagsasawa na ako sa pink.
Papunta akong bar ngayon dahil nagkayayaan kaming buong section. Remembrance daw dahil next month, gagraduate na kami. Sana naman ginawa na lang nilang camping! Ba't inuman?
Magpapaalam muna ako sa magulang ko upang hindi sila mag-alala. Nilakad ko ang distansya papuntang library sa bahay. Do'n kasi sila laging nakatambay. I knocked three times at pumasok.
"Ma! Pa! Pwede ba 'kong pumunta sa bar? Do'n lang naman sa malapit. High-end naman yun kaya wag kayong mag-alala. Hindi rin ako masyadong iinom." Panimula ko.
"Okay, but umuwi ka bago mag alas tres ha? Siguraduhin mong hindi ka aabutan ng sikat ng araw do'n." Ani papa.
G*go!? Hindi raw ako dapat aabutan ng sikat ng araw? Pinapap*tay ba 'ko nito? Nakakatakot naman! Charot!
"Aye aye papa! Hindi ako aabutan ng sikat ng araw do'n kasi uuwi ako mga three am!" Tuwid akong tumayo at sumaludo.
Pinahatid nila ako sa aming family driver para sure daw silang safe ako. Okay na rin yun para hindi na 'ko mag taxi! Hassle!
Pagdating sa bar. Kaunti pa lang ang tao dahil maaga pa. Nagpa-reserve kami ng tatlong table dahil trenta kami. Sampung tao kada isang table.
Nadatnan ko naman ang mga kaibigan ko sa isang table habang nagsimula na silang mag warm up. "Oh Lucy, shot" sigaw ni Ara at inabutan ako ng baso. Tinanggap ko naman ito at dahan-dahang nilagok. Gumuhit ang pait sa lalamunan ko. T*nginang tequila 'to.
"May bago ka na namang fling Tamara?" Lasing na tanong ni Kia. Lasinggera talaga 'tong babaeng 'to! Kahit nga na sa school ay umiinom! Hindi man lang nilugar!
"Hindi pa kayo nasanay! Hayaan niyo lang 'yang Tamara na 'yan! Tamara talaga!" Pang-aasar naman ni Gia.
"Tamara amp*ta! Isa pang Tamara mo diyang bakla ka sasabunutan talaga kita!" Pikon na sigaw ni Ara. She really dislike her name huh?
"Nubayan! Ang boring niyo namang ka-bonding! 'di ako makarelate sa kwento nyo! Laro kaya tayo? Put your finger down?" Naiinip na tanong ni Kara.
Sumang-ayon naman ang karamihan kaya we decided to play. "Sinong mauuna?" Tanong ni Gia.
"Ako!" Pasigaw kong sagot.
"Put you finger down kung may naka-momol na kayo" nakangising sabi ko. Karamihan naman sa kanila ay nakangising nagbaba ng daliri. I frowned. Halos kalahati dito ay minor pero may naka-momol na? Hindi nakakagulat. T*ngina lang!
"Put your finger down kung nagpakatsnga ka para sa isang lalaki" Sigaw ni Kara saka baba ng isa niyang daliri. Hah! T*nga! Kaunti lang ang nagbaba dahil halos lahat naman kami sila ay pinaglalaruan lang ang isang lalaki. Napakaplayer! Makarma sana!
"Put your finger down kung 'di ka na virgin" Ngising sambit naman ni Hiruyo. He's Japanese but he knows how to speak tagalog because his nanny is a filipina. Lumipat lang din sila dito sa Pilipinas two years ago.
Halos lahat naman ay nagbaba ng daliri. P*tangina! Hindi man lang nagsinungaling!
"Put your finger down kung naloko ka na" Bitter na sambit naman ni Yuna.
"Bitter mo Yuna! 'yan kasi! Sineryoso mo yung hindi dapat seryosohin! Kaya ayan! Naloko ka! T*nga ka pa rin naman!" Pang-iinis ni Gia.
"T*ngina mo Rogelio!" Ganti naman ni Yuna. Rogelio amputa! Sinabunutan ni Gia si Yuna dahil pikon. "Ang bitter mo sa buhok ko Rogelio! Inggit amp*ta!" Natatawang sabi ni Yuna habang sinabunutan. Napatawa naman ako. Kalbo kasi si Gia kaya palagi siyang nag-susuot ng wig. Nahuhulog pa minsan!
Marami pa silang sinasabi ngunit hindi na lang ako nakikisali. Ayokong madamay!
"Inom pa tayo oh! Order pa kayo! Libre daw ni Lucy." Kara shouted. Tangina!
"Kapal ng mukha mo Kara! Pero sige! Libre ko na! Kawawa naman kayo!" Ani ko.
"Ibang laro naman yung lalaruin natin! Spin the bottle! Pag ikaw yung naturo magsasabi ka ng sekreto ng kakilala mo pero hindi mo sasabihin ang pangalan." Ari suggested. Mukhang may sekretong mabubunyag ngayon ah!
"Pwede kahit wala dito? O 'di kaya'y relatives?"
"Oo! Kahit sino basta sekreto!"
Kumuha na sila ng boteng walang laman. Nilagay nila sa gilid ang mga may lamang bote at baso.
Inikot na ni Gia ang baso at naturo naman nito si Ayesha. "Ikaw Ayesha!"
"Someone has a crush on me." Aniya.
"Luh! Sino 'yon?" Taka kong tanong. "Secret nga eh 'di ba?" Nakangising sabi niya kaya umirap ako. Inikot nila ulit ang bote at tumapat ito sa 'kin.
"Someone promised me that I will be his future wife and I hope he will fulfill it." I said.
It was past twelve at napagpasyahan ko nang ipahatid ang mga kaibigan ko sa kani-kanilang bahay. Lasing amp*ta. Buti na lang at may sense of responsibility ako. Kung wala, siguro lahat kami knock-out ngayon.
Pagkatapos ko silang ipahatid ay umuwi na ako ng bahay.
Pagewang-gewang ako dahil medyo marami-rami din yung nainom.
Pagdating ko sa bahay ay wala nang ibang tao sa sala. Natural! Tulog na!
Tahimik akong umakyat sa kuwarto upang hindi magising ang mga natutulog.
Dumiretso na ako ng higa sa kama kahit hindi pa nakakapagbihis. Inaantok na 'ko.
Sabado kinabukasan kaya plano kong matulog buong araw. T*nginang hangover 'to. Sakit ng ulo ko.
Nakatulog ulit ako ngunit agad ring nagising sa sunod-sunod na katok. Bw*set! Nakakabadtrip!
"Gising na po madam! Tanghali na po at hindi pa kayo kumakain ng agahan." Sigaw ng isang katulong.
Pagtingin ko sa orasan ay alas dose na ng tanghali. Inis kong binuksan ang pintuan. Bumaba na ako upang magluto. Egg, ham, hotdog, at fried rice yung niluto ko dahil gutom na gutom na ako.
Nilantakan ko kaagad yung pagkain pagkatapos maluto. Nagtimpla rin ako ng juice para sa sarili. Pampawi sa uhaw.
Umakyat agad ako sa kuwarto pagkatapos kong kumain. Wala akong magagawa kaya napagdesisyonan kong mag-sketch.
I sketched a lot of houses and buildings ngunit hindi ako satisfied. Parang palaging may kulang.
Niligpit ko na lang ito at nanood na lang ng Netflix.
Ilang movie na yung natapos ko at hindi ko namalayang gabi na pala.
Bumaba ako upang kumain. Nadatnan ko kaagad sila sa lamesa. Nag-ku-kwentuhan.
"Tapos ka na sa thesis?" Tanong ni Luna. "Yeah, ikaw ba?" Tanong ko naman.
"Hindi pa. Mamaya ko pa tatapusin 'yon." Ngumuso siya.
"Ako tapos na" kuya uttered na may kasamang yabang.
"Walang nagtanong" bulalas ko.
Dumating na yung mga kapatid namin at magulang. Nagsimula na kaming kumain. "I have something to tell you, quintuplets" father breaks the silence.
"I will give you a car and a condo. Tig-iisa kayo. After your graduation." Nakangiting saad ni papa.
"Yes! Finally!!!" Pasigaw na sabi ni kuya. Nag-apir naman sila ni Luna.
Ngumiti naman ako. "Iisang building lang ba yung condo namin?" Tanong ko at tumango naman sila ni mama.
Tumikhim si mama bago nagsalita. "One more thing, we will go to japan after your graduation."
Habang naglalakad ako patungong kuwarto ay hindi ko mapigilang ma-excite. I always want to go to Japan since I was young. Ang ganda kasi doon at ang linis. Unlike here sa Pilipinas. Kaliwa't kanan ang mga basura.
Hindi ako makatulog dahil sinusumpong na naman ako ng insomnia ko. Napagdesisyonan ko na lang na linisin ang ilalim ng kama. Ang tagal na nang huli ko itong nilinis. Ayaw ko ring ipapalinis sa mga maids. Hindi nga 'ko nagpapasok ng kung sino sa kuwarto, kahit mga magulang ko.
Habang nililinis ito ay may napansin akong nahulog na maliit na box. Ano 'to? Wala naman akong natandaang bumili ako nang maliit nabox ang lalagyan.
Napagpasyahan ko itong buksan at isang maliit na kuwintas ang bumungad sa 'kin. Kanino 'to? Hindi ko rin matandaan na binigyan ako nito. Siguro galing kina mama at papa?
LCDV ang nakaukit sa kuwintas kaya I assume na para talaga sa 'kin 'to. But who gave it?
Habang isinuot ko ang kuwintas ay may napansin pa 'kong nahulog and this time, isa itong litrato. Litrato ko.
Tiningnan ko ang likod nito kung may nakasulat ba and meron nga.
Laurene,
    Thank you for giving me hopes, happiness, and contentment. You're the reason why I'm still fighting. Kahit isang ngiti mo lang, kuntento na 'ko, masaya na 'ko. Keep your smile hanggang bumalik ako, mahal.
                                               -V
____________________________________________________________________________

Komento sa Aklat (1)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    26/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata