Ninth

W-what? Did he just confessed? He loves me? My brows furrowed.
"I love you, Bonita." Pag-uulit niya. Seryoso prin ang mukha nito.
"Simula pa lang noong una pa kitang makita. I felt something in you. Since then, palagi na lang kitang sinusundan o iniistalk." Ngumiti siya. Grabe! Iniistalk talaga!?
"Creepy. Why me?" Tanong ko at kinagat ang labi.
"Why not you? Ikaw lang naman ang gusto ko. No'ng unang dating ko dito sa Pilipinas, wala talaga akong planong manatili. But then, I saw you. Nakakita ako ng rason para manatili dito." He smiled. Parang dinadaga naman yung dibdib ko habang nakatitig sa mga mata niya.
"Don't worry. You don't have to reciprocate my feelings. But can you atleast allow me to court you? I promise, I'll prove myself. I'll prove my feelings for you." Halata ang pag-asa sa mga mata niya. Kumikislap pa ito ng matamaan ng liwanag ng buwan.
"Okay, prove me then. Court me." I gently smiled. Wala namang masama kung hayaan siyang patunayan ang feelings niya sa akin.
"Yes!" Sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit. Nanliligaw pa naman siya pero ba't parang sinagot na? Napailing na lamang ako.
"Pasok ka na sa kuwarto mo. Matutulog na 'ko." I said at tumalikod.
"Sandali lang! Usap muna tayo!" Aniya at hinila ako pabalik kaya inis naman akong humarap sa kaniya.
"Sige. Anong pag-uusapan natin aber!?" I raised my left brow.
"Tayo! Mag-uusap tayo tungkol sa'ting dalawa." He said habang pinilit na itago ang ngiti. Baliw ba 'to? Guard may baliw dito!
"So anong pag-uusapan natin? Wala namang 'tayo'!" Pang-iinis ko sa kaniya.
"May itatanong lang ako! Upo ka rito ra railings!" Aniya sabay buhat sa 'kin paupo sa railings. Napahawak naman ako sa balikat niya nang muntik akong mahulog.
"Pag nahu-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang nagsalita siya.
"Mahuhulog ka talaga sa 'kin." Aniya sabay pulupot ng braso niya sa baywang ko. He looked at me straight to my eyes sabay ngiti.
"So ano next?" I glared at him. He just stared at me kaya nainis ako. Sinubukan kong bumaba ngunit dinikit niya ang katawan niya sa 'kin sabay yakap.
"Hindi kana makakawala, Bonita. Akin ka na." Ngumisi siya. Gago ba 'to!?
"I'm the owner of myself Kyle. You can't own me, no one can."
Kinabukasan ay nagising ako sa sunod-sunod na katok. Bumangon ako at tamad  itong binuksan. Bumungad naman sa akin ang nakangiting mukha ni Kyle.
"Mag-ayos ka na, uuwi na tayo. Aayusin ko lang 'tong mga gamit mo." Saad niya at nilagpasan ako.
Dumiretso na ako sa cr upang maligo. Nagbihis naman ako pagkatapos.
"Tapos ka na?" Tanong niya.
"Oo, tara na." Binuhat niya ang mga gamit ko at lumabas na kami papuntang lobby. Sumalubong naman sa amin ang nakangising triple A.
"Ano 'yan? Ba't may pa-buhat ng bag? Mag-jowa yarn?" Pang-aasar ni Ara kaya nag-init ang pisngi ko. Umiwas na lang ako ng tingin.
"Uy gagi! Haha. Kinilig si Lucy oh. Ayiee." Pang-aasar naman ni Ari kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Lagot kayo! Baka 'di na tayo ililibre nyan." Natatawang sabi ni Ayesha kaya umirap ako.
"Ano ba kayo! Nanliligaw pa lang naman ako. Hindi pa sinasagot hehe." Kunyareng nahihiyang sambit ni Kyle kaya sinamaan ka agad ito ng tingin. Nag-peace sign naman siya.
Sumakay na kami sa sasakyan ko. Yun kasi yung ginamit namin dahil tinatamad daw mag-drive si Ayesha. Si Kyle ang nag-volunteer mag drive ngayon dahil ako ang nag drive kahapon.
Isa-isa na niyang hinatid ang mga kaibigan ko. "Sa'n kita ihahatid?" Tanong niya.
"Sa bahay nalang namin. Gusto kong bisitahin yung pamangkin ko." Sa bahay na ulit tumira si Laurell matapos niyang muntikang kunin ang buhay niya. Doon din siya pinatira para safe.
Ilang sandali pa ay dumating na kami sa bahay. "Anong sasakyan mo pauwi?" Tanong ko kay Kyle.
"Sabay na lang tayo mamaya, na sa iisang building lang naman tayo nakatira. Sasama muna ako sa'yo ngayon." Sagot niya.
Pumasok na kami sa loob ng bahay at maingay na sala ang bumungad sa amin.
"Oh! Nandito ka pala ate. Sino 'yan? Jowa mo ba 'yan?" Tanong kaagad ni Ica. "Ah... He's Kyle, manliligaw ko."
"Ah! So nililigawan mo pa lang ang ate ko?" Nakataas na kilay na tanong naman ni Lara kay Kyle. "Oo, hehe." Nahihiyang sagot niya.
"Ang hina mo naman, dapat jinowa mo agad..." Disappointed na wika ni Ica. "... Trust me, marupok 'yan si ate." Pagkukumbinsi niya. I glared her kaya tumakbo siya palabas. Takot ma-kurot.
Umupo ako sa sofa at kinuha ang bata mula kay Laurell. "Ang cute naman ng baby namin mmmhwa." Paghalik ko dito.
"'Di parin bumalik?" Tanong ko kay Laurell.
Ngumiti naman siya ng mapait. "Hindi eh! Wala parin akong balita. Wala rin akong contact. Hayaan ko na lang siguro yun. Mag-focus muna ako sa anak namin." Malungkot niyang sabi. Namin. She still considered him as a father kahit na iniwan siya nito.
"Sa'n sina mama?" Tanong ko nang mapansing hidi sila nasulyapan.
"Sa garden, puntahan mo." She uttered.
Napansin kong nagku-kuwentuhan sina Ica, Lara, Lio at Kyle ngunit hinayaan ko lang. Palabas na sana ako ng makitang nagmamadaling bumaba si Ico. "Sa'n punta mo?" Kunot-noong tanong ko.
"Sa girlfriend ko."
"Luh gagi! Ba't 'di mo 'ko in-inform? Sino 'yan?" Daldal ko.
"Secret! Alis na 'ko bye!" Kumakaway na sabi niya habang tumatakbo palabas ng bahay.
"Ma." Pagtawag ko ng pansin sa kaniya.
"Hey! Lucy." Nakangiting tugon niya. "Kumusta na kayo rito? Kaya pa ba?." Tanong ko.
"Kaya naman, madalas nang behave sina Ica and Lara, hindi na masyadong nag-babangayan. Si Lio at Ico, ayun parin, sutil. Wala naman akong problema kina Gio and Lora, mabait naman sila." Sabi niya at bahagyang tumawa.
"Sa'n si papa?" My brows furrowed. "Duty." She simply said.
Napunta naman ang atensyon ko sa bulsa ko ng may tumatawag. "I'll just answer this ma, excuse me." She mouthed 'okay' bago ako tumalikod.
"Hello? Love?"
[Nasa bahay ka Lucy?]
"Yes, why?"
[Pwedeng pasuyo? Pakikuha yung charger ko sa laptop, naiwan ko kanina eh. Nasa kuwarto, sa ibabaw ng study table ko noon. Please Lucy ah? Pasensya na rin sa abala.]
"Okay, sige, bye." Saad ko at pinatay na ang tawag.
"Pasok muna ako sa loob ma." Tumango naman siya.
"Lucy, kain na, tawagin ko lang si mama." Ani Laurell bago lumabas. Dumiretso naman ako sa kusina at nadatnan ang mga kapatid kong nakaupo.
"Lara..." Pagtawag ko sa atensyon niya. "Bakit ate?" I glared her.
"Luh! Ano yun ate?" Hindi ako nagsalita. Tiningnan ko naman siya ng masama. "Kinakabahan na ako ate. Ano ba yun?"
"May jowa ka na daw." Walang emosyon kong sabi.
"Luh! 'Di totoo 'yan ate. Sinong nagsabi nyan?" Kinakabahan niyang tanong.
"Si Ica." Tipid kong sagot habang pinipigilan ang tawa. Nanlaki naman ang mata ni Ica. "Ba't ako? Wala akong pinagsabihan Lara." Nagkunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"So meron nga?" Tanong ko. Binatukan naman ni Lara si Ica. "Gagi ka ate. Wala akong jowa. Ikaw nga na–" hindi natuloy ni Lara ang sasabihin niya dahil tinakpan ni Ica ang bibig nito.
"Oh tama na 'yan. Na sa hapag kayo." Saway ni mama na bagong dating lang.
"Kyle! Halika rito."
"Ma, he's Kyle. Manliligaw ko." Sumeryoso naman ang mukha ni mama kaya kinakabahan ako.
"Hello po! I'm Kyle and seryoso po ako sa anak niyo." Kinakabahang sambit ni Kyle. Intimidated ata.
"Ano'ng mabibigay mo sa anak ko?" Mataray na tanong ni mama.
"Pagmamahal po. I will love her more than anyone can do. Even more than how you love her."
____________________________________________________________________________

Komento sa Aklat (1)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    26/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata