Chapter 8

60 Days Of Loving You
Chapter 8
*Koevy's PoV*
Tumayo na ako at naupo sa wheelchair ko upang makalabas ng kuwarto.
"Saan ka pupunta anak?" panimulang tanong sa akin ni mama.
"Sa labas lang po ma magpapa-hangin," nakangiti kong sagot.
Pagkatapos ay mag-isa ko nang itinulak ang wheelchair ko gamit ang mga kamay ko palabas.
Lumabas ako ng kuwarto at naghanap ng lugar na puwedeng pagtambayan. At noong may nakita akong bakanteng lugar ay mabilis ko nang inikot ang wheel ng wheelchair ko upang mabilis na makapunta doon.
Maraming upuan ang naroon ngunit iilan lamang ang tao. Ang iba ay mga pasyente at ang iba din naman ay mga ordinaryong tao lang na siguro'y may binabantayang pasyente. Ang upuan kasi na 'yon ay naka-harap sa labas ng building, puwede ka doon magpa-hangin o mag-standby kung kailan mo gusto.
Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko hanggang sa makarating na ako doon.
Tumigil ako at tumapat sa upuan na nakalinya doon at humarap sa malaking bintana habang masayang pinagmamasdan ang mga ibon na lumilipad sa harapan ng building.
Akmang lilingon na sana ako sa kaliwa ko ay hindi ko inaasahang makikita ko muli ang babaeng naro’n sa kuwarto ko kanina.
Hindi ako magkaka-mali sa mga nakikita ko. Siya nga ang babaeng 'yon, siya nga ‘yong Kierra!
Agad kong inayos ang sarili ko at mabilis na nagpakawala ng malalim na hininga.
"Hi," nakangiti kong bungad sa kanya ngunit nagkunot-noo lamang ito sa akin.
Hindi lamang iyon ang ginawa niya, tumayo rin siya at binabalak na niyang umalis. Mabuti na lamang at agad ko siyang hinawakan sa kamay kaya't napahinto ito.
"Hey don't go, let's talk" sabi ko pa. Nakita ko din naman ito na ngumisi.
"Talk? Dzuh hindi ako nakikipag-usap sa mga taong hindi ko kilala! Hmp!" inis niyang sagot sa akin sabay alisin ang pagkaka-hawak ko sa kamay niya.
"Look I'm sorry! Hindi ko naman kasi alam at hindi ako basta-basta na nagtitiwala sa..."
"Ang pera ko nasayang dahil sa kaka-bili ng mga prutas para sa ‘yo! Hindi ka man lang nagpasalamat sa akin kahit isang beses lang!" inis pa nitong sigaw na nasa hindi gaanong kalayuan na direksiyon.
Matapos niyang magsalita ay akmang hahakbang na sana ulit siya papalayo nang magsalita na muli ako.
"Thank you! Salamat sa lahat ng tulong at kabutihan mo!" sigaw kong pagpapasalamat sa kanya kaya't sandali itong huminto.
Marahan siyang lumingon sa akin at bumuntong-hininga, at saka naglakad na din papalapit sa direksiyon ko.
"Okay fine pasalamat ka at mabait ako." Tumango ako habang nakangiti bilang senyales ng pagsang-ayon ko sa sinabi niya.
Yes, she's really a nice girl.
"I'm Koevy, Koevy Stylous and you are Kierra right?" pagpapa-kilala ko habang ibinibigay ko ang kamay ko sa kanya upang makipag-kamay.
Katulad ng ginawa ko kanina, tinignan niya lamang ito ngunit mabait naman siya eh kaya tinanggap niya ito at muli nang nagsalita.
"Kierra Alfenso," nakangiti nitong sagot habang nakikipag-kamay.
"Uh...I just want to thank you for all you've done to me for the past few days. Salamat kasi nandoon ka palagi at hindi mo ako pinabayaan kahit hindi natin kilala ang isa't-isa. Nagtataka lang ako kung bakit sinasayang mo ang oras mo sa akin but still thanks to you, salamat sa pagiging mabuti mo sa akin," nakangiti kong wika kaya't sandali pa ay bumuntong-hininga nanaman siya ng malalim sabay ngiti ng malapad.
"Gusto ko munang malibang habang hindi pa natatapos ang buwan na ito," ani Kierra na siyang ipinag-taka ko.
Ano kaya ang mayron? Habang hindi pa natatapos ang buwan na ito?
"Bakit? Anong mayro'n?" nagtataka kong tanong sa kanya. Napansin ko din ang suot niya.
Naka-suot din pala siya ng pang-hospital gown kaya sigurado ako na pasyente din siya dito. Ano kaya ang sakit niya? Bakit nandito siya?
"May sakit ako sa kidney, sa katapusan ng buwan na ito 'yong operasyon ko, kidney transplant. Kaya habang hindi pa nangyayari iyon, gusto ko munang libangin ang sarili ko para sa oras na kunin na ako ng diyos ay wala akong pagsisihan... na nag-enjoy ako sa buhay ko," naglabas ito ng mapait na ngiti at biglang yumuko ang ulo.
Hindi ako nakapagsalita at patuloy na nanahimik dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan na ang malusog na babaeng ito ay may tinatago din pa lang malubhang karamdaman.
Hindi naman halata sa katawan nito na sakitin siya ngunit nakama-mangha lang dahil sa likod pala ng masaya nitong mukha ay may matinding kalungkutan pala ang naka-ukit dito.
Medyo may pagka-hawig kami sa sitwasyon namin ngayon sa aming mga sarili ngunit malaki ang posibilidad na makaka-ligtas siya sa operasyon pero ako? Wala na akong takas at kinakailangan ko na talaga na mama-alam.
Nakaka-lungkot siya ngunit mas nakaka-lungkot ako kung mas tutuusin, ngunit ayaw ko na may ibang makaka-alam nito kundi ang mama ko at ang sarili ko lang.
Muli akong natauhan at ngumiti ng pilit. Tumingin ako sa kanya at mas lalo ko pang inilapad ang aking ngiti.
"Hey just chill, ang daming nakaka-survive ng kidney transplant noh. Just fight, I know that you'll survive."
Ngumiti siya sa akin at ibinaling muli ang tingin sa labas ng building. Muli nanaman itong nagpakawala ng malalim na hininga.
"Alam ko, pero kinakabahan pa rin ako. Paano kung hindi ko na talaga kayanin? At saka hindi talaga ako sigurado na makaka-ligtas pa ako. Bahala na ang diyos sa akin, bahala na siya kung anong gusto niyang gawin sa 'kin," ani Era na nasa malungkot na tinig.
Wala na akong nasabi pa. Masyado na akong nabla-blangko sa mga sandaling ito. Nanahimik na lamang ako at hindi na umimik.
Ibinaling ko na lamang ang aking atensiyon sa labas ng building. Sabay naming pinanood ang mga ibon na lumilipad, ang malulungkot na ulap at ang kulay asul na kalangitan.
Matapos ang mga sandaling iyon ay tumayo na siya at humarap sa akin nang nakangiti.
"Mauna na muna ako, baka hinahanap na ako ng mama." Bigla akong tumango at nginitian namin ang isa't-isa.
"Yeah sure" nakangiti ko pang sagot kaya't naglakad na siya papalayo sa akin.
Palihim ko na lamang siyang sinundan ng tingin habang naglalakad siya pabalik sa kuwarto niya. Ewan ko ba kung bakit hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.
.
.
.
@nicoxx18

Komento sa Aklat (5)

  • avatar
    Sitie Aminah Mansumayan

    wow

    28/06/2024

      0
  • avatar
    Zander Pedro

    Ang ganda

    30/05/2024

      0
  • avatar
    SantosMichael

    try basahin neto guys ❤️🤗😘

    14/01/2023

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata