Homepage/60 Days Of Loving You/
Epilogue
60 Days Of Loving You
Epilogue
AFTER 5 YEARS LATER...
*Era's PoV*
Limang taon na rin ang nakalipas matapos ang masasakit na nangyari sa amin ni Koevy.
Mahigit limang buwan akong nawalan ng interes sa buhay. Palagi akong nagkukulong sa aking silid at palaging umiiyak dahil sa mapait kong sinapit.
Mahigit limang buwan kong tiniis ang sakit at pinilit na kalimutan siya ngunit hindi ko magawa.
Paulit-ulit akong dinapuan ng iba't-ibang sakit dala ng aking depresyon.
Isang umaga na lamang ay namulat ako sa katotohanan. Unti-unti kong tinanggap ang lahat kahit mahirap.
Marami akong natutunan dahil sa mga nangyari sa akin. Natutunan ko na may mga tao talagang darating sa buhay natin at magsisilbi silang aral sa 'tin.
Natutunan ko rin na hindi talaga lahat ng tao ay mananatili sa tabi mo palagi. Isang araw, aalis din sila at hindi na muling babalik at magpapakita pa.
Napaka-importate para sa akin ang pagtatagpo namin ni Koevy lalong-lalo na ang mga nabuo naming mga alaala.
Siya ang nagsilbing inspirasyon ko sa buhay upang magpatuloy, lumaban at magsikap hanggang sa dumating ang araw ng aking pagtatagumpay.
Ngayon ay isa na akong sikat na manunulat at hindi ko ito mararating kung hindi dahil sa kanya, kay Koevy.
Siya lamang ang nagtulak sa akin upang makamit ko ang aking pangarap sa buhay. Siya lamang ang tanging dahilan kung bakit patuloy ako na nabubuhay ngayon.
Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko makakamit ang aking tagumpay. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako magiging isang sikat na manunulat.
At dahil sa isa na akong sikat na manunulat ngayon, sinubukan kong ipalathala ang ginawang talaarawan ni Koevy.
Malaking pera ang ginastos ko upang maging pisikal na libro ang kanyang talaarawan.
Matapos ang ilang mga araw ay pinagkaguluhan din ito ng mga nakararami.
Isinalin ito sa iba't-ibang mga lengguwahe sa iba't-ibang panig ng mundo.
Ang librong iyon ay naging sikat sa buong mundo dahil sa sobrang ganda raw ng pagkakagawa nito.
Halos lahat ng mga tao'y iniidolo si Koevy lalong-lalo na ang mga kababaehan ngayon.
Ang librong iyon ay patuloy na kumalat sa iba't-ibang panig ng daigdig hanggang sa pagdating ng isang araw, bigla na lamang akong inimbitahan upang makapanayam.
Isang magandang opurtunidad iyon para sa akin kaya't hindi ako tumanggi.
Kahit wala na si Koevy ay hindi ko naramdaman ang pag-iisa sapagkat dala-dala ko ang mga alaala naming dalawa.
Hindi ko akalain na magiging ganito pala si Koevy ka-sikat kahit wala na ito. Nakaramdam ako ng tuwa para sa kanya at ipinagmamalaki ko siya.
Akala kong tuluyan nang magiging miserable ang buhay ko ngunit sadyang mabait nga ang Diyos.
Hindi niya hinayaang maging malungkot ako at sa halip ay tinulungan pa niya ako upang maabot ang aking mga minimithi sa buhay at syempre maging si Koevy rin.
MAPAIT akong ngumiti mula sa aking kinatatayuan habang hawak-hawak ko ang isang glass ng wine.
Katatapos ko lamang magtungo ng banyo upang maligo dahil kagagaling ko lang rin sa interview kanina.
At ngayon ay narito nga ako sa aking terasa ng condo.
Mula dito sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang mga buildings sa kalayuan. Tanaw ko ang iba't-ibang mga kulay ng kanilang mga ilaw at ang mga sasakyang dumadaan.
Damang-dama ko ang hangin na nasa katamtaman lamang ang lamig nito.
Marahan akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga sabay inom muli ng isang glass ng wine.
"Kung nandidito ka lamang Koevy, sigurado akong sabay natin'g ipagdidiwang ang mga araw ng ating tagumpay. Sabay tayong magsasaya ngayon at kikilalanin ng nakararami dahil sa mga mahuhusay nating gawa. Sayang at maaga kang nama-alam. Pero maraming salamat pa rin sa iyo mahal ko, dahil sa 'yo ay nakamit ko ang mga bagay na matagal ko nang inaasam" pagwiwika ko para sa aking sarili.
Dahan-dahan kong naramdaman ang kaunting luha na pumatak mula sa mga mata ko.
Pinunasan ko ito gamit ang aking kamay at mabilis na ngumiti ng pilit.
Hindi dapat ako malungkot ngayon. Kasama ko pa rin naman si Koevy kahit hindi ko siya nakikita.
Hindi ba't nangako siya sa akin na palagi niya akong babantayan? Alam kong nandidito lang siya sa tabi ko kahit hindi ko ito nakikita. Alam kong patuloy niya pa rin akong sinasamahan. Kilala ko si Koevy, tinutupad niya ang kanyang mga pangako.
Sandali pa ay tuluyan nang dumalaw ang malakas na hangin, kasama pa nito ang lamig.
Pakiramdam kong may yumakap sa akin mula sa likuran ko kaya't napa-pikit ako at nakiramdam.
Alam kong yakap-yakap ako ni Koevy ngayon mula sa likuran ko katulad ng ginagawa niya sa akin noon. Alam kong narito siya sa likuran ko ngayon at tahimik akong niyayakap.
Matapos ang mga sandaling pagyayakapan namin sa isa't-isa ay bigla nang bumalik sa normal ang lahat.
Marahan kong iminulat ang aking magkabilang mata at unti-unti nang dumaloy ang aking mga luha.
Pinigilan ko ang pag-iyak ko subalit ayaw nito magpapigil.
Ang ginawa ko'y hinayaan ko na lamang itong pumatak at kinimkim ang sakit.
"I love you, Era." Pakiramdam kong huminto ang lahat lalong-lalo na ang mundo ko matapos kong marinig ang mga salitang iyon.
Mabilis akong napalingon sa pinagmulan ng boses. Isang boses ng lalaking pamilyar ang narinig ko.
Noong lumingon ako'y agad kong nakita ang larawan ni Koevy na nasa isang kuwadro.
Tama kaya ang narinig ko o guni-guni ko lang iyon?
Kanino naman kaya ang tinig na iyon? Wala namang ibang tao ang narito sa terasa kundi ako lang.
Possible kayang kay Koevy ang boses na iyon? Imposibleng siya, wala na siya.
Subalit imposible din naman na ibang tao dahil mag-isa lamang ako dito sa condo na ito.
Baka nga ay guni-guni ko lamang iyon.
"I love you more, Era." Isang tinig nanaman ng lalaki ang nakapagpa-agaw ng aking atensiyon.
Napalingon nanaman ako sa likuran ko na siyang kuwadro nanaman ni Koevy ang unang tumambad sa akin.
Dahil do'n ay nalaman ko na kung sino.
Sa umpisa ay kinabahan ako at natakot subalit inisip ko kung bakit ako matatakot? Si Koevy lang naman iyon, ang pinakamamahal ko.
Marahan akong naglakad papalapit sa kuwadro niya.
Noong makarating ako doon ay muli ko nanamang narinig ang mga salitang paulit-ulit niyang sinasabi sa 'kin.
Mabilis akong napa-pikit at yinakap ang larawan niya.
"I love you more, Koevy" nakangiti kong wika.
Ang mga alaalang ito ay hindi lamang basta-bastang alaala. Isa itong mahiwagang bagay na kailan ma'y hindi maaangkin ng iba.
Ang pagmamahal namin sa isa't-isa ay hindi kailan man magbabago.
Hindi man kami nagkatuluyan sa huli ni Koevy, hinihiling ko na sana'y sa susunod naming mga buhay ay muli kaming magtagpo upang ipagpatuloy muli ang aming inumpisahan na pag-iibigan sa isa't-isa.
Hindi na ako makapaghintay pa na mangyari ang bagay na iyon. Alam kong balang araw ay mangyayari rin ang bagay na iyon.
.
.
.
@nicoxx18
Btw nukss umabot na rin tayo sa Epilogue. Maraming salamat sa mga nagbasa at magbabasa! Hanggang sa susunod na nobela muli! Mwaps.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (5)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
wow
28/06/2024
0Ang ganda
30/05/2024
0try basahin neto guys ❤️🤗😘
14/01/2023
1Tingnan Lahat