logo text

FINDING A HAPPINESS(Moonstar in Paraiso Series 1 )

HINDI na muling makatulog si Jane tila naman sya nakarinig ng ingay sa labas at sa kuryusidad na malaman kung anu ito ay naisipan nyang lumabas sa kanyang kwarto ngunit tila pinagsisihan nya ang kanyang paglabas ng marinig ang usapan sa kusina. Nasasaktan sya sa kanyang mga naririnig. Ngayon nya naisip kung anu kaya ang halaga ng nangyari sa kanila sa binatang nakaniig kagabi.
Ni hindi man lamang nito kinontra ang pang aasar dito ng driver nila na tila ba inaamin nitong totoo na may gusto ito sa kay M aylene. Namilog ang kanyang mga mata ng mamataan na pumasok si Maylene galing sa kung saan at nagsitahimikan ang lahat.
Ang awkward siguro ng pakiramdam ng mga ito dahil ang babaeng oinag uusapan nila kani kanina lang ay nandyan, Napapaisip din sya kung narinig ba nito ang usapan sa kusina.
“Nay magluluto na po ako” Narinig nyang saad ni Jim
nito.
“Sya sige at ako ay tutulong na lamang sa paghahanda ng mga gagamitin mo sa pagluluto iho.” Ani nanay Medeng naman
“Sige po inay, Salamat. Tulog pa naman ata si Jane kaya makakapagluto pa ako hanggang sa magising sya.” Anito ulit.
Nang hindi nya inaasahan ang ginawa ni Maylene. Nilapitan nito ang binata.
“Tulungan na kita.” Anito na hindi sinasadyang nahawakan ang kamay ng lalaki
Sumisikip ang kanyang dibdib sa nakikita na tila ba namumuo ang takot sa kanya dahil sa nakikitang sitwasyon ngayon na tila ba kapag hindi naingatan ay mawawala sa kanya si Jim.
“Salamat.”
Hindi man lamang ito tumanggi, Nag iba ang kanyang awra sa narinig dahil iba ito sa kanyang inaasahan. Inaasahan nyang tatanggi ang binata ngunit tila masaya pa ata ito sa pag tugon sa alok nito na tila ba parang gustong gusto pa nito na kasama ang babaeng yun.
“Hindi ganyan ang paglalagay nyan, Tatalsik yan kapag ginanyan mo” Anang babe
“Ganon ba yun? Pasensya na matagal na din kasi akong hindi nakakapagluto”
“Ayos lang, Turuan na lang kita, Hindi kasi naman talaga gawain ng isang lalaki ang pagluluto kung may pamilya na sya, Dapat ang gumagawa noon ay ang asawa, Pero alam mo ikaw ma swerte ang mapapangasawa mo kasi nag eeffort ka na matuto magluto.”
“Hehe, Gusto ko kasi matuto mag luto para sataong mahal ko, Gusto kong makita nya balang araw na handa akong ipagluto sya, Paghainan, at gagawin ko yung lahat para sa kanya.” Nakangiting sambit nito.
“Talaga? Wow! Parang gusto ko tuloy malaman kung sino yung babaeng gusto mo? Meron ba? Nandito ba sya?”
“Hmmm, Sa ngayon secret ko na muna yun pero nasa tabi tabi lang yun, Hindi ko nga alam bakit ko yun bigla na lamang minahal.”
“Talaga? Mahal mo sya? Anung malay mo mahal ka din nya” Ani Maylene na tila ang iniisip nito ay gusto ito ng binata. Malapad ang ngiti nito at namataan sya na nakasilip sa pintuan na hindi nya napansing nakita sya nito dahil lumilipad ang kanyang isipan sa kung saan dahil sa pait na nararamdaman.
Tumagilid naman ang babae at nilapitan si Jim ang nakita nya na napakalapad ng pagkakangiti na tila ba ito ay may nalaman kaya ganito ito kasaya at inakbayan saka binulungan na nagmukhang naghalikan sa pisngi ang lalaki ganon din ang ginawa ni Jim.
Napakuyom sya ng kanyang kamao, Kagabi lang pinagsawaan sya nito at nagpakasasa sa kanya ngayon ito sya at harap harapan agad na ipinagpapalit sa iba. Nagkaaminan na ba ang mga ito? Nagkakagustuhan talaga ang mga ito? Ang sabi ni Jim ‘Nasa tabi tabi lang’ Ibig sabihin si Maylene ang tinutukoy nito?
Napayuko na lamang sya dahil sa nakikita hindi nya na kaya ang natutunghayan ngayon.
“Ate Jane?” Maya maya ay may kumalabit sa kanya.
“Oh, Nica? Bakit lumabas ka na ng kwarto? Maayos na ba ang pakiramdam mo?” Nag aalalang tanong nya ng mapansin na si Nica pala ito.
“Opo, Magaling na po ako, Kaya ko na po.” Anito
Ngumiti naman sya ng mapansin na masigla na nga ang bata at namumula mula na ang pisngi at ang labi nito hindi kagaya ng una nila itong matagpuan na napakaputla at tila kunti na lang ay mawawalan na ng buhay. Sinipat nya ang noo nito at ang leeg.
“Hindi ka na nga nilalagnat at hindi ka na din namumutla, Magaling ka na.” Aniyang nagalak ang puso, Nawala bigla ang isipin nya sa dalawang naghaharutan sa kusina at nabaling sa napakagandang anghel na nasa harapan ngayon. Oo maganda pala talaga ang bata, Tila hindi ito anak ng isang mahirap lang dahil sa ganda ng mala porselanang kutis nito na sa tingin nya ay mas lalo pang gaganda kung maaalagaan ng mabuti at maayos.
“Halika pumunta na lang tayo sa playground ko nong bata pa ako, Pwede kang maglaro doon total wala ng gumagamit.” Aniya, Hindi nya pinasira yun dahil ala ala yun sa kanya ng kanyang mga magulang at kahit nong si Tanya na ang asawa ng tito Andrew nya hindi nito yun pinapagalawa sa babae kahit pinagpipilitan nito ang renovation noon sa bahay. Walang nagalaw sa kahit na anu sa bahay nila at nanatili sa kung anu ang ayos nito noon na ipinagpapasalamat nya sa kanyang tito.
“Wow! Ate Jane, Ang laki po ng palaruan mo, Parang isang buong bahay na to namin nina inay at itay. Why there is no other children here po?” Anito
Napakunot naman ang noo nya sa kanyang narinig kay Nica.
“W-what did you just say?”
“Sabi ko po, Why there is no other children here? Are they banned to go on this area? Or hmmmm, You do not have any neighbor outside?” Lalong napakunot ang noo nya sa tinuran ng bata.
Hindi doon sa sinabi nito na wala silang kapit bahay, meron naman kaya lang malamang wala naman silang mga bata sa loob sinong mag aaya ng batang labas para maglaro sa loob ng palaruan nya? Alangan namang sya busy sya sa pag aaral at kilala nya din ang mga katulong nila,Malaki ang respeto ng mga ito sa kanya. As much as possible ayaw ng mga ito pangunahan ang desisyon nya.
“Why are you so fluent in speaking english? Where did you learned it?”
“P-po? T-tinuruan lang po ata ako nina inay at itay, s-saka sa Video daw po sa celphone.” Hindi siguradong at nag iisip na saad nito na tila nagtataka din kung bakit nakakapag english ito.
“Ah ganon ba, ang galing naman ng nanay at tatay mo, sige maglaro ka na dyan, pababantayan kita kay ate Mila, Aalis lang ako saglit mamaya babalikan kita para mamili ng mga gamit mo.”
“Opo.”
ITUTULOY……..

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    GumenMae

    I love this Story because of Happiness and grateful

    13/10/2024

      1
  • avatar
    Nuksu Cultivator

    it's good 😊

    11/07/2024

      0
  • avatar
    Glaiza Mae C Cabate

    good

    19/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata