logo text

FINDING A HAPPINES(Moonstar in Paraiso Series 1)

“MABUTI naman dumating na kayo, Naku may problema tayo” Nag aalalang mukha ni Susana ang sumalubong sa kanila.
“Po, Bakit po?” nagtatakang tanong nya.
“May bisita tayo at nagpapakilala na mga magulang daw ni Nica, Gusto nilang kunin ang bata kaso hindi sila makilala ng bata”
“Ho? Nasan po si Nica?”
“Nasa loob ng kwarto mo, ayaw lumabas kanina pa, Ayaw din kumain”
“Saan na po yung nagpakilalang magulang nya?”
“Nasa sala kanina ka pa inaantay”
Mabilis ang mga paa na tinungo nya ang sala para makita ang nagpapakilalang magulang ng bata. At meron nga talaga silang bisitang dalawang tao babae at lalaki na nasa sala.
“Hi” Bati sa kanya ng lalaki ng makita sya
“Hello po” Ganting bati nya.
“Hi, I am Joshua Villaruel and this is my wife Joy Villaruel” Pagpapakilala nito.
“Hello, I am Cassandra Jane po, anu pong kailangan nila?” Ganting pagpapakilala at tanong nya.
“Hindi na kami magpapa ligoy ligoy pa, Andito kami to pick up our daughter. Nalaman namin sa imbestigador na ini hire namin na nandito ang aming anak at gusto sana namin syang makuha.” Direktang saad nito.
“Ganon na lang po yun? Anu po yung bata aso na okay lang kunin, ipamigay kapag may nag declare na magulang nya sa harap ko, Pasensya na po kayo pero hindi ko ibibigay ang bata” matigas ang ekspresyon ng mukha na anita.
Ayaw nyang ibigay sa mga ito si Nica lalo na at nangako syang sa bata na poprotektahan ito noon, hindi nya kilala ang mga ito kaya wala syang tiwala, Baka isa lang ito sa nagtangka sa buhay ni Nica noon kaya paninindigan nya ang pagpapatuloy ng bata sa poder nya
“No! Anak ko si Nica at ako ang nagluwal sa kanya, anung karapatan mong hindi sya ibigay sa amin?” Hestirical at puno ng luha ang mga mata na saad ng pinakilalang asawa.
Inawat naman ito ni Joshua sa tangkang paglapit nito sa kanya.
“Please Jane, Antagal naming hinanap ang anak namin, Ilang taon kaming nag antay na balang araw makikita at matatagpuan namin sya kaya sana ibalik mo na sya sa amin, nangungulila kami sa anak namin.” Mahinahon at malungkot na pakiusap naman ni Joshua sa kanya.
Lumambot naman ang ekspresyon nya sa tinuran nito at lalo pa syang nanlambot ng makita ang miserableng mukha ng babaeng kaharap.
“Paano po ako makakasiguro na kayo talaga ang mga magulang nya?” Tanong nya.
Mabilis namang kumuha ng litrato si Joy saka pinakita sa kanya.
“Ito, Ito ang ilang mga litrato ng buong pamilya namin na kuha taon na ang nakakaraan, siguro naman sapat ng ebidensya ito” Anito
Pinagmasdan nya ang litrato, Ngayon nya na realize kung bakit magaling mag english si Nica at iba ang balat nito saka ngayon nya na realize kung bakit pamilyar sa kanya ang bata.
“Pinatakas namin sila ng yaya nya dahil gusto kaming patayin ng kalaban ng asawa ko sa politika sa lugar namin noon kaya lang pinasabog nila ang sinasakyan ng mga ito, Akala namin patay na pero wala kaming nakitang bangkay nila kaya umasa kami na buhay pa ang anak ko, Kaya lang sa kasamaang palad nagka amnesia sya at walang maalala at nawalan kami ng contact sa yaya nya hanggang natagpuan namin ulit sila kaya lang nong araw na kukunin namin sila na tiktikan kami at naunahan ng mga kalaban, Other shocks and tragedy that happens to us, Akala namin nakuha si Nica ng kalaban kaya another investigations, Kahit malaki ang gastos ayos lang. Hindi namin pinapalabas sa medya ang paghahanap dahil magiging delikado ang buhay ng anak ko kung sakaling hawak sya ng kalaban baka patayin sya pero wala kaming natatanggap na ransom kaya nag iisip kaming hindi sya hawak ng kalaban ko at tama nga kami kasi nasa iyo sya.” Mahabang paliwanag nito
“Kaya nakikiusap ako sayo, Ibalik mo na sa akin ang anak ko, Nagmamakaawa ako sayo, Kailangan ko ang anak ko” Nagsusumamo at umiiyak na pakiusap ni Joy
“Susubukan ko pong kausapin si Nica after my graduation party, Siguro bumalik na lang po kayo sa ibang araw” Aniya
“Salamat, ito yung contact number ko, and if still you don’t believe on us we can also do the DNA test para patunayan na anak namin ang bata” anito
“Sige po pag iisipan ko po yan. Tatawagan ko na lang po kayo”
“Salamat” anito na kinamayan sya bago pa man umalis.
“Kumain po muna kayo sa labas ipapaasikaso ko po kayo”
“Hindi wag na, May meeting ako ngayon at pumunta lang talaga kami to make sure kung nandito ang anak namin and if you don’t mind gusto sana namin magpalagay ng body guards dito sa bahay ninyo for the protection for her” Alok nito sa kanya.
“Wag na lang po, Inalis ko lahat ng body gusrds at binigyan ng ibang work ang mga body guards ko noon, I want a free life, actually I have body guards po but they are not wearing uniform for body guards even all my yaya kasi we are Family so I guess your daughter is protected na din naman with it.”
“Sige, I will just put na lang siguro ng mga hindi naka unipormeng bantay para hindi nyo maramdaman na hindi normal ang life nyo and no worries sa malayo lang sila, This is just for her protection, Ayaw kong mawala ulit ang anak ko, Pasensya ka na, Hindi na namin kakayanin pa ulit kapag nangyari yun.”
“sige bahala po kayo, as long as hindi makaka apekto sa normal na takbo ng buhay ko ayos lang”
“salamat”
ITUTULOY…..

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    GumenMae

    I love this Story because of Happiness and grateful

    13/10/2024

      1
  • avatar
    Nuksu Cultivator

    it's good 😊

    11/07/2024

      0
  • avatar
    Glaiza Mae C Cabate

    good

    19/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata