Homepage/FINDING A HAPPINESS (Moonstar in Paraiso Series 1)/
FINDING A HAPPINESS (Moonstar in Paraiso Series 1)
SHE’s now in the position where she feels triggered. Pakiramdam nya na ng lalaki that she is hiding something and the worst thing is that baka malaman pa ng lahat ng mga tao sa bahay. She needs to do a plan. She needs to think, Nalilito sya ngayon, Hindi nya alam ang dapat nyang gawin sa ngayon, Do she need to admit it or to still deny and hide at the back of this mask. Kailangan nyang mag isip ng mabuti. Ayaw nyang ikatatwa lamang ang lahat sa kanya. Lalo na ngayon pinag iisipan ng mga tao sa bahay nila na nasisiraan na sya ng ulo simula noong makita nya ang mama nya sa labas ng bahay nya. Hindi sya nagkakamali doon alam nyang mommy nya ang nakita nya kahit na matagal nya na itong hindi nakikita tandang tanda nya pa rin ang mukha nito lalo pa at lagi nya itong nakikita sa picture noon.
Napapitlag sya ng maramdamang may gumalaw sa kanyang platong kinakainan at ng tingnan nya tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ni Jim, Nahihiyang nginitian nya ito at nahihiyang tiningnan sina Shiera at Johnnny na nakangiti namang kumindat sa kanya na tila sinasabing ‘Ang sweet ah’
“S-salamat” Nahihiyang pagpapasalamat na aniya dito ng iniiwas ang mga matang tingnan ito, Ayaw nyang mahalata ng lalaki ang kanyang nararamdaman dahil sa totoo lang kinikilig sya sa pinapakitang gesture nito sa kanya ngayon
“Walang anuman, Pambawi ko man lang sayo” Anito na medyo kinangiwi nya. Hindi yun ang inaasahan nyang sabihin nito.
‘Tumigil ka nga, anu ka Girlfriend?’ Lihim na saway nya sa kanyang sarili ‘Umaasa ka sa mga bagay na hindi dapat, si Maylene ang gusto nya tanggapin mo na’ dugtong na saway nya pa sa sarili nya.
“Hindi mo naman kailangang bumawi, kasalanan ko din naman yung nangyari, Saka hindi ako nakikinig sa inyo madalas kaya naman kayo nagagalit, Pagpasensyahan nyo na kung masyadong matigas ang ulo ko madalas” Totoo naman sa loob na hinging paumanhin nya
“Ayos lang, pasensya ka na din kung mahigpit kaming lahat sayo, Nag aalala lang kami at ayaw naming mapahamak ka, Ganon ka kamahal ng lahat sa bahay kaya mawala ka lang ng kunti naghahanapan kaming lahat, lalo naman si inay kasi anak na talaga ang turing nila sayo ni itay” Mahabang litanya na ito at bakas sa mata ang pag aalala
“Nagseselos na nga ako minsan parang ikaw na ang anak at hindi ako eh” Pabirong dugtong pa nito saka tumawa ng malutong nong kinurot nya ito.
“Hindi ah” Namumulang aniya, Pero alam nyang totoo naman ang sinasabi nito, Mas madalas pang mag alala sa kanya sina Nay Medeng kaysa sa lalaki and the fact na napapagalitan ito kaopag nawawala sya is a sign na sya talaga ang mas pina paboran ng dalawang matanda at yun ang hindi nya din maintindihan.
“Ahem, Mukhang lalanggamin na tayo dito, ang sweet ng lampungan ng dalawang mangga este may tumubo bang kabote?” Maya maya pa ay narinig nilang saad ni Shiera na ikinapamula naman ng kanyang mukha.
“Parang eh, Kanina pa tayo hindi pinapansin, Nagkaroon lang ng pagkakataon na magsama etsapwera na tayo, May mabubuo atang one big happy Family, Sa tingin mo?” Ani Johnny
“Tingin ko din eh. Anu tapos ka na bang kumain? Mukhang kailangan na nating umalis sa table.”
“Tapos na, Pwede na kaya nating iwanan ito pati yung dalawang akala mo mag asawa?”
“Tama tama mukhang pwede na talagang iwanan total mukhang bati na din naman sila diba?”
“Oo, bati na nga sila tingnan mo nga ang sweet mukhang hindi na pwedeng paghiwalayin tingin ko kasal na lang ang kulang”
“Uy, anung pinagsasabi nyo?” Aniya sa dalawa ngunit sinadyang magpanggap na walang narirrinig ang mga ito.
Nagkatinginan ang dalawa at nagkangitian bago nagsalita ulit ang nakabungisngis na si Shiera.
“May naririnig ka ba?”
“Wala naman akong naririnig, Pero kanina medyo parang may nagsasalita sa kawalan, Ikaw ba may naririnig?”
“Aba wala rin akong naririnig baka guni gunu mo lang yun, Naku mukhang kailangan na nga talaga nating umalis sa table at baka may lumitaw na kung anu mahirap na, Sa tingin mo?” ani shiera ulit.
“Tara na, umalis na tayo rito” Ani Johnny sabay tayo sa mesa at hinawakan sa kamay si Shiera na akmang aalis na.
Naiinis namang binato nya si Johnny ng hawak na panyo na biglang humagalpak ng tawa sa kanyang ginawa. Maging si Shiera ay natawa na rin at si Jim ay nakabungisngis na nginitian sya.
“Sige tumawa pa kayo at kutsara at baso itatapon ko sa pagmumukha nyo, Ikaw anung nginingiti ngiti mo? Aniyang pigil din ang pag tawa at binalingan pa si Jim.
“Nakakainis naman kasi best kung maglampungan kayo parang wala kami sa paligid nyo nakakainggit ha.”
“Anung lampunagan sinasabi nyo? Nag uusap lang kami lampungan ba yun?”
“Usap ba yun? In fairness angb sweet ha. Hindi mukhang usap” Pinamulahan naman sya ng mukha sa sinabi nito
ITUTULOY....I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (21)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I love this Story because of Happiness and grateful
13/10/2024
1it's good 😊
11/07/2024
0good
19/06/2024
0Tingnan Lahat