Homepage/FINDING A HAPPINESS (Moonstar in Paraiso Series 1)/
FINDING A HAPPINESS (Moonstar in Paraiso)
Chapter 45 “MARAMING salamat sa lahat ng mga tumulong sa akin, lalo na sa kina nanay Medeng. Nawalan ako ng mga magulang noon pero hindi nila ako pinabayaan bagamat maraming nangyari, Muntik na akong napahamak sa kamay nina tita Tanya pero ang maganda ay ganon pa rin ito pa rin ako at buhay, Noong laging wala si Tito Andrew, naging tagapagtanggol ko sila, At hindi ko alam kung paano ko malalagpasan ang lahat kung hindi dahil sa tulong nila noong namatay si tito. Lahat lahat sila ang tumulong simula sa pag aalaga sa akin at ngayon ito nakapag tapos ako ng pag aaaral ko sa tulong din nila.” Mahabang ani Jane sa mikropono. “Maging sa nga taong andito na naging saksi at tanggulan ko sa lahat, kina Mang Pepeng, aling susana, mang pato, Ate Mila, at sa lahat. Maraming maraming salamat po sa inyo.” Dugtong nya pa. Umalingawngaw naman ang masigabong palakpakan sa kanyang paligid dahil sa kanyang mahabang speech. Pababa na sya ng mamataan ang isang pamilyar na bulto sa di kalayuan sa kanya. Ilang segundo syang natigilan sa kinatatayuan nya bago nakabawi ng kaisipan. Makakalimutan ang mukha nito. Matagal nya man itong hindi nakita sa mahabang panahon ngumit kilalang kilala nya pa rin ang bulto nito at ang mukha nito. Hindi nya “M-mommy?” Mahina nyang usal. Bago dali daling tumakbo upang habulin ito. Alam nyang ang mommy nya yun, hindi sya maaaring magkamali. Dali dali ang pag kilos at galaw nya upang puntahan ito na ni hindi na sya nag abala pang panssinin ang mga nasa paligid nya . “Jane, Anak bakit?” Nagtatakang tanong ni Medeng ngunit hindi man lamang sya nag abalang sulyapan ito. “Mommy, si Mommy yun hindi ako maaaaring magkamli.” Sambit pa rin nya. Nagulat naman si Medeng sa kanyang tinuran, Ngunit ang nasa isipan nito ay impossible dahil matagal ng wala ang mga magulang nito. “Anung ibig mong sabihin? “ Hindi pa rin makapaniwalang tanong nito halatang ayaw nitong paniwalaan ang sinasabi nya. “Nay Medeng si Mommy po yun, Hindi ako maaaring magkamali, Sya po yun” Naluluha ang mga mata na saad nya rito. “Matagal ng wala at patay ang mommy at daddy mo papano sila mapupunta dito? Baka naman guni guni mo lang anak” “Yaya hindi po, Hindi po ako maaaring magkamali si Mommy talaga yun, Nakita ko ang mommy po talaga yun” Aniya at tuluyang umalis at pinuntahan kung saan nya banda nakita ang bulto kanina. “Mommy? Mommy! Mommy!” Sigaw nya habang umiiyak Umiiyak ding tinitingnan ni Medeng sya na puno ng habag at awa ang mga mata, Iniisip na marahil ay gusto nyang makita ang mga magulang sa espesyal na araw nyan ngunit wala ang mga ito.Niyakap nya naman ang alaga na nahahapis sa sobrang kalungkutan at humahagulhol sa pag iyak dahil sa kabiguang makita ang kanyang ina na sinasabing buhay pa ito, Sa nangyari noon sa dalawang minamahal na alaga na walang iba kundi ang ama at ina ni Jane, Malabo ng may mabuhay pa sa dalawa lalo na at sabog ang sasakyan ng mga ito. Halos abo na ng makita. “Nay Medeng si Mommy po talaga yun. Huhuhu, Nay Medeng Hindi po ako maaaring magkamali, Buhay si Mommy po” aniyang hindi sinasadya na napayuko ang ulo sa lupa na sya namang nagpaigting lalo ng pag asa nya na buhay nga ang mommy nya dahil sa mga bakas at markang nakikita sa lupa. “Y-yaya” Aniyang nakalimutang nanay na ang tawag sa Ginang, Ang reaksyon nya noong bata pa sya na hindi nawawalan ng pag asang buhay ang magulang ay ganitong ganito rin. “Jane, anak bakit?” Ani Medeng, Alam nyang kapag ganyan na ang reaksyon ng alaga ay hindi mo na mababali o mapapaniwala sa anumang sasabihin mo, Alam nyang bumabangon talaga ang pag asa nito na buhay ang ina. Napakunot noo naman sya at nagulat ng umupo ito. Sinundan nya ng tingin ang galaw nito. “Y-yaya b-buhay si Mommy, S-sigurado ako na hindi ako nagkakamali dito sa nakikita ko” Mahinahon na na saad nya habang tumutulo ang mga luha sa mata. “Papanong—“ Aniya na tiningnan din ang bakas ng mga paa. “Patunay itong mga bakas na to ng mga paa nya, Hindi guni guni ang nakita ko, Yaya, Inay Medeng buhay sya, Marahil ay ayaw nyang magpakita lang sa akin. Hindi po ako maaaring magkamali sa nakita ko kanina.” Litanya nya na nagpapaniwala na din rito na hindi guni guni lang yun, Pero may napansin sya sa bakas ng paa. “Jane? Nakakapagtaka lang” Aniya “Bakit po?” Nakakunot ang noo na tanong nya. “Kung mommy mo nga ang nakita mo, Kung si Lovelyangel nga yun, Sige maniniwala ako kasi nakita mo at alam ko hindi mo nakakalimutan ang mukha nya lalo na at araw araw kan g nakatingin sa kanyang litrato, Pero nakapagtataka sya lang ba ang nakita mo?” Tanong nito “B-bakit po? Sya lang ang nakita ko” “Kasi yung bakas ng paa, Apat. Ibig sabihin dalawa sila ang nandito kanina. Kaya lang maliit ang bakas ng paa pareho, Imposibleng ang daddy mo yun dahil malaking tao si Ezra.” Binundol naman sya ng pag aalala ng maisipan ang tinatakbo ng isip ni Medeng, Lingid naman sa kanilang kaalaman ang nanlilisik na mga mata ng isa pang na babae doon sa kabilang banda na kitang kita din ng isang lalaking nasa di kalayuan. ‘Sino ka ba talaga, at bakit ganyan ang reaksyon mo, Anung meron sayo at anung kailangan mo kay Jane, Bakit ka pumasok sa bahay nila para magpanggap, Kung snio ka man hindi ka magtatagumpay sa mga plano mo, Hindi mo masasaktan ang mahal ko’ Anang isipan ng lalaking ito. Sa di kalayuan naman ay ang batang takot na takot sa reaksyon ng nakikita nyang panlilisik ng mata sa di kalayuan, Alam nya ang ganitong uri ng tingin dahil ito din noon ang kanyang pinanggalingang kalupitan at ang awa sa kanyang ate Jane dahil sa pag iyak nito ng labis sa nangyayari. ‘Bakit ang daming masasamang tao sa mundo? Papa God tulungan nyo po si ate, Napakabait nya dahil tinulungan nya po ako, gabayan nyo po sya.’ Mahinang usal na dasal nya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (21)
GumenMae
I love this Story because of Happiness and grateful
I love this Story because of Happiness and grateful
13/10/2024
1it's good 😊
11/07/2024
0good
19/06/2024
0Tingnan Lahat