Homepage/Scenery of Memories/
Fifteenth
Nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi. I groaned in irritation. Ayoko pang bumangon! Nakakapagod!
"Señorita Bonita! Gising na! May klase ka pa! Late ka na naman! Gumising ka na!" Nakaramdam ako ng yugyog sa balikat. Inis kong minulat ang mga mata ko at seryosong mukha ni Kyle ang bumungad sa akin.
Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kuwarto at napansing hindi ito akin. Sa'n ako p*ta? Ibinalik ko ang tingin kay Kyle na kumukunot ang noo. "Sa'n ako?" I asked with a hint of curiosity.
"Ay wow! Pagkatapos ng ginawa natin kagabi, wala ka na agad maalala?" Madramang saad niya sabay hawak sa dibdib. G*go ba 'to!? Inirapan ko siya at binato ng unan.
Bumangon na ako at nagsimulang tumayo. Napaupo rin ako agad ng maramdaman ang sakit down there.
Namulat ako sa realisasyon. G*go!? Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang nangyari kagabi. Nakangisi naman si Kyle nang matamaan ito ng tingin.
I cover my face with the pillow at sinabunutan ang sarili. Arghh! Nakakahiya!
"Uy! Tayo na riyan! Malapit ka nang ma-late sa first subject mo!" Natatawang wika niya kaya mas lalo akong nahiya! Pinagtatawanan ba 'ko nito?
Inis akong tumayo at ininda na lang ang sakit. Trying hard akong naglakad papuntang bathroom para maligo. While taking a bath ay naalala ko ang nangyari kagabi. My cheeks blushed. Parang t*nga! Ba't ako pumayag do'n?
But then I realized. I love him, to the point that I'm willing to give myself to him. And I did. I gave myself to him. I smiled with that thoughts. This is the first time that I experience loving someone. Someone that's not my relative nor friends.
Pagkatapos kong banlawan ang katawan ay naghanap agad ako ng towel. Ba't wala? Hindi ba siya naliligo? Pero mabango naman siya. I chuckled.
"Kyle! Pengeng towel!" I shouted but no one answered.
"Kyle!!!" I shouted for the second time. "Wait lang!!!" Sigaw niya mula sa labas. Narinig ko na lang ang nagmamadaling yapak kaya agad kong binuksan ng maliit ang pintuan.
"Oh." Abot niya sa uniform ko at pares ng underwear. Kinuha ko naman iyon at nagsimulang magbihis. Sinuklayan ko lang ang buhok ko at lumabas na.
"Tara!" Kyle grinned while looking at me from head to toe. Anong problema nito!?
Tahimik lang akong sumunod sa kaniya. Ayokong magsalita.
Bumukas ang elevator kaya pumasok kaming dalawa. I felt an awkward atmosphere pagkapasok pa lang namin. Or it's just me?
"Do you like it, Bonita?" Basag ni Kyle sa katahimikan kaya napaubo naman ako. What the heck?
"Ano!?" Kunyareng nagtataka kong tanong.
"Gusto mo i-mention ko?" Aniya at pinatong ang dalawang braso sa magkabilang balikat ko. Hinuli niya ang tingin ko kaya napaiwas ako ng tingin.
Ano pula ko yata ngayon! Nakakainis naman! Nakakahiya pa!
"Oo." Matapang kong sagot sabay salubong sa mga tingin niya. Ngumisi siya at dahan-dahan akong i-corner sa gilid. Ba't ang tagal bumaba ng elevator? Sinasadya ba 'to?
Yumuko siya at inilapit ang mukha sa akin at hinalikan ako. My eyes automatically closed na para bang may sarili itong buhay. His lips moved kaya napaigtad naman ako ng kaunti.
"Kiss me back, Bonita." Senswal na saad niya.
"Hindi ako marunong humalik." Nahihiyang sabi ko sabay iwas ng tingin. "Just go with the flow, Mi Bonita."
He kissed me again and this time, humalik na ako pabalik. Napahinto kami nang bumukas ang elevator. Nakakainis! Pabitin amp*ta!
Inakbayan ako ni Kyle at naglakad na kami papunta sa kotse niya. "Pa'no yung kotse ko? Ihahatid mo 'ko?" I asked.
"Ihahatid kita! Sayang yung gas mo! Bigay mo na lang sa 'kin!" He grinned. Inirapan ko na lang ito at pumasok na sa loob ng sasakyan.
He started driving kaya tumingin na lang ako sa bintana. Ano kayang nangyari sa condo ko kagabi? Makalat siguro iyon ngayon! Tamad pa naman silang lahat! Nakakainis!
Huminto ang sasakyan sa tapat ng paaralan namin. "Pasok na 'ko." Paalam ko kay Kyle.
"Walang goodbye kiss?" He pouted. Pa-cute amp*ta!
"Wala." I exclaimed sabay bukas sa pintuan. I immediately ran towards the gate at hinarang naman ako ng guard.
"Late ka na naman!?" Frustrated sa sabi ni kuyang guard.
"Opo hehe. Puwede pa bang pumasok?" Pag papa-cute ko.
"Sige na! Pasok na! As if may choice ako!" Ay wow! Englishero! Nag-improve na ata sa english 'tong si kuyang guard ah!
Ika-ika kong tinakbo ang distansiya papuntang classroom namin kaya hingal ako pagdating.
"Late ka na! Buti na lang talaga nakagawa ako ng notes! Ano ba kasing ginagawa mo at palagi kang late ha Lucy!?" Mahina akong sinabunutan ni Yuna. Ba't nanabunot?
I rolled my eyes at hinablot ang notebook na hawak-hawak niya. "Sa'n si ma'am?" Tanong ko.
"Kakaalis lang! Absent ka na naman sa subject niya! Kaunting late na lang talaga Lucy! Bagsak ka na!" Sabat ng bagong dating na si Gia. Hinampas ko lang ito ay inirapan.
Kinopya ko ang notes na ibinigay ni Yuna. Nakinig lang din ako sa discussion para naman magkalaman ng kahit kaunti yung utak ko. Yung tama lang para maka-graduate.
"Sama ka Lucy?" Aya sa akin ni Yuna. "Sa'n ba?" Tanong ko naman habang niligpit ang mga gamit.
"Sa mall! Mamamasyal! Tutal half-day lang naman yung klase natin ngayon." Kumbinse niya sa akin.
"Sama ako! Wait lang! I-te-text ko lang yung mga kaibigan ko." I said at kinuha ang cellphone para i-text si Ayesha.
To: Ayesha
Di mna ak mkakasbay kmain ngyon. Pupnta akng mall hehe.
From: Ayesha
Gagi sino ka? Di ganyan magtype si Lucy t*nginamo! Ilabas mo si Lucy! Tatawag ako ng pulis!
To: Ayesha
G*go! Oa mo tanga! Sa mall muna kami kakain ngayon. Wag kang mag-alala! Di kita ipagpapalit! Ikaw lang kaya ang beastfried ko!
To: Ayesha
*Bestfriend hehe sarrey typo
From: Ayesha
K.
Cold naman! Parang t*nga!
"Tara na!" Tumayo na kami at nagsimulang maglakad papuntang mall. Walking distance lang ito kaya hindi na kami gumamit ng sasakyan. Sayang ang gas!
"Anong gagawin natin sa mall?" Tanong ko habang pasimpleng inakbayan si Gia.
"Maghahanap ng fafa! Marami sigurong fafa ngayon! Malay niyo, makasungkit kayo." Tili ni Gia kaya sinakal ko ito.
"Landi mo talagang bakla ka!"
"Sakit ng leeg ko Lucy! Sana hindi na lang ako nagpaakbay sayo! May history ka pa naman ng pananakal!" He rolled his eyes at lumayo sa 'kin.
"Anong history!? T*ngina mo!" I yelled at him na nasa kilid na ni Yuna. Napagitnaan kami nito kaya hindi ako makasabunot.
"Hoy! Halos buong kaklase natin no'ng highschool sinakal mo t*nga! Buti na lang wala ni isa sa kanila ang nagsumbong sa guidance t*ngina mo rin!" He shouted at nilabas ang dila. Umirap na lang ako.
Pumasok na kami sa mall at iba't-iba ang ginagawa namin. Nag-shopping kami ng damit at ibang walang kabuluhang bagay.
"Bibili lang ako ng doughnut! Gusto niyo?" I asked them.
"Ayoko! Nakakataba yan!" Gia said with a hint of disgust on his face. Arte naman nito!
"Same!" Nandidiring saad ni Yuna.
"Plastik niyong dalawang nga t*ngina niyo! Alis na 'ko! Bye! Hindi na 'ko babalik! See you next life!" I screamed sabay kaway ng isa kong kamay.
Habang naglalakad ay may napansin akong pamilyar na mukha. Of course, he's familiar. Mag-isa lang siyang kumakain ng doughnut kaya nilapitan ko ito.
"Hey! Mag-isa ka?" I asked.
"Obvious ba!?" Sarkastikong balik niyang tanong.
Nag-order ako ng doughnut at umupo sa harapan niya. I eat my doughnut silently at naramdaman ko naman ang titig niya. After I finished my first doughnut, I faced him.
"Anong problema? Ba't ganiyan ka makatingin?" I curiously asked.
"Layuan mo si Kyle." Mahinahon niyang saad kaya napakunot naman ang noo ko.
"Why would I?"
"He will hurt you. Aalis siya, iiwan ka niya." He said.
"Pa'no mo nasabi?"
"I just know." He shrugged his shoulders. "Wag kang masyadong mahulog, masasaktan ka." Aniya at naglakad na palayo.
Napaisip naman ako sa sinabi niya. I remember Ara talking about Kyle's departure. So totoo 'yon? Ba't wala siyang nasabi sa 'kin? Iiwan niya 'ko? Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Why does it hurt? Is it because I love him?
Naputol ang pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone ko. Si Laurell ang tumawag kaya agad ko itong sinagot.
"Oh?"
[L-lucy s-si mam-ma]
"Anyare sa kaniya?" Nag-aalala kong tanong. 'Pag ganito ang tono ng boses niya, may problema.
[W-wala na s-siya! Nabangga s-siya h-habang pauwi d-dito sa b-bahay. Dinala s-sya sa hospital pero d-dead on arrival d-daw. Uwi ka na L-lucy]
My world stopped spinning.
____________________________________________________________
©2022 @ArtiseryI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
done
26/02
0Tingnan Lahat