Chapter 9

60 Days Of Loving You
Chapter 9
*Koevy's PoV*
Matapos lang ng mga araw na iyon, ang araw na kung kailan at paano kami nagka-kilala ni Era ay mas lalo pa naming nakilala ang isa't-isa.
Hindi kapani-paniwala ngunit mas lalo pa kaming naging malapit sa isa't-isa. Walang araw na hindi kami magkasama. Halos araw-araw ko itong nakaka-usap na siyang nagiging dahilan kung bakit nagiging masaya ako at hindi nagsasawang manatili sa hospital sa mga araw ng aking pahinga.
Hindi ko maipaliwanag ang lahat ngunit saksi ang mga ulap, ang araw at ang paligid kung gaano ako kasaya habang kasama siya.
Minsan ay hindi namin namamalayan na natatapos na lang ang maghapon na magka-dikit kaming dalawa. Hindi kami naiinip sa isa't-isa at mas lalong wala kaming nararamdamang sawa.
Panatag ang sarili at ang kalooban ko sa tuwing magkasama kami. Gusto kong ganito na lang palagi, gusto kong ganito ako kasaya palagi.
Alam kong medyo mabilis ang mga pangyayari ngunit sadyang ganito talaga ang mga nangyari. Hindi ko masisisi ang sarili ko at ang panahon, ito ang itinadhana sa akin.
HABANG papalapit ng papalapit ang katapusan ng buwan na ito ay mas lalong pasakit na rin ng pasakit ang mga sintomas na nararamdaman ko. Hindi lamang iyon, kundi madalas na rin akong atakihin ng sakit kong ito. Sa iisang araw ay mga dalawa o tatlong beses akong nakakaramdam ng sakit. At ang mahirap pa doon ay may mga oras na nawawalan ako ng malay.
Minsan din ay hindi ko na lamang namamalayan ang sarili ko na napapa-iyak na lang dahil sa sobrang sakit nito at dahil sa hindi ko na matiis pa.
Habang malapit nang magtapos ang buwan ng hulyo ay mas lalo kong nararamdaman na hindi na ako magtatagal pa rito. Napaka-hirap tanggapin ngunit kinakailangan dahil wala naman akong magagawa.
Ito ang bagay na itinadhana sa akin, ito ang bagay na gusto ng diyos na mangyari sa 'kin and I must respect his decision.
Mahigit labing-walong araw na rin akong nandito sa hospital at nakaka-sama si Era. Pero pagkatapos ng ilang araw ay makaka-uwi na din ako sa wakas.
Ngunit ang mas nakalulungkot do'n ay hindi ko na makakasama pa ng matagal si Era dito sa loob ng hospital. But I'll promise na palagi ko siyang dadalawin upang kumustahin siya.
Mami-miss ko ang babaeng iyon, mami-miss ko si Era.
"Bukas na pala ang alis namin pauwi. Kinakailangan ko nang umuwi upang asikasuhin muna ang mga bagay na kailangan kong asikasuhin," unang panimula ko sa harapan niya.
Nakita ko siyang nagkunot-noo at dumiretso ng tingin sa akin.
"Uuwi ka na? Paano ako?" tanong nito na nasa malungkot ang tinig.
Sandali akong ngumiti sa kanya at tumango sa harapan niya.
"Don't worry I promise that I'll visit here always. Dadalawin kita araw-araw matapos ko lang magpahinga," nakangiti kong sagot sa kanya.
Hindi ko na siya narinig pang nagsalita. Nakikita ko sa mukha nito ang kalungkutan niya, sana naman ay maintindihan niya rin ako kahit papaano.
Matapos ang ilang sandaling nakabibinging katahimikan ay muli na siyang nagsalita.
"Hindi ko maiwasang isipin ang mga susunod na araw na wala ka rito sa tabi ko, Koevy. Ayaw ko na lumayo ka at iwan mo ako dahil malulungkot ako. Mahal kita Koevy, mahal kita ng higit pa sa buhay ko." Mabilis ko siyang yinakap ng mahigpit.
Kahit papaano ay napangiti ako at nakaramdam ng saya. Ganoon din ang nararamdaman ko sa kanya, mahal ko rin siya ngunit nalulungkot ako para sa aming dalawa. Hindi kami puwedeng magkasama ni Era ng mas matagal, hindi ako puwedeng manatili dito sa mundo ng mas matagal dahil limitado na ang araw ko.
"I love you more, Era." Marahan kong hinalikan ang noo nito kasabay din ng pagyakap ulit sa kanya.
"Mangako ka Koevy, dadalawin mo ako rito palagi sa hospital. Mami-miss kita ng sobra," mahinang tinig nito. habang yakap-yakap ko pa rin siya ngayon.
Tumango ako ng paulit-ulit at ngumiti pa.
"Pangako Era, palagi kitang dadalawin dito sa hospital" nakangiting saad ko sa kanya.
Matapos ang ilang sandali ay nagpa-alam muna siya sa akin na bumalik ng kuwarto niya upang magpahinga.
Bumalik din ako sa silid ko upang magpahinga rin. Naupo ako at pinanood ang ginagawa ni mom.
"Ma, pakiramdam kong hindi na ako magtatagal pa dito" mahinang bungad ko na siyang ikina-tigil niya sa kanyang ginagawa.
Marahan siyang lumingon sa akin at marahan ding naupo sa harapan ko. Hinawakan niya rin ang kamay ko nang matapos siyang bumuntong-hininga.
"Bakit mo naman 'yan nasabi, anak?" tanong ni mom sa akin.
Bigla akong umiling at yumuko ng ulo.
"I don't know, nararamdaman ko lang" mabilis kong sagot dito.
"Sa tingin ko'y hindi na ako aabot pa sa katapusan ng hulyo, ma. Baka sa susunod na araw o sa makalawa ay kunin na ako. Hindi ko na maramdaman pa na magtatagal pa ako dito o aabot pa at the end of the month. Ma, malapit na akong mama-alam anong gagawin ko?" malungkot kong pagpapatuloy.
Hindi siya nakapagsalita agad ngunit nakita ko ang sandaling pagpikit ng kanyang mga mata. At nong imulat niya ito'y agad kong napansin ang mapula niyang mata.
"Huwag na wag mo 'yan iisipin anak, hindi ka pa kukunin ng diyos okay?" ani mom. Mapait siyang napangiti sa akin kaya't hindi na muna ako nagsalita.
Ang tanging bagay na nagawa ko lamang ay ang tumango sa harapan niya habang nakayuko pa rin ang ulo.
Ramdam na ramdam ko na talaga ang bagay na iyon, na hindi na ako magtatagal pa dito. Alam kong may animnapu'ng araw na lamang akong natitira ngunit sa palagay ko ay hindi na ako aabot do'n, hindi ako sigurado ngunit nararamdaman ko na.
Masyadong nakaka-lungkot ang mga pangyayari hindi ba? Nagsisimula pa lang kami ni Era, alam kong matindi ang mararamdaman nitong lungkot kapag sinabi ko sa kanya na may taning na ang buhay ko.
Ayaw ko na masaktan ko siya. Siguro ay mas mabuti na lamang na hindi ko ito sabihin sa kanya. Siguro'y mananatili na lamang itong sekreto sa amin ni mom.
Gusto ko sa pagdating ng araw na kunin na ako ng diyos, gusto kong walang ni isang taong masasaktan. Kapag nakikita ko silang umiiyak nang dahil sa lungkot ay nasasaktan na din ako. Ayaw ko ng gano'n, sana tanggapin nila ang bagay na ito sa oras na malaman nila. Sana'y maging maayos ang lahat sa oras ng aking pag-panaw.
.
.
.
@nicoxx18

Komento sa Aklat (5)

  • avatar
    Sitie Aminah Mansumayan

    wow

    28/06/2024

      0
  • avatar
    Zander Pedro

    Ang ganda

    30/05/2024

      0
  • avatar
    SantosMichael

    try basahin neto guys ❤️🤗😘

    14/01/2023

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata