Chapter 15

60 Days Of Loving You
Chapter 15
*Koevy's PoV*
Sa tingin ko'y unti-unti na ding natatanggap ni Era ang mga nangyayari sa 'min. Unti-unti na niyang tinatanggap ang tungkol sa 'kin kahit sobrang hirap.
I really salutes her for being a brave woman. She's really brave. Kahit sobrang sakit na ng mga nangyayari sa amin ay patuloy pa rin siya na lumalaban. Hindi siya sumusuko dahil may pangako kami sa isa't-isa.
Nangako kami na kahit na anong mangyari sa 'min ay mamahalin at mamahlin pa rin namin ang isa't-isa.
Gusto kong maging matatag siya. Gusto kong patuloy niyang labanan itong lungkot o hinanakit na nasa puso niya. Gusto kong maging magaan rin ang pakiramdam niya pagdating ng isang araw.
Naniniwala ako sa kanya at may tiwala ako sa kanya.
"Kuya, anong araw na ngayon? Ilang araw na lang ang natitira para sa 'yo?" unang panimula sa akin ng kapatid ko habang narito kami nakaupo sa salas.
Wala akong ibang magawa kundi ang maupo lang at isipin ang mga nangyayari. Naguguluhan ako sa kaka-isip habang kabado.
Dahil sa sobra kong pag-iisip ay hindi ko na alam pa kung ano ang gagawin ko. Pakiramdam kong napri-pressure na ako sa mga nangyayari. Kinakabahan at hindi mapakali habang papalapit na ang katapusan ng hulyo. Dalawang araw na lang, Agosto na.
Mabilis akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga at nginitian siya.
"M-may dalawang araw pa ako," medyo utal na sagot ko.
Nakita ko sa mukha niya ang lungkot na gumuhit dito. Ramdam kong nalulungkot din siya para sa 'kin. Tanging si Dad na lamang ang walang kaalam-alam ng bagay na ito, ngunit ayaw kong sabihin sa kanya ang bagay na iyon dahil baka kung ano pa ang mangyari.
"Anong mayro'n mga anak? Bakit ninyo tinatanong kung anong araw na ngayon? May lakad ba kayo?" sunod-sunod na tanong ng isang matandang lalaking bumababa sa hagdan ngayon.
Napalingon kami agad ni Joshua sa likuran namin na kung nasaan ang hagdan dahil sa sobrang gulat.
Agad din naman kaming tumayo at umiling ng paulit-ulit. Matapos 'yon ay nagtinginan din kaming dalawa ni Joshua sa isa't-isa.
"Ay w-wala po Dad tinatanong ko l-lang po," pagwawari ni Joshua kay Dad.
Nagsimula na akong kabahan noong makita ko ang kulay asul na folder na iyon na dala-dala ni Dad.
Agad nang nanlaki ang mga mata namin ni Joshua habang nakatingin kami sa isa't-isa.
"S-san niyo po 'yan nakuha?" kinakabahan kong tanong kay Dad.
Mabilis naman niyang tinignan ang kulay asul na folder na dala-dala niya.
Diyos ko! Ang contract 'yan para sa kompanya ni Joshua. Hindi ako maaaring magkamali!
"Ah ito ba? Nakita ko lang do'n sa taas, mukhang wala namang nagmamay-ari." Matapos niyang ipaliwanag 'yon ay marahan niyang ibinaybay ang mga pahina ng folder na siyang ikinagulat namin ng sobra.
"Huwag!" malakas na bulyaw ko dahil sa sobrang gulat.
Hindi ko alam kung bakit ko 'yon ginawa, ang sigawan si Dad. Dala na siguro ito ng pagkakaba ko kaya't hindi ko na namalayang sinigawan ko siya.
Mabilis na naglakad si Joshua papalapit kay Dad at biglang kinuha 'yong asul na folder. Naiwan namang tulala si Dad ng dahil sa nakita.
Dahan-dahan akong tumingin kay Joshua na halatang kinakabahan na rin ngayon.
"Kasalanan 'ko Kuya, patawarin mo ako" pabulong na wika ni Joshua sa 'kin.
Mabilis akong napa-pikit ng mata at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
"Ibibigay mo ang kompanya kay Joshua? At saan ka ngayon pupunta? Anong gagawin mo, Koevy? Anong mayro'n bakit wala akong alam?" sunod-sunod na tanong sa 'kin ni Dad na nasa tono ang pagtataka.
Heto na nga ang kinakatakutan ko. Ito na 'yong bagay na ayaw na ayaw ko talagang mangyari.
Oh God! Anong sasabihin ko? Paano ko ipapaliwanag sa kanya?
"A-ano po kasi 'y-yon Da..."
"Sumagot ka!" mabilis niyang sigaw sa harapan ko na siyang ikinagulat namin ng kapatid ko.
Nararamdaman ko ang mabilis na tibok ng aking puso at ang nerbyus ko sa buong katawan ko.
Unti-unti ko na ding naramdaman ang panghahapdi ng mga mata ko na naging dahilan ng patuloy na pagpatak ng mga luha ko.
"M-may sakit po ako Dad," naluluha kong talima sa harapan nito.
Mabilis na tumawa si Dad na parang wala na sa tamang pag-iisip. Hindi namin alam kung anong binabalak niyang gawin o iniisip. Basta't nagulat na lamang din kami sa ginawa niya.
Pinagmasdan ko si Dad habang tumatawa. Ang sunod kong tinignan ay ang kanyang mga mata, mapula-pula ito maging 'yong pisngi.
Gano'n naman tayo kapag malakas ang tawa, hindi mo namamalayan na mapula-pula na pala ang mga mata mo o pisngi mo. Ngunit hindi ako sigurado kung anong dahilan, kung natatawa ba talaga siya o nalulungkot? Hindi rin ako sigurado.
"Sakit? Nagpapa-tawa ka ba?" natatawa pa nitong tanong sa 'kin at patuloy pa rin siyang tumatawa.
"Hindi po ako nagsisinungaling," seryosong sabi ko sa kanya na siyang ikina-tigil niya sa pagtawa.
"Bakit naman magkakaroon ng sakit ang isang tulad mo? Hindi ako maniniwala sa 'yo, kilala kita" natatawa pang sabi nito.
"Dad seryoso ako, may prostate cancer ako. Dalawang araw na lang ang natitira sa 'kin...m-may taning na ang buhay ko," muli ko pang wika na siyang niya ikina-tigil ulit.
"Totoo ang sinasabi ni Kuya, Dad, may sakit siya at may taning na ang buhay" singit ni Joshua na nasa malungkot na tinig.
Hindi nakapagsalita si Dad. Gusto ko pang marinig ang mga gusto niyang sabihin ngunit ni isang salita ay walang lumabas mula sa bibig nito.
"B-bakit hindi mo sinabi sa 'kin?" pagkukuro ni Dad sa akin.
Yumuko ako gamit ang ulo ko sabay punas ng mga luha ko.
"Natatakot ako at ayaw ko na mag-alala kayo," malungkot na paglilinaw ko.
Mabilis na napahilamos si Dad gamit ang dalawa niyang kamay.
Matapos 'yon ay mabilis niyang sinuntok 'yong sementong dingding na katabi niya.
Mabilis niya itong pinagtatadyakan at sinuntok na siyang ikinagulat namin.
Saksi ang kapatid ko maging 'yong mga mata ko kung paano niya ginawa iyon at kung paano siya umiyak.
Mabilis kaming lumapit sa kanya upang pahintuin siya sa ginagawa niya ngunit agad na akong nakaramdam ng pananakit ng balakang at ang ari ng pagka-lalaki ko.
"Aray! Ang sakit! Argh!" malakas kong bulyaw na siyang ikinabaling nila ng tingin sa akin. Kasabay no'n ang tuluyang pag-luhod ko dahil sa sobrang sakit.
"Kuya!" ani Joshua na nasa mataas na boses.
Mabilis silang lumapit sa 'kin upang alalayan ako.
"Masakit, aray!"
"Himinahon ka anak!" natataranta'ng wika ni Dad sa 'kin.
Hindi ko maiwasang mapaluha. Inaatake nanaman ako, hindi ko na kaya put* ang sakit-sakit na!
.
.
.
@nicoxx18

Komento sa Aklat (5)

  • avatar
    Sitie Aminah Mansumayan

    wow

    28/06/2024

      0
  • avatar
    Zander Pedro

    Ang ganda

    30/05/2024

      0
  • avatar
    SantosMichael

    try basahin neto guys ❤️🤗😘

    14/01/2023

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata