Homepage/FINDING A HAPPINESS (Moonstar in Paraiso Series 1)/
FINDING A HAPPINESS (Moonstar in Paraiso Series 1)
NASA kalagitnaan ng byahe si Jane ng biglan syang makaramdam ng hindin nya maintindihang hilo. Balak nyang pumunta kina Johnny at Shiera dahil balita nya ay nagkakamabutihan na ang dalawa. Balak nyang doon muna magpalipas ng gabi ngayon sa bahay na tinitirihan ng mga ito. Masaya sya sa nabalitaan sa dalawang kaibigan. Alam nya na na secret married pala ang dalawa at nagkakamabutihan na ang relasyon kaya hindi problema sa kanya na tumambay sa bahay ng mga ito bagamat minsan na syang niligawan ni Johny. Napakislot sya ng marinig ang pagtunog ng kanyang telepono habang nagmamaneho. Tama ding nasa harap na sya ng bahay nina Johnny at Shiera kaya pinark nya muna ng maayos ang kanyang sasakyan bago wala sa loob na sagutin ang kung sino mang tumatawag na hindi man lamang na sinulyapan kung sino ang nasa kabilang linya. “Hello?” “Nasan ka? Kanina ka pa namin hinahanap at wala ang sasakyan mo.” Bungad tanong ng baritonong boses na nasa kabilang linya. “Kuya? Is that ate Jane? Can I talk to her?” Narinig nyang boses ni nica “Hey, wag mong guluhin ang kuya mo, Baka alam mong may kausapn eh” Isa pang narinig nyang boses at tila tinusok ng pinong pino ng sampong piraso ng karayom ang puso nya sa boses na naririnig. “Maylene, pwede ba? Huwag kang maingay alam mong may kausap ako eh” Narinig nyang singhal nito sa babae. “Jane, anu? Nasan ka? Kanina ka pa hinahanap sa akin ni inay, Kailangan ba bantayan kita ng benteb kwatro oras para alam ko lagi kung nasan ka? Uso ngayon ang nagpapaalam” Balik tanong na may kasamang pagalit naman neto sa kanya. Nasaktan naman sya sa tinuran ng lalaki, so ibig sabihin pala noon kaya lang sya sinasamahan nito dahil lang sa inutusan ito ni nanay Medeng at napipilitan lang. Hindi talaga bukal sa loob nito ang pagsama sa kanya. Hindi nya namalayang tumutulo na pala ang kanyang luha dahil sa tinuran nito, Masakit isipin na ganon lang pala ang tingin nito sa kanya ngayon. Na tila para rito ay isa lamang syang pabigat. Ngayon nya nauunawaan lahat. “A-ah, magpapaalam sana ako kanina kaya lang busy silang nag uusap at naligo ako pagbalik ko umalis silang lahat kaya iniisip kong tawagan na lang kaso lng nawala sa isip ko, Tatawagan ko pa lang dapat ngayon.” Garalgal ang boses na aniya. “S-sana sa susunod wag kang aalis ng hindi pa rin nakakapagpaalam para hindi nag aalala sayo lahat ng tao sa bahay!” Galit na saad nito. “S-sorry.” Aniyang pinipigilan ang pag hikbi para hindi nito marinig ang pag iyak nya. “Anak, anu natawagan mo na si Jane?” Narinig nyang tanong ni Medeng. “Opo nay kausap ko na, May ibibilin ba kayo sa pinakamamahal nyong alaga” Tanong nito sa kay Medemg sa kabilang linya. “Ayusin mo yang pananalita mo para kang bata.” Saway naman ni Medeng sa lalaki “Papano kasi kapag nawawala ako lagi ang hinahanapan ninyo, Ang laki laki na hindi pa nagpapaalam, alam nya naman na lahat tayo rito nag aalala kapag umaalis sya ng walang paalam, Hindi man lang magsabi kung nasaan, Kung may mangyaring masama sa kanya hindi natin alam kung saan hahagilapin.” Anang lalaki na tila kinakabakasan ng pag aalala para sa kanya. Pero ayaw nyang mag assume. “P-pasabi kay inay na makikitulog ako baka bukas na ako umuwi” Aniya “Nakita mo na makikitulog ka saka ka lang magpapaalam kung saan nakaalis ka na ng bahay.” Galit na anito. “Nasaan ka at saan ka makikitu;log?” Ma awtoridad na tanong nito. “Sa bahay ng kaibigan lang” “Sinong kaibigan nga!” Malakas ang boses na tanong nito na ikinagulat nya. Ngayon lang sya nasigawan ni Jim sa buong buhay nya. “Kina J-Johnny” Aniya “Makikitulog ka, sa bahay ng lalaki?” “May kailangan lang akong ayusin saka andito si Shiera” “Hayaan mo na nga si Jane, Jim. Malaki na yan at alam nya kung anung ginagawa nya, Akin na nga yang telepono” Narinig nyang saad ni Medeng “Teka nay kausap ko p---“ “Hello anak, sige mag iingat ka dyan, sabihin mo lang kung anung oras ka uuwi bukas at ng mapaghanda ka namin ng makakain.” Ani Medeng na inagaw na ang telepono kay Jim. “Opo” “Wag muna kayo gagawa ng baby ng bboyfriend mo ha, Hindi pa ako handa maging lola” Pabirong anito na napagkamalan pa ata na sa boyfriend nya sya matutulog. Natawa naman sya sa tinuran nito dahil kung alam lang nito kung anu ang dinadala nya sa sinapupunan sa ngayon. “Hindi ko po ito boyfriend” “Oh, siya sige, bye ba at ako ay nagluluto. Toooot” Malalim na buntunghininga ang kanyang binitawan pagka babang pagka baba ng telepono. Tila lalong sumama ang pakiramdam nya dahil. Tama namang paglabas ng kanyang sasakyan ay paglabas din ni Shiera. Ngumiti sya sa huli. “Sabi ko na nga ba ikaw na yan, Tara pasok ka sa loob” “Salamat” alangan ang ngiti na aniya. Pakiramdam nya madilim na ang kanyang paningin at wala na syang makita. “Ayos ka lang?” Tanong nito. Tumango naman sya. “There you go” Bati ni Johnny pagpasok nya na inakbayan si Shiera. “Oh! My Johhny what happen!” yun ang huli nyang narinig na sinabi ni Shiera dahil Tama namang nawalan sya ng malay at hindi nya alam kung kaninong kamay ang nabagsakan nya ang alam nya lang tila may sumigaw at wala na syang makita. ITUTULOY………
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (21)
GumenMae
I love this Story because of Happiness and grateful
I love this Story because of Happiness and grateful
13/10/2024
1it's good 😊
11/07/2024
0good
19/06/2024
0Tingnan Lahat