Chapter 11:

[Unedited]
The Truth Untold
"N-nag bibiro kaba?" tanong nito nang makabawi sa pagkatulala.
"Hindi, roon talaga ako... kaso may nangyari kung kaya't napunta ako rito sa lugar ninyo," paliwanag ko sa dalaga. 
Taka itong lumingon sa akin na parang hindi nito maintindihan ang ibig kong sabihin. Tiningnan ko ang matanda pero wala sa amin ang atensyon nito, nasa tinatahi niya.
Ang hirap naman ipaliwanag! Paano ko sasabihin na nasa misyon talaga ako? T-teka? Nasa misyon pa rin ba talaga ako? Kasama pa rin ba ito sa ilus'yon? Bakit parang totoo na lahat?!
"Ahm, Selene? Ang hirap ipaliwanag, e. Isipin mo na lang inutusan nila ako at naligaw tapos napunta ako sa gubat at doon mo ako nakita."
Naguguluhan pa rin itong tumango at napakamot sa batok. Alam kong gusto pang magtanong ng dalaga at pinigilan lang nito ang sarili na pinagpapasalamat ko. Hindi ko na masasagot ang ibang tanong niya kung sakali dahil maging ako'y walang alam kung bakit ba ako humantong sa ganito.
"Hindi talaga ako makapaniwalang nasa Alestria ka. Kung galing ka sa mundo ng mga tao malamang nalaman ng akademya na may tinatanggi kang abilidad, Elara."
"Iyan din sinabi nila sa akin... kung 'di ako nakaka-istorbo p'wede mo ba akong samahan bukas pabalik?" malamlam kong tanong at ngumiti. Nag mukhang ngiwi 'yon nang wala akong makitang emosyon sa mukha nito. "H-huwag na lang pala—"
"Aahh!"
"Ay, mahabagin!"
Napatakip ako sa tainga nang sumigaw si Selene, nagulat nalang din ako sa babae. 
"Aray— la! Tama na masakit!" Sigaw nito nang kunin ng matanda ang mahabang pamalo na gawa sa kahoy at ipalo sa dalaga.
Napangiwi ako tuwing tatamaan ito sa pang-upo niya. Parang ako ang nasasaktan.
"Ikaw na bata ka! Mamatay ako ng maaga sa 'yo!" turan ng matanda at pinalo ang apo na naiiwasan din naman ni Selene.
Hinintay ko pang matapos ang mga ito hanggang sa nagpaalam ang matanda na pupunta lang sa kusina. Mag-asikaso lang daw ito ng dalang origano ni Selene at para maka-luto na rin.
"Pasensya ka na Elara, a... gan'yan lang talaga si lola. Madalas n'ya akong paluin pag makulit ako," saad ni Selene at bahagya pang hinaplos ang natamaan na bahagi ng pamalong kahoy.
"Okay lang ano kaba... nakakatuwa nga kayong panoorin, e. Bakit ka nga pala sumigaw kanina?" tanong ko sa kaniya. Napakamot naman ito sa tanong  ko.
"Natuwa lang ako, may dahilan na ako para masilayan ulit ang Alestria. Pinagbawalan kasi kami ng akademya na umaligid doon baka raw mapahamak kami," sambit nito sa akin.
Possible nga 'yong mangyari. Napansin ko ding may kakaiba sa lugar na 'yon nang una akong magawi sa gubat.
"Malayo ba mula rito ang Alestria?" tanong ko sa kaniya. Umiling naman ito sa akin at umupo ulit sa upuan nito kanina.
"Isang oras lang ang igugugol mo sa paglalakad. Sa katunayan nga n'yan tanaw mo rito ang Alestria kung a-akyat ka sa Erephoria. Sayang lang at pinagbabawalang umakyat sa sagradong bundok." malungkot nitong ani.
Erephoria? 'Di pa Serephoria rin iyon? Ano nanamang lugar 'yon? Ang gulo naman.
"Hindi ba Serephoria ito, Selene?" tanong ko sa babae, naguguluhan.
Huminga muna ito ng malalim bago sinagot ang tanong ko. "Totoong Serephoria na ang tawag sa bayang ito ngunit ang maliit na bundok, nakita mo na iyon kanina diba na nasa gitna ng bayan? Nanatiling Erephoria pa rin ang tawag doon."
Tumango-tango ako. Nakita ko iyon kanina. Napaawang pa ang labi ko at napahinto nang makita na may maliit na bundok sa gitna nitong town. Sino naman kasing hindi? Maliit lang iyon kumpara sa orihinal na bundok pero hindi mo makikita ang taas kung hindi ka aakyat. Nakakapagtaka...
Nabaling ulit ang atensyon ko sa dalaga. "Bakit pinagbabawal na akyatin iyon?" puno ng kuryusidad kong sambit.
Natigilan ito. "Ahm... dahil doon nangyari ang trahedya ng pinunong buwan at ni maestro Serenious..."
May kung anong dumaloy sa katawan ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko, a-ano itong naramdaman ko? Umiling ako... sila na ba?
"Puwede bang mag kuwento ka tungkol sa lugar ninyo rito?" Tumango naman ito sa akin.
"Bayan ng Serephoria o mas kilala dati bilang Erephoria. Hindi ko alam ang buong k'wento nang Erephoria pa lang ang tawag sa bayang ito. Pero may sabi-sabing madalas daw bumaba rati rito sa bundok ang tagapagbantay ng buwan, para tumanglaw sa mga tao.
Madalas din na magdala ng mga; pagkain, alak na gawa sa katas ng prutas, mga iba't-ibang uri ng prutas, ang mga tao rito at uma-akyat sa bundok para ihandog sa naturang tagapagbantay. Sabi-sabi ring wala pang nakakakita sa buo nitong mukha dahil may naka tabon na tela sa tuwing madadatnan nila ito sa bundok. Ang paglipad ng agila ang sinyales na nasa bundok ito.
Base na rin sa sabi ng mga matatanda; itim na itim ang buhok nito na abot hanggang bewang, may makakapal na kilay at nakaka-akit na pilik mata, nakadagdag pa rito ang kaniyang mapupulang labi na hugis puso at napakatangos na ilong. Nakasuot ng mahabang bistida na kulay puti na abot hanggang talampakan. May telang manipis na nakatabon sa kalahating mukha. Hindi ko alam kung tama ba ang haka-haka tungkol sa diskripsiyon ng mukha nito. Usap-usapan rin na isa raw ito sa mga d'yosa..."
Napakurap-kurap ako sa narinig. D'yosa? Tagapag bantay ng buwan? Magkaiba ba ang buwan sa mortal kaysa rito?
"Selene, anong klaseng buwan dito sa inyo?" sambit ko.
"Isa lang daw ang buwan noon dito rati. Pero naging dalawa ang buwan namin 'di mag laon. Ewan ko sa dati mong mundo. Dito'y isang kalahating buwan at isang bilog, 'di nalalayo ang kanilang pagitan sa isa't isa."
Nanlaki ang mata ko, dalawa?! Nakaka-gulat naman! T-teka? Kung dalawa ang buwan nila sinong tagapagbantay sa isa?
"Selene, diba nasabi mong may babaeng tagapagbantay ng buwan? Kung dalawa ang buwan ninyo, sinong nagbabantay sa isa?" 'di ko napigilang tanong.
Mas naging interesado pa ako lalo. Lumipat ito sa isang upuan malapit sa akin.
"Ganito kasi, 'yon. Hindi ako sigurado rito, a. Madalas lang mag kuwento rati sa amin ang matatanda." Umurong ito palapit pa.
"Sa laging pag bisita ng sinasabi nga nilang d'yosa, maraming lalaki ang nabibighani sa taglay nitong alindog. Bagaman ang mala lila nitong mata ay nakakatakot dahil para ka nitong hinihila papunta sa malalim na parte ng lupa. Sa dinarami ng nag tangkang kunin ang loob ng d'yosa isa lang ang nag tagumpay; si Serenious... ang anak ng may-ari nitong bayan, ayon sa matatanda. Siya raw ang namumuno rito noon.
Ang pamilya nito ang nagtayo nitong bayan, isa ang lalaki sa nabighani sa ganda ng d'yosa. Hindi ko na alam ang k'wento nila at kung paano napa-ibig ni Serenious ang d'yosa. Pero nabuntis daw ito 'di mag laon. Hindi pa roon natatapos ang lahat.
Hindi na raw bumalik ang d'yosa sa buwan at napag desisyonang tumira nalang bilang normal na taga Erephoria. Nagsimula ang pagkawala ng sigla at kislap ng buwan, maging ang kukunting liwanag na sumisilip dito. Nalaman daw ito ng iba pang d'yosa. Ipinagbabawal pala na umibig ang mga katulad nila. Bilang kapalit ng kasalanang ginawa ng d'yosang si Erhinna, isinumpa ng iba pa ang magiging anak ng mga ito. 'Sa pag dating din ng ikalabing-walong taong gulang ng anak nila, ito ang papalit sa pwesto ng kan'yang ina'.
Pero hindi pumayag ang mag-asawa, imbis na ang anak nila ang magdusa at mapag-isa sa buwan. Hiniling nilang sila nalang ang gawing tagapagbantay nito, at doon nabuo ang dalawang buwan. Pumayag naman daw ang mga d'yos at d'yosa. Pero ang pag kakaalam ko may binanggit pa ang matatanda na tagal ng pamamalagi nila," masiglang kuwento nito sa akin.
Pumalakpak pa ito nang 'di ako nakapag salita. Nahihilo ako, pasimple kong itinagilid ang ulo para maibsan ang sakit.
"Bakit parang putol-putol?" tanong ko nang mahimasmasan.
Napakamot naman ito sa ulo nito at ngumiti sa akin, "putol-putol din naman k'wento nila, e. Pinag sama-sama ko na lang nga ang kwento nila sa amin." Pinag-siklop nito ang kamay halatang nangangat'wiran. 
Napailing siya.

Komento sa Aklat (18)

  • avatar
    Park Yunah

    Update napo!

    02/04/2025

      0
  • avatar

    so scary

    29/03/2025

      0
  • avatar
    SumalpongJunrey

    ganda miss A san poh ang next chap. hope hnd mag tagal🥰🥰🥰

    12/07/2024

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata