Homepage/FINDING A HAPPINESS (Moonstar in Paraiso Series 1)/
FINDING A HAPPINESS (MOONSTAR IN PARAISO SERIES 1)
“NAKU namang bata ka saan ka ba nanggaling at kaninang umaga pa kami nag aalala lahat sayo” Nag aalalang mukha ni Medeng ang sumalubong sa kanya pagka baba nya ng kanyang sasakyan. Napakunot naman ang noo nito ng mapansing iba ang nasa driver’s set saka lamang nito naisip na may kasama pala sya. “Sino yang kasama mo?” Nagtatakang tanong nito. “S-si Tito Jake po” Aniya “Huh? Bakit mo sya kasama?” Hindi nila namalayan na nakababa na ang doctor na naghatid sa kanya, Ito na ang sumagot sa tanong ni Medeng. “Pumunta sya sa akin kanina para mag pa check up. Kaya lang nahilo kaya pinatulog ko muna sa clinic kaya lang maghapong nakatulog, Nawala din sa isip ko na tawagan kayo Nay Medeng dahilsobrang busy maghapon, Nakalimutan ko mas grabe po kayo mag alala kaysa sa kanya noon pa man” Mahabang paliwang ni Jake na napahagikhik ng mahina sa huling tinuran bagamat ito ay totoo naman. “Ikaw talaga hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago iho, Pero teka, iha may sakit ka? Bakit hindi mo sinabi at bakit ikaw ang nag drive? Dapat nagpasama ka baka kung anu pa ang nangyari sayo” Nag aalalang baling ni Medeng sa kanya. “Ayos lang po Nay, wala naman po nangyari sa akin eh” Walang gana na tugon nya, Pagod ang pakiramdam nya at gusto nyang magpahinga at matulog. “Wag na po kayong mag alala, Over fatigue lang po ang nararamdaman nya, Kailangan nya lang ng mahabang pahinga, Baka nasobrahan na po kasi sya sa pag aaral.” Pagtatakip naman sa kanya ng Doctor “Ah ganon ba? Sige, Sya dito ka na maghapunan, Ipapahatid na lang kita mamaya kay Pepeng.” “Sige po salamat, Pero wag nyo na po ako ipahatid nagpasundo na po ako sa driver ko.” “Ah di kung ganon, Habang naghahantay maghapunan ka na muna dito, Ipapahanda ko na ang mga pagkain” “Salamat po.” “Nay, Kayo na lang po kumain ha? Wala po akong gana eh, Gusto ko na po matulog at mag pahinga” Pagpapaalam nya naman. “Ha? S-sigurado ka? Gusto mo bang pahatiran na lang kita sa kwarto mo ng makakain” “Wag na po” tanggi nya. “Iha kailangan mo yan para lumakas at gumaling ka kaagad.” Pag sang ayon naman ni Jake na matiim syang tinitigan at tila sinasabi ‘Hindi mabuti sa dinadala mo na wala kang kinakain’ “Sige po nay padalhan nyo na lang po ako kay ate Mila saka samahan nya po ng papaya na may gatas, saka pasuyo na lang din po sana muna kay Nica baka hindi po yun kumain ng hind ako kasama.” Aniya. “Oo nga eh, ewan ko ba sa batang yun, Bakit sobrang dikit na dikit sayo siguro kasi ikaw yung nakita nya na pwede pagkatiwalaan lang dahil sa mga naranasan nya. Kanina ayaw ding kumain kung hindi pa pinakiusapan na kumain, Iniintay ka talaga” “Sige po kapag ayaw nyang kumain kasama nyo, Isama nyo na lang po sya sa kwarto sabihin mo na sabay na lang kami kumain sa kwarto ko.” Bilin nya bago tuluyang pumasok. Nakasalubong nya naman si Jim, Malamig ang titig nya sa lalaki at aakmang lalagpasan nya ito ng hawakan sya nito sa kamay. “Jim, Bitawan mo ako.” Malamig ang boses na Pagpupumiglas nya sa lalaki. “Saan ka nanggaling?” May bakas ng pag aalala na tanong nito. “Anung pakialam mo?” “Jane, Marami kaming nag aalala na baka kung anu na ang nangyari sayo.” “Acting like a boy friend? Or a good husband to be? Jim ipapaalala ko lang hindi kita asawa para alamin lahat ng kilos at galaw ko.” “Hindi kita asawa pero responsibilidad ka na namin mula ng namatay ang mga magulang mo, Responsibilidad ka na nina nanay at tatay simula ng mangako sila sa tito Andrew mo alam mo yan. Kailan mo ba makikita yun? Kapag may nangyari sayo anu na lang ang sasabihin nila? Na hindi tinupad ng mga magulang ko at pamilya ko ang pangako nila sa mga magulang mo? Jane, Kaakibat ng Responsibilidad nila, responsibilidad na din kita dahil tinuturing kang anak ng mga magulang ko” Nasaktan sya sa tinuran ng lalaki ‘Responsibilidad’ Oo nga naman, Responsibilidad lang talaga sya dahil sa pangako ng mga magulang nito pero ang mahalin sya ng lalaki ngayon nya nakitang malabo pala. “Oo nga naman, Responsibilidad nyo pala ako, Pero sa pagkakaalala ko magulang mo ang nangako sa mga magulang ko, Hindi ikaw mismo, Kaya wag kang umasta na parang ikaw ang mas may mabigat na responsibilidad sa akin, Jim, KABABATA lang kita, Hindi kita kapatid, hindi ka anu ano, at mas lalong hindi kita kailangan, Kaya diba dapat ang pinagtutuunan mo ng pansin yang girl friend mo?” Aniya na diniinan pa ang kababata saka nagtangkang umalis. “Jane, Maki----“ “Bitawan mo na ako Jim, Kung ayaw mong makalikha tayo ng gulo sa bahay.” Madiin at mahinang saad nya na sinigurong hindi makakalikha ng kahit na anung ingay na makakaagaw ng atensyon ng mga tao na nag aaway sila. Wala naman itong nagawa kundi ang bitawan na lamang sya, Pagkatalikod nya dito saka naman bumagsak ang kanina pa pinipigilang luha na kanina pa gustong mag umalpas sa kanyang mga mata, Pagkapasok ng pinto ng kanyang kwarto ay saka naman sya napahagulhol. Binuhos nya ang sarili sa pag iyak ng pag iyak hanggang sa sya ay mahimasmasan, Maya maya pa saka naman sya sumilip sa bintana at napakunot ang kanyang noo sa nakita, Naroon na naman ang kotse na palagi nyang nakikita, Nagdududa na syang tila may minamanmanan ito sa lugar nila pero napapaisip din sya kung sino, Anu at bakit. Maya maya ay nakarinig sya ng katok sa pintuan. “Pasok” Sigaw nya “Oh ito na pagkain mo, Naku ikaw na bata ka saan ka na naman nanggaling, Pinag alala mo lahat sayo” “Ate Mila talaga, Isa ka din na wagas talaga kung maka react eh, hindi na ako bata para mag alala kayo ng sobra” “eh, Papano ba naman kasi, Umalis ka ng bahay ng walang paalam, dinala mo yung kotse mo hindi ka naman expert in driving hello? Nag aaral ka pa lang sa pag da drive gets mo NAG AARAL, Wala ding update buong arawkung may kumidnap na ba, Kung buhay pa ba, Hello Te? Muntik ka na pong mabaril nong bata ka pa sinong di mag aalala” Anito habang ginagawa ang iba ibang reaksyon. “Kayo naman, ag tagal naman na po non, Hindi nyo pa rin nakakalimutan, Wala na po si tita Tanya wala na si shine, Hindi na dapat po ako mabuhay sa takot” “Alam mo naman hindi namin maiwasan din ang mag alala lalo na hanggang ngayon nag mommy at daddy mo hindi pa din nakikita, Pamilya na ang turing namin sayo kayo syempre mag aalala kami, Baka mamaya yung kalaban ng magulang mo nasa tabi tabi at gusto ka ding puntiryahin.” Anito na bakas ang pag aalala. Saka nya naalala ang kotse ma palaging nakikita. “Ate Mila? Napapnsin nyo din po ba yang kotseng palaging nakaparada malapit sa atin?” “Huh? Saaan?” “Halika” Iginiya nya ito sa bintana. “Oh anung meron dyan?” nagtatakang tanong nito. “Para po kasing araw araw po yan nandyan, Minsan meron din po akong napapansin na parang may minamanman, Sa tingin nyo sino po kaya yan?” “Naku baka naman nagkakamali ka lang?” anito ngunit bakas ang pag aalala. “Siguro po” ITUTULOY………
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (21)
GumenMae
I love this Story because of Happiness and grateful
I love this Story because of Happiness and grateful
13/10/2024
1it's good 😊
11/07/2024
0good
19/06/2024
0Tingnan Lahat