VII

It took me almost a week to solve everything. My cards were replaced by a new one at nakahanap na rin ako ng bagong matitirhan. Maliit lang na bahay pero ayos lang dahil hindi kalayuan masyado sa Fidel Rico. Mura lang din ang renta at mabait pa ang may-ari na sa katabing bahay lang nakatira.
"Are you really sure about this, Misty? Hindi pa naman kita pinapalayas sa bahay ah! This place is too small!" Reklamo ni Gajo matapos ko silang mai-tour sa loob at labas ng bahay. Maliit lang iyon at dalawa lang ang kwarto sa itaas kaya kaagad kaming natapos.
Tumawa ako at nagdesisyong ipagtimpla na lamang sila ng juice. Sabado ngayon at ang tatlo kong kaibigan, naisipang dito tumambay sa bahay na nilipatan ko. At basi sa laki ng mga bag na dala nila, walang dudang dito rin sila matutulog ngayong gabi.
"Oo, Gajo. Sigurado ako. Nakadown-payment na ako for six months." Saad ko dahilan para maarteng mapasinghap ang loka-loka.
Chona roamed her eyes around. She looked satisfied but ofcourse, may komento pa rin. "Maganda naman kaso maliit nga talaga."
"Yeah, I agree." Karen seconded while eating the cake they brought. Nanatili namang nakasimangot si Gajo sa harapan ko, nakapangalumbaba sa mesa. Ngumiti ako at nilagyan nalang ng juice ang baso niya.
"Stop smiling bruha, hindi nakakatuwa." Pagalit niyang sermon sa akin bago uminom at umirap. Nilagyan ko rin ng juice ang baso ng dalawa bago ako umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Karen.
"Kung ayaw mo kina Gajo, doon ka na lang kaya muna sa amin? I'm sure Papa won't mind. Palagi rin 'yong wala eh. Kami lang ng dalawang kapatid ko ang tao sa bahay." Suhestiyon ni Chona.
"Or, sa bahay. Pwedi rin, Misty." Si Karen naman na sinabayan pa ng pagtango.
I smiled. It was overwhelming that their care for me is too much but I don't wanna risk it. Lalo na dahil sa mga nakalipas na araw, ramdam ko pa rin na parang may palaging nakasunod o nakamanman sa akin. "Salamat pero ayos na ako rito. Kilala niyo naman ako, di 'ba? I really wants to be independent as much as possible."
"Being independent doesn't always mean living alone!" Si Gajo.
I nodded. "Alam ko. I also know that you are all just worried about me but trust me, I can handle myself. And, I like it this way. So please, pagbigyan niyo na ako, okay?" I gave them an assuring smile before I started eating the chocolate cake on my plate.
Truth is, yes, I'm just scared. For them...
"Doc Jeremy!" Tawag ko sa lalaking dumaan. Kanina ko pa siya inaabangan dito sa basement parking ng ospital pero dahil sa pagkakalibang ko sa cellphone ay muntik ko na siyang di mapansin.
Tumigil ito at nilingon ako. Nagdesisyon akong mas lumapit dahil nakakahiya naman kung ako pa ang lalapitan gayung ako ang may kailangan sa kanya.
"Yes? What is it, Nurse Misty?" Marahang tanong niya. His gaze darted towards the paperbag in my hand for a moment before it goes back to my face. I saw him shifted his body a bit. Nakitaan ko ng kaunting ngisi sa labi pero baka guni-guni ko lang dahil kaagad rin namang nawala.
"Ah, ano kasi—" natigil ako nang magsalita siya.
"Malayo pa ang birthday ko at ganun din ang pasko pero, hindi ko tatanggihan kung may advance gift ka sa akin. Akin na, huwag ka nang mahiya pa." Naglahad siya ng kamay sa akin.
Napaawang ang bibig ko at medyo nakaramdam ng hiya. "Ah, hindi po ito regalo, Doc." Napakamot ako sa pisngi at alanganing napangiti habang sinasabi iyon.
Tumawa ito. His right cheek dimple showed because of it. "I know, just kidding." He winked at me.
Napahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Bahagya akong tumikhim bago sinabi ang totoong sadya sa paglapit ko sa kanya.
"Ahm, magtatanong lang po sana ako kung saan ko mahahanap si... Yovin. May isasauli po sana kasi ako sa kanya."
Doc Jeremy's forehead creased. "Yovin?" He asked like that name was very unfamiliar to him. Tapos tumawa siya pagkaraan ng ilang sandali, tila mayroong bagay na naalala. "Ah! Oo, si Yovin. Pasensiya na Nurse Misty ah? Medyo sabog kasi ako ngayon. By the way, pupuntahan mo? Ngayon na? Sigurado ka?" Sunod-sunod na tanong niya.
I smiled shyly. "Ngayon sana kasi pauwi na naman ako. Idadaan ko lang 'to." Tukoy ko sa paperbag na ang laman ay yung coat ni Yovin. Mag-iisang buwan na kasi iyon sa akin at hindi ko alam kung paano ko ibabalik. Isang buwan na rin simula nang itext ko si Yovin tungkol dito pero hindi ako nakatanggap ng tugon. Siguro masyado siyang busy o kaya naman baka nagpalit siya ng simcard? "Saan ko ba siya... pweding puntahan?"
"Ah, sa f-firm..."
Nangunot ang noo ko sa bahagyang pagkakataranta ni Doc Jeremy pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon.
"Firm? What's the address ba?"
Doc Jeremy chuckled. "A-Ako na lang ang magbibigay kung gusto mo." he negotiated.
Gusto ko sana iyon pero naalala kong may isa pa pala akong sadya. I need to ask for his bank account number! Sobrang dami na kasi ng utang ko sa lalaking iyon.
Napailing ako.
"Ah! Hindi na, ako na. Salamat na lang, Doc." Pagtanggi ko sa magandang offer niya sana.
"Then, ihahatid na lang kita sa firm. Is that okay?" He negotiated again. Ngumiti ako at pumayag na lang dahil sobrang nakakahiya talagang tumanggi. He sighed. Tunog problemado iyon at hindi ko alam kung bakit.
"Pwedi ba talaga akong pumunta roon?" Tanong ko nang hindi ko na napigilan ang kuryosidad ko. We're on our way to the firm when I asked about it.
"O-Oo naman, bakit hindi?" Now, he sounds troubled.
"Baka busy siya or something like... bawal ang bisita or anyone na hindi niya client?" I probed.
"Hindi 'yon," parang wala sa sariling sagot ni Doc Jeremy habang minamanipula ang cellphone niya and at the same time, nagmamaneho.
"Okay..." Sambit ko, hindi na nakipagtalo pa.
Maya-maya pa ay tumigil na kami sa tapat ng isang gusali. At base sa nakasulat na pangalan sa labas, kaagad kong napagtanto na iyon na 'yon.
Fortalejo and Villafuerte Law Offices.
So, abogado nga pala talaga siya?
"Nurse Misty," Doc Jeremy called my attention. Napabaling ako rito habang kinakalas ang suot na seatbelt. Ngayon ay maaliwalas na ang pagmumukha nito at hindi katulad kanina na parang problemado.
"I already texted him. Alam na niyang darating ka so, hindi na ako sasama." He explained in a lighter mood.
Wala naman akong sinabi na magpapasama ako hanggang sa loob ah?
"Ah, okay. Thanks," I answered, completely ignoring my other thoughts. Bumaba na ako at isang beses na kumaway kay Doc Jeremy bago nagdesisyong pumasok sa firm bitbit ang paperbag.
Dumiretso ako patungo sa receptionist na nakaantabay sa lobby pero bago pa man ako mas makalapit, tumunog na ang cellphone ko. Hudyat na mayroong tumatawag.
"Yes, Miss?" The receptionist attentively asked. Umiling ako at bahagyang umatras para sagutin ang tawag lalo na nang makitang si Tito Reymund iyon.
"H-Hello, Tito?"
"Misty, hija..." Tito chuckled from the other line. Ramdam ko ang agarang panunubig ng mga mata ko pagkarinig sa boses niya. I missed him so much! Ang huling tawag niya sa akin ay noong pasko pa dahil kadalasan ay nagtitext lang siya.
"Tito..." I am so happy. I don't know what to say. Hearing his chuckle somehow reminds me of my father.
"Where are you? Hindi pa ba tapos ang trabaho mo? I thought your out is six in the morning? It's almost nine, hija... And by the way, I'm here at your place. Kagagaling ko lang sa Singapore and I decided to pay you a visit. I bought you some pasalubongs. Asan ka ba ngayon?"
Hearing all of those from my uncle, kaagad akong nagdesisyong umuwi na at ipagpaliban na lang muna ang pagsasauli sa coat ni Yovin. Marami pa namang oras para sa bagay na iyon kumpara sa makasama ang kapamilya kong minsan ko lang makita.
"Hoy, ano? Wala ka bang new update diyan?" Pabulong na tanong sa akin ng malanding si Gajo habang papalabas kami ng ospital. Kakatapos lang ng duty namin at nagkasundo kaming sabay nang umuwi dahil iisa lang ang direksiyon ng uuwian namin samantalang naiwan pa sa loob sina Chona at Karen dahil may ibinilin pa sa kanila ang head nurse namin.
"Ang aga-aga Gajo, tumigil ka." Saway ko sa kanya.
He pouted. "Kahit ano wala ka talagang new update about him?"
"Wala na," tamad na sagot ko.
"Sus! Ang totoo!"
I glared at him. "Wala na nga, ang kulit!"
"Weh?"
"Totoo." I answered with sincerity. Siya naman ngayon ang napairap.
"Pero baka bukas, meron na." I smirked, thinking about my plan. Pupuntahan ko siya mamayang gabi dahil wala na naman akong pasok. Might as well treat him for dinner too, huh? Kakasweldo ko pa lang naman kaya may pera pa ako kung sakaling papayag siya.
I smiled when I remember the first time I stepped inside his law firm days ago. Parang katulad rin lang ng ngayon ang pakiramdam at ang kinaibahan lang, noong una kong pagpunta rito, umaga iyon at nakasuot pa ako ng nurse uniform samantalang gabi ngayon at nakacasual attire ako.
Isang fitted maong pants ang suot ko na pinaresan ng  kulay pink na  blouse. I am also wearing my white sneakers at nakalugay lang rin ang mahaba kong buhok. May nakasabit na sling bag sa balikat ko at bitbit ko naman sa kaliwang kamay ko ang paperbag.
"Yes, Ma'am? How may I help you?" Tanong sa akin ng receptionist pagkalapit ko. Napansin kong hindi na ito yung receptionist na nandito noong unang beses na pagpunta ko pero ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon.
Palakaibigan akong ngumiti. "Ah, kay Attorney Fortalejo po sana..."
Ngumiti rin pabalik sa akin ang receptionist. "May apointment po kayo Ma'am?"
Napawi ang ngiti ko. "Wala po eh,"
"Ganun po ba?"
"Opo..."
She manipulated something on the computer first before she turned back to me. Nakangiti pa rin siya. She looked more friendly and welcoming than the other receptionist I met here days ago.
"Ganito na lang po, Ma'am. Nasa third floor po yung office ni Attorney Fortalejo. Akyat na lang po kayo at nandoon din po dun yung secretary niya sa labas lang ng mismong office. You can ask her if Attorney isn't busy anymore. Tapos na rin po kasi yung office hours, may ilan lang na nag-overtime at baka ganoon din si Attorney kasi hindi pa naman po lumalabas mula pa kanina..." She explained.
I nodded. "Okay po, salamat."
Kaagad akong nagtungo sa elevator at pinindot ang tamang palapag at hindi nagtagal ay narating ko na ang 3rd floor. Mabilis ko namang nahanap kung nasaan ang opisina niya dahil sa pangalan niyang nakasulat sa bandang itaas ng pintuan ng pinakamalaking opisina roon.
Atty. Yovin Ephraim A. Fortalejo
Ang ganda naman ng pangalan. But anyway, where's the secretary? Bakit wala na rito sa labas? Kanino ako magtatanong nito?
Baka umuwi na?
I sighed.
Si Yovin kaya nakauwi na rin?
Napatitig ako sa pintuan ng opisina niya. Balik na lang siguro ako sa lunes? Or kapag may time na ulit ako?
'Yon na lang siguro ang gagawin ko.
Hahakbang na sana ako paalis nang makarinig ako ng kung anong ingay mula sa loob ng opisina ni Yovin. Dahil sa kuryosidad ay mas lumapit ako sa may pinto at mas naging klaro iyon sa pandinig ko. My eyes widened when I finally realized what is it.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na pihitin ang seradura. Nabuksan iyon at nagkaroon ng maliit sa siwang ang pinto. At mula roon ay nakita ko kung anong nangyayari sa loob.
Si Yovin ay kasalukuyang nakahilig sa sofa at mayroong babaeng nakapatong sa kandungan niya. They are kissing fervently while his hands are busy roaming around the woman's body. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang bawat halinghing ng babae sa tuwing bumababa ang mga halik ni Yovin patungo leeg niya. At ang pag-ungol niya at gigil na pagsabunot sa buhok ng magaling na abogado nang mas bumaba pa iyon sa dapat.
"Ah Yovin, shit..." the woman moaned loudly.
Aksidente kong naitulak ang pintuan dahilan para mas lumaki ang siwang sa pinto. Sa pagmamadali kong maibalik ito sa dating ayos ay nabitawan ko ang dalang paperbag. And it created a fucking sound kahit na hindi naman dapat dahil coat lang naman ang laman noon!
Kaagad ko itong pinulot.
Napatingin ako sa loob and to my horror, nakasabayan ko ang pag-angat ng tingin ni Yovin at nagtama ang mga mata namin!
I saw how his eyes widened in shock at halos tumilapon yung babae sa biglaang pagtulak niya. Halos magkumandahog siya sa pagtayo mula roon sa sofa pero tumalikod na ako. Tuluyan nang ginapangan ng labis na hiya dahil nakita ko pa talaga iyon at pagkadismaya sa kung ano.
I regret coming here! Sana pala hinayaan ko na lang iyong coat niya na mabulok sa bahay! I even planned on asking him to have dinner with me pero matapos kong makita iyon? HUWAG NA LANG! Busog na busog na naman siya kaya huwag na! I can eat alone! Pupunta ako sa pinakamahal na restaurant at iyong pinakamahal na course ang kakainin ko!
"Misty! Wait!" I heard him call my name pero hindi na ako lumingon pa at dumiretso na ako sa elevator.
Bahala siya sa buhay niya! Itong coat niya? Gagawin ko na lang na basahan sa bahay! Bwiset siya! At kung bakit ako naiinis ng sobra? Hindi ko alam!!!

Komento sa Aklat (2)

  • avatar
    Nin Nin

    Nice

    29/08/2022

      0
  • avatar
    Morales30Sherwin

    nice story

    20/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata