Baby

The sun was already setting when we arrived at Elgrecoza, particularly at his condo. Wala namang naging aberya at pansin ko rin ang dami ng mga bodyguards niyang nakahilera sa lobby habang naglalakad kami papasok kaya kahit papaano ay kampante ako.
"Two househelps from Casa Fortalejo will arrive tomorrow. For tonight, I'll just cook I guess? O gusto mo bang umorder na lang tayo sa labas?" Masuyong tanong ni Yovin pagkapasok namin sa condo niya. Kaagad akong naupo sa malambot na sofa at pinagmasdan ang interior design ng lugar. Mixed of gray and white colors, the whole place looked so simple yet extravagant. It's so obvious that the owner is a bachelor.
"I can cook . . ." Tipid na sinabi ko habang inililibot ang buong paningin. Yovin sat beside me and held my hand. Napatingin tuloy ako sa kanya. "What is it?"
Ngumiti siya at umiling. "Wala . . ."
Oh, he's just being clingy as usual, huh? Cute naman.
Tumango ako at humiga sa sofa. I used his lap as a pillow. Pumikit ako at ipinatong ang mga paa sa sofa. "I'll just take a nap. Gisingin mo ako kapag kailangan ko nang magluto." Mahinang sambit ko habang nararamdaman ang pagod mula sa naging biyahe  namin.
"You want to sleep? Sa kwarto ka na kaya?"
Umiling ako. Nakapikit pa rin. "Nah. I'm okay here. Iidlip lang naman ako."
He sighed and caressed my hair. "Okay."
Ngumiti ako at tuluyan nang nagpatangay sa antok at pagod. At nang magising, ay nasa loob na ng isang silid. I was about to panic but when I smelled the scent of the room, particularly the pillows and the comforter that was covering half of my body, I immediately calmed down. I realized that I'm inside his room. Kwarto ito ni Yovin kaya ayos lang.
Umahon ako at binago ang pagkakatali sa buhok. Bababa na sana ako ng kama para puntahan si Yovin sa baba nang bumukas ang pinto at iniluwa siya dala-dala ang isang tray ng pagkain. He immediately smiled when he saw that I'm already awake. May kinuha siyang bed table sa gilid at ipinatong sa kama. Doon niya inilagay ang pagkain na dala niya.
"I'm sorry. I don't have a heart to wake you up a while ago when you're already snoring like a baby. Kaya ako na lang ang nagluto."
"Excuse me? I don't snore!" Reklamo ko pero ngumisi lang siya. "Baka ikaw?"
Tumawa siya. Kumuha ako ng unan at umambang ipupukol sa kanya. Nagtaas siya ng kamay bilang pagsuko. I glared at him.
"Yeah. Baka ako nga talaga. Come on, let's eat now. Gutom na ako at siguradong gano'n din ang babe ko. After this, let's take a rest and sleep. Okay?"
Ngumuso ako. "Fine . . ."
Gano'n nga ang ginawa namin at pagkatapos ay diretso na sa pagtulog. Ni hindi na ako nakapagpalit ng damit dahil sa antok. Na siyang hindi ko maintindihan dahil natulog naman ako kanina pagdating namin, hindi ba?
And when morning came, I woke up feeling so dizzy that I want to throw up everything that I ate last night. Wala si Yovin sa tabi ko nang magising ako kaya kahit feeling ko matutumba ako anytime, dumiretso na ako sa banyo dahil ayaw ko namang madumihan ang kama niya.
Matapos kong magsuka ay kaagad akong naghilamos. Itinali ko rin ang buhok ko para hindi ako mainitan. Habang ginagawa iyon ay napatitig na lang ako sa repleksiyon ko sa salamin. I looked pale and sick. Wala naman akong lagnat kaya bakit . . .
My lips parted when I remembered something and realized it was the only reason why would I feel like this right now. I forgot about taking my pills when we were at Masbate! Iyon ang bagay na nakalimutan kong ipabili noon! At kung ganoon nga, may posibilidad na buntis ako ngayon!
Shit, am I really pregnant?
Napahawak ako sa tiyan ko. I don't know what to feel. Nasabi ko noon na ayaw ko pang magkaanak pero siguro kung nasa ibang sitwasyon kami, sa sitwasyong ligtas at walang problema at ganito nga ang nangyari, alam kong matutuwa pa rin ako ng lubos. Pero ngayong alam kong nasa sitwasyon kaming pwedi manganib ang buhay kahit anong oras, hindi ko mapigilang huwag mangamba at mapaisip na sana ay hindi totoong buntis ako. Na sana ay huwag muna akong magkaanak dahil ayokong madamay siya sa gulo. Ayokong mapahamak siya.
My tears fell when I realized how bad my situation is. Na kung buntis nga ako ay hindi ko man lang magawang maging masaya. Hindi naman sa ayaw kong magkaanak pero sana ay hindi muna ngayong masyado pang mapanganib ang lahat. My baby don't deserve this.
I bit my lower lip and wiped my tears. I know I need to calm down. I need to confirm everthing first. And then . . . I will tell Yovin about it, of course. At saka kami gagawa ng plano kung paano . . .
Napamura ako. Gaga kasi, hindi nag-iisip!
And then I sighed and tried my best to take everything lightly. Ayaw kong isipin ng anak ko na ayaw ko sa kanya. Hindi 'yon gano'n. Sadyang natatakot lang ako.
"Anak naman, gano'n ka ba ka excited na mameet si Mommy at Daddy? Hindi na ba talaga pweding mapostpone muna? Hmm? Let's say, next year na lang?"
Natawa ako. Pero nang makita ang sarili sa salamin ay muli na namang naiyak. Shit, buntis nga talaga yata ako. Damn this mood swings!
Yeah, this is my fault for being careless. Walang dapat sisihin kundi ako. My innocent baby is out of it, of course. Kaya wala talagang dapat sisihin kundi ako—
My thoughts were cut off when I heard a knock on the bathroom door.
"Misty? Are you in there?" Tawag ni Yovin mula sa labas.
Pagak akong natawa. Muntik ko nang makaligtaan. May isa pa palang dapat sisihin dito kasi hindi naman ako mabubuntis kong ako lang. Syempre, dalawa kaming gumawa kaya damay siya. At dahil ako naman ang magdadala nito ng siyam na buwan, pweding siya na lang din ang sisisihin ko mag-isa coz why not?
"Babe? Nandiyan ka ba—"
"Sandali!" I screamed, feeling irritated now. Ang aga-aga pa ang ingay-ingay na niya kaagad. Wala ba siyang magawa sa buhay niya? Ano? Iinisin niya ba talaga ako?
"Ah, okay. The breakfast is ready . . ." I heard him.
Napairap ako. Eh ano ngayon? Ano ngayon kung may agahan na Yovin Fortalejo? May magagawa ba 'yan sa sitwasyon ko ngayon? Ha? Meron ba? Wala!
I sighed and caressed my tummy. "Baby, hindi galit si Mommy, okay?"
Naiinis lang slight.
Nagsuklay ako at nag-ayos ng sarili bago lumabas ng banyo. Paglabas ko ay naabutan ko si Yovin na nakaupo sa kama at tila may malalim na iniisip. Umayos lang nang makitang naroon na ako. Kaagad siyang tumayo at lumapit. A small smile is now plastered on his lips.
I can't help but roll my eyes. At nagagawa niya pa talagang ngumiti, huh? How dare him!
"Oh, bakit ka nang-iirap? Anong nagawa ko?" Natatawang tanong niya sabay haplos sa siko ko. Muntik ko nang maiwaklit kamay niya kung hindi ko lang napigilan. "My babe looks grumpy. What happened?" Panunuyo niya at akmang hahalik nang umiwas ako.
I didn't mean it but there's something in him that I don't like right now.
"Gutom na ako. Kumain na tayo sa baba." Tanging sinabi ko na lang bago naglakad palabas ng kwarto. And it's already late when I realized that my tone sounded cold while telling him that. Kaagad akong nagsisi. Pero nang nilingon siya para humingi sana ng tawad, at nakita ang mukha niya, nairita na naman ako.
In the end, sa halip na makapagsorry ay nairapan ko pa tuloy siya.
"Woah, what did I do?" Manghang tanong niya habang nakasunod sa akin pababa.
Akala ko wala na akong mas ikaiinis pa sa kanya pero nang makita ang mga iniluto niyang pagkain, parang gusto ko na lang siyang isumpa! Mga normal na pagkain sa almusal naman iyon tulad ng eggs, hotdogs, bacon, and fried rice pero nakakainis dahil wala man lang akong magustuhan sa mga iyon!
I'm craving for something spicy right now at nakakainis na wala iyon sa mga niluto niya.
"What's the problem?" He asked when he noticed my fouler mood while I was busy checking the inside of his huge fridge. "Ayaw mo ba sa mga niluto ko? What do you want, then? Tell me and I'll cook it for you . . ." He said carefully. Mas lalo lang akong nairita.
"Wala. Ayos na. Ako na ang magluluto ng gusto ko. Kumain ka na ro'n." Pantataboy ko sa kanya dahil masyado na akong naaalibadbaran sa presensya niya. Can't he sit and eat there while letting me do what I want to do?
My face lit up when I saw a fresh package of chicken drumsticks. Kaagad ko iyong kinuha at nabura nga lang ang ngisi ko nang mapatingin kay Yovin na nagmamasid sa akin. He look confused and at the same time, sad.
Bigla na naman tuloy akong naguilty. Shit, bakit ko ba siya sinusungitan? Dahil lang buntis ako? Eh, hindi niya naman talaga kasalanan. Pareho naman naming ginusto ang mga nangyari sa amin. I loved everything about it. I love having sex with him. Wala akong pinagsisisihan sa mga iyon.
Gosh, damn this mood swings!
"Oh, fry it. I want it to be super spicy okay?" Utos sabay abot sa kanya no'ng supot. Tinanggap niya naman iyon pero nanatili pa ring nakamasid sa akin. Parang binabasa ako. "Ano? Ayaw mo?" Untag ko sa kanya. Naiinis na naman. Why so kupad, Yovin?
"I'll do it . . ." Sagot niya bago ako tinalikuran para gawin na nga ang iniutos ko. I sighed and crossed my arms. Gusto ko nang sabihin sa kanya ang palagay ko pero siguro mas mabuti kong makokompirma ko muna. Ayaw kong umasa siya tapos false alarm lang pala.
"I want it crispy, too. Okay?" Pahabol ko na utos.
"Alright." He answered right away.
Tinalikuran ko ang direksiyon niya at muling hinarap ang bukas na ref. Ano kayang pweding makain rito habang naghihintay na maluto niya fried chicken ko?
At nang walang makakuha ng interes ko ay isinara ko na lang iyon at nagtungo na kay Yovin na abala sa pagpiprito. I need to supervise him, you know. Lagot talaga siya sa akin kapag hindi crispy at maanghang 'yang pagkain ko mamaya.
Umupo ako sa isang stool at pinagmasdan siyang tahimik na nagpiprito. I couldn't help but let out a small sigh. Sobrang gwapo naman ng lalaking ito. Parang di bagay na sungitan. Parang di niya deserve na i-snob. But at the same time, nakakainis na masyado nga siyang gwapo. Dapat naging pangit na lang siya para wala akong kaagaw. Hays, nababaliw na yata ako.
"Sorry, gutom ka na ba? Saglit na lang 'to . . ."
"It's okay, I'll wait." Tipid na sagot ko habang patuloy siyang pinagmamasdan. I suddenly felt hot and uneasy after a couple of minutes of staring at his muscled arms. Napainom ako ng tubig at napaiwas ng tingin.
Hindi nagtagal ay natapos na nga siya. I can't help but smile when I saw how perfectly fried it was. Lumipat kami sa dining area at naupo siya sa kaharap ko na upuan. Nag-angat ako ng tingin at naabutan ko siyang nakamasid sa akin. He look relieved. Ngumiti ako sa kanya.
"Thank you!"
He smiled back. "Welcome. Kumain ka na . . ."
Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. It was indeed delicious and juicy. Crispy din at manghang. I smirked and gave him a thumbs up. "I like it, Yovin!"
Ngumiti lang siya at tahimik na sinalinan ng tubig ang baso ko. The fried chicken satisfied my craving a while ago. Pakiramdam ko ay nabura kaagad ang inis ko kay Yovin kanina. Maluha-luha ako habang maganang kumakain. God, this food is so yummy!
"You like it that much?"
Tumango ako habang ngumunguya.
"I'm happy, then."
"Pwedi bang mamayang tanghali ulit? Tapos mamayang dinner din?" Excited na tanong ko. At nang tumango siya ay mas lalo lang akong natuwa. Bumaba ako sa upuan ko at kaagad siyang sinugod ng yakap. And when he hugged me back, my tears immediately fell. Hindi ko na napigilan.
"Fuck, why are you crying?" Puno ng pag-aalalang tanong niya at sinubukang tingnan ako sa mukha pero hindi ako pumayag. Nanatili akong nakayakap sa kanya. Isiniksik ko ang buong mukha sa kanyang leeg at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "B-Babe, what is it? Hmm? Tell me . . ."
Umiling ako.
I badly want to tell him about it already. Pero ay gusto ko iyong sigurado na talaga ako na buntis nga ako. No, I am already sure that I am pregnant. Ang totoong gusto ko ay pruweba na maipapakita sa kanya.
I will ask someone later to buy me a PT. At saka ko sasabihin sa kanya pagkatapos.
"Mistyca, are you perhaps planning to break up with me?" Malamig na tanong niya pero ramdam ko pa rin ang kaakibat na kaba niyon sa kanya. I chuckled and wiped my tears. Bahagya akong lumayo para magkatinginan kami bago ko siya kunot-noong tiningnan.
"At saan mo naman napulot 'yan ha? Bakit ako makikipagbreak? Ano ako? Gaga?"
Hinuli niya ang dalawang kamay ko. Nanatili ang mga mata niya roon, ayaw na tingnan ako. "Then why are you acting this way? Hmm? Hindi mo ba alam na kanina pa ako kinakabahan? Pakiramdam ko, anumang oras ay makikipaghiwalay ka na sa akin. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit . . . Wala naman akong ginawa na ikagagalit mo. Wala naman—"
I leaned in and stopped him from talking too much by sealing his lips with a kiss. Dahan-dahan niyang binitawan ang mga kamay ko para hawakan ako sa baywang. Inilapat ko ang isang palad sa dibdib niya habang ang isa naman ay humawak sa panga niya para mahalikan siya ng maayos.
He immediately give in and kissed me back passionately.
Bumitiw ako at tinitigan siya sa mga mata. Confessing about my current condition is already at the tip of my tongue. Gustong-gusto ko nang sabihin sa kanya. Gustong-gusto ko nang malaman kung anong magiging reaksiyon niya.
Pero may parte sa kasulok-sulokan ng utak ko na nagsasabing huwag muna. Na hindi pa ito ang tamang oras. Na huwag muna akong magpadalus-dalos.
"I'm so inlove with you, Gabrielle Mistyca Romero. I can't wait to put my surname after your name. Mahal na mahal kita . . ."
"Mahal na mahal din kita, Yovin . . ." Buong pusong sagot ko at muli siyang hinalikan.
I can't wait to live a peaceful life with you . . . and our baby.

Komento sa Aklat (2)

  • avatar
    Nin Nin

    Nice

    29/08/2022

      0
  • avatar
    Morales30Sherwin

    nice story

    20/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata