Homepage/FINDING A HAPPINESS (Moonstar in Paraiso Series 1)/
FINDING A HAPPINES(Moonstar in Paraiso Series 1)
PINAMULAHAN ng mukha si Jane sa hiya dahil sa tinuran ni Mila habang nakikinig, Ayaw nyang sumagot at baka mahalata sya ng mga ito kaya tahimik na lamang syang nakikinig sa usapan kahit na ang totoo gusto nya ng lamunin ng lupa sa hiya dahil sa pinagsasasabi ni Mila. Hindi pa ito nakuntento at bumalik pa. “Halata namang may gusto kayo sa isat isa” Anito “Hindi ahh” Magkasabayan pang sigaw nila “Sus, In denial” Anitong Pinarinig pa sa kanila ang malutong na tawa na sa tingin nya dinig sa buong bahay. Napatingin naman sya sa binata, Nasaktan sya sa sinabi nito pero hindi sya nagpahalata. Gusto nyang sabihin na sana hindi totoo yung narinig nya rito at in denial lang talaga ito kaya lang sampal na sa kanya ang narinig mula dito ngayon. Tama lang din na hindi nya sabihin dito na buntis sya at ituloy ang balak na pag alis pagkatapos ng kanilang graduation sa school. Ilalayo nya na lamang ang sarili at ang anak para hindi ito masaktan sa paglaki nito. “Kain ka na” Maya maya ay dinig nyang anang binata. Hindi nya namalayang naayos na pala nito ang mga pagkain. “salamat, Kain ka na din” Aniya sa binata, ayaw nya na munang makipagbangayan dito sa ngayon, Hindi sya makapag isip ng matino sa pakiramdam nya. Naguguluhan ang isipan nya. Tahimik at wala silang imikan na kumaing tatlo mula mag simula kumain hanggang sa matapos. Panaka nakay ninanakawan nya na lamang ng tingin ang binatang kaharap, Kung sana maibabalik ang panahon, Kaya lang hindi na at nandito na sya sa ganitong sitwasyon. Ayaw nyang pagsisishan na magkakaanak sya. “CONGRATULATIONS! I’m very proud and happy na dito ka nag graduate sa school na ito, You’ve done so much in this school dahil sa angking galing at talino mo, Hindi talaga maipagkakaila that you’re the daughter of Cassandra and Ezekiel. Ikaw ata yung equality ng katalinuhan nilang dalawa.” Puri sa kanya ng kanyang professor. “Salamat prof” “Too bad, wala sila dito sa ngayon to testify the very important moment of your life.” Malungkot na turan nito “Ayos lang po.” “But anyways, I know they are both proud of you and your achivements” anito “Excuse me maiwan ko muna kayo rito, babatiin ko lang yung iba pa” pagpapaalam nito “sure proof, ayos lang po kami rito, sya nga po pala invited po kayo for my graduation party sa bahay. No worries no invitation cards kaya makakapasok po lahat” imbenta nya rito. “Oh sure, Ill be there” Tumango naman sya ng nakangiti sa professor nya at siinundan na lamang ng tanaw ang pag alis nito papalayo sa kanila, Maya maya pa ay nakangiting lumalapit na mukha ni Johnny at Shiera ang kanyang namataan. “Congratulations” Ani Johnny sa kanya. “Salamat, congratulations din sa inyo. Ang daming nangyari at andami kong nalaman at natutunan dito sa school natin, Sana ikaw din madaming natutunan, You’re secret marriage isn’t that bad naman eh, Malay mo siya talaga ang para sayo, Kung hindi naman gagawa at gagawa ng way ang Dios for the both of you pero habang hindi pa, Try to see if you really not loving each other para hindi nyo pagsisishan sa huli ang mga desisyon nyo.” Aniya sa dalawa. “Thanks Jane, You’re really such a great friend, Pasensya na din sa lahat ng mga nangyari noon” “Ayos lang, Nakakatawa lang at naiinis ako sayo dati, Buti pala binasted kita kasi kung hindi baka kabit pala ako ngayon ahaha” Biro nya. “So may pag asa pala sana ako?” Ganting biro din nito “Pwede” Nagtawanan naman silang lahat sa kanilang biruan, “Thank you Jane sa palaging pagpapalakas ng loob ko and for being my bff dito sa school, sorry kung hindi kita pinagkatiwalaan noon on my situation for our secret marriage, Nage guilty ako kaya lang natatakot din akong ma judge until one day bigla na lang pumutok sa buong campus and until now hindi ko alam kung sino ang may pakana” Hinging paumanhin ni Shiera “anu ka ba ayos lang, Naiintindihan naman kita, ako din naman may mga bagay pa na hindi sinasabi sayo” “Ibig mong sabihin may secret na tinatago ka ngayon?” “H-ha? H-hindi, ang ibig kong sabihin ay meron din naman akong nasabi noon sayo na mga secret kagaya nong nalaman mo na isa ang family namin sa may ari ng school.” Pagtatakip nya sa naunang sinabi. “Ah, kaya gets gets, akala ko naman kung anung ibig mong sabihin, Baka mamaya may boyfriend ka na pala na hindi mo sinasabi tapos bigla ikakasal ka na pala naku sasakalin kita kapag ako ang huling makakaalam.” Anito “ Pero teka, Nitong mga nakaraan napapansin ko na parang ang blooming mo saka parang tumataba ka ng kunti, anung meron? May nanliligaw na ba?” dugtong na may panunukso pa nito “Ha, naku wala anu ka ba, Napaparami lang talaga ang kain ko masarap kasi magluto sila sa bahay” Aniyang iniwas ang tingin dito. “Sus! Yung totoo?” anitong kinalabit pa sya sa tagiliran “wala talaga swear” aniyang napadako ang tingin kay Jim na ilang dipa ang layo sa kanya at dinig din ang pinag uusapan nila, Ngunit nagsisi naman sya ng tingnan ito dahil tiinitingnan din pala sya kaya nagkatitigan sila. “Okay, Eh di wala, Sabi mo eh, Hindi ka naman marunong magsinungaling pero wait kanina mo pa hinihimas yung tiyan mo, Bakit?” Nag aalalang tanong nito Nabitawan nya naman bigla ang tyan at nabigla sa sinabi nito, Magaling talaga itong mag observe ng tao sa paligid kaya napapansin nito agad bawat gestures ng tao. “Ha? Ah eh w-wala, Medyo nagugutom lang ako at kanina pa tayo nakatayo rito” “sabi ko na nga ba gutom ka na eh, ito pagtiyagaan mo na muna” Anitong may kinuhang biscuit sa bag at binigay sa kanya, “Salamat” aniya, Totoo din namang nagugutom na sya lalo pa at ilang oras ng hindi sya nakakakain ulit. Maya maya ay nakarinig sila ng matinis na sigaw mula sa di kalayuan at patakbong papalapit sa kanila ito. “Jim, congratulations!” anitong tumakbo papalapit kay Jim at niyakap ito. Nagkatinginan naman silang lahat dahil sa ginawa nito ngunit patay Malisya na lamang sya. “May, Anung ginagawa mo dito?” Sinig nyang tanong ni Jim “Syempre umattend at binabati ka” “kanina ka pa nandito?” “Oo” anito “Acting like she is the girlfriend ha” Mataray na ani Shiera “Uy baka marinig ka” saway nya sa kaibigan. “Kasi naman kung maka react talo pa ang Jowa, Tell me sila ba?” “I don’t know, Sa nakita nating reaksyon baka nga sila” Aniya “Hmmm, teka bat parang naging kakaiba yung atmosphere, Selos ka?’ “Ha? Bat naman ako magseselos?” Nagtaka sya ng mawala ang ingay na naririnig nya kanina sa paligid nya at ng mag angat sya ng ulo ay sa kanya naktingin ang mga nasa paligid nya. Nang tingnan nya si Jim ay matiim ang tingin nito sa kanya. “I mean bakit naman ako magseselos? Saan naman? Ikaw talaga mapgbiro ka” Biglang bawi nya. “Mga anak, Halina kayo at umuwi na tayo andyan na si Pepeng” Maya maya ay aya ni Medeng na kahit hindi sabihin ay alam nyang naiinis sa ginawang agaw eksena ni Maylene. Alam nyang mabigat ang loob nito kay Maylene. Noong una gustong gusto nya ito pero nong napansin nito na may mali sa ugali ng babae ay inayawan na nito.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (21)
GumenMae
I love this Story because of Happiness and grateful
I love this Story because of Happiness and grateful
13/10/2024
1it's good 😊
11/07/2024
0good
19/06/2024
0Tingnan Lahat