logo text

FINDING A HAPPINESS (Moonstar in Paraiso Series 1)

HINDI maiwasan ng mga kasambahay nila Jane na madalas pag usapan ag nangyayari sa kanya dahil simula noong makita nya ang ina ay hindi na ito tumitigil sa pag banggit sa lahat ng mga tao sa bahay niia na nakita nya ito atlaging pinapakiusap kay Medeng na tulungan syang hanapin ang mga magulang dahil sigurado na sya ngayon na buhay pa ito. Ang reaksyon nyang yun naman kung bakit tila kakaiba ang iniisip sa kanya ng mga kasamahan nyang nasa bahay.
Isang araw habang nag uumpukan sila sa kusina ay hindi nila maiwasan na mapag usapan ang nangyayari ngayon sa dalaga na dati ay hindi naman nagkakaganyan, Katunayan pinabago pa nito lahat ng mga design sa loob ng bahay para raw maganda itong tingnan kung sakali mang bunmalik ang mga magulang nito.
“Grabe na talaga ang nangyayari kay Jane no?” Pagbubukas ng usapan ni Pepeng. Siniko naman sya ni Susana.
“Yang bunganga mo, mamaya may makarinig sayo, Baka si Jane pa makarinig.” Ani pa nito.
“Hindi yan, Nakita kong umalis sya kani kanina lang.” Pagtatanggol ng una sa sarili
“Totoo naman ang sinasabi ni Pepeng, Sa sobrang pangungulila nya sa mga magulang palagi na syang namamalikmata, Minsan tuloy hindi ko maiwasang isipin na---“ Pinutol nito ang sasabihin ng matiim syang tinitigan Susana na para bang sinasabi wag mo na ituloy yang sasabihin mo.
“Tulungan na lang natin yung bata, Malaki din naman ang naitulong nila sa atin at tinuring tayong pamilya lahat, Siguro ito na lang magagawa natin sa ngayon.” Ani Susana
“Sabagay, Tama ka nga naman dyan sa sinabi mo.”
“Kung hindi dahil sa kanila at pag turing nila sa atin na pamilya, Siguro ngayon namunulubi na tayo sa daanan, Pero ang bait ng pamilya ni Jane, Hindi ko nga maintindihan kung bakit silla yung nakakaranas ng ganitong mga pangyayari sa buhay gayong kabaitan naman lahat ang pinapakita nila, Kahit si Jane ay lumaki pa ring napakabait na bata kahit nakaranas noon ng pag mamaltrato.”
Sang ayon naman ang lahat sa tinuran ni Castro dahil nga sa totoo namang sa tagal nilang lahat na naninilbihan sa pamilya ng dalaga ay wala silang masabi sa kabaitan ng mga ito. Ni hindi nila ag mga ito nakakakitaan na nagalit noong nabubuhay pa ang mga ito. Hindi rin palautos ang mag asawa, Marunong ang mga ito sa gawaing bahay kaya tumutulong sa kanila sa tuwing nag uumpukan silang lahat sa kusina na tila ba ay kadugo ang turing sa kanilang lahat. Wala takaga silang maipipintas sa mag asawang yumao pero nakakalungkot isipin na sila pa ang inatake ng bangungot ng kakaibang trahedya.
“Pero bukod sa nangyayari kay Jane, May isa pa akong napapansin sa kanya parang may mali pa kasi sa mga kilos nya” Maya maya ay pag iiba ng usapan ni Mila.
“Huh? Anung ibig mong sabihin?” Nagtatakang tanong ni Medeng
“Nay Medeng, Hindi ka ba nagtataka kung bakit sya palaging umaalis ng walang kasama? O usual naman na kapag umaalis yan ay laging isasama si Jim pero neto pong mga nakaraan ayaw nyang magpasama kahit sa akin.”
Nagtinginan naman silang lahat kay Mila ng ma analisa ang sinasabi nito dahil tama ang tinuran nito sa kanilang lahat, Hindi nga naman umaalis ng mag isa yun at lalo na ngayon lang natutuong mag drive ang dalaga.
“Ito pang isa, Ayaw nya na nagpapapasok sa kwarto ng walang paalam e dati naman, walang pakialam yun kung may papasok don o wala plus lagi na itong naka lock na dati naman hindi.”
“Oo nga no? Hindi kaya nagdodroga na si Jane?” Pag sang ayon at dugtong naman ni Pato.
“Tangi, grabe ka naman dyan sa droga mo, Hindi ganon ang iniisip ko, May isa pa kasi akong napapansin”
Tila naman mga tsismoso at tsismosa na nag silingunan ulit ang lahat sa kay Mila na nag aantay ng kanyang sasabihin.
“siguro naman kahit kayo napapansin kung gaano sya ngayon kalakas kumain, Bukod don tumataba sya.”
“Eh malakas na din naman sya kumain dati pa”
“Oo, pero ngayon mas lumakas pa plus kakaiba ng kinakain nya, Ikaw ba namang mag halo halo ng mga pagkain na para ng pagkain ng baboy yung kinakain mo, Diba ang weird ng ganong kilos, Hindi nyo ba talaga mahulaan ang iniisip ko?”
Napakunot naman ang noo ni Medeng na napapaisip na din at nagkaka idea sa ibig ipahiwatig ni Mila pero nanatiling tahimik, Kahit ang mga tao sa paligid nito ay nagkaka ediya pero nanatiling hindi nagsasalita.
Tama nga naman kasi ang mga sinasabi nito at ang mga kilos ni Jane ngayon ay sintomas ng mga bagay na iniisip nya bagamat maaring nagkakamali lamang silla pero maaari ding tama ang hinala nyua sa ngayon, at kapansin pansin na din ang pag iibaat pagbabago ng katawan ng dalaga. Dati kahit anung kain nito ay hindi ito tumataba dahil hindi talaga ito tabain pero ngayon bigalang nag iba ang hugis ng katawan nito na tila ba hindi lamang iisa ang kumakain sa tuwing ito kundi may isa pa
ITUTULOY…….

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    GumenMae

    I love this Story because of Happiness and grateful

    13/10/2024

      1
  • avatar
    Nuksu Cultivator

    it's good 😊

    11/07/2024

      0
  • avatar
    Glaiza Mae C Cabate

    good

    19/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata