Homepage/Scenery of Memories/
Twelfth
Kinabukasan ay nagising ako sa sunod-sunod na katok. Kainis! Late na akong natulog kagabi tapos gigisingin ako ng maaga? T*ngina lang!?
Inis akong tumayo dahil hindi na ata titigil sa pambubulabog 'tong tanginang kahit sino pa 'to. I opened my door at nakangiting mukha ng boyfriend ko ang sumalubong. W-wait... Boyfriend ko? Hinalikan niya 'ko agad sa labi kaya napakurap naman ako. Oo nga pala, sinagot ko siya kagabi.
"Good morning, Bonita." He said smiling. I blushed kaya umiwas ako ng tingin. Tanggal angas ko ah!
I look at him again. "Good morning, Kyle." Nakangiti akong yumakap sa kaniya. Masanay siya! Clingy ako!
"Wait lang Bonita!" Aniya saka marahang itulak ang ulo ko. "Anong cs natin?" He asked at pasimpleng tumingin sa kisame na parang nag-iisip.
"Cs?" Kunot noo kong tanong. Ano yun?
"Call sign. Babe? Love? Honeybunch? Mahal?" Aniya kaya napangiwi ako.
"Ang corny niyan, Kyle. Kung yan lang din naman ang call sign, mas mabuti nang wala. Ayoko ng ka-cornihan sa buhay." Nakasimangot na ani ko.
"Oh shoot!" Bigla kong sigaw nang may maalala. Late na 'ko putangina! Nagmamadali akong pumunta sa cr saka naligo. Nakakainis! Late na naman ako!
Napahinto ako sa pag-sa-sabon ng makarinig ng katok mula sa pinto. "Baka nakakalimutan mo Bonita! Undas break ngayon hehe." Sigaw ni Kyle mula sa labas. Gagi!? Ba't 'di ko alam yun?
Then realization hits me. Ba't ba 'di ko napansin ang petsa? Dinahan-dahan ko na ang pagsasabon, wala naman akong gagawin. Binalot ko ng tuwalya ang katawan ko at lumabas. Dumiretso naman ako sa walk-in closet para magbihis. Yung dating kuwarto ni Laurell ang ginawa kong walk-in closet dahil ayaw kong mabakante ito. Nagsuot lang ako ng ocean blue tee shirt na hanggang tuhod at nilagyan ito ng belt.
Paglabas ko ay nakita ko agad si Kyle na parang inaabangan ang paglabas ko.
"Tara na." Aniya saka tumayo at hinagis-hagis ang susi. "Huh!?"
Hindi niya ako sinagot, sa halip ay inakbayan niya ako at marahang itulak para makapaglakad.
"Wait lang! Yung cellphone ko naka charge! Baka sunog na 'tong condo pagbalik natin." Ani ko at naglakad patungong kuwarto. Kinuha ko rin ang power bank para hindi ako maubusan ng baterya.
Pagbalik ko ay nakasandal na sa pintuan si Kyle.
"Sa'n tayo pupunta, Kyle?" I asked curiously. I really want to know.
"Ikaw, sa'n mo gustong pumunta?" Balik niyang tanong habang ni-lock ang pintuan.
"Hindi ko alam. Wala akong alam na lugar. Hindi naman ako pala-travel." Ani ko at nagkibit balikat. That's right! Kahit noon pa man ay hindi ko talaga hilig mag travel. Sumasama lang ako sa galaan pero pag ako lang, ayoko.
"Suggest ka ng lugar na pupuntahan natin. We will make memories with each other. Gusto ko na may alaala parin tayo kahit sa kamera. Remembrance, gano'n." He said while smiling. Bumukas ang elevator at pumasok na kami a loob.
"What about roadtrip? Gusto ko yun! Yung kahit saan tayo magpunta." Masaya kong ani. I want to try new things with him. Yung hindi ko pa nagagawa noon.
"Sige. Pero dapat bumili muna tayo'ng snacks. Para hindi tayo magugutom sa biyahe." The elevator landed on the ground floor kaya lumabas na kami. Nilakad namin ang daan papunta sa sasakyan niya.
Pumunta kaming convenience store para bumili. Marami siyang binili kaya medyo natagalan. Pwede naman sigurong walang snacks, may pagkain naman siguro sa mga dadaanan namin.
Pagkapasok ko sa sasakyan ay inilagay pa niya ang pinamili sa backseat. After doing that, sumakay na siya at sinimulang paandarin ang sasakyan.
"Ba't andami ata ng pinamili mo Kyle?" I asked.
"Para marami tayong kakainin. Matakaw pa naman ako kaya dinamihan ko na." Aniya.
Tahimik lang akong nakaupo habang tumitingin sa bintana. Maya-maya ang pagsulyap ko kay Kyle dahil hindi ako mapakali. Parang excited ako sa pupuntahan namin.
Namangha ako ng makita ang taal sa 'di kalayuan. Wow! Hindi ko mapigilang mapanganga sa nakita. "Punta tayo doon Kyle." I said excitedly at niyugyog ang balikat niya.
"Do'n tayo sa rest house namin tumuloy ngayon. Tutal, isang linggo walang klase kaya iba-ibang lugar ang pupuntahan natin. Huwag ka na ring mag-alala, pinagpaalam na kita sa mga magulang mo." He said smiling. Kinilig yung singit ko amp*ta!
P-in-ark niya ang sasakyan sa harapan ng rest house. "Tara na!"
Pagkalabas ko ay napasabunot ako ng may ma-realize. Put*ngina! Wala akong damit!
"Kyle wala akong damit! Pa'no ako makakapagbihis nito!" Reklamo ko sa kaniya.
"May boutique naman doon sa unahan. Hwag kang mag-alala. May pera rin ako rito. Pinaghandaan ko kaya 'to." Aniya sabay flex sa muscle niya. G*go!? Anong kinalaman ng muscle niya dun!?
We entered the rest house at hindi iyon masyadong kalakihan. Hanggang second floor siya pero nasa baba lang yung dalawang kuwarto. Sarap sigurong tambayan do'n sa itaas.
"Dito tayo matutulog, Kyle?" I asked with my brows furrowed.
"Depende. Siguro oo, pero dapat tabi tayo." Nakangising aniya kaya tinulak ko.
"Uy! Hindi yun masakit haha!" Aniya kaya inirapan ko na lang ito.
Umakyat ako sa hagdan at tinanaw ang bulkang taal sa 'di kalayuan. Ang ganda talaga! I'm currently closing my eyes para damhin ang sariwang hangin.
While closing my eyes, I just feel an arm enclosing my body. "Kyle." I said at hinarap siya.
"Ganda mo talaga!" He said smiling and then he kissed my forehead.
"Kahit anong mangyari, Bonita. Hindi kita bibitawan. I will love you 'till the end." I can feel the sincerity of his voice. His eyes speaks the same kaya napangiti ako.
"Really? You won't give up on me? On us?" I asked smiling while still looking straight to his eyes.
"Promise!" Itinaas niya ang kanang kamay niya as if taking an oath. I hope he won't hurt me. I'm afraid of being hurt kaya hindi ako nag-boyfriend before.
"Promises are meant to be broken, Kyle. Kaya wag ka lang mangako, gawin mo." Madali akong magtiwala sa ibang tao. Kaya kahit ngayon pa lang, gusto ko nang kasiguraduhan.
"Nga pala Kyle. Ano'ng nagustuhan mo sa 'kin?" Tanong ko sa kaniya. I'm not special, I did not even excelled in anything.
"Ikaw. Ikaw yung nagustuhan ko sayo. Yung ugali mo, yung pag-iisip mo, at yung mga kapintasan mo sa buhay. I love you as you. Kahit ano pa 'yang ugali mo, mamahalin parin kita. Kahit gaano ka pa kasamang tao, mamahalin parin kita." He chuckled kaya sinamaan ko naman ito ng tingin.
"Grabe ka Kyle! Masamang tao talaga!? 'Di ba puwedeng semi muna?" I said while stomping my feet and crossing my arms.
"Basta mahal kita."
"Hmm kunan mo kaya ako ng litrato Kyle?" I suggested.
"Wait lang! Kunin ko lang yung camera ko sa baba." Aniya sabay takbo pababa ng hagdan.
"Mag-ingat ka! Mamahalin pa kitang put*ngina mo!" Sigaw ko ng makita siyang malapit mahulog.
Pinagmamasdan ko ulit ang tanawin at dinama ang simoy ng hangin. Kung puwede lang sana na dito ako titira, gagawin ko. Kaso may pag-aaral pa 'kong gustong asikasuhin. Gusto ko munang maging architect para ako ang mag de-design ng sarili kong bahay. Pero dapat si kuya ang engineer. Duh! Supportive kaya ako sa mga kapatid ko! Medyo 'di lang nila alam.
Busy ako sa pagtanaw sa tanawin at hindi masyadong napasin si Kyle. "Kanina ka pa ba diyan, Kyle?" Gulat kong tanong.
"Enough para makakuha ng maraming pictures mo..." Lumapit siya sa akin. "... Look at this." Aniya sabay abot ng camera sa 'kin.
"Ba't andami nito?" I asked him.
"Para may mas marami akong tingnan gabi-gabi." Aniya sabay yakap sa akin.
Pinagpatuloy ko ang pagtitingin sa mga litrato. Karamihan dito ay stolen kaya napangiwi ako. Ampanget ko!
Nanlaki ang mata ko nang makita ang litrato ko no'ng sa Japan pa 'ko. Gulat akong lumingon kay Kyle na binabantayan ang bawat kilos ko. "Ikaw yun?"
"Oo." Simpleng sagot niya.
"Sinusundan mo ba 'ko?" Kunot noo kong tanong.
"Hindi! Nataon lang na nasa Japan din ako noon." He said while grinning.
"Sure ka?" Tango lang ang sagot niya.
"Bonita..." Pabitin niyang sabi.
"... Next week, ipapakilala kita sa mga magulang ko."
____________________________________________________________________________I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
done
26/02
0Tingnan Lahat