Homepage/FINDING A HAPPINESS (Moonstar in Paraiso Series 1)/
FINDING A HAPPINES(Moonstar in Paraiso Series 1)
NAPABUNTUNGHINGA na lamang sya habang sinudundan ng tingin ang dalawang papaalis sa kanyang harapan. Hindi nya din alam ang gagawin pa sa ngayon dahil mukha namang nagsasabi naman ng totoo ang kanyang mga nakaharap, mukha namang hindi ang mga ito nagtsisinungaling sa mga sinasabi lalo na at kitang kita nya kung paano ang pagmamakaawa ng babae sa kanya kanina. Malungkot ang puso nyang pumunta sa venue ng party nya, kakaiba naman itong graduation gift nya, Hindi maganda ang balitang natatanggap nya, pambihirang buhay talaga. Pinanganak talaga ata syang malas at nananatiling naghahanap ng kaligayan. Bagay ata sa title ng kwento ng buhay nya ay finding a happiness kaka antay at kakahanap nya ng happiness eh. Nasa kanya nga lahat ng ginto at masasabing kahit wala syang pamilya ay may gintong kutsara na sya sa kanyang labi pero ito naman sya kawawang kawawa ang tingin sa sarili, lahat ng kaligayahan na meron sya dumadaan lang tapos tanggal agad. “Anak, lumabas na sila, Anung sabi? Sila talaga ang mga magulang ng bata?” agad na bungad ng tanong ni Medeng sa kanya. “Tingin ko po Nay eh, aka yung family picture na pinakita nila, Mukha po yun ni Nica, Hindi naman po siguro magsisinungaling yun” Malungkot nyang saad “Anung balak mo ngayon? Ibabalik mo sa kanila ang bata?” Tanong nito “Hindi ko po alam, Hindi po ako makapag isip ng maayos sa totoo lang, Napamahal na po sa akin si Nica, Nong dumating sya nagkaroon po ako ng pamilya” “Anak, Pamilya mo naman kami eh.” “Ang ibig ko pong sabihin, yung kapatid, Nagkaroon po ako ng rason para makita na ma swerte pa rin ako saka pakiramdam ko noon pinadala sya ng mommy at daddy para bantayan ako pero ito kukunin din pala sya sa akin” Aniya. “Hayaan mo na anak, May dahilan ang Dios” Hindi nya napigilan ang pagpatak na ng luha dahil sa lungkot na nararamdaman, Si Nica ang nagpapagaan ng loob nya sa tuwing nakikita nya ito lalo na nong nalaman nyang buntis sya ay lalo syang na attach sa bata kaya hindi nya alam kung kaya nya ba itong ibigay sa totoong mga pamilya nito. “Bakit po ganon nay? Bakit parang pinagkakaitan po ako ng mundo at ng dios ng kaligayahan? Gaano po ba ako kasama para hayaan nyang mangyari sa akin lahat ng ito? Hindi naman po ako masamang tao eh, Lahat naman po ng mabuti at ikakabuti ginagawa ko pero bakit parang galit po sa akin ang dios para hayaan akong malugmok sa kalungkutan sa lahat ng bagay” Aniyang napahagulhol na sa matanda. “Jane, anu ka ba graduation mo ngayon hindi ka dapat malungkot, Andito pa naman kami eh, anu ka ba? Pwede mo namang bisitahin sya sa kanila kahit na kunin sya ng mga magulang nya eh. “Kaya lang kasi hindi na kami magiging kagaya ng dati, yung tipong masaya kami bilang parang totoong magkapatid sa loob ng iisang bahay, Minsan gusto ko na pong magalit sa Dios eh, Kasi bakit sa dinami dami ng tao ako lagi yung target nya, Mula sa mga magulang ko, Sa pinagdaanan ko, sa kay tito Andrew, sa kay Nica at sa dinadala kong—“Natigilang sya ng ma realize ang muntik nya ng masabi at saka nya tinakpan ang kanyang bunganga at lihim na kinastigo ang sarili. ‘Ang tanga mo, Manahimik ka na nga’ Anang utak nya sa kanyang sarili “dinadala mong??” Kunot ang noong tanong nito sa kanya. “Ah, ha, eh D-Dinadala ko pong bigat ng kalooban sa ngayon dahil sa mga nangyayari.” “Anak, may dahilan ang Dios sa lahat ng mga nangyayari, Basta ang importante na sa lahat ng bagay ay hindi ka nawawalan ng tiwala sa kanya, at patuloy ka pa ring naniniwala na may dios, Malay mo balang araw ito yung maging dahilan yung mga pinagdaanan mo para maging savior ka ng iba diba? Alam mo sa lahat ng taong nakita ko na napakadami ng pinagdaanan, Mula ng bata ka ikaw yung hinahangaan ko sa lahat, ang brave mo sa pagharap sa lahat ng bagay kaya naniniwala ako na ngayon kakayanin mong bitawan si Nica para sa kapakanan nya at para sa mga magulang nya.” Pagpapalakas nito ng loob nya. “salamat po Nay, Lagi kayong nandyan para sa akin kahit na hindi nyo naman ako ka dugo tinuturing nyo akong anak, Hindi ko po alam kung anung gagawin ko sa buhay kung sakaling wala kayo. Baka po sa ngayon kung saan ako pupulutin” Pagpapasalamat nya. “Halos araw araw mo na akong sabihan ng ganyan anak, Anu ka ba wala sa akin yun, Kulang pa nga yang lahat sa laki ng utang na loob namin sa Mommy at daddy mo. Kung hindi dahil sa kanila hindi ko din alam kung saan kami pupulutin noon, hindi ko din alam kung buhay pa kami at lalo na si Jim, kaya yung pag turing kong anak sayo ay ganon din ang pagturing sa amin na pamilya noon ng mga magulang mo, kaya wag mo ng iisipin yun.” “Salamat po Nay” aniyang napayakap dito. “Saka sa bait mong yan anak, Hindi imposiblrng hindi lang ako ang magturing na anak sayo kahit saan ka mapunta, Lalo pa at maganda ka”anito na may kahalo ng biro. Natawa naman sya sa tinuran nito sa kanya. “Ikaw nay ang bolera mo talaga” “Asus hindi ah, Maganda ka naman talaga paano mo nasabing bola lang yun? Humarap ka nga sa salamin, saka tingnan mo diba napangiti kita bata ka halika na nga at baka gutom na mga bisita mo” Amito saka sya giniya palabas. ITUTULOY…
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (21)
GumenMae
I love this Story because of Happiness and grateful
I love this Story because of Happiness and grateful
13/10/2024
1it's good 😊
11/07/2024
0good
19/06/2024
0Tingnan Lahat