XV

We decided to have our lunch in a restaurant just a few meters away from Fidel Rico Medical Hospital. I thought he would suggest the restaurant where he always order the foods he was giving me pero hindi naman na siya umangal pa ng sinabi kong gusto ko ay sa malapit lang kami dahil kailangan kong bumalik sa ospital before mag-alauna.
"Anong oras ba ang tapos ng trabaho mo mamaya?" He curiously asked while busy slicing the roasted chicken into bite sizes. At nang matapos ay kaagad na inilipat sa pinggan ko.
Napanguso ako. "Ahm, 2 PM."
Tumango-tango siya bago nagslice ng para sa kanya. Hindi muna ako kumain at pinagmasdan lang siya sa ginagawa hanggang sa marinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"May gusto ka bang sabihin?" He probed which made me cough enumerable times. Kaagad niya naman akong inabutan ng tubig. Napaiwas ako ng tingin pagkatapos kong uminom. I tried to start eating but his stares are making me uncomfortable.
"W-Wala naman." Pagsisinungaling ko.
"Sigurado ka?"
I glared at him. "Oo!"
Tumawa siya at bahagyang sumandal sa sandalan ng upuan niya. Umiling ako at inabala na lang ang sarili sa pagkain. Ang hirap. Kailangan kong humanap ng magandang tiyempo para simulan ang ipinapagawa sa akin. Pero habang mas tumatagal, parang mas naduduwag ako. Parang mas gusto kong sumuway na lang. Parang mas gusto kong maging makasarili na lang.
"You seems awkward. Is there anything that's bothering you?"
I shook my head and lied again. "W-Wala."
"Kung meron, sabihin mo sa akin. Para matulungan kita."
Tumango ako at pilit na ngumiti. Ako naman ngayon ang nagtanong. "May... gagawin ka ba mamaya?"
"Anong oras?" Even though he tried to mask it up, his excitement is still so obvious.
"Mga six..."
Nagpanggap pa siyang nag-iisip kahit halata namang kahit may gagawin siya mamaya ay ipagbubukas niya makasama lang sa lakad ko. "Wala, bakit?"
"Let's meet. Gusto kong mamasyal mamaya." Sagot ko sabay iwas ng tingin. Inabala ko ang sarili sa paglalagay ng sauce sa ibabaw ng mga hiniwa niyang grilled chicken sa pinggan ko.
"Are you finally asking me for date? Hmm?" Ramdam ko ang ngisi niya kahit hindi ako nakatingin sa kanya.
"Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin."
"How cold!" Natatawang sinabi niya. "Ganiyan talaga yung mga tipo ko. Yung mga babaeng cold, mataray, at masungit minsan. Tapos mahaba ang buhok, payat, maputi, at nurse sa Fidel Rico."
Napairap na lang ako dahil nagsisimula na naman siya.
"Ano may pupuntahan ka na naman mamaya, Gabrielle Mistyca?!" Paghihisterya ni Gajo nang sinabi kong may lakad ako mamayang hapon at hindi ako makakasama sa plano nilang panunuod ng sine. "Ano 'yan ha? May date ka? Sino? Bakit di kami informed? Kaloka!"
"Sayang, magbabar pa naman sana tayo after ng dinner! Hindi ka talaga makakasama?" Si Karen na akala mo ay makoconvince niya ako kapag binanggit niya ang tungkol sa bar.
"Gaga ka! Mas lalong hindi sasama 'yan! Ingrata!" Si Gajo sabay hila kunwari sa buhok niya.
Natawa na lamang ako. "Pasensiya na talaga guys. Next time, baka makasama na ako."
"Anong baka?! Sumama ka na talaga dahil kung hindi, ay naku! Makakalbo kita!" Si Gajo na exaggerated na ang kunwaring pagdadabog. Muntik pang mabasa ng alcohol ang mga papers na nakapatong sa mesa ni Karen.
"Ay, depungal ka!" Karen cursed him.
Sa huli ay nagsitawanan na lamang kaming tatlo bago naghiwa-hiwalay para mag-rounds.
Katatapos ko lang sa panghuling pasyente na binisita ko para painumin ng gamot nang bigla na lamang may pasyente na humarang sa akin sa corridor.
Kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makitang ang spoiled brat iyon na lalaki, tulak-tulak ang stand kung saan nakasabit ang blood bag ng dugong isinasalin sa kanya.
"Anong ginagawa mo? Bakit nandito ka sa labas?" Istriktong tanong ko pero umirap lang ito at walang habas akong nilampasan. He even purposedly bump his shoulder against mine in a rude way.
Aba!
At dahil nakakairita ang pag-uugali niya, imbes na sundan at pilitin siyang bumalik sa kwarto niya ay hindi ko ginawa. Bahala siya sa buhay niya!
Nakailang hakbang pa lang ako palayo nang marinig ko siyang magsalita. "Ano? Hindi mo ako pipigilan?" Tila nanghahamong tanong niya.
I sighed. Pilit kong pinakalma ang sarili bago siya mahinahong nilapitan. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang itinatago niyang ngisi nang makitang wala akong nagawa kundi ang lumapit sa kanya.
At himalang hindi na siya nag-inarte pa nang inalalayan ko siya pabalik sa kwarto niya.
"Anong oras ka raw pweding kumain?" Wala sa sariling tanong ko habang inaalalayan siyang makaupo sa kama niya.
"Ewan, malay ko. Baka bukas pa." He shrugged like it was nothing. Akala mo ay hindi halos magwala kaninang umaga.
Tumango ako.
Pinabuksan niya ang TV sa harap na kaagad ko namang ginawa ng walang imik kahit na medyo naiirita ako sa kanya. I was planning to put the channel on HBO but stopped when I heard him groaned in disapproval.
"Ayaw ko niyan,"
I sighed and switched the channel on Fox movies. Ganoon pa rin. Ayaw niya pa rin daw doon.
"Ano bang gusto mo?" Tanong ko, konti na lang ay maibabato ko na sa kanya ang hawak na remote.
Ewan ko ba. It was my first time feeling this too much irritation towards a patient. To the point na parang gusto ko nang manakal.
"Cartoon Network." Prenteng sagot niya sabay halukipkip. Muntik ko nang mabitawan ang hawak na remote sa pagkamangha at gulat. What the hell? This guy is so, so childish!
And yes, his bratty attitude is not helping!
The smell of the newly cooked street foods invaded my sense of smell the moment I stepped outside the taxi. It was still five in the afternoon pero dahil sobrang nakakabagot sa bahay ay nagpasya akong mauna na sa lugar kung saan kami magkikita ni Yovin.
Tumambad sa akin ang hilera ng iba't-ibang klase ng street foods sa malawak na kalsada na siyang hangganan ng Elgrecoza bago makarating sa La Nuevo.
The place is too lively. Halos karamihan sa mga naroon ay mga estudyante mula sa kalapit na highschool at ang iba naman ay mga taga-ibang lugar  na napadaan at sinadyang tumigil para kumain muna ng mga barbeque at ng kung ano-ano pa.
Mula sa kalsada ay mayroong maliit na sementong hagdanan pababa sa baybayin ng kaharap na dagat. Napangiti ako at matapos bumili ng softdrinks at isaw ay hindi na ako nag-atubili pang bumaba sa dalampasigan. Kaagad akong pumwesto sa ibabaw ng isang bato na hindi na masyadong naaabot ng alon.
Wearing my light pink hoodie jacket, black leggings, and my white rubber shoes, I am so much comfortable sitting on top of the smooth rock even though the wind is a bit rough and chilling.
At dahil maulap ang kalangitan, mukhang imposibleng matunghayan ko ngayon ang paglubog ng araw na siyang balak ko pa naman sanang makita sa lugar na ito.
Bago ako nagpunta rito, naitext ko na kay Yovin kung saan kami magkikita. At tama ngang ginawa ko na iyon dahil wala palang signal sa lugar na ito.
I opened my cellphone's camera and took some selfies when I finished eating. Kinunan ko rin ng litrato ang tuhod pababa sa sapatos ko, ang along sumasalpok sa bandang paanan ko, at ang makulimlim na kalangitan sa itaas. Pati ang stick ng isaw, may maging subject lang.
Malapit nang dumilim kaya siguradong parating na si Yovin. Well, ofcourse, maliban na lang kung hindi niya alam ang lugar na ito na siyang malabong mangyari.
I was so engrossed of what I was doing when I heard a click and a sudden flash of brightness attacked me. Napaangat ako ng tingin at muling may liwanag na tumama sa akin pagkatapos ng mabilis na pagclick.
My forehead creased. Balak na sanang singhalan ang sinumang kumag na nagnanakaw ng litrato sa akin pero natigil nang maaninag kung sino iyon.
My heart leaped at the sight of the man who's standing just a few feet away from me. And even just wearing a plain white shirt, and a black khaki shorts, he still looks so pleasingly ethereal.
Yovin chuckled when he saw that I already noticed his presence. Idagdag pa na nahuli ko siyang kinukunan ako ng litrato.
Sinong hindi mahuhuli, e, nakaflash ang camera?
"Kanina ka pa?" Tanong ko habang bumababa mula sa kinauupuang bato. Lumapit pa siya lalo para siguro ay alalayan ako pero tuluyan na akong tumalon papunta sa buhanginan bago niya pa man ako mahawakan. Bahagya niya akong sinimangutan dahil sa ginawa ko pero nginisian ko lang siya.
"Kararating ko lang," sagot niya sa tanong ko. Tumango-tango ako bago itinuon sa malawak na dagat ang atensiyon. Nang sinilip ko siya ay nakatingin rin siya sa dagat at bago pa man ako makapag-iwas ulit ng tingin ay nahuli na niya ako.
"Gusto mong kumain ng barbeque? Libre kita," alok ko sa kanya at maglalakad na sana patungo sa direksiyon ng mga nagbebenta sa tabi ng kalsada nang bigla siyang magsalita.
"Dito lang muna tayo."
"Okay," I breathed heavily. What now, Mistyca? Hmm? Paano ka magsisimula? Bakit parang ang dali lang isipin kahapon tapos ngayong nandito na, ang hirap pala?
"Austin's birthday is coming. You're invited." He drawled while watching the horizon infront of us. Ang mga kamay niya ay nasa bulsa, pansin kong hilig niya ang ganoon kapag ganitong nag-uusap kami at nakatayo.
"Kailan ba?"
"Next month, September 19."
Bahagya kong sinipa ang isang maliit na bato patungo sa tubig bago ako sumagot. "Sige, pupunta ako."
"Dapat lang," he answered in a playful tone.
Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakas-loob na simulan ang plano. Mula sa bulsa ng suot na jacket ay kinuha ko ang cellphone ko. I manipulated it for a few seconds hanggang sa napadpad ako sa isang album ng mga pictures ng pinsan kong si Aubrey.
Lumapit ako kay Yovin at ipinakita iyon. Agaran ang pagsasalubong ng mga kilay niya samantalang todo plaster naman ako ng ngiti sa mga labi ko.
"She's beautiful, right?" Panimula ko habang mabagal na siniswipe patungo sa iba pang pictures ang bawat larawan ni Aubrey. Natigil nga lang nang mapansin kong wala naman sa pictures ang atensiyon ni Yovin kundi nasa akin na at sobrang sama na ng tingin sa akin!
"What the hell are you doing, Gabrielle Mistyca?"
"This is Aubrey. My cousin. She's pretty, right? Mukhang bagay kayong dalawa. What do you think?"
Kita ko ang pagguhit lalo ng iritasyon sa mga mata niya. He crouched a bit, his jaw clenching. "Anong pinagsasabi mo?"
"Uh—" Bago pa ako makaisip ng isasagot ay naunahan na niya ako. Mariin niyang hinawakan ang palapulsuhan ng kamay kong may hawak sa cellphone.
"Kung sino man iyan, hindi ako interesado. At alam ko na alam mo kung bakit." Mariin niyang sinabi bago ako binitawan.
Bigla akong natakot kahit na may sayang pilit na sumisilip sa puso ko. Natatakot ako sa magiging reaksiyon ni Lola kapag nabigo ko siya sa bagay na hinihingi niya sa akin.
"Aubrey likes you—"
"I don't like her." Putol niya sa akin. Napasinghap ako at napailing ng ilang beses. The intensity of his eyes are telling me that he doesn't want any of these bullshits.
"Pero baka magustuhan mo siya kung susubukan mong—"
"Hindi ko gagawin." Pinal na sambit niya bago ako tinalikuran. My eyes widened when I realized that instead of hearing me out first, he chose to walk away and leave me!
So desperate to stop him, mabilis ko siyang hinabol at hinawakan sa braso mapatigil lang sa pag-alis. "Makinig ka muna." I pleaded.
Bumuntong-hininga siya at tumigil pero binawi niya sa akin ang braso niya. He looked hurt, and damn disappointed at me while waiting for my explanation.
Nang walang salitang lumabas sa bibig ko ay siya na mismo ang nagsalita. "Alam mong ikaw ang gusto ko, hindi ba? Kaya bakit mo pa naisip na magkakainteres ako sa babaeng 'yan gayung nanliligaw ako sa 'yo?"
"She likes you..."
He cursed at that. Parang mas lalo lang siyang nainis.
"How about you?" Diretsong tanong niya at mas inilapit ang sarili sa akin. "Hindi mo ako gusto, kaya, ipinamimigay mo?"
Napailing ako. "Hindi naman sa ganoon—"
"Then, do you like me now?" His voice became lower than usual that it almost sounded like a freaking seductive whisper. I tried to step back but he stopped me by snaking his arm around my waist. "Oo o hindi lang ang pweding isagot, Misty."
My heart hammered inside my chest. Sa lakas ay natatakot akong baka marinig na niya ang kalabog ng dibdib ko.
"Sumagot ka." He said in a domineering way.
Umiling ako at buong-puso siyang itinulak bago sinambit ang isang kasinungalingang sana lang ay hindi ko pagsisihan sa huli. "I'm sorry but I like someone else. Hindi kita gusto."
I am expecting him to falter even just for a little bit but it didn't happen. Sa halip ay ngumisi siya at muling lumapit sa akin. Parang gamo-gamong walang kadala-dala. "I don't believe you, so stop it already."
Natahimik ako.
All I could do was to glare at him. Ilang minuto pa kaming nagsukatan ng tingin hanggang sa biglang bumuhos ang ulan. Kung minamalas ka nga naman!
Kaagad niyang hinuli ang kamay ko at bago pa man ako makapagprotesta ay patakbo na niya akong nahila paalis doon. At hindi nagtagal ay kapwa na kami nasa loob ng kotse niya. Habol ang paghinga dahil sa ginawang pagtakbo huwag lang mabasa ng tuluyan.
"Hindi ko na problema kung ayaw mo akong paniwalaan. Pero sigurado ako." Maya-maya ay sambit ko habang nakatunghay sa labas ng bintana ng kotse niya.
"Gusto mo ako." He stated, sounding so certain.
"Hindi." Sagot ko sa malamig na tinig. Hindi ako makapaniwala sa nag-uumapaw niyang confidence! Yes, he's rich, handsome, and intelligent! Marami ring nagkakandarapa sa kanya! Pero—
Oh shut up, Misty! Stop with your damn excuses when in the first place, you already knew that he's right about you liking him! Gusto mo siya!
"Are you sure?" He asked with a glint of mockery.
I gritted my teeth, now feeling annoyed. "Yes!"
"You don't have any evidence to sustain your claim. How can you prove yourself that you're not guilty?" Tanong niya na para bang nakagawa ako ng isang krimen at kasalukuyan akong nililitis sa korte.
Gigil ko siyang hinarap. Naabutan ko siyang hinuhubad ang suot na tshirt dahil sobrang nabasa talaga siya kumpara sa akin. Imbes kasi na pumasok na sa driver's seat ay pinagbuksan niya pa muna ako ng pinto kanina bago siya umikot at pumasok.
My eyes fell into his well-sculptured body; chiseled chest, smoking hot six-pack-abs, and his strong veiny arms but I immediately looked up when I heard him let out a sexy chuckle. "Eyes up before you commit another crime, Miss Romero."
Sinimangutan ko siya. "I don't like you." I said, now with lesser conviction.
"Can you prove it babe? Hmm?" Tila nanghihipnotismong tanong niya. My lips parted. Hindi ko na alam kung paano siya kukumbinsihin sa tono niyang mas lalong naging malambing at marahan.
"P-Paano?" Nawala na yata ako sa katinuan.
His eyes fell on my slightly parted lips. "Come closer."
Like a hopeless slave in his bidding, ginawa ko ang utos niya. Wala sa sariling kinalas ko ang pagkakakabit ng seatbelt ko bago ko inilapit ang katawan sa kanya. He then inched our gap by leaning towards me, too. His hand caressing my cheek while the other one is on my waist now.
"What was your claim again?" Bulong niya, ang mainit at mabangong hininga ay kasalukuyan nang tumatama sa mukha ko.
Napapikit ako.
"Gusto kong marinig ulit. Dahil ito na ang huling beses na sasabihin mo iyon." He was like a villain casting a curse on me and I am damn accepting it with wide open arms.
"I don't... like y-you. I like someone else..." I said it like a prayer, asking for a miracle to happen right now. Iminulat ko ang aking mga mata at naabutan ang nakakatupok niyang titig sa akin.
"Is that so?" Patuyang tanong niya. "Then, don't you dare kiss back. Dahil sa oras na gumanti ka ng halik, hinding-hindi ka na makakalaya pa mula sa akin." He said in a warning tone as he crouched to kiss me deeply before I could even manage to process his words.
Kaagad akong napapikit at nagpaubaya sa mga halik niyang tila binibigyan ako ng leksiyon. Nagpaparusa at ayaw akong bigyan ng pagkakataong maisalba ang sarili sa nalalapit na pagkalunod.
Every flick of his sinful tongue inside my mouth is making my head spin. Making me forget everything that really matters to me. At sa bawat pagpipigil ko sa sarili na huwag madala ay mas lalo lamang akong natutukso. Mas lalong nahuhumaling sa bagay na kasalukuyan niyang ipinaparamdam sa akin.
Slowly and unconsciously, I let my arms snaked around his nape. Ramdam ko ang biglaang pagdiin ng pagkakahawak niya sa baywang ko pero wala na akong pakialam pa.
I slightly moved my lips into his rhythm, mimicking his way of tasting it a while ago. Giving back the fire he successfully lit up on me without so much effort. His kisses grew wilder and I did everything to keep up. I let my tongue swirled in the insides of his mouth, tracing each corner with so much passion.
He groaned a bit. A small moan escaped on my lips when his tongue erotically played with mine.
He then stopped to break our fiery kisses. Both panting, we stared at each other's eyes for a moment before he spoke in his calm yet intimidating voice. Sobrang namumungay na ang mga mata at walang dudang ganoon din ang akin.
"We are exclusively for each other. No more thinking of pairing me up with someone else. Do you understand?"
Napayuko ako. I licked my lower lip and without thinking deeper, I nodded weakly. I heard him sighed at my silent response. Iniangat niya ang baba ko at muli akong pinatakan ng isang mabilis na halik sa mga labi.

Komento sa Aklat (2)

  • avatar
    Nin Nin

    Nice

    29/08/2022

      0
  • avatar
    Morales30Sherwin

    nice story

    20/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata