Homepage/FINDING A HAPPINESS (Moonstar in Paraiso Series 1)/
FINDING A HAPPINESS (Moonstar in Paraiso series 1)
Abala si Andrew sa pagbabasa ng libro sa library ng pumasok si Jane na may dalang kape para sa kanya. "Tito Andrew, magkape po muna kayo." ani Jane. "Salamat Jane." pagpapasalamat nya sa pamangkin. "Jane, next time ayaw kong nakikitang ginagawa mo ang mga gawaing hindi mo naman dapat ginagwa." aniya. "O-opo, tito." anito. "Bakit pala andito ka? May kailangan ka ba?" maya maya ay tanong nya rito. "Wala po tito, na miss lang po kita at saka itatanong ko lang po sana kung mainit pa ba ang ulo nyo." Napangiti naman sya sa pamangkin, alam na alam talaga nito kung paano sya kikilitiin. Hindimas nya na man at ginulo ang buhok nito. "Maayos na ako anak, hindi na mainit ang ulo ko kagaya kanina."aniya rito. "Mabuti po naman." * * * Tahimik na inaayos ni Jane ang mga gamit na magulo sa kanyang kwarto ng makarinig sya ng mga katok. "Pasok." aniya. "Jane? Oh, anung nangyari dyan?" nagtatakang tanong ng tiyohin ng makita ang mga gamit nyang magulo. "Inayos ko po tito, magulo na po eh." pagsisinungaling nya. Ganito talaga ang kanyang kwarto kapag si Shine ang gumagamit masyadong magulo dahil umaasa ito na may mga katulong. "May mga katulong naman, hindi pwede mong iutos sa kanila yan, at saka bakit may damit ni Shine na nakahalo dyan." anang lalaki. "Pagtutupi lang naman po ito ng mga damit eh, ayaw ko pong iasa ito sa mga katulong dahil simpleng gawain lang naman, at saka yung damit po ni Shine, andito ang iba kasi nakikitulog sya dito minsan." aniya rito at pagtatakip kay Shine. "Kaya ka inaabuso ng mga katulong natin eh, kasi masyado kang mabait sa kanila, ayos lang namang maging mabait, pero masama na kapag sobra." anang tiyo. "Eh, tito hindi naman po sila ang nag-ut--." Naputol ang sasabihin nya ng makarinig ng katok sa pintuan. "Pasok."anang tito Andrew nya. "Tito Andrew, andito po pala kayo." ani Shine. Ito pala ang kumakatok sa pinto. "Ah, oo, kinausap ko kasi si Jane, bakit may kailangan ka ba?" "Wala naman po tito, balak ko lang po sanang makitulog dito sa kwarto ni Jane, kung ayos lang sa kanya." anito. "Ah, ganoon ba? Ayos lang naman siguro kay Jane yun, hindi ba?" anang tiyohin. "Ayos lang naman." aniya sa mga ito. "Oh, ayos lang naman pala eh, buti naman pala at magkasundo kayong dalawa." "Ah, opo, magkaibigan nga po kami ni Jane, at magkapatid ang aming turingan na dalawa, kaya nga palagi po akong nakikitulog sa kanyang kwarto, hindi ba Jane?" plastik ang ngiting anito. "Mabuti kung ganon, kaya pala may mga damit ka dito."anang paniwalang paniwala ding si Andrew. "Opo." "Oh, maiwan ko muna kayong dalawa, goodnight." Paalam ni Andrew sa kanila. "Goodnight din po."ani Shine. "Goodnight po tito." aniya at hinalikan sa pisngi ang tiyohin. Tahimik namang ipinagpatuloy ni Jane ang ginagawa samantalang si Shine ay hinukay lahat ng mga natupi nya ng mga damit. "Asan na ba ang mga damit kong magaganda dito." anito. "Shine anu ba! Pagod na ako sa kakatupi ng paulit ulit nyan." nauubos ang pasensyang reklamo nya. "Ah, ganon? Bakit ha? Bakit? Matapang ka na ha? Dahil nandito na ang tito Andrew nagtatapang tapangan ka na." anitong tinulak tulak pa sya. "Anu ba nasasaktan ako." "Talagang masasaktan ka! Akin ang kwartong ito kaya gagawin ko ang gusto ko, sabit ka lang naman eh, simula ng ikasal sina mommy at tito Andrew, amin na ang bahay na ito, kaya ang lahat dito ako na ang may ari." anitong sinabutan sya. "Anu ba, bitawan mo ako," aniyang itinulak ito ng malakas dahilan para matumba ito at lumagapak sa semento. Gulat na gulat naman sya sa nakitang ginawa kay Shine. "S-shine, sorry hindi ko sinasadya." aniyang akmang tutulungan sana ito pero iwinasiwas nito ang kamay at itinulak sya dahilan para sya naman ang matumba. Galit na galit naman itong tumayo at sinamantala ang pagkahandusay nya sa sementong sinabutan sya ulit at pinagsasampal at pinagsisipa. "Hayop ka talagang babae ka kahit kailan! Akala mo siguro, dahil andito na si tito kaya mo na ako, halika dito." anito pang hinila sya papunta sa banyo at doon ikinulong. "Shine, anu ba, buksan mo ang pinto, buksan mo ito." umiiyak na sigaw nya sa takot ng namatay ang ilaw ng banyo. "Dyan ka nababagay! Dyan ka matulog! Hindi ka makakalabas dyan hanggang bukas ng umaga." ganting sigaw nito sa kanya. "Shine, anu ba maawa ka sa akin, takot ako sa dilim, buksan mo ito." aniyang hinampas pa ang pintuan ng banyo. Ngunit tila walang naririnig si Shine sa mga sigaw nya. Samantala nakarinig naman ng sigawan sa kwarto ni Jane si Andrew kaya dali dali syang napatakbo dito. * * * "Aaaaaaaaaaaaaah." nanggagalaiti sa galit na sigaw ni Shine at pinagtatapon pa ang mga damit na tinupi ni Jane. Hindi sya makapaniwalang maitutulak lang sya ng basta ni Jane at lagapak syang matutumba sa harapan nito. Maya maya ay nakarinig sya ng mga katok sa pintuan. "Jane? Shine? Buksan nyo ang pinto, anung nangyayari dyan, bakit kayo nagsisigawan?" sigaw ni Andrew na nasa labas. "Ah, t-tito, Andrew, naglalaro lang po kami ni Jane ng away awayan kaya po kami nagsisigawan." natatarantang aniya. "Ganoon ba?" "Opo." aniyang nilapitan ang pintuan. "Akala ko kung anu na ang nangyayari dyan, o, sige gabi na matulog na kayo." anito. "O-opo, tito." aniya. Narelieve naman sya ng marinig ang hakbang ni Andrew papalayo. "Tumahimik ka Jane, kapag hindi ka tatahimik, lagot ka sa akin, at huwag na huwag kang magkakamalin magsumbong dahil kapag ginawa mo yun, mangyayari ang lahat ng sinabi ni mommy gagawin sayo at sa tito Andrew mo." galit na galit nyang sigaw dito. * * * Nabawasan naman ang kabang nararamdaman ni Andrew dulot ng narinig na sigawan nina Jane at Shine. Akala nya kasi ay nag aaway talaga ang mga ito kaya napatakbo sya sa kwarto ng mga ito. Ngunit napapaisip din sya dahil hindi naman sumisigaw ng ganon kalakas ang pamangkin maliban kung natatakot ito. Hindi rin ito sumisigaw kapag nagagalit, kilala nya ito iiyak ito pag galit nag alit pero ang sumigaw ay Malabo. Binalak nyang buksan ang pintuan ng kwarto gamit ang duplicate key nya at sya namang pagdating bigla ni Tanya sa harapan nya kaya nawala sa isipan nya ito. * * * Nakatulugan ni Jane ang pag iyak sa banyo, dahil sa takot. Kinaumagahan, paggising nya ay bukas na ang pintuan ng banyo. Ngunit nagulat sya sa kalat na nasa labas, lahat ng mga damit na kanyang naitupi ng nagdaang gabi ay nasa sahig lahat. Naiiyak na isa isa nyang pinulot ang mga ito, at niligpit ulit. * * * Nagtataka si Andrew ng mapansing wala sa hapag si Jane ng mag almusal sila. "Shine, nasan si Jane?" tanong nya kay Shine. "Hindi ko po alam tito, baka tulog pa po sya." pagsisinungaling nito, samantalang nakita nyang gising na si Jane at nililigpit ang mga ipinagkakalat nyang damit kagabi. "Ah, ganoon ba? Baka napagod yun sa mga ginawa nya kahapon." anang aniya. "Ganoon na nga po siguro tito." kunwaring pag sang ayon ni Shine sa kanya. Maya maya pa ay dumating si Jane habang tahimik nilang ipinagpatuloy ang pagkain sa hapag. "Goodmorning po sa inyo." bati nito sa kanilang lahat. "Goodmorning din iha, maupo ka na at kumain." bati at aya nya sa pamangkin. "Opo." matamlay na anito. "May sakit ka ba? Bakit matamlay ka?" nagtataka ang mukha nyang tanong dito ng mapansin ang pananamlay nito. "Wala po tito, baka kulang lang po ako sa tulog, kasi-" "Baka napagod po sa away awayang laro namin kagabi tito." putol ni Shine sa kanyang sasabihin. "May pasok ba kayo ngayon Shine? Jane?" tanong nya sa dalawa. Nagulat naman si Jane sa itinanong ng tiyohin sa kanya kaya nabitawan nya ang kutsarang hawak. "Ah- eh, tito kasi po, hindi ako pumapasok." "Ha? Bakit naman?" "Kasi po--" "Ah, hon, nagkasakit kasi si Jane, kaya hindi ko muna sya pinapasok, inexcuse ko sya ng isang buwan para naman makapagpahinga naman sya."putol na pagtatakip ni Tanya sa sasabihin sana ni Jane, nang mapansing nagtataka si Andrew kung bakit hindi si Jane pumapasok. "Ah, ganoon ba? Nagkasakit ka pala Jane?" Hindi naman sumagot si jane dahil di nya alam kung anung isasagot nito kaya Tahimik na lamang syang sumubo ulit ng pagkain. "Mukhang wala sya sa mood, hon, hayaan mo na muna" ani Tanya. "Mukhang wala ka na rin namang sakit Jane, naabutan na nga kitang naglalampaso ng sahig kahapon, at nakipaglaro ka na nga kay Shine na umabot pa sa baba ang sigawan, kaya sigoro makakapasok ka na sa ngayon." "Ah, eh, hon naman, huwag mo na munang piliting pumasok si Jane, baka mabinat pa yan, at kung anu pang mangyari sa school, mas mabuti ng manatili muna sya rito at ng mabantayan sya ng maigi, hindi ba?" pangungumbinsi ni Tanya sa kanya. "Sabagay, mukhang tama ka nga naman dyan, oh, sige, huwag ka munang pumasok sa ngayon, pero after one week na maayos na ang pakiramdam mo, papasok ka na, hindi na dapat abutin ng buwan, dahil wala ka doong matututunan, baka abutin ako ng ilang buwan dito, kaya ako ang maghahatid sundo sa inyo." pinal ang disisyong ani Andrew. "Bakit ikaw pa hon? naman may driver naman tayo." "Gusto kong maging tatay naman ng dalawang bata, habang nandito pa ako." aniya. Nagngingitngit naman ang kalooban ni Tanya sa narinig sa asawa kailangan nya ngayong magawan ng paraan kung paano muling makakapasok si Jane sa school. “Hon, kung ipa home school kaya muna natin si Jane? Baka magkasakit lang sya ulit kapag sa school eh” Suhestiyon ni Tanya. “Hindi. Mas maganda pa rin ang nakakasalamuha sya ng kapwa nya mga bata.” Ma awtoridad na saad ng lalaki na lalo namang ikinagitngit ng kalooban ni Tanya. ITUTULOY...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (21)
GumenMae
I love this Story because of Happiness and grateful
I love this Story because of Happiness and grateful
13/10/2024
1it's good 😊
11/07/2024
0good
19/06/2024
0Tingnan Lahat