X

"Yey! Simula sa Lunes pang-umaga na ulit tayo!" Si Chona sabay yugyog sa balikat ko. Kulang na lang ay magtatalon sa tuwa. Kabaliktaran sa nararamdaman ko ngayon.
Every three months, there's a change in the shift patterns. Dahil eight hours lang ang pasok namin kada araw, sa loob ng isang araw ay may tatlong batch ng nurses na magsasalitan ng working schedules. First batch, from 6:00 AM to 2:00 PM. Second batch, from 2:00 PM to 10:00 PM. And then the third batch, including me and my friends, from 10:00 PM to 6:00 AM.
"Kaya mo naman kayang gumising ng maaga?" Hamon ni Gajo na kahit abala sa harap ng computer ay nagagawa pa ring makipag-asaran. Samantalang si Karen ay ilang beses nang naidlip kanina sa sobrang antok at kung hindi pa bumili ng kape sa cafeteria ay baka tuluyan nang nahimbing sa pagtulog.
"Oo naman! Kung gusto mo pati ikaw gisingin ko e!"
"Sige nga, subukan mo nga sa Lunes!"
Tumayo ako at kinuha na ang foldable clipboard kung saan nakalagay ang ilang clinical sheets ng mga pasyente ko. Ang isang itim na ballpen ay nakaipit na rin doon.
"Saan ka?" Si Gajo nang makita ang pagtayo ko.
"Magra-rounds lang,"
"Na naman?" Si Chona.
I looked away and didn't answer. Gajo sighed while Karen remained silent on her seat. Nagpatuloy ako sa pag-alis at hindi na nagsalita pa.
"Hayaan niyo siya..." Narinig ko si Gajo bago pa man ako makalabas ng Nurse's Station. Sa kanilang tatlo ay siya pa lang ang napagsabihan ko ng tungkol sa pasyente kong si Kevin matapos niya akong makitang umiiyak noong araw na nagkausap kami ng bata.
Death is inevitable. Alam ko. At isa lang din ang sigurado... Masasaktan ang mga naiwan ng kahit sino pang namatay. Kahit sabihin pang kalaunan ay matatanggap din ang nangyari, hindi no'n tuluyang mapapawi lahat ng sakit na naidulot ng ganoong pangyayari.
Maybe some will say I'm too weak for this kind of profession. Na madali akong maapektuhan ng mga bagay-bagay. Na kapag may namatay sa pasyente ko, pati ako ay magdadalamhati. But what should I do? Ganoon na talaga ako. As a nurse, my main goal is to save lives. And a death of a patient, will always gonna give me bruises in my part. Will always make me think, as a nurse, nagkulang ba ako? Saan?
I know it's not healthy anymore. I also know that I can't save all people. I can't stop death from coming to them. Hindi ko hawak ang mga buhay nila. Na kahit anong gawin ko, kapag oras na nila, oras na nila.
Kaya minsan, napapaisip na lang ako. Is this the trauma of what happened in my past? Ito ba 'yon? Or I was just being too sentimental?
Nagtungo ako sa kwarto ni Kevin. Naabutan ko itong tahimik na naglalaro ng rubik's cube at ang ina sa tabi nito'y nakatulog na sa pagbabantay. Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. Mag-aalas kwatro na ng madaling-araw kaya hindi ako makapaniwalang gising pa siya.
"Hi, Kevin." Bati ko sa kanya nang makalapit.
He's wearing a dark blue bonnet to cover his almost bald head and a usual hospital gown. Kahit medyo maputla ay nagawa niya pa rin akong bigyan ng isang matamis na ngiti na hindi ko magawang suklian kahit na anong pilit ko. I just... can't.
"Hello po," he greeted back happily.
Naupo ako sa maliit na espasyo sa gilid niya. Kaagad niya namang inilapag ang laruan para ibigay ang buong atensiyon sa akin.
"Bakit gising ka pa?" I asked gently.
He wrinkled his nose. A small smirked played on his pale lips. "I just woke up when you came... What a coincidence, right?"
Tumango ako. Kahit sigurado akong hindi pa siya natutulog. The dark area under his eyes are telling me that he was having a hard time in sleeping.
"Right," I said with indulgence.
Ilang segundo muna akong pinagmasdan ni Kevin bago ito muling nagsalita. "Why are you sad, Nurse Ganda?"
Saglit akong natigilan. Umiling ako at pilit na ngumiti nang makabawi. "No, I'm not. Don't mind me, Kev."
He narrowed his eyes on me. "You can't lie to me."
Bahagya akong natawa at namangha dahil... alam niya na malungkot ako. Alam niya rin kaya kung bakit?
"Nagbreak kayo ng boyfriend mo? Sinaktan ka? Tell him I'll punch him on Monday!"
I poked his cheek using my forefinger. This kid is so sweet. And this painful world doesn't deserve him maybe that's why his life was destined to be short. Oo, yun na lang ang iisipin ko para hindi na gaanong maging masakit kapag dumating ang nakatakdang oras.
"I don't have a boyfriend, you silly..."
"Oh..." Tumawa siya.
I chuckled. "I will bring toys on Monday. Maglalaro tayo, okay?" I changed the topic. Kevin smiled more. I know he missed playing toys so much. "Kapag hindi busy sina Nurse Gajo, Chona, at Karen, isasali natin sila." Dagdag ko pa na mas lalong nagpaliwanag sa mukha niya. Habang ang puso ko naman ay parang tinutusok ng maraming karayom.
"Anong oras tayo maglalaro?" he asked innocently. Hindi nakatakas ang excitement sa boses niya.
"Mga 8:00 AM, pagkatapos mong kumain at uminom ng mga gamot." Sagot ko sabay haplos sa pisngi niya. Bahagya siyang napapikit dahil doon pero kaagad ring nagdilat para salubungin ang mga mata ko.
"Okay. Promise?" Paninigurado niya.
I smiled with outmost sincerity. "I promise,"
Kaagad akong umuwi pagkatapos ng trabaho. Niyaya pa ako nina Gajo na sa labas na kumain ng breakfast pero tumanggi ako at nagdahilan na lang na masama ang pakiramdam. Pero ang totoo ay gusto kong mapag-isa na lang muna. I want to breathe and forget everything even just for a moment. Gusto kong mag-isip at... ihanda ang sarili ko...
"Nagluto ako ng kare-kare, hija. Hatiran kita, gusto mo? O nakapag-agahan ka na?"
Maingat kong isinarado ang gate bago ko binalingan si Manang Azon. Morena ito at kulot ang nagsisimula nang pumuti na buhok. Siguro ay nasa late 50's na siya. Sabi niya ay mag-isa na lang siya sa bahay niya dahil pumanaw na ang asawa noong nakaraang taon at lahat ng mga anak niya ay bumukod na rin ng tirahan matapos mag-asawa.
"Nakakahiya naman po—"
"Marami iyon at siguradong hindi ko mauubos. Kaya ibibigay ko na lang sayo yung iba..."
Nakakahiyang tumanggi at eksaktong paborito ko rin yung inaalok niya. Ngumiti ako nang makaramdam ng paghilab ng sikmura. Gosh, I'm suddenly craving for kare-kare! Aarte pa ba ako?
"Ah, sige po. Salamat!"
Manang Azon looks pleased with my answer. Ngumiti ito lalo bago napalitan ang ekspresiyon ng bahagyang kuryosidad. "Siya nga pala, kanina may nagpunta rito..."
"Si Yovin po?"
"Yung boyfriend mo? Hindi, hija. Babae ang nakausap ko kanina..."
Napaayos ako ng tayo. Hindi ko alam kung alin ang uunahin kong iproseso. Yung napagkamalan niyang boyfriend ko si Yovin o yung may babaeng naghahanap sa akin kanina.
"Mga alas singko yata kanina noong dumating yung babae. Mukhang mayaman hija, nakakotse e."
I mentally take note of that.
Tingnan mo nga naman. Mukhang may iba pa yatang babae ang magaling na abogado at balak pa akong sugurin dito.
Ramdam ko ang biglaang pag-init ng ulo ko pero hindi ko na ipinahalata pa kay Manang Azon. I politely excused myself after that before I entered the house. Naligo ako at nagbihis bago tumihaya sa kama para matulog. Ni hindi ko na naisipan pang icharge ang cellphone ko na kanina pa dead bat sa hospital matapos kong ipahiram kay Kevin dahil gusto niya raw maglaro ng online games.
Bahala na... I just want to sleep for now. Mamaya na ako magchacharge pagkagising ko.
Until I heard a disturbing knock. Napaahon ako dahil doon. Kakaidlip ko pa lang at may gumising na kaagad sa akin! Is it Manang Azon? Baka hinatid na yung ulam? Fine... don't be mad Misty.
Tuluyan na akong bumaba nang makarinig na ako ng kaluskos sa kusina kahit na pakiramdam ko ay hinihila na talaga ako ng antok. Nabitin nga lang sa ere ang paghikab ko nang makitang nandoon si Yovin, kasalukuyang inilalapag sa mesa ang maliit na kaserola.
"Nagising ba kita? I'm sorry..." Patiuna niya bago marahang naglakad papalapit sa akin. My heart skipped a beat when I saw him nearing me with a small smile on his lips. Napahakbang ako paatras ng isang beses at hindi ko alam bakit ko ginawa iyon.
His eyes narrowed at my sudden move but he continued walking towards my direction. Napaatras ulit ako hanggang nasa may paanan na ako ng hagdanan. Tumigil siya sa paglapit. Nagkaroon naman ako ng pagkakataong masuri siya.
He's wearing a white dress shirt and a black slacks. May suot rin siyang necktie ngayon at halatang bagong pagupit ang lolo niyo. At halata ring papunta pa lang siya sa trabaho! So anong ginagawa niya ngayon dito? Ipinalipat niya na ba rito opisina niya nang hindi ko nalalaman?
"What's the matter?"
"H-Huh?" Takang tanong ko pabalik.
His forehead creased. Pinaningkitan niya rin ako ng mga mata. He then inserted his hands on his pockets while glaring at me. Bwesit, kailan pa siya naging ganito kagwapo sa paningin ko?
"A-Anong ginagawa mo rito?"
"You're avoiding me."
Halos magkasabay pa kami nang sinabi iyon. Napabuntong-hininga siya samantalang nanlaki naman sa gulat ang mga mata ko. Ano raw? Iniiwasan ko siya? At bakit ko naman gagawin iyon?
At dahil parang wala talaga siyang balak na sagutin ang tanong ko, ako na ang nagsalita.
"Hindi kita iniiwasan, ano ka ba..."
He raised a brow. "Really? Then why weren't you replying to my texts last night? Kanina rin tumatawag ako, di mo sinasagot. And a while ago, you keep on damn stepping back when I just wanted to come near you."
I chuckled a bit to brush away my nervousness. "Ah, ano, gusto ko rito sa may hagdan habang nag-uusap tayo para magkasing-height tayong dalawa." Walang kwentang palusot ko sa kanya, tuluyan nang inignora ang mga iba niya pang sinabi.
Pero dahil hindi nga naman kapani-paniwala ang rason ko at magmumukha lang akong tanga kapag nagpatuloy ako, nagdesisyon akong bumaba na at lapitan ang dala niyang pagkain sa mesa.
"What's this?" Imbes na buksan iyon, nilingon ko siya para tanungin.
"Bigay ni Manang Azon," naglakad siya papunta sa akin. And I did my best to stay calm.
"Ah, the kare-kare?"
"Yeah..."
"Uh, okay..."
He pursed his lips. Ngumisi ako at umalis doon para kumuha ng kanin. Akala ko pupunain na naman niya pero wala siyang sinabi. Sa halip ay kumuha siya ng pinggan at mga kubyertos. Isinunod niya ang isang pitsel ng tubig at dalawang baso.
"Ahm, bakit ka pala nandito?"
He gave me a side glance before he continued arranging the table. Napansin ko rin ang pagsimangot niya na para bang maling nagtanong pa ako.
Lumapit ako at inilapag na ang isang bandehadong kanin sa gitna matapos ko itong initin saglit. Ni hindi ako sigurado kung kakain din ba siya pero dahil dalawang plato naman ang kinuha niya, baka ganoon na nga ang mangyayari.
"I want to see you..."
"Huh? Bakit naman?!" halos mabigla ako.
He glared at me.
"I'm courting you, in case you forgot about it."
I chuckled again. "Ah, oo nga pala..."
"Funny," he commented with sarcasm.
Napanguso ako at naupo na.  Umupo naman siya sa kaharap kong upuan kahit na mukhang iritado pa rin. He then sighed after a while. His expression softened a bit after that.
Inabot niya ang lalagyan ng kanin at naunang lagyan ang pinggan ko. Pagkatapos ay saka pa lang ang sa kanya.
"Hindi ka pa nakakain?" I asked curiously. Kumuha ako ng ulam at inilagay sa pinggan ko. At dahil mabait ako, nilagyan ko rin ang kanya.
"I'm done but I want to eat with you that's why I'll eat again."
"You invited yourself to join me?" Pabirong tanong ko at nagsimula nang kumain.
"Oo," matabang na sagot niya na ikinatawa ko.
Hindi siya umimik. Tinitigan ko siya pero seryoso lang siya habang kumakain. Ang mga mata ay nasa pinggan lang. Parang batang nasermonan dahil ayaw kumain ng gulay.
I sighed when I realized what was it all about.
"I'm sorry..." Panimula ko.
He remained silent.
"Sinadya kong hindi sagutin ang mga tawag mo kagabi at kanina dahil masyado akong abala kay Kevin—"
Agaran ang pag-angat niya ng tingin. Kunot-noo at mas agresibo. Akala mo'y may ginawa akong kasalanan sa kanya. "Who's that?"
"My patient." Kalmado kong sagot kahit na hindi ko gusto ang naging reaksiyon niya.
"Lalaki?" May talim pa rin sa boses niya.
I rolled my eyes. "May Kevin bang babae?"
He grumpily shifted on his seat. "Well, I'm hoping it was a girl—"
"He's a kid, my goodness." Reklamo ko sabay inom ng tubig. Gosh, nakakahighblood ang lolo niyo!
"Ah, ganun ba?" Marahan niyang balik, daig pa ang maamong tupa. Tumango-tango pa siya at tila biglang nag-enjoy sa pagkain. Nagawa niya pang lagyan ng ulam ang pinggan ko nang makitang wala na.
Inirapan ko siya.
"Bata naman pala. Ikaw talaga, hindi mo kaagad sinabi..." At ako pa ang sinisi ng loko!
"Eh kung hinayaan mo kaya muna akong tapusin ang sinasabi ko?!"
"Yeah, it's my fault. I'm sorry..." pagsuko niya. Nilagyan niya ng tubig ang baso ko na para bang maaalu niya ako kapag ginawa niya iyon. Hinayaan ko siya pero nanatiling matalim ang tingin ko sa kanya.
"Pati bata—"
"Shhh, I'm fine now. Don't worry..."
"Anong pinagsasabi mo?" Angal ko. At anong 'Don't worry'? Nag-alala ba ako sa kanya?!
"As long as he's not Austin, I'm fine." Parang gagong sambit niya.
Sinamaan ko siya lalo ng tingin nang maalala ang mga sinabi ni Austin sa akin dati tungkol sa kanya. I sighed and decided to disregard it.
"Austin is your nephew." Paalala ko sa kanya dahil parang nakalimutan na naman niya.
"So?"
"Anong so?" Tanong ko, iritado pa rin. Ngumisi siya at nangalumbaba sa harapan ko. Pwedi na ako matulala kong hindi ko lang nakikitaan ng kung ano ang mga mata niya.
"He needs to back off. His crush is soon to be his Tita."
Napatuwid ako ng pagkakaupo. "At sinong may sabi ha?"
Tumawa siya at nagkibit-balikat.
"Ang Tito Yovin niya." he winked at me. My face heated in return. Nawalan na ako ng sasabihin dahil sa huling sinabi niya. Niyuko ko ang pagkain ko at doon na lang ibinaling ang buong atensiyon.
Damn him and his confidence!
After breakfast, umalis din naman kaagad si Yovin. Sabi niya ay pupunta siya sa firm at dumaan lang talaga para tingnan kung kumain na ako at dadaan din siya mamaya para sabay na kaming magdinner. Hindi na ako nakipagtalo pa. Pagkaalis niya ay muli akong bumalik sa kwarto para matulog. Balak ko kasing pumunta ng mall mamayang hapon upang mamili ng laruan para kay Kevin kaya kailangang may lakas ako.
Alas dose y media nang magising ako dahil sa tawag mula sa magaling na abogado. Iritado akong bumangon para abutin ang cellphone na nakapatong sa may side table.
"Ano na naman?" bungad ko sa kanya.
I heard his chuckle from the other line. Napapikit ako at napakusot ng mata. "Get up, you sleepy head. Kailangan mong kumain. Nagpadeliver na ako. Darating na 'yon maya-maya."
"Tss."
Mas tumawa siya. "You're welcome."
Napanguso ako at nakonsensiya sa pagmamaldita sa kanya. Nagmamagandang-loob lang naman ang tao at ako pa itong nagsusungit. "T-Thank you. Sorry at medyo nasungitan kita. Masakit lang ang ulo ko sa dami ng iniisip."
"It's okay, I don't mind." I pouted more. This guy is... really something.
"Pasensiya na talaga ha," dahan-dahan akong lumabas ng kwarto.
"Ano ba kasi ang mga iniisip mo? Kasali ba ako?"
Napahalakhak ako. "Baliw."
I heard him sighed heavily. Natigil ako sa pagtawa. "What's wrong? May problema ka?" I asked in a concerned tone. Tumigil pa ako sa paglalakad para mas marinig siya sa kabilang linya.
Hindi siya sumagot. "Hoy, Yovin—" Akala ko magtatagal pa ang katahimikan niya pero kaagad niya rin akong pinutol.
"Your laughter... is making my heart go wild. Babe, isn't that illegal?"

Komento sa Aklat (2)

  • avatar
    Nin Nin

    Nice

    29/08/2022

      0
  • avatar
    Morales30Sherwin

    nice story

    20/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata