Homepage/FINDING A HAPPINESS (Moonstar in Paraiso Series 1)/
FINDING A HAPPINES(Moonstar in Paraiso Series 1)
KANINA pa naaasar si Jim sa presensya ni Maylene na tila ba umaarte itong girlfriend nya kung makakapit ito at makadikit sa kanya. Kanina pa sya naaalibadbaran sa presensya nito ngunit pilit nyang tinitiis at tinatago ang inis na nararamdaman sa dalaga para hindi lamang ito mapahiya sa mga bisita at sa mga kaklase nyang andyan. Maya maya ng mapag solo sila ay saka nya naman ito sinaway. “Maylene anu ba? Pwede bang wag kang dikit ng dikit sa akin.” Mahinang saad nya sa babae “Bakit? Kasi natatakot kang makita tayo at baka nandyan ang girlfriend mo?” anito “Hindi ganon yun, Stop acting like you’re my girlfriend kasi hindi ka na nakakatuwa” Prangkang aniya “Sa nangyari sa atin hindi pa ba tayo non? O gusto mo e announce ko sa buong mga tao dito ngayon yung nangyari yun?” Anito “Maylene! Wag na wag mong gagawin yan kung ayaw mong magalit ako sayo at hayaan ko kayo nyang sinasabi mong pinagbubuntis mo” aniyang kinakabahan na baka totohanin nito ang sinabi. Baka malaman ng nanay nya na buntis ito at mas lalo namang ayaw nyang malaman ni Jane ang sitwasyon. Sinabi ni Maylene na buntis ito kaya napilitan na rin syang alagaan ito kahit na ayaw ng kalooban nya ay wala syang magagawa lalo na at nagbabanta itong magsusumbong sa nanay at tatay nya. Kailangan nyang gawan ng paraan para hindi malaman ni jane ang nangyayari, Ayaw nyang masira lalo ang tingin sa kanya ng dalaga kaya lang sa nangyayari tingin nya ay unti unti na ngang nasisira ang lahat at nagbabadya na ring masira pa ulit ng lubusan at tuluyan sa ngayon. Hindi nya alam kung anung gagawin sa nangyayari. “Okay fine, Bahala ka sa kung anung gusto mong gawin pero pwede ba kunting respeto naman, Kailangan ko din naman sigurong makihalubilo sa iba diba? Wag kang umarte na parang talo mo pa yung asawa kita at kailangan ko din namang kausapin ang mga kaibigan ko at lalo na tandaan mo kung buntis ka man, Bata lang ang meron ako sayo at bata lang ang kailangan ko hindi ikaw” Maanghang na saad nya. Ayaw nya sana itong sabihin dito pero hindi nya na talaga ma take ang ginagawa nito at ang inis na nararamdaman nya dito. Kaya wala syang choice kundi ipamukha dito ang pagka disgusto nya sa babae dahil sa nararamdamang pagkairita sa babae. “Ang sama ng ugali mo” Anito “Masama talaga ang ugali ko, at huwag mong antaying sumama lalo sa ginagawa mo.” “B-bitawan mo ako nasasaktan ako, Anu ba.” “Masasaktan ka talaga kapag hindi mo ako tinigilan sa kalokohan mong yan, subukan mong mag eskandalo makikita mo kung anung hinahanap mo, Hindi mo ako kilalang magalit” Nagtatapang tapangan na aniya sa kabila na kinakabahan din sya sa posibleng gawin ng babae. GALIT NA GALIT sa inis si Maylene ng mapalayo sa binata habang tinitingnan ang kamay na tila nagka pasa ata dahil sa ginawa nitong pamimilipit sa kanya. “Walanghiya kang lalaki ka humanda ka sa akin kapag nagkaroon ako ng pagkakataon na gumanti sayo, hayop ka” Naiiyak na aniya habang hinihimas ang nasasaktang braso. “anak” Maya maya ay dinig nya. “M-mommy? Bakit po kayo nandito?” Nakakunot ang nyang tanong ng makita ang ina ni Jane. “Baka may makakita po sa inyo” Naiinis na aniya sa babae, mahuhuli pa ata at baka mabulilyaso ang mga plano nya sa pagsulpot nito. “Hindi anak madaming tao kaya hindi ako mahahalata na nandito” “Pero kahit na hindi pa din tayo nakakasiguro, Gusto mo ba talagang mapahamak tayo pareho?” “Hindi naman sa ganon, na miss lang kita takaga at gusto kitang makita” Naiirita sya sa babae dahil hindi nya alam na ganito pala ito ka obsess kay Jane, at mukhang ito pa ata ang makakasira sa lahat ng mga plano nya. “Mommy, antay antay ka lang po ng kunti pasasaan ba at magkakasama din tayo wag ka na pong mainip, Ayaw ko lang na mapahamak ikaw” Paglalambing nya dito sana naman ay umepekto. “Nag iingat naman po ako at saka namimiss ko din naman po kayo kaya lang kasi syempre kailangan ko ding gawin ito para sa atin” Aniya pang lalong inigihan ang paglalambing dito na hinimas pa ang likuran nito. “Pasensya ka na anak, Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko” ‘”Pwes pigilan mo” Mabagsik na aniya. “Huh? Nagulat naman ito sa kanyang sinabi” “Ang ibig ko pong sabihin, I wish pigilan nyo kasi baka mapahamak kayo” Aniyang binago bigla ang expression ng mukha at matamis na ngumiti para utuin ito. “Ganon ba sige kung yan ang gusto mo” “Good mom, Now you need to go bago pa may makakita at makahalata sayo mahirap na” Pagtataboy nya dito. “Sige anak, Mag iingat ka palagi, Tawagan mo ako mamaya para hindi kita namimiss lagi” Bilin nito “Sure po mommy” Aniyang winaksi pa ang nakalugay at sumasagabal na buhok sa kanyang mukha. “Stress” Aniya pa bago bumalik sa party ni Jane. ITUTULOY…..
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (21)
GumenMae
I love this Story because of Happiness and grateful
I love this Story because of Happiness and grateful
13/10/2024
1it's good 😊
11/07/2024
0good
19/06/2024
0Tingnan Lahat