logo text

FINDING A HAPPINESS (Moonstar in Paraiso Series 1)

SINUNDAN ni Jimz si Jane kina Johnny, alam nyang niligawan ng huli ang dalaga kaya natrigger sya ng malaman kanina na doon ito matutulog sa bahay ng lalaki kaya mabilis ang galaw nya na sundan ito sa bahay na tinitirahan ng lalaki pero nagulat sya ng madatnan na nandon nga si shiera at mukhang sa iisang bahay nga sila nakatira na parang mag asawa.
“Mabuti pare at dumating ka, Ini stress nyo ba si Jane kaya ganyang nawawalan na lang bigla bigla ng malay?” Ani Johnny na ikinatawa nya ng bahagya. Yung tono kasi ng boses nito ay tila bawal ma stress ang dalaga.
“Grabeh ka naman kung makapag alala Tol, Para kang asawa ni Jane, Baka mag selos na yung totoong asawa mo talaga nyan.” Pabirong aniya.
“Hindi magseselos yan, alam nya naman kung gano ko sya ka mahal. “ anito na tiningnan pa si Shiera bago siya binalingan ulit. “So, back to topic, So anu? Ini stress nyo ba talaga sya kasi kanina pa yun iyak ng iyak pagkatapos na pinapuntahan namin ng Doctor namin para masuri nagising sya kaso iyak ng iyak hindi makausap ng maayos kaya pinatulog na muna namin ulit at baka kung anu pa ang mangyari, sabi pa naman ni Doc. Bawal syang ma stress, ang hirap patulugin ng anak nyo. Haha pero, seryosong usapan alam nyon naman na bawal ma stress ang buntis.”
Nagpanting at baingi naman ang kanyang taenga sa narinig na tinuran nito, Hindi nya alam kung mali lang ba sya ng pag dinig o tama talaga ang narinig nya kaya para makasigurado ay tinanong nya ulit ito.
“A-anung sinabi mo? P-pakiulit mo nga, Nabingi ata ako wala akong narinig masyado.”
“Ito naman ipapaulit pa eh nasabi ko na lahat ng sasabihin ko” Naiinis naman na saad ni Johnny
“H-hindi lahat, Yung huling sinabi mo lang, Yun yung hindi ko narinig masyado kanina”
“Alin don? Ah yung bawal sya ma stress?” Kunot noong tanong nito.
“O-Oo” Alangang aniya.
“Oo, bawal naman talaga ma stress ang buntis, hindi mo ba alam yun?” Walang paligoy ligoy na anito. Nagulantang naman sya sa narinigb na tinuran nito saka naman sya mariing tinitigan ni Johnny sa mukha na nagpakunot ng noo nito na tila nakakahuma na sa nangyayari.
“D-don’t tell me---“ Napatango naman sya.
“Ibig sabihin hindi nyo alam na buntis si Jane?” Tanong na din ni Shiera.
Tumango naman sya.
“Sabagay, kanina ko pa din iniisip, Wala namang boyfriend si Jane, Bakit sya buntis? Sino ang ama ng bata na dinadala nya, ang alam ko si Johnny ang huling nanligawa sa kanya” anito
Hindi naman sya nakaimik sa tinuran nito. Malalim ang iniisip nya ngayon kaya hindi nya alam kung sasagutin nya ba ang mga sinasabi nito kaya lang mukhang malakas talaga ang radar ng babae dahil bigla na naman sya nitong binalingan.
“Teka lang, Kung wala naman tayong alam na boyfriend si Jane at iniisip natin kung sino ang ama ng dinadala nya at sa pagkakaalam ko wala din syang ibang kaibigang lalaki or ka close maliban kay Johnny, Hmmmmmm” anitong nilagay po sa baba nya ang kanyang kamay na bigla syang binalingan ng nakakunot ang noo na tila nahuhulaan nya na kung anu ang iniisip nito.
“H-Huh?” Natatatarantang aniya sa babae na hindi makatingin ng diretso.
“Oo nga no?” Ani Johnny na din na biglang napalingon at mariin din syang tinitigan.
“K-kasi----“
“anung pinag uusapan nyo?” Naputol ang kanyang sasabihin ng marinig ang boses ng bagong gising na si Jane mula sa pagkakahimbing. Nandoon na pala ito sa pintuan nakatayo.
“Kasi tinatanong namin kung sino ang Dad----“
“Tinatanong nila kung sino daw ba ang dadalaw sa akin sa susunod na araw” Putol nya sa akmang sasabihin ni Shiera.
Makahulugan namang tinitigan nya ang dalawa na nakakaunawa naman sa ibig nyang sabihin sa kanyang tingin. Tumango na lamang ang mga ito sa kanya.
“Bakit ka nandito?” Tanong ni Jane.
“Nag aalala kasi si Nay Medeng kaya pinasundan ka rito para samahan na makitulog” Pagsisinungaling nya, “Kaya lang naabutan kitang walang malay, Masama daw pakiramdam mo sabi nina Shiera, Okay ka na ba?” Nag aalalang tanong nya.
“Nag abala ka pa, Oo okay na ako, wag kang mag alala, pasensya ka na nasasayang na naman oras mo dahil sa akin” Anito,
“H-hindi ayos lang, pasensya ka na sa mga nasabi ko” Hinging paumanhin nya.
“Ayos lang, S-si M-Maylene pala bat hindi mo kasama?” Alanganing tanong nito
“H-ha? Bakit ko naman isasama sya?”
“Eh diba Girlfriend mo sya? Dapat kasama mo sya kung san ka pumupunta lalo na sa iisang bahay kayo nakatira, I mean don din sya sa bahay.”
“Hindi sa lahat ng panahon dapat kasama ko sya kasi hindi ko naman sya—“
“Ah ganon ba, sabagay tama ka nga naman dyan” putol nito sa sasabihin nya pa sana.
Ibang iba ang Jane na nakikita nya ngayon don sa Jane na lagi syang tinatarayan at lagi nyang nabu bully. Nagkakahiyaan silang dalawa.
“Oh sya, buti at gising ka na kumain na muna tayo at nagluto ako” Ani Shiera ng maramdaman ang tensyon sa kanilang dalawa.
ITUTULOY…….

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    GumenMae

    I love this Story because of Happiness and grateful

    13/10/2024

      1
  • avatar
    Nuksu Cultivator

    it's good 😊

    11/07/2024

      0
  • avatar
    Glaiza Mae C Cabate

    good

    19/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata